You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


Pablo Borbon Main Campus I Batangas City Philippines 4200
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate program
Tel. No. (043) 980-0385 l0cal 1128

Sarah Q. Agon
MAED-FILIPINO
FLT 504-Ebalwasyon sa Kagamitang Panturo

 I. PANIMULA:
Sa bawat pagpunpunyagi at pakikipagsapalaran natin ay kaakibat ang
mga bagay na kinakailangan upang malaman kung natamo ba ang layuning
inaasam. Ang mabilis na pagbabagong nagaganap sa paligid na hatid ng
globalisasyon ay naggigiit at humihingi ng makabagong pag-aaral sa wika at
panitikan Kinakailangang tugunan ng Edukasyon ang pangangailangang ito. Ang
pagbubuo ng mga Pagsasanay ay nagsisilbing kongkretong patibay ng pagtugon
ng edukasyon sa hinihingi ng nagbabagong panahon. Subalit hindi lamang dapat
maging reaksyunaryo ang Edukasyon, lalo na ang gurong nasa likod ng pagbuo
ng mga pagsasanay. Kinakailangan ang mapanuri at mapagmuning pag-uunawa
sa pagbabagong ito upang makatiyak na magiging makabuluhan at kapaki-
pakinabang ito sa lipunang Pilipino lalo na ang mga kabataang nagsipag-aral. Ito
ang nagsisilbing gabay ng guro sa pagtataya ng kakayahang natamo ng mga
mag-aaral pagkatapos na maisagawa ang talakayan.

MGA LAYUNIN: Nilalayon ng may-akda ang makapag-ambag ng mga


kaalamang magagamit ng mg mag-aaral sa pag-aaral nila sa Filipino.
Makapagdudulot ito ng mga kaalamang higit na kapaki-pakinabang na kung saan
magiging epektibo ang kalinangan ng bawat mag-aaral. Ang sumusunod ay mga
tiyak na layunin ng Pagsasanay na ito.
A. Malilinang ang kritikal na pag-uunawa ng mga mag-aaral sa pagsagot
sa pagsasanay na kaugnay ng Wika at Panitikan;
B. Makapagpapakita sa pagpapahalaga sa pamamagitan nang maayos na
pagsagot bawat aytem ng pagsusulit;
C. Makapagbibigay sa kasagutan ng bawat aytem matapos makahihinuha
sa mga pahayag; D. Makasusunod nang tama at maayos sa mga panuto ng
pagsasanay.

II. DALOY NG NILALAMAN NG PAGSASANAY


Nababahagi sa dalawa ang pagsasanay na ito: may WIKA at PAGBASA.
Bawat bahagi ay may kaukulang pagsasanay na humihikayat sa mga
kasanayang kaalaman (Knowledge), pag-unawa (Comprehension ) , paglalapat
(Application ), pagsusuri (Analysis), pagbubuo (Synthesis ), at pagtataya
(Evaluation ) ng mga mag-aaral sa antas sekundarya. Talatanungan: Ang
Kasanayang Pangwika at Pagbasang natamo ng mga mag-aaral sa antas
Sekundarya.

MGA PAGSASANAY AT PAGSUSULIT SA WIKA AT PAGBASA WIKA

Pangalan:________________________Pangkat:_____Guro:________
Petsa:_________ ___Iskor:_____

I. Mga Bahagi ng Pananalita PANGNGALAN:


Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang sinalungguhitang salita
1. Ang mga estudyante ay nagrerebyu ng kanilang aralin. ______________
2. Bagong pintura ang paaralan. ______________
3. Umaawit ang mga babae. ______________

Page 1
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
Pablo Borbon Main Campus I Batangas City Philippines 4200
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate program
Tel. No. (043) 980-0385 l0cal 1128

4. Ang paggawa ay kinakailangan ng bawat tao. ______________


5. Naglalaro sa ilog ang mga bata. ______________
6. Mahusay umawit si Rico Puno. ______________
7. Tumatakbo si Ben sa plasa. ______________
8. Ang puto’t bibingka ay inilalako ko na. ______________
9. Idinaraos ang Edsa Revolution sa Luneta. ______________
10.Isang pigurin ang aking dala bilang pasalubong. ______________

