You are on page 1of 15

OLIVAREZ COLLEGE

FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Module No. _1 - 2_

I. OUTCOMES OF LEARNING

(Bunga ng Pampagkatuto)
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
3. Makabuo ng isang bidyo na nagpapakita ng adbokasiya sa pagtataguyod ng Wikang
Filipino sa tersyarya.

II. LESSON PRESENTATION


(Paglalahad ng Aralin)
INTRODUKSYON: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA
ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA

I. Ang Filipino bilang isang Wikang Pambansa


Sa loob ng mahigit dalawang dekada, marami nang napagdaanan ang ating
Wika bago pa man nakilala bilang isang Wikang Pambansa. Sa panahon ni
Pangulong Manuel L. Quezon, nakilala bilang wikang pambansa ang “Tagalog” sa
ilalim ng kautusang tagapagpaganap Blg. 134 noong Disyembre 30, 1937.
Napalitan muli ang katawagan sa wikang pambansa at kinilala bilang “Pilipino” sa
bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959.
Sa ilalim naman ng pamamahala ni Pangulong Cory Aquino nakabuo ng
isang batas na nangangalaga sa wika, ito ang Konstitusyon 1987 Artikulo 14
Seksyon 6, 7, 8 at 9 na nagsasabing:

◼ SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon.

◼ SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang
Kastila at Arabic.

◼ SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehyon, Arabic, at Kastila.

◼ SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na


binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagagamit ang wikang pambansa bilang midyum sa


pagtuturo sa bawat asignatura partikular na sa Filipino at Kasaysayan. Maraming dahilan
kung bakit patuloy na itinuturo ang Filipino sa edukasyon dahil una (1) ang madalas na
pagkakamali ng mga Pilipino sa paggamit ng mga salita katulad ng pahiran at pahirin,
pinto at pintuan, nang at ng, iwan at iwanan, at marami pang iba. At pangalawa (2)
madalas pa rin na kilala ng mga Pilipino bilang wikang pambansa ay ang “Tagalog” at
hindi Filipino. Madalas na hindi na naiiba ang kahulugan ng “Tagalog” sa wikang
pambansa na “Filipino”. Panghuli (3) ang wikang Filipino lamang ang nagdudugtong sa
iba pang wika o dayalekto na mayroon ang Pilipinas. Ito ang magsisilbing tulay upang
magkaroon ng magandang ugnayan sa loob at ng bansa para sa mga Pilipino.

II. Ang Wikang katutubo at ang Wikang Filipino

Ang Pilipinas ay maituturing na multilingual na bansa dahil sa dami ng mga wika


na makikilala dito. Bago pa man dumating ang mananakop, tinatawag na ang mga wika
na “wikang katutubo” na nagmula sa iba’t ibang sulok ng bansa. Kapag ang dalawang
tagapagsalita ay nag-usap gamit ang magkaibang wika, tiyak na magkakaroon ng di
pagkakaunawaan ngunit may iilang wika na kahit magkaibang lugar ay nagkakaunawaan
tulad ng Bulacan, Cavite, Rizal, Metro Manila at ilan pang bahagi ng CALABARZON na
madalas na ginagamit na wika ay tagalog. Bawat isa sa mga wika ay tinatawag na
“diyalekto” o mga wikang katutubo na natutuhan simula sa kanilang pagsilang.
Ang bawat bansa ay nangangailangan ng wikang pambansa upang maging
instrumento ng mabilis na unawaan ng bawat Pilipino. Ito rin ang tulay ng komunikasyon
sa mga katutubong wika na mayroon ang bansa. Naging malaking usapin ang wikang
pambansa ng Pilipinas sa panahon ng Amerikano at ang napili ay ang katutubong wika na
“Tagalog”. Napiling batayan sa wikang pambansa ang “tagalog” dahil nanindigan si
Delegado Felipe R. Jose na gamitin sa kanyang pagpapahayag ang wikang tagalog at
binanggit na hindi niya gagamitin ang anumang wikang banyaga bagkus ay ang kanyang
sariling wika. Sa pagkakataon na iyon ay natauhan ang mayorya ng sa kumbensyon at
bumuo ng Committee on official language. Nag-ulat ang lupon noong 28 ng Setyembre
1934 at ipinaliwanag ang pagkiling sa isang wikang katutubo bilang wika, ito ang
sinundan sa pasiyang “ibatay sa isa sa mga katutubong wika” ang wikang pambansa sa
1935 Konstitusyon ng Pilipinas.
Hindi na naipilit pang gawing wikang pambansa ang wikang Ingles dahil hindi na
rin ito isinulong ng Ingles at ng mga eksperto sa pangunguna ni Najeeb Mitry Saleeby na

