You are on page 1of 2

ST.

THOMAS ACADEMY
Sto. Tomas, Batangas
2nd Sem- SY 2018-2019

GABAY SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


GRADE 11- CORE SUBJECT

PAKSA: Aralin 11- Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Filipino- Panahon ng Amerikano at


Hapones
BILANG NG SESYON: 1-2 sesyon
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Nauunawaan ang mga konsepto ,elementong kultural,
kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
PAMANTAYANG PAGGANAP- Nasusuri ang kalikasan, gamit, at mga pinagdaan ng Wikang
Pambansa sa Pilipinas
MGA DETALYADONG KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Layunin ng araling ito na matamo ng bawat mag-aaral ang sumusunod:
1. Natutukoy ang pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkakabuo at pag-unlad ng
wikang Filipino
2. Nakapagpapahalaga sa mga katangian ng katutubong wika
3. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari may kaugnayan sa pag-unlad
ng wikang pambansa
4. Nakapgbibigay opinion o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa
wikang pambansa
5. Naisasabuhay ang paggalang sa wikang Tagalog bilang batayan ng wikang
Pmabansa

KAGAMITAN: Power point Presentation, Aklat, whiteboard, marker, biswal na kagamitan


SANGGUNIAN: Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino p. 89-93
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Paggalang

I. PANIMULA
Hindi nagkaroon ng katuparan ang pangarap ng mga Pilipino na magkaroon ng sariling
wikang gagamitin nila sa pakikipagkomunikasyon sa panahon ng Espanyol. Ito marahil ang
dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang mga rebelyong sumibol sa iba’t ibang panig ng
bansa. Bukod sa kakulangan sa armas ay wala ring isang wikang nagamit na nauunawaan ng
lahat.

II. PAGGANYAK
Ano ang iyong saloobin tungkol sa pahayag na nasa loob ng kahon? Suriin ang
mensahe nito.

“Ang ganap na kasanayan sa wikang Ingles ay


nagpapakita ng pag-unlad at karunungan ng
isang bayan.”

III. INSTRUKSIYON
Pagtalakay sa mga sumusunod:
A. Panahon ng mga Amerikano at Hapones
a. Panahon ng Amerikano
b. Panahon ng Hapones

IV. PAGSASANAY
A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sa iyong palagay, sino ang higit na nakatulong sa pagpapaunlad ng wikang
Filipino, ang mga Amerikano o ang mga Hapones?
2. Paano ginamit ng mga Amerikano ang wikang Ingles upang makuha ang loob
ng mamamayang Pilipino sa panahon ng pananakop?
3. Sa iyong plagay, bakit sa Tagalog ibinatay ang wikang Pambansa at iprinoklma
ito bilang wikang panturo mula noong 1940?
4. Ano ang naging pakinabang ng mga manunulat na Pilipino sa panahon ng mga
Hapones? Nakabuti ba ang pagbabawal sa paggamit ng wikang Ingles?

B. Ang wikang Ingles ay isa rin sa mga wikang ginagamit ng mga Pilipino hanggang sa
kasalukuyan.
Ano ang masasabi mo sa mga taong minamaliit ang mga hindi gaanong bihasa
sa Ingles o nagkakamali sa gramatika sa mga inilalagay sa social media? Marapat
lamang ban a sila ay pagtawanan at hamakin? Ano ang iyong pananaw sa isyung ito. I-
post ang inyong opinion sa facebook? Gamitin ang #sawikangFilipinonalamang.

Juan Dela Cruz


W Friends +Album-
Panah m-

What’s on your mind?

V. PAGPAPAYAMAN
Paano pinatunayan ng mga Amerikano ang paggalang nila sa Tagalog bilang wikang
katutubo ng mga Pilipino? Kung ikaw ay nabuhay noong panahong iyon, saan mo ibabatay ag
wikang pambansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

VI. PAGTATAYA
Pangkatang Gawain
Humanap ng isang tulang isinulat sa Filipino noong panahon ng Amerikano. Bigkasin
ang tulang pinili at higit na mainam kung gagamitin mo ang iyong unang wika. Bigkasin ng may
angkop na damdamin.

Inihanda ni: Sinang-ayunan ni:

Bb. Alreen Mitzchell Z. San Jose Gng. Lilibeth M. Enriquez


Guro Punong-Guro

Bilang ng mag-aaral na nagkaroon ng kasanayan ___________


Bilang ng mag-aaral na nagangailangan ng kasanayan ___________

You might also like