0% found this document useful (0 votes)
93 views9 pages

LP1 - Komfil

Ang dokumento ay tungkol sa pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon at higit pa. Binabahagi nito ang mga isyu at kontrobersiya sa pagpili ng Wikang Pambansa ng Pilipinas, kasama ang mga hakbang ni dating Pangulong Arroyo upang palakasin ang Ingles bilang wikang panturo sa edukasyon.

Uploaded by

Razel Mae Layson
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
93 views9 pages

LP1 - Komfil

Ang dokumento ay tungkol sa pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon at higit pa. Binabahagi nito ang mga isyu at kontrobersiya sa pagpili ng Wikang Pambansa ng Pilipinas, kasama ang mga hakbang ni dating Pangulong Arroyo upang palakasin ang Ingles bilang wikang panturo sa edukasyon.

Uploaded by

Razel Mae Layson
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

| Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 1

1
YUNIT 1: Ang Pagtataguyod
ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa

1.0 Layunin
 Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino.

1.1. Introduksyon
Ang Filipino 1 sa kolehiyo na may pamagat na Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino (KonKomFil) ay kumakatawan sa isang praktikal na kursong nagpapalawak at
nagpapalalim sa komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Filipino sa kani-
kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Filipino sa pangkalahatan.
Layunin ng modyul na ito na matugunan ang pangangailangan mga estudyante sa
pansariling pagkatuto ng mga aralin sa kabila ng kinakaharap na pandemyang convid-19 na
nararanasan ng bansa.
Kalakip ng modyul ang sariling linangan kit na naglalaman ng maraming gawain sa
pagkatuto, kalimitan ay mga papel na sinasagutan ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng
modyul na ito ay maaari ninyong gamitin ang inyong kakayahan at kahusayan sa pang-unawa at
pagsagot sa mga pagsasanay.
Nawa ay makatulong ito sa inyo!
Bago mo simulan, may mga katanungan na dapat mo munang sagutin na may kinalaman
sa paksang tatalakayin.

Tunghayan ang larawan sa itaas at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.


(Ang lahat ng mga gawain sa modyul na ito ay ilagay sa isang bondpaper (short), maaaring computerized o sulat-
kamay)
1. Ano ang ipinakikita ng larawan sa itaas?
2. Ano ang ginagawa ng lalaking nakatayo sa harapan?
3. Sino ang nasa likuran sa bandang kaliwa na naka-stripe ng damit?

Ang galing mo naman, nasagot mo ang mga


tanong!
C. M. D. Hamo-ay
| Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 2
1
Subukan natin ‘to

 Magbigay ng wikang alam mo.


 Kapanayamin ang magulang, kakilala kung ano anong ang mga wika ang alam nilang
gamitin.
 Saan nila natutunan ang mga wikang nabanggit? Papano?
 Ngayon, anong wika ang ginagamit mo mula sa pagkabata?

Alam mo ba na ang wika ay integral na bahagi ng tao pagkapanganak nito? Intergral dahil
kakambal niya ito noong nasilayan niya ang liwanag sa mundong ating ginagalawan.

Ang wika ay sadyang napakahalaga sa buhay ng tao. Ito ang kanyang instrumento o
kasangkapan sa pagbabahagi ng kaniyang nadarama at opinyon. Sa pamamagitan din ng wika ay
nasasalamin ang kultura ng mga tao na gumagamit nito. Kaya mapalad tayo dahil may sarili
tayong Wikang Pambansa na daluyan ng karunungan-daan tungo sa pag-unlad ng bayan.

1.2 Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at


Lagpas pa
1.2.1 Ang Wikang Pambansa
Ang Filipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa mundo na binubuo ng
mga mamamayang may iba-ibang nasyonalidad at iba-ibang Wikang katutubo. Itinuturing ang
wika na isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Sa wikang ito sumisibol ang
damdamin ng pagkakaisa ng mga mamamayang may iba-ibang wikang katutubo. Katulong Ito ng
Pambansang watawat, Pambansang awit at iba pang pambansang sagisag sa pagtatag ng isang
pambansang pamahalaan (Almario, 2014).

