You are on page 1of 8

MODULE 11

BALIKAN

Batay sa mga naging pahayag ng mga partikular na indibidwal, paano mo maipapakita


ang pagpapahalaga sa wikang Filipino?

Answer: Maipapakita ko ang pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamaraan na patuloy na pagtilik at


pagmamahal sa sariling atin. Lubos ko pang papalawakin at papaunlarin ang aking pang-unawa tungkol sa
wikang Filipino. Lahat ng Pilipino ay may tungkulin. Dapat nating pagyamanim at mahalin ang ating wika
sapagkat atin ang wikang ito.

Pagsasanay 1

1. Wikang Ingles - Ang


wikang Ingles ay ang pangkalahatang lengguwahe. Ito ang
lengguwahe na ginagamit upang makipag-ugnayan at makipagkomunikasyon
ang mga tao sa mga banyaga. 

2. Midyum - Ang midyum ay tumutukoy sa instrumento o kasangkapan na


nagiging daan upang maipahayag o maisagawa ng isang tao ang kanyang nais.
Gaya na lamang sa pakikipag-ugnayan ng tao, ang nagsisilbing midyum ay ang
wika.

3.Wika - Ang wika ang sumasalamin sa lipunan na kinabibilangan ng isang tao.


Ito ang isa sa pinagkikilanlan ng bawat bansa. Ang wika ang ginagamit upang
maipaabot ang kaisipan at damdamin sa paraang pasulat at pasalita.

PAGSASANAY 3

1. Ang wika  bilang instrumento sa kapangyarihan (De Quiros 1996)


Ako ay sang ayon, ang wika ay isang makapangyarihan sapagkat ito ay
nagpapayag ng layunin at damdamin ng tao sa kanyang mga naisin at
adhikain. Ang wika ay nagsisilbing batayan sa kapangyarihan sapagkat
nabibigyang diin nito ang kagustuhan ng tao sa pamamahala.
2. Ang wika bilang susi sa  pagbubuklod ng sambayanan (Arao, 2010)
Ako ay sang ayon, sapagkat naipapahiwatig ng wika ang damdamin at
adhikain ng bawat pilipino. Nagiging batayan ito sa pagpapalaganap ng
ideolohiya sa bawat tao.
3. Ang wika bilang instrumento sa  pagpapayaman ng edukasyon at kaalaman
(Constantino 1996)
Ako ay sang ayon, sapagkat ang wika ay ginagamit sa pagbibigay linaw at
saysay sa pagututro at paglilinang ng kasipan ng isang tao. Nakaktulong
ito bilang instrumento upang mas maintindihan ng tao ang mga
pinagaaralan.

4. Ang wika bilang  instrumento sa pamamahayag (Arao, 2007),


Ako ay sang-ayon sapagkat ang wika ay makapangyarihan sa larangan ng
pamamahayag sapagkat ito ay nagbibigay impormasyon na nakakaapekto
sa pananaw ng tao sa lipunan. Sa pamamhayag nagiging mas aktibo ang
tao sa pagbibigay linaw sa mga isyu at paglinang ng importansya nito.
5. At sa kabuuan, ang wika bilang isang  tagapag-unlad at tagapagpalaya
(Geronimo, 2012)
Ako ay sang-ayon, sapagkat ang wika ang nagbuuklod sa tao para
malinang ang kanilang kakayahan at pakialam sa bayan. Dito rin
nagmumula ang adhikain at prinsipyo ng tao na makakatulong sa
pagpapaunlad ng bansa.

ISAISIP

1. Ano ang iyong magagawa upang mapaunlad ang wikang Filipino?

Ang aking magagawa upang mapaunlad ang wikang Filipino ay


pahalagahan at mahalin at huwag ikahiya kung ano ang meron tayo at bigyang
oras ang iba upang maturuan at maipagyabong pa ang ating wika.

2. Sa kasalukuyang nangyayari sa wikang Filipino, anong paraan ang iyong magagawa


upang higit itong makilala?

Maraming paraan upang maipakita o makilala ang wikang Filipino, isa sa pinaka karaniwan ngayon
ay ang paggamit ng teknolohiya . Sa
panahon natin ngayon na tayo ay nakadepende sa
teknolohiya ito ay ang maari nating gamitin upang higit na makilala ang ating
sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito sa mga social media sites
upang makilala at mapansin nang nakakarami ang kahalagahan ng wika.
3. Bilang isang mag-aaral, makatutulong ba sa iyo ang pagiging bihasa sa pagsasalita
ng wikang Ingles?

