You are on page 1of 6

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Gawain 1: Akademikong Pagsulat

Pangalan:

Seksyon:

Panuto: Punan ang kahon sa ibaba, ibigay ang pagkakaiba ng akademikong sulatin sa persosnalo malikhaing
sulatin.

Akademikong Sulatin Personal/Malikhaing Sulatin

Ano ang kahulugan nito?

Paano ito isinusulat?

Bakit ito isinusulat?

Sino ang sumusulat nito?

Halimbawa nito

Gawain 2: Pagsulat ng Abstrak

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Pangalan:

Seksyon:

Panuto: Basahing mabuti ang halimbawa ng isang abstrak. Suriin ito ayon sa layunin, gamit, katangian, anyo,
target na gagamit.

E-Filipino: Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Wikang Filipino Sa Sistemang Open and
Distance Learning 
Abstrak:

            Kadikit ng panahon ng Information and Communication Technologies (ICT) ang pagpasok sa ating

kamalayan at lipunan ng mga terminong gaya ng e-Learning, e-Commerce, e-Government, knowledge-based

society, knowledge-based economy, information society, paperless society, information economy, attention

economy at iba pang techno-terms (Librero, 2008). Sa panig ng akademya, nagresulta ang ICT ng pagbabago

maging sa sistema ng pagtuturo at pagkatuto sa wikang Filipino. Isa sa mga kongkretong patunay nito ay ang

pagkakaroon ng asignaturang isinasagawa sa wikang Filipino sa UP Open University (UPOU). Mula sa personal na

danas ng mananaliksik hanggang sa mga kaugnay na literatura hinggil sa Open and Distance Learning (ODL),

sinusuri sa papel na ito ang iba’t ibang salik sa pagtuturo ng/sa wikang Filipino kaugnay ng mga isyung pang-mag-

aaral, estratehiya sa pagtuturo, at Internet bilang pangunahing paraan ng pakikipag-ugnayan. Upang tugunan ang

layunin, ipaliliwanag sa papel ang kabuuang sistema ng ODL at ang kontekstuwalisasyon nito sa Pilipinas,

partikular sa UPOU. Ilalahad din sa pag-aaral ang katangian ng mga mag-aaral ng UPOU kaalinsabay ng

inaasahang katangian ng isang ODL teacher. Sa ganang ito, magiging tungtungan ng pananaliksik ang ugnayang

akademiko sa distance education na tinalakay ni Moore (1989). Mula rito, bibigyang-diin ang epektibong pagbubuo

ng mga gawain sa pagtuturo/pagkatuto ng mga aralin sa wikang Filipino sa ODL at ang paggamit ng software na

Moodle. Inaasahang sa pamamagitan nito ay mabibigyang-ideya ang mga mambabasa sa kabuuang sistemang

ODL bilang lunan ng pagtuturo ng/sa wikang Filipino sa makabagong panahon.

(Isinulat ni Jayson De Guzman Petras, mula sa ejournals.ph)

Panuto: Balikan ang kaalaman sa tinalakay na Abstrak. Suriin ang binasa ayon sa layunin, gamit, katangian,
anyo, target na gagamit.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Layunin Gamit Katangian Anyo Target na
mambabbasa

________________ ________________ ________________

_______________ _______________ _______________

________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
_______________ _______________

Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng abstrak katulad ng halimbawa sa itaas? Bakit mahalaganag matutunan
ang mga hakbang sa pagsulat ng abstrak?
__________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain 3: Pagsulat ng Abstrak

Pangalan:
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Seksyon:

Panuto: Basahin ang artikulo sa ibaba. Gumawa ng abstrak mula rito. Isaaalang-alang ang mga hakbang at
nilalaman ng isang abstrak.

Salamat Dok: Teenage Depression

By Blessie Javier, Salamat Dok

Masarap at masaya ang buhay teenager! Kung maraming naaaliw, mayroon din namang nalulungkot
dahil mayroon silang pinagdadaanang hindi nila kontrolado--ang depresyon.

Ang depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang isang tao ng
labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kaya’y sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones, problema sa
neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa katawan papunta sa utak), mga pangyayari
sa buhay, stress, at trauma. Ito’y maaaring pangmatagalan o pabalik-balik.

“Talagang dumadaan sa depresyon ang bawat kabataan lalo't nasa edad sila na hindi na bata, pero
hindi pa rin matanda. Ito ang puntong naghahahanap siya ng kalayaan. You have to respect also na ang
teenager would want privacy,” paliwanag ni Dr. Genuina Ranoy, Child and Adult Psychiatrist sa The Medical
City.