Dagdag pa ni G. Virgilio S. Almario, alagad ng Sining sa Literatura at Tagapangulo ng


Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), malimit na hinihirang na Wikang pambansa ang sinasalita
ng dominante at/o pinakamaraming pangkat. Maaring maging dominante ang wika ng isang
pangkat na gumanap ng pangunahing tungkulin sa kasaysayan ng paglaya ng bansa. Maari ding
maging dominante ang wika sa pook na sentro ng Komersyo, Edukasyon, Kultura at gawaing
pampolitika. Sa ganitong paraan lumitaw na Wikang pambansa ng Pransya ang wika ng Paris, ng
Great Britain ang wika ng London, ng Tsina ang wika ng Beijing, ng Espanya ang wika ng
Castilla, ng Rusya ang wika ng Moskba, at ng marami pang bansa.

Maraming bansa sa Aprika at Timog America ang nagpanatili sa wika ng kanilang


mananakop bilang wikang pambansa. Espanyol ang wikang pambansa ng Mexico, Cuba, Bolivia,
Argentina, Chile at iba pang bansa kahit nagrebolusyon ang mga Ito laban sa sumakop na
Espanya. Portuges ang wikang pambansa ng Brazil pagkatapos palayain ng Portugal. Pranses ang

C. M. D. Hamo-ay
| Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 3
1
wika ng Algeria. Ingles ang wikang
pambansa ng Timog Aprika. Portuges ang wika ng Angola. Sa kabilang dako, hindi pinanatili ng
Indonesia ang Dutch katulad ng hindi pagpapanatili ng Malaysia sa Ingles at tulad ng Filipinas na
pinili ang pagbuo ng katutubong wikang pambansa (Almario, 2014).

Ngayon, masasabi natin na ang Wikang Pambansa ng Filipinas ay dumaan sa hindi


mabilang na kontrobersya at pagpapatuloy pa ito hanggang sa kasalukuyan. Hindi na ito bago sa
atin, alam na natin ito. Dapat nating maintindihan na habang nagdaraan ang Filipino sa samo't
saring mga pagsubok ay lalong tumatatag ang pundasyon para sa lalo pa itong malinang at
magamit sa mahusay at malawakang pamamaraan.

Gawain 1
Panuto: Ibigay ang wikang sinasalita ng mga bansang nasa Hanay A na matatagpuan sa Hanay B.
Titik lamang ang isulat.

Hanay A Hanay B

[Link] Pranses
[Link] Portuges
[Link] Espanyol
[Link] Filipino
[Link] Bahasa Melayu
[Link] Bahasa indonesia
[Link] Ingles
[Link] Dutch
[Link]
10. Philippines

Bilib ako sa iyo, nasagot mo ang mga tanong!

O, di ba kayang-kaya mong alamin ang wika ng piling bansa at ang kasaysayan


ng ating wikang pambansa.
1.2.2 Mga Isyung Pangwika

Narito ang kasaysayan ukol sa mga kontrobersyang pinagdaanan ng Wikang Pambansa

Una - Ang napagkaisahang pasiya sa 1934 kumbensyong konstitusyunal ng pumili ng


isang katutubong wika upang pag batayan ng wikang pambansa ay produkto ng nasyonalista at
kontra-kolonyalista.
Matatandaan na hindi nagkasundo ang mga delegado sa 1934 kumbensyong konstitusyonal kung
aling katutubong wika ang dapat na ideklarang wikang pambansa. Sa unang diskusyon pa
lamang o sa pamamagitan ng talumpati ni Felipe R. Jose noong 13 Agosto 1934, ay tagalog na ang
liyamadong katutubong wika. Ngunit sinalungat ito ng mga delegadong nagnanais na wika nila
ang maiproklama. Pangunahing naging kalaban ng mga tagalista ang mga delegadong nagpasok
sa Sebwano at [Link] mga delegadong ito ang humatik sa nasyonalismong pangwika noong
1934, muli noong 1972, at hanggang ngayon lalo na sa likod ng panukalang federalismong
pampolitika (Almario, 2015).