Bilang isang mag-aaral masasabi ko na makakatulong sa akin ang pagiging bihasa sa


pagsasalita ng Wikang Ingles dahil magagamit ko ito sa aking pakikipag-usap sa iba't ibang
tao lalo na sa mga dayuhang tao sa ating bansa na maaari kung makasalamuha at makausap
sa pang-araw-araw. At isa pa bukod sa magagamit at makatutulong ito sa akin ay
makakaalam din akong panibagong mga salita sa Wikang Ingles na kalimitan ay hindi ko pa
alam.

ISAGAWA

Sumulat ka ng isang maikling sanaysay na nagpapakita ng iyong opinyon


tungkol sa binasang pagtalakay sa wikang pambansa.
Ang ating wikang pambansa ay ang Filipino. Nararapat lamang na ito ay
ating gamitin, pahalagahan, at pagyamamin. Marami ang nagtatanong kung sa
paanong paraan daw natin ito mapapayabong at mapapahalagahan. Ang
simpleng paggamit nito nang pasalita at pasulat ay makatutulong na upang
maipakita natin ang ating pagpapahalaga at upang ito ay ating mapayabong pa.
Kung lahat tayo ay nagagawang ito, marahil ay maibabahagi rin natin sa ibang
lahi ang ating kaalaman at pagmamahal sa ating pambansang wika. Sa social
media sites ay maaari nating ibahagi ang mga impormasyon tungkol dito. Higit
lalo na tungkol sa wastong babay ng mga salita at wastong balarila o gramatika.

Kahit na may iba-iba tayong dayalekto, nagkakaintndihan pa rin tayo dahil


sa wikang pambansa kaya para sa akin malaki ang parteng ginagampanan ng
wikang pambansa sa ating mga Pilipino. Sa tingin ko, kung wala tayong wikang
pambansa, hindi tayo magkakabuklod buklod lalo na sa negosyo. Hindi
maiaangkat ng isang lalawigan ang kanyang mga produkto sa iba dahil hindi
sila magkaintindihan.  
Upang mas malinang natin ang wikang pambansa, mahalagang huwag itong
alisin bilang “medium of instruction”sa mga paaralan upang kahit papaano’y
matuto na ang mga kabataan kahit sa murang edad pa lamang. Ipaintindi natin
sa mga bata ang kahalagahan nito upang mahalin nila ang wika at matuto
silang makipag-usap sa iba pang Pilipino pagdating ng panahon na
kinakailangan na ito.

KARAGDAGANG GAWAIN

Ipaliwanag ang pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opinyon tungkol


dito.
“Ang wika ay nagsisilbing salamin ng kultura ng isang bansa”

Ang ibig sahihin ng wika ay nagsisilbing salamin ng kultura ng isang


bansa. Ang wika ay iba-iba sapagkat ito ay koleksyon ng iba’t-ibang simbolo at
mga salita na nagpapahayag ng kahulugan. Sa pamamagitan ng wika
naipapahayag ng isang tao ang kanilang kaisipan,saloobin at nararamdaman
Ang wika ay nagsisilbing salamin ng kultura ng isang bansa sapagkat sa
pamamagitan ng wika malalaman ng isang tao kung saang bansa nagmula ang
isang tao. Ito ang paraan upang makakilanlan ang bawat isa. Ang wika ay
nagiging daan upang magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan ang isang
tao.  Ang wika ang nagsisilbing tulay upang magkaroon ng ugnayan ang bawat
isa.
MODULE 12

BALIKAN

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng kasaysayan ng wikang pambansa sa ating lipunan?

Ang wikang pambansa ay isa sa pinakamahalagang yaman ng ating bansa. Ito


ang nagpapakilala kung saan tayo nagmula bilang isang mamamayan ng ating
bansa. Sinasalamin nito ang mga pinagdaanan nito bago pa man dumating
ang mga dayuhan sa ating bansa. Ang wikang pambansa ang
magpapatunay na talagang mayaman ang ating wika. Ang wika ang
nagsilbing instrumento upang magkaroon ng mabuting ugnayan ang mga
tao sa kanyang ginagalawang lugar.