PANGHALIP:
Panuto: Ibigay kung anong uri ng Panghalip ang sinalungguhitang salita ng
sumusunod na pangungusap.
1. Gumagawa sila ng sasakyang paghimpapawid. _____________
2. Deligasyon kami ng bansa sa pandaigdigang kumperensya. _____________
3. Dadalaw ako sa bahay- ampunan mamaya. _____________
4. Pupunta kami sa Singapore. _____________
5. Magsisibak sila ng kawayan. _____________
6. Bibigyan kita ng pera para iyong baon. _____________
7. Nag-aaral siyang mabuti upang pumasa. _____________
8. Kata na sa kantena. _____________
9. Pupunta tayo doon. _____________
10.Huwag ka nang magtanong. _____________

PANG-URI:
Panuto: Kilalanin kung anong bahagi ng pananalita ang sinalungguhitan sa
sumusunod na pangungusap.
1. Nanalo sa karera ang pinakamabilis. ______________
2. Ang mababait ay kinalulugdan ng lahat. ______________
3. Masarap ang luto ni inay. ______________
4. Ang masisipag ay masarap katrabaho. ______________
5. Maipagmamalaki ang matatalino. ______________
6. Umaasenso ang matitiyaga. ______________
7. Magandang tanawin ang aking namalas kanina. ______________
8. Kaakit-akit siya sa kanyang suot. ______________
9. Matarik ang daang aming nilakaran. ______________
10.Balingkinitan siyang babae. ______________

PANDIWA:
Panuto: Ibigay ang Bahagi ng pananalita ng sinalungguhitang salita ng
sumusunod na pangungusap.
1. Paupuin niyo sa sala ang mga dumating. _______________
2. Huwag mong gambalain ang mga nag-aaral. _______________
3. Mahusay ang mga umaawit. _______________
4. Estudyante ko ang bumibigkas. _______________
5. Inaasikaso niya ang papeles. _______________
6. Ang tumatakbo ay kapatid niya. _______________
7. Umalis na ang panauhing pandangal. _______________
8. Nagprotesta sila. _______________
9. Ang tumawid ay nasagasaan. _______________
10. Sumalok ako ng tubig sa banga. _______________

PANG-ABAY:
Panuto: Kilalanin kung anong bahagi ng pananalita ang may salungguhit sa
pangungusap. 1. Huwag mong alalahanin ang bukas. _______________
2. Maglilinis ang dito ngayon, ang doon ay magwawalis. _______________

Page 2
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
Pablo Borbon Main Campus I Batangas City Philippines 4200
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate program
Tel. No. (043) 980-0385 l0cal 1128

3. Hinahangaan ko ang mahusay umawit sa patimpalak. _______________


4. Maliksing umigtad ang manlalaro. _______________
5. Padapang kinuha ni Aljohn ang bola. _______________
6. Tunay na mabait ang ate ko. _______________
7. Ayaw na lumahok ang bata sa “Pageant”. _______________
8. Mahusay na binigkas niya ang tula. _______________
9. Kinagigiliwan ko ang talagang mahusay sa klase. _______________
10. Ang marami ay walang tiwala sa kandidato. _______________

PANG-UGNAY:
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa bawat pahayag.
Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
1.Sa simbahang Cathedral gaganapin ang kasal. _____________
2. Ipinuslit ni Abner ang tindang pagkain. _____________
3. Maging mayaman, maging mahirap ay kapwa tutungo sa hukay.
_____________
4. Masipag na ama si Mang Pedro. _____________
5. Ipinakikita ni Ruby ang huwad na pagmamahal. _____________
6. Labag sa kalooban ni Maria ang nangyayari. _____________
7. Maaaring umulan, maaaring umaraw ay tuloy pa rin ang kasayahan.
_____________ 8. Ang kanyang panukala ay alinsunod sa batas.
_____________
9. Matandang dalaga ang tiya ko. _____________
10.Malinis na kalooban ang taglay ng ale. _____________

PANG-ANGKOP: Panuto: Isulat sa patlang ang ginamit na pang-angkop sa


sumusunod na pahayag.
1. Mamahaling damit ang dala ko. ______
2. Bulaklaking terno ang pasalubong ng ina. ______
3. Naging ugat ng bangayan ang matabil na dila ng kapitbahay. ______
4. Mabagal at makupad na lakad ang ipinagawa sa kanya. ______
5. Kuripot na ale si aleng Juana. ______
6. Masigabong palakpakan ang tinanggap niya kanina. ______
7. Mahinahong pag-iisip ang dapat pairalin sa pagharap ng suliranin. ______
8. Kwentuhan nang kwentuhan kami kanina. ______
9. Sa mabahong lugal ako napadpad. ______
10. Tandaang mabuti ang sasabihin ko. ______