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

naglabas ng librong “The Language of Education of the Philippine Islands” noong 1924 na
nagpahayag na patuloy na paggamit ng Ingles bilang wikang panturo.
Naging mahigpit ang debate ukol sa pagpili ng wikang pambansa sa Pilipinas kahit
pa na rekomendado ang tagalog ng Committee on Official Language. Sa botohan, natalo
ang mga tagalog kaya naman napagpasiyahan na gumawa ng panibagong samahan na
mangangalaga at mamimili sa wikang pambansa sa 1935 Konstitusyon sa panukala ni
Delegado Wenceslao Vinzon. Noong Nobyembre 1936, pinagtibay ng National Assembly
ang Commonwealth Act No. 184 na lumilikha ng National Language Institute o Surian
ng Wikang Pambansa at ito ang pumili ng Tagalog bilang wikang pambansa. Sa
kasalukuyan, ito ay tinawag na Filipino sa ilalim ng 1987 Konstitusyon Artikulo XIV
Seksyon 6.

III. SAMAHANG NAKILALA PARA LUMABAN SA CHED MEMO 20

Naglabas ang Commission on Higher Education (CHED) ng Memorandum Order


No. 20 Series of 2013 (CMO 20-2013) na may titulong “General Education Curriculum:
Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies (GEC),” na nagsasaad na
alisin ang mga minor subject sa kurikulum ng kolehiyo sa taong 2016 upang magbigay
daan sa pagpapaigting ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga major o teknikal na kurso
na may kaugnayan sa Agham at teknolohiya.
Maraming nabahala nang ilabas ang memo na ito, mga dalubwika, propesor, guro
sa Filipino at maging ang mga mag-aaral ay hindi naging sang-ayon dito. Noong Hunyo
21, 2014 naitatag ang samahang tinawag na “TANGGOL WIKA” sa Dela Salle University
kung saan 500 delegado mula sa 40 paaralan ang lumahok sa konsultatibong forum sa
pangunguna ng alagad ng sining na si Dr. Bienvenido Lumbera.

PAGHAHAIN NG PETISYON NG TANGGOL WIKA


Taong 2011 nang lumabas ang usapin sa pag-aalis ng asignaturang Filipino sa
Kolehiyo. Oktubre 3, 2012 nang magkaroon ng petisyon tungkol sa Revised General
Education Curriculum isang taon nang maitatag ang Tanggol Wika na may layunin na:
“urging the Commission on Higher Education (CHED) and the Department of Education
(DepEd) to consider issuing an immediate moratorium on the implementation of the
senior high school/junior college and Revised General Education Curriculum (RGEC)
components of the K to 12 Program which might cause the downsizing or even abolition
of the Filipino departments in a number of universities (other departments would surely
be downsized too).”
Noong Hunyo 28, 2013 lamang inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013
na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalim ng K to 12:
“Understanding the Self; Readings in Philippine History; The Contemporary World;
Mathematics in the Modern World; Purporsive Communication; Art Appreciation; Science,
Technology and Society; Ethics.” Ang dating balita ay kumpirmado na: walang Filipino sa
planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12, kumpara sa 6 hanggang 9 na yunit ng
asignaturang Filipino, alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997, bukod pa sa dati-rati’y 3-
6 yunit ng Panitikan. Sa Seksyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013 ay naging opsyonal na
lamang din ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo, mula sa dating pagiging
mandatoring wikang panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996. Bandang 2014