2. Paano ito nakatutulong sa kamalayan ng isang mamamayang Pilipino?

Nakatulong ito sa kamalayan ng bawat Pilipino dahil dahil nagkaroon ng


pagkakabuklod-buklod ang mga tao dahil sa Wikang nagdudugtong sa bawat
isa. Si  dating Pangulong Manuel L. Quezon na Ama ng Wikang
Pambansa na kung saan idiniklara ang Wikang Filipino batay sa Tagalog bilang
wikang pambansa. Naging matagumpay ang mga adhikain ng ating mga bayani
dahil nagkaroon ng isang wika na kung saan magiging susi ng paglaya.

GAWAIN BLNG 1: Mula sa binasang akda, anong uri ito ng sanaysay? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

Ang uri ng sanaysay sa binasa kong akda ay ‘di pormal, sapagkat ang
sanaysay na ito ay may mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng
personalidad ng manunulat at tumatalakay din sa mga paksang karaniwan,
pang araw- araw at personal ng isang tao.

Gawain bilang 2: Tukuyin ang mga bahagi ng sanaysay mula sa akdang binasa. Isulat ang sagot sa
talahanayan na nasa ibaba.

Simula:
- Gaano ko na nga ba kakilala ang aking pamilya at lubos ko na bang kilala
kung sino ba talaga ako, bilang ako?
Gitna:
- Sa aking pag kakakilala sa aking sarili ako ay isang tao na hinding hindi titigil
sa isang bagay na aking nasimulan. Sa paaralan,tahanan,sa trabaho, o saan
mang lugar ako mag punta ay hinding-hindi ako mag iiwan ng isang bagay na
aking nasimulan na hindi ko natatapos.

Wakas:
- Sabi nila walang ibang nakakakilala sa atin ng lubusan kundi ang ating sarili
lamang. Kaya dapat kilala natin kung sino ba tayo at kung ano ang tunay na
tayo.

Gawain bilang 3: Bumuo ng sariling pagwawakas na mula akdang binasa at tukuyin ang mahahalagang
kaisipan na nakapaloob dito.

Nakikilala ko ang aking mga sambahayan gaya ng pagkakakilala ko sa aking


sarili, nagdaramdam din sila kagaya ko. Gusto kong kamtin ang aking mga
pangarap na may pagsisikap. Magagawa ko pasiyahin ang pamilya sa paggawa
ng ibat-ibang gawain sa tahanan. Pagdating naman sa kaibigan, di sila gaanong
marami, sapagkat aanhin mo ang maraming kaibigan kung sila naman ay
mapagbalatkayo, tunay kong inilalabas at ipinapakita ang aking kaugalaian sa
aking mga kaibigan at sambahayan.  
Nakikila natin ang ating sarili sa pamamagitan ng pagpapakatotoo sa sarili at
higit sa lahat ang pagmamahal ng tunay ng mga malalapit sa atin.

ISAISIP
Mula sa modyul 12, natutuhan kong ang Sanaysay

Sa aralin ito, natuklasan ko na ang sanaysay ay isang uri ng komposisyon


na naglalaman ng kuro o opinyon ng may akda maaring ito ay isinulat upang
bigyan ng impormasyon manghikayat o para mailahad ang nais ipabatid ar
nararamdaman nga manunulat.
Mula sa modyul 12, nais ko pang matutuhan

Nais ko pang matutuhan ang iba’t-ibang saklaw ng mga aralin sa wikang Filipino, partikular na ang
mga aspeto ng pag-usbong ng wikang Filipino sa ating bansa – kung paano, saan, at kalian nagsimula ito. At
nais ko ring matutunan ang iba pang mga paksa na nilalaman ng modyul 12.

KARAGDAGANG GAWAIN
Sa iyong sagutang papel, magtala ng maaaring maging paksa sa sanaysay na
sumalasamin sa kalagayan panlipunan.

1. Ang pag usbong ng COVID-19


2. Ang kahirapan sa bansa
3. Mga korupt sa Pamahalaan
MODULE 13

BALIKAN
Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahulugan ng sanaysay?

Ang kahulugan ng sanaysay ay "essay" sa Wikang Ingles. Ang sanaysay ay


isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito.
Ang isang sanaysay ay may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang mga sanaysay
ay may layong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman,
magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.