PANGATNIG: Panuto: Suriin at isulat ang uri ng Pangatnig na ginamit sa bawat


pangungusap.
1. Para makapasa’y mag-aral nang mabuti. ____________
2. Nadulas siya, paano’y di nag-iingat. ____________
3. Ako ba o siya ang ipadadala sa Taiwan? ____________
4. Nakaalis na kami ngunit siya’y hindi pa tapos sa pag-aalmusal. ____________
5. Maaari tayong umalis kung may extra kang pera. ____________
6. Kung saan kita iiwan ay doon din kita dapat datnan. ____________
7. Sa tahasang sabi’y dapat pangalagaan ang kalusugan dahil mahirap ang
magkasakit. ____________
8. Diumano’y lalala ang “Global Warming” ngayong taon. ____________
9. Kahiman kapos sa pera ay nagdiriwang pa rin sila sa kanilang pista.
____________ 10.Bagamat labag sa kanyang kagustuhan ay napipilitan siyang
sumunod.____________

Page 3
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
Pablo Borbon Main Campus I Batangas City Philippines 4200
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate program
Tel. No. (043) 980-0385 l0cal 1128

II. WASTONG GAMIT NG SALITA


Pangalan:______________________
Taon at Pangkat:___________ Iskor:______

A. Pagsasanay I.
Lagyan ng tamang sagot ang mga patlang. Ibigay ang wastong gamit ng Nang at
Ng. 1.Iyak____iyak ang natakot na bata.
2.Magpapadala kami_____mga kailangan ninyo sa pagdiriwang.
3.Si Rea ay humingi_____tulong sa akin.
4.Pasakay na sina Che-Che sa awto_____kami’y dumating.
5.Nag-aaral_____mabuti si Nicole.
6.Ang sapatos_____bata ay bagung-bago.
7.Tumakbo_____matulin ang kaibigan kong nakikipagkarera.
8.Ang lungsod_____Makati ang sentro ng kalakalan.
9.Malapit_____dumilim kaya uuwi na kami.
10._____bumubuhos ang malakas na ulan nasa bahay na kami.
11.Ang perang ibinigay sa kanya_____ina ay nadukot sa sasakyan.
12.Itinanong_____mag-aaral sa guro kung may pagsusulit bukas.
13.Nag-abuloy_____nag-abuloy ang taong mayaman sa mga nagging
biktima____bagyong Tesang.
14.Si Andan ay malapit_____bitayin sa pamamagitan ng Lethal injection.
15.Isinalansan ko_____maayos ang mga sapatos sa cabinet.

Wastong gamit ng Kung at Kong.


16.Ang kapatid_____matanda ay napakabait sa akin.
17.Sa dami_____hinihiling____minsa’y nayayamot na rin siya sa akin.
18.Matay____isipin ay hindi ko malaman_____ano ang ihahandog sa kanya.
19.Sasama kami_____papayagan kami ng aming ina.
20.Lumayo ka sa masasamang kabataan_____hindi mo ibig mapahamak.
21.Aani siya nang sagana ngayong taong ito_____papalarin siya.
22.Napakarami_____pag-aaralan sa araw na ito.
23.Ang walang tigil na pag-ulan ang sanhi_____bakit lumubog ang ilang bahagi
ng Maynila.
24._____naging magalang sa pagsagot si Bb.Quiambao siya sana ang
mananalo sa patimpalak.
25.Ibig_____tulungan ka sa iyong pinansyal na suliranin ngunit kapos din ako sa
pera.

Wastong gamit ng Sila,Sina,Kina at Kila.


26.Sasalubungin ba natin____Lito at Rosa?
27._____Edwin ka pupunta?
28.Kinuha niya____Norma ang mga padala ng kanyang ina.
29.Pinaniniwalaan naming____dahil mabubuti naman sila.
30.Ayan,dumating na ang mga magkakapatid na ____Tony,Andres, at Manolo.
31.Wala nang gagambala_____Jose at Teddy.
32.Tunay na mga ulirang anak______.
33.Hindi pa nahuhuli ang salaring pumaslang_____Ricky at Joe.
34._____pala ang takbuhan ng pamilyang Santos,kapag nagigipit sila.
35.Hayun, pala_____Ben at Jessie,tanungin mo nga kung sasama sila sa outing.
C. Wastong gamit ng Operahin at Operahan.
36.Ang gusto niya ay________na agad siya.
37.Mapanganib______ang mata ng tao.
38.Ang kanyang tuhod ay kailangang________.
39.Ang kanyang ina ay_______sa puso.