Ikalawa - Ang paglapastangang ginawa ni Gng. Arroyo sa wikang Filipino noong nasa
posisyon siya bilang pangulo ng ating bansa ay inilabas niya ang Executive order blg. 210 na may

C. M. D. Hamo-ay
| Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 4
1
pamagat na “Establishing the Policy
to Strengthen the use of English as a Second Language in the Education System”. Nilayon ng
naturang EO na palakasin ang Ingles sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming oras sa
paggamit nito (ng Ingles) bilang wikang panturo, bagay na kwinestyon sa korte suprema noong
Abril 27, 2007.

Para sa mas malinaw na kabatiran, ilan sa pinakamahahalagang isinasaad ng EO 210 ay ang


sumusunod:
 Ang wikang Ingles ay nararapat gamitin bilang midyum sa pagtuturo ng
asignaturang English, Math at Science hanggang sa ikatlong baiting.

 Ang wikang Ingles ay gagamitn bilang pangunahing wika sa pagtuturo sa lahat ng


institusyong pampubliko sa antas ng sekundarya.

 At bilang pangunahing midyum sa pagtuturo, ang bilang ng oras na ilalaan sa mga


asignaturang ituturo sa Ingles sa antas ng Sekundarya ay hindi bababa ng 70% ng
kabuuang oras na inilaan sa lahat ng larangan ng pagkatuto (learning areas).

 Ang wikang Filipino ay mananatiling midyum ng pagtuturo sas asignaturang


Filipino at Araling Panlipunan.

Bakit ito ang ninais ni Gng. Arroyo, ano ang kaniyang naging batayan sa pag-uutos na
palakasin ang Ingles bilang wikang panturo? Ito ang katuwiran mahina sa Ingles ang mga
estudyante, ayon sa taya ng noo’y pangulo. Nagulat siya nang malaman na maraming bakanteng
trabaho sa call center ang di napupunan dahil bumabagsak sa eksaminasyon sa Ingles ng mga
aplikante. Dagdag pa niya Ingles ang wika ng Information and Communication Technology o
ICT. Ang solusyon ng pangulo sa problema ay ang agarang pagpapalakas sa Ingles bilang wikang
panturo.
Ang naging hakbang na ito ng noo’y Pangulong Arroyo ay itinuturing na hindi
makatwiran. Ito ay dahil sa sinalaula nito ang konstitusyong pangwika upang tugunan ang
trabaho sa call center. Ang mga pangangailangan sa mga kababayan nating mahusay mag-Ingles
para punan ang posisyon sa mga call center ay pansamantala at limitado lamang.
Bukod dito ay inihain ngayon sa kongreso ang House Bill No. 5091 o “An Act to Strengthen
and Enhance the use of English as the Medium of Instruction in the Educational System” ni Rep.
Gloria Macapagal na ikalawang distrito ng Pampanga.

Ikatlo - Ang panukalang pagpaslang ng Commision on Higher Education (CHED) sa


Filipino, panitikan at Philippine Government and Constitution bilang mga asignatura sa
kolehiyo.

Narito ang mahahalagang pangyayari, petsa at mga taong kasangkot sa pagtatanggol ng


wikang pambansa para sa maas mataas na antas ng Edukasyon at lagpas pa.

Taong 2011

Oktubre 3, 2011
Inilantad ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo sa
pagtataguyod ni Dr. David Michael M. San Juan,convenor ng Tanggol Wika Associate
Professor,Departamento ng Filipino, De La Salle University. Manila at sinimulan ang
pagpapalaganap ng isang petisyon na may layunin o “urging the Commision on Higher
Education (CHED) and the Department of Eduation(DepEd) to consider issuing on immediate
moratorium on the Implemenation of the Senior High School/Junior College and Revised General