2. Bakit mahalagang malaman ang uri at elemento ng sanaysay sa pag-aaral ng wika?

Mahalaga na malaman ang uri at element ng sanaysay sa pag-aaral ng


wika sa kadahilanang upang makapaglahad ng malinaw at mauunawaan ng
mas madali ang sanaysay sa pagpapahayag ng impormasyon.

TUKLASIN
Paano mo masasabing ang mga pahayag ay sanhi o bunga? Ipaliwanag.

Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito


ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari. Ang bunga naman ay
ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng kadalinanan
ng pangyayari.
Kaya naman masasabi ko na ang pangungusap ay sanhi kapag ang
isinasaad sa pangungusap ay ang pinagmulan o dahilan ng pangyayari, at
bunga naman kapag ang resulta o kinalabasan ang isinasaad sa pangungusap.

PAGSASANAY 1.3
Bumuo ng maikling talata na nagpapahayag ng ugnayang sanhi at bunga. Gamitin ang
ang mga sumusunod na pang-ugnay.

a. kaya,
b. sapagkat,
c. dahil dito,
d. buhat nang,
e. bunga nito,
Nag-aral ng Mabuti si Ana kaya matataas ang nakuha niyang marka sa lahat ng
pagsusulit na binigay ng kanilang guro. Nagkamit din siya ng ibat-ibang
karangalan sapagkat siya ang nanguna sa kanilang klase, Dahil dito labis ang
katuwaang nadarama ng kanyang mga magulang dahil alam nila na
pinaghirapan itong Mabuti ng kanilang anak, Dahil dito naging mabuting
halimbawa si Ana sa kanyang mga nakababatang kapatid nais din nilang
tularan ang kanilang ate sa kasipagan nito sa pag-aaral. Buhat
nang tuamanggap ng ibat-ibang karangal si Ana naging tanyag siya sa kanilang
paaralan,marami ang humanga sa kanya na kapuwa niya mag-aaral. Bunga
nito mas lalo pang pinag husay ni Ana ang kanyang pag-aaral dahil nais niyang
mas maging mabuting halimbawa sa kapuwa niya kabataan. Gayon din nais
niyang matupad ang lahat ng kanyang mga pangarap at makatulong sa
kanyang mga magulang.

ISAISIP

Gamit ang teknik na Three Minute Review. Isulat ang naging pag-unawa sa paksang tinalakay sa aralin
nang may pag-aantas.

 GANAP NA NAUNAWAAN - naunawaan ko kung ano ang sanhi at bunga ( ang sanhi
ay isang pangyayari na maaring humantong sa bunga o kaganapan na hahanapan natin ng
solution. Ang bunga naman ay ang kinahantungan ng sanhi kung saan nahanapan na ng
solusyon o Paraan ang sanhi/kaganapan
 BAHAGYANG NAUNAWAAN - naunawaan ko kung paano matukoy na sanhi o bunga
ang isang kaganapan at kung ano ang mga Pang-ugnay dito.
 KAILANGAN PANG-MAUNAWAAN - kailangan ko pang maunawaan kung paano
gamitin ang mga Pang-ugnay sa sanhi at bunga ( kailangan ko pang maunawaan kung
paano gumawa ng sanhi at bunga)

ISAGAWA

Ang mga mag-aaral ay makatutulong sa pagpapalaganap ng wikang


pambansa sa simpleng paggamit nito at pagbabahagi nito sa kaniyang kapwa
maging Pilipino man o banyaga. Ang paggamit ng wika ay nagpapakita lamang
na ikaw, bilang isang Pilipino, ay ginagamit ang iyong sariling wika. Higit lalong
mapapalaganap mo ang isang bagay kung ito ay iyong ginagamit at minamahal.
Ang pag-aaral din ng ating wika ay makatutulong upang ikaw ay maging
matatas at mas maalam pa sa nasabing paksa. Ang pag-aaral ng wika ay
nagbubunga ng kaalaman, pagmamahal, at pagpapahalaga rito. Bukod pa roon,
malalaman mo rin ang mga naging mayamang kasaysayan ng ating wika,
kultura, at lahi.
KARAGDAGANG GAWAIN
Bumuo ng pangungusap gamit ang ugnayang sanhi at bunga.

Sanhi: Si Rey Allen ay hindi nag-aral at naglaro lang ng online games


Bunga: Siya ay nakakuha ng mababang marka

You might also like