Page 4
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
Pablo Borbon Main Campus I Batangas City Philippines 4200
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate program
Tel. No. (043) 980-0385 l0cal 1128

40.Pinipilit niyang_____ng doktor ang tonsil niyang namamaga.


41.Ayaw pumayag ni Mang Tomas na _____ang kanyang anak.
42.Ang payo ng doktor ay huwag_____si Mang Ramon.
43._____si Tony sa PGH.
 
Wastong gamit ng May at Mayroon.
44.Ang mga mag-aaral ay_____daw pulong.
45.Si manuel ay_____magandang kinabukasan sa kanyang propesyon.
46._____magandang balita ang Pangalang Pangulong Teofisto Guingona sa
kanyang pagbabalik mula sa kanyang pagbabalik mula sa bansang hapon.
47.Siya ay hindi nakakuha ng pagsusulit______karamdaman siya.
48._____sasabihin ka ba sa akin?_____.
49.Palibhasa_____sila sa kanilang bayan kaya ganyan siyang kumilos.
50._____silang kasamang doctor at nars para sa mga batang biktima ng
dengue. 51.Tila_____malalim kang iniisip.
52.Ako man ay _____ding pupuntahan sa Sabado.
53.Ang nagging Unang Ginang,Dr.Loi Estrada ay_____proyekto tungkol sa Ilog-
Pasig. E. Wastong gamit ng Din,Rin,Daw at Raw.
54.Magtatagumpay ka ____balang araw.
55.May balak_____siyang maglakbay sa bansang Amerikano.
56.Ikaw_____ang hihingian niya ng payo.
57.Siya lamang_____ang tangi nilang pag-asa.
58.Saan_____ang tungo niya?
59.May singaw______pala ang tangke ng gas mo.
60.Nasagot_____niya ang mga tanong sa pagsusulit.
61.Nalungkot_____siya nang mamatay ang kanyang kaibigan. F. Wastong gamit
ng Subukan at Subukin.
62.Ang sabi ng dating pangulong Macapagal ay huwag niyo akong______.
63. Mabuti yatang_____natin ang mantikang ito.
64.umalis ka na at_____mong manghiram ng pera kay Lucy.
65._____mo nga kung ginagawa nila ang kanilang mga takdang-aralin.
66._____natin kung gaano kabisa ang gamut na ito.
67.Mahusay raw ang mga mag-aaral na ito,kaya_____natin at ilaban sa
talumpatian. 68._____mong mabuhay nang malayo sa piling nila.
69.sige umalis ka na at_____mo kung ano ang ginagawa nila.
70.Talagang matigas ang mga Abu Sayyaf,______nga natin kung tatagal sila sa
pakikipaglaban.
71._____pa nating kausapin ang guro baka pumayag siyang sa Lunes nating
isubmit ang ating proyekto.

Wastong gamit ng Pahirin at Pahiran.


72.Ang kanyang likod ay______mo ng efficascent oil.
73.Ayaw niyang_____ng kyutiks ang kanyang mga kuko.
74._____mo ng mayonnaise ang tinapay ko.
75.Ang dumi sa kamay mo ay______mo.
76._____mo ng Penicillin ang bahaging napaso sa katawan ng bata.
77.Ang kapal ng alikabok sa mesa,_____mo ng tuyong basahan.
78._____mo ang luha ng kaibigan mo sa pisngi.
79.Ang kawali ay_____mo ng kaunting mantika upang dumikt ang “morcon”.
80.bakit hindi mo______ng pintura ang mga dingding sa silid-tulugan?

Page 5
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
Pablo Borbon Main Campus I Batangas City Philippines 4200
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate program
Tel. No. (043) 980-0385 l0cal 1128

III. MGA SANGKAP SA WASTONG PAGSULAT TULAD NG


PAGBABAYBAY, PAGBABANTAS, PAGPAPANTIG NG SALITA.