Sa huling tala ng World Health Organization, umaabot na sa 350 milyong tao na may iba’t ibang edad
ang naapektuhan ng depresyon. Bagama’t may mga gamot dito, kakarampot lamang ang nalulunasan. Ang isa
pang nakakalungkot na katotohanan: isa lamang sa bawat limang teenager na dumaranas ng depresyon
ang natutulungan.

Hindi kagaya ng matatanda, karaniwa’y umaasa pa rin ang mga kabataan na mapapansin ng kanilang
mga magulang o ng iba pang nakatatanda ang kanilang nararamdaman.

Ayon sa mga eksperto, mahalagang malaman ng magulang ang mga palatandaan ng sakit na ito.
Kapag hindi agad natulungan ang bata at hindi naiwasan ang masasamang dulot nito, maaari itong mauwi sa
pagpapakamatay.

Palatandaan at Sintomas ng Teenage Depression

 Kalungkutan at kawalan ng pag-asa

 Walang interes sa mga gawaing bahay at eskwelahan

 Iritable at magagalitin

 Madalas na pag-iyak nang walang dahilan

 Lumalayo ang loob sa pamilya at kaibigan

 Pagbabago ng gawi sa pagkain at pagtulog

 Hirap sa konsentrasyon

 Mababa ang tingin sa sarili

 Pagod at kulang sa sigla

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
 Sumasagi sa isip ang pagpapakamatay

“Kung malala ang nakikitang sintomas, huwag balewalain! It's a must to seek professional help. May mga anti-
depressant na nakakaganda o nakakawala ng physical symptom ng depression. Meron ding psychotherapy,
dito pinag-uusapan kung ano ang problema. Habang ginagamot ang bata, kasama ang family. Dahil sila ang
kasama sa bahay, sila ang makakatulong o makakapag-monitor sa bata,” paalala ni Dr. Ranoy.

Dagdag pa ni Dok, sa mga magulang o tagapag-alaga, mahalagang suriin kung gaano na katagal lumabas
ang mga sintomas na ito, kung gaano na ito kalala at kung malaki na ang ipinagbago ng ikinikilos ng kanilang
mga anak sa normal.

Tagubilin sa mga Magulang

 Maging bukas sa magandang pakikipag-usap sa anak

 Maging mahinahon sa pakikinig sa kanilang problema

 Iwasang sumigaw o manumbat

 Tanggapin ang inyong anak bilang sila

 Iparamdam na may karamay sila at may maaaring sandalan

 Ipakita sa anak ang pag-aaruga

 Ibalanse ang mga panuntunan sa bahay

Kung ang magulang naman ang isa sa stressors sa pinagdaraanan ng anak, kailangang maging bukas sila na
sumailalim din sa psychotherapy para mas alam nila ang gagawing solusyon sa depresyon ng anak.

Hindi biro ang teenage depression ngunit sa husto at tamang gabay ng magulang, katulong ang payo ng
eksperto, maaari itong mapagtagumpayan at maiwasan.

(Artikulo mula sa ABS-CBN News)

Pagsulat ng Abstrak

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Puntos (5-4) Puntos (3) Puntos (2) Puntos (1)

1. kaugnayan ang Lahat ng bahaging May 1-2 bahagi na Higit pa sa 3 ang Walang
abstrak sa artikulo nabanggit ay malayo ang walang kaugnayan sa
nakakaugnay sa kaugnayan sa kaugnayan sa artikulo
artikulo artikulo artikulo
2. Nagtataglay ng buod Naipakita ng May 1-2 bahagi na Higit pa sa 2 Maraming
ng nilalaman ng papel- malinaw ang nakalimutan sa mahalagang mahalagang
pananaliksik kabuuan ng artikulo kabuuan ng artikulo bahagi artikulo bahagi ng
artikulo ang
hindi naisama.
3. Paggamit ng Salita Malinaw at direkta May 1-2 bahagi ang Higit pa sa 3 ang Hindi
sap unto ang mga malabo at Malabo at organisado
ginamit na mga maligoyang maligoy sa ang daloy
salita sa pagbuo ng pagkakasulat. pagkakasulat, absrak
abstrak.
4. Mekanismo May tamang May 3-4 Higit pa sa 4 mali Maraming mali
mekaniks (baybay, pagkakamali sa sa mekaniks sa mekaniks
bantas, gamit ng mekaniks (baybay, (baybay, bantas, (baybay,
malaki at maliit na bantas, gamit ng gamit ng malaki bantas, gamit
titik) malaki at maliit na at maliit na titik) ng malaki at
titik) maliit na titik)

You might also like