C. M. D. Hamo-ay
| Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 5
1
Education Curriculunm (RGEC)
components of the K to 12 Program which might cause the downsizing or even abolition of the
Filipino Department in a number of universities(other departments would surely be downsized
too).
Agosto 29, 2012
Sa isang presentasyon ay inilahad ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. Umali, Esq. na
walang asignaturang Filipino sa bagong Revised General Education(RGEC).
Disyembre 7, 2012
Sa pamumuno ni Prop. Ramilito Correa, may-akda at noo’y pangalawang tagapangulo ng
Departamento ng Filipino ng DLSU, inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang
“Posisyong papel para sa CHED Curriculum ” na may pamagat na “Isulong ang ating Wikang
Pambansang Filipino, itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, ituro sa Kolehiyo
ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas”.
Mayo 31, 2013
Sa pagtataguyod ni Dr. Aurora Batnag, dating director sa Komisyon sa Wikang
Filipino(KWF), pinagtibay ng mga gurong delegado sa isang Pambansang Kongreso ng
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) ang isang resulosyon
hinggil sa “Pagtiyak sa Katayuang Akademiko bilang Asignatura sa Antas Tersyarya”. Humigit
kumulang 200 guro ang nakipagkaisa sa hangaring ito.

Hunyo 28, 2013


Inilabas ng CHED ang CMO No. 20,Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa 2013
bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalaim ng K to 12.” Understanding the Self Readings in
Philippine History; The Contemporary Word; Mathematics in the Modern World; Purposive
Communication; Art Appreciation; Science,Technology and Society;Ethics.” Kumpirmadong
walang asignaturang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12.

Marso 3, 2014
Pagbuo ng panibagong liham petisyon na naka-address sa CHED. Pinamunuan iton nina
Dr. David Michael M. San Juan,convener Tanggol Wika sa udyok nina Dr. Fany Garcia at Dr.
Maria Lucille Roxas (kapwa mula sa DLSU). Kasama sina Prop. Jonathan Geronimo,Prop. Crizel
Sicat- De Laza ng University of Santo Tomas (UST),mga kaibigan at kilalang guro mula sa iba’t-
ibang unibersidad. Nilahukan ito ng mga guro mula sa ibat-ibang unibersidad gaya ng UST, UP
Diliman at UP Manila, Ateneo de Manila University, PNU, San Beda College- Manila, PUP-
Manila, National Teachers College, Miriam College(MC)atbp., at mga samahang pangwika gaya
ng PLLF, Pambansang Asosasyon ng Mga Tagapagtaguyod ng Salin(PATAS),at Sanggunian sa
Filipino(SANGFIL) at humigit-kumulang 200 pirma.

Mayo 23, 2014


Pinagtibay ng National Commision on Culture and the Arts-National Committee on
Language and Translation/NCCA-NCLT ang isang resolusyon na ”HUMIHILING REPUBLIKA
NG FILIPINAS NA AGARANG MAGSAGAWA NG HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG
GENERAL EDUCATION CURRICULUM(GEC) SA ANTAS TERSYARYA ANG MANDATORY
NA 9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO” na nagsasaad na; “ … puspusan lamang
masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang edukasyon kung mananatili sa
antas tersyarya ang asignaturang Filipino”.

Hunyo 2, 2014
Sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo sa 2 komisyuner ng
CHED na sina Commissioner Alex Brilliantes at Commissioner Cynthia Bautista ang mga
Propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State University.

C. M. D. Hamo-ay
| Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 6
1
Hunyo 16, 2014
Sa pagtataguyod nina Dr. David Michael M. San Juan, convenor Tanggol Wika at Dr.
Antonio Contreras at paglalahok ng mga guro, nakapagsunduan sa diyalogo na muling sumulat
sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working
Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang mga kinatawanan ng mga
unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya.

Hunyo 20, 2014


Inilabas naman ng KWF ang” KAPASYAHAN NG KALIPUNAN NG MGA
KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG 2014, NA NAGLILLINAW SA TINDIG NG KOMISYON
SA WIKANG FILIINO (KWF) HINGGIL SA COMMISION ON HIGHER EDUCATION (CHED)
MEMORANDUM BLG. 20, 5. 2013.” Iginigiit ng nasabing kapasyahan ng KWF ang “pagtuturo ng
siyam (9) na unit sa Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga subjek sa Filipino sa antas
sekundarya kundi naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina— na
pagkilala sa Filipino bilang pintuan ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto at
upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon ng Filipino” at pagtitiyak na “ kalahati
o apat (4) sa panukalang Core Courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa Memorandum
Order Blg. 20, s. 2013 ay ituro gamit ang Wikang Filipino.”