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

na nang magkaroon ng kopya ng CMO No. 20, Series of 2013 ang marami-raming
propesor ng Filipino at Panitikan.
Bumuo ng petisyon ang mga propesor ng DLSU sa pangunguna nina Dr. Fanny Garcia at
Dr. Maria Lucille Roxas na gumawa ng bagong liham-petisyon na ipinasa sa CHED n
oong ika-3 ng Marso, 2014. Nagsama-sama naman ang mga propesor mula sa iba’t
ibang paaralan tulad ng UST, University of the Philippines-Diliman (UPD) at University of
the Philippines-Manila (UPM), Ateneo de Manila University (ADMU), Philippine Normal
University (PNU), San Beda CollegeManila (SBC), Polytechnic University of the Philippines-
Manila (PUP), National Teachers College (NTC), Miriam College (MC) atbp., at mga
samahang pangwika gaya ng PSLLF, Pambansang Asosasyon ng Mga Tagapagtaguyod ng
Salin (PATAS), at Sanggunian sa Filipino (SANGFIL). Nakalikom sila ng mahigit 200 pirma
at dinala sa CHED ngunit hindi agad inaksyunan ito ngunit may ilang dayalogo na
naganap binaggit nila na pinag-uusapan nila ang nasabing petisyon.
Hulyo 4, 2014 nagkaroon ng konsultasyon dahil sa demand ng Tanggol Wika.
Abril 15, 2015 naman nagsampa ng kaso sa pangunguna ni Dr. Lumbera, ACT Teachers,
Anakpawis, Kabataan Partylist at mahigit 100 propesor sa Korte Suprema. Nasa
apatnapu’t lima (45) pahinang papel ang kauna-kaunahang petisyong nakasulat sa wikang
Pambansa na kanilang nagawa.
Maraming batas na nilabag ang CHED sa pagtatanggal ng Filipino sa Kolehiyo. Ito
ay ang mga batas na nasa ilalim ng 1987 Konstistusyon Artikulo XIV Seksyon 6, 14, 15 at
18 na nagsasabing:

◼ SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika.
◼ SEK. 14. Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga, pagpapayaman at dinamikong
ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa
pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko at intelektwal na pagpapahayag.
◼ SEK. 15. Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan. Dapat pangalagaan,
itaguyod, at ipalaganap ng Estado ang pamanang historikal at kultural at ang mga likha
at mga kayamanang batis artistiko ng bansa.
◼ SEK. 18 (1) Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na pagtatamo ng mga pagkakataong
kultural sa pamamagitan ng sistemang pang-edukasyon, mga kultural na entity na
publiko o pribado, at mga iskolarsip, mga kaloob at iba pang mga insentibo, at mga
pampamayanang sentrong kultural at iba pang mga tanghalang pangmadla.
◼ (2) Dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang mga pananaliksik at mga pag-aaral
tungkol sa mga sining at kultura.
Sa huli, kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng
temporary restraining order (TRO) na may petsang Abril 21, 2015. Ayon sa Korte
Suprema:
“They contend that the Constitution expressly states that the Filipino is the
national language of the Philippines. The State must lead and sustain its usage as the
medium of official communication and as the language of instruction in the educational
system. This holds true without distinction as to education level. Hence, Filipino as our
language deserves a place of honor and usage in the educational system, from pre-

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

school to higher education… In the same vein, “Panitikan” and “Philippine Gov’t and
Constitution” as subjects in CMO 20 reflects its non-compliance with the State policies to
preserve not only the teaching of literature as part of cultural heritage but to the very
constitutional mandate to instill nationalism and patriotism in all levels of education.
Worse, the deletion of the