A. Panuto: Baybayin ng patitik ang sumusunod na mga salitang-hiram ayon sa


tuntunin sa pagbabaybay Filipino.
1. Bb. ____________
2. H20 _____________
3. ASEAN ____________
4. Ca _____________
5. Plantsa ____________
6. Doktora _____________
7. Ekskursyon ____________
8. Maynila _____________
9. Bawat mag-aaral ____________
10. Paaralan _____________

B. Lagyan ng tamang bantas ang sumusunod na pangungusap. Gawin ang


pagbabago kung kinakailangan para maging maayos ang pagkakalahad sa
pahayag.

1. ay nadulas na naman si lola


2. pakibigay nitong aking proyekto sa ating guro
3. kung naibigay ko lang sana agad maaaring kasali ako sa top ten
4. manood ka kung papaano ito gagawin 5. Masayahing bata si ella
6. naku kawawa naman ang mga nasunugan
7. ayokong sumali
8. sunog
9. nagsasaing ang ate nag-aaral ako at nag-iigib naman si kuya
10.sige mauna na ako

C. Pagpapantigin ang sumusunod na mga salita.


1. aksyon -_____________
6. pagtanggol -_________________
2. transaksyon -_____________
7, swerte -_________________
3. dyipney -_____________
8. dyablo -_________________
4. persweysib -_____________
9. perpekto -_________________
5. lokasyon -_____________
10. lamyerda -_________________

. MGA SUSI NG MGA SAGOT


I. Pangngalan ,1-10
II. Panghalip 1. panao 2. panao 3. panao 4. panao 5. panao 6. panao 7.
panao 8. panao 9. pamatlig 10. panao
III. Pang-uri ,1-10
IV. Pandiwa, 1-10
V. Pang-abay, 1-10
VI. Pang-ugnay
1. pang-ukol 5. pang-ukol
2. pang-ukol 6. pang-ukol
3. pangatnig 7. pangatnig
4. pang-angkop 8. pang-ukol

Page 6
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
Pablo Borbon Main Campus I Batangas City Philippines 4200
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate program
Tel. No. (043) 980-0385 l0cal 1128

9. pang-angkop 10. pang-angkop

VII. Pang-angkop
1. g 6. ng
2. g 7. g
3. na 8. ng
4. na 9. ng
5. na 10. g

VIII. Pangatnig
1. panapos 6. panulad
2. pananhi 7. panlinaw
3. pamukod 8. pamanggit
4. paninsay 9. paninsay
5. panubali 10. paninsay

Wastong Gamit ng Salita


1. nang 2. ng 3. ng 4. nang 5. nang 6. ng 7. nang 8. ng 9. nang 10. nang 11.
ng 12. ng 13. nang 14. nang 15. nang 16. kong 17. kong, kung 18. kung,
kung 19. kung 20. kung 21. kung 22. kong 23. kung 24. kung 25. kong 26.
sina 27. kina 28. kina 29. sila 30. sina 31. kina 32. sila 33. kina 34. sila 35.
sina 36. operahan 37. operahin 38. operahin 39. operahin 40. operahin
41. operahan 42. operahan 43. operahan 44. mayroon 45. may 46. may
47. may 48. may 49. mayroon 50. mayroon 51. may 52. mayroon 53. may
54. rin/raw 55. din/daw 56. raw 57. daw 58. daw 59. rin 60. daw 61.
daw/din 62. subukin 63. subukin 64. subukin 65. subukan 66. subukin 67.
subukin 68. subukin 69. subukan 70. subukin 71. subukin 72. pahiran 73.
pahiran 74. pahiran 75. pahirin 76. pahiran 77. pahirin 78. pahirin 79.
pahiran 80. pahiran

PAGBABAYBAY
A. 1./ kapital bi-bi /
2./capital ey-es-i-ey-en/
3./pi-el-ey-en-ti-es-ey/
4./i-key-es-key-yu-ar-es-way-ow- en/
5./bi-ey-dobol yu-ey-ti/ /em-ey-ji- ey-ey-ar-ey-el/
6. /eych- 2-ow/
7. /si-ey/
8. /di-ow-key-ti-ow-ar-ey/
9. /em-ey-way-en-ay-el-ey/
10. /pi-ey-ey-ar-ey-el-ey-en/

B. Hayaang ang guro ang magbibigay ng sagot. C. Ang guro ang magbibigay
ng sagot sa pagpapantig.

https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/mga-talaan-ng-katanungan

Page 7

You might also like