Hunyo 21, 2014


Bienvenido Lumbera, National Artist- isa sa mga tagapasalita sa forum at paglahok ng
halos 500 delegado mula sa mga kolehiyo,unibersidad at organisasyong pangwika at Pangkultura,
nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum sa DLSU – Manila.

Hulyo 4, 2014
Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa mga naisin ng Tanggol Wika.

Agosto 2014
Inilabas ang dokumentaryong gaya ng “Sulong Wikang Filipino” (panayam kay Dr.
Bienvenido Lumbera) at “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Filipino para kanino?”

Septyembre 2014
Inilabas ang Dokumentaryong “Sa Madaling Salita: Kasaysayan at pag-unlad ng Wikang
Pambansa”.

Abril 15, 2015


Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido
Lumbera, ACT Teacher Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap,
Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at
unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng ACT Teacher Partylist), Atty.
Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon.

(Ito ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na nakatala bilang G. R. No.
217451 (Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C.
Aquino III, at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon / Commission on Higher
Education [CHED] Dr. Patricia Licuanan).

Abril 21, 2015


Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte
Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO).

C. M. D. Hamo-ay
| Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 7
1
Hulyo 18, 2016
Lumabas ang CHED Memo na may paksang Clarification on the Implementation of CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 Entitled “General Education Curriculum; Holistic
Understandings, Intellectual and Civic Competencies”.

Setyembre 23, 2016


Sa pamumuno ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni Prop.
Marvin Lai, tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na organisasyong alyansa ng
mga tagapagtanggol ng kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang
panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang
required na Phillippine History subject).

Hunyo 11, 2017


Lumabas ang isa pang memorandom ng tagapangulo ng CHED – Dr. Patricia
Licuanan at may paksang Clarification on the Offering of Filipino at Panitikan Courses in All Higher
Education Programs), na hindi nila gaanong ipinalaganap.

Agosto 9, 2017
Natanggap ng Tanggol Wika ang isang “manisfestation and motion” sa Korte Suprema ng
Office of the Solicitor General.

Agosto 25, 2017


Pormal na itinatag sa PUP ang Kilos Na Para sa Makabayang Edukasyon (KMEd).
Anuman ang maaring kahihinatnan ng mga naging pagkilos ng Tanggol Wika, mainam
nang mairehistro parin sa mga pahina ng kasaysayan ang mga susing argumento ng Tanggol
Wika para sa pagkakaroon ng Filipino at panitikan sa kolehiyo.
Kailanman ay laging mananaig ang halaga ng Wikang Pambansa sa kalinangan ng mga
Filipino.
Gawain 2
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay para sa “Adbokasiyang Pangwika”. Iugnay ito sa
kasalukuyang kalagayan ng Wikang Pambansa.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

Ang galing ng paliwanag mo, ipagpatuloy mo lang!

O, di ba kayang-kaya mong sumulat ng isang mahusay na


sanaysay at nagamit mo ang wikang Filipino sa iyong pagtalakay.

C. M. D. Hamo-ay
| Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 8
1

[Link]

Bilib na talaga ako sa iyo. Nagawa mo lahat ng pagsasanay sa


mga gawain. Anong pakiramdam mo?

Paghahanda para sa susunod na paksa:

Panuto: Magbigay ng sariling karanasan at obserbasyon batay sa paggamit ng Wikang Filipino sa:
1. lugar umpukan
2. paaralan
3. pamilihang bayan
4. paradahan
5. kapilya/simbahan

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
__________________________________________________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Lubos ang aking kasiyahan at napagtagumpayan
mo ang mga pagsasanay at gawain.
C. M. D. Hamo-ay
Ang galing mo, binabati kita!
| Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 9
1

1.3 Sanggunian
Dela Peña, JM L., & Nucasa, W. P. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.
Plaridel, Bulacan.
Binwag, Cabigat, Lonez, Immangdul, Aniceto, & Behhay. (2019). Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino. Gauuan (Ed.). St. Andrew Publishing House.

Sanaysay. (n.d.). Scribd. [Link]

1.4 Pagkilala

Ang mga larawan, talahanayan at impormasyon sa modyul na ito ay kinuha sa mga


sanggunian na nakatala sa itaas.

C. M. D. Hamo-ay

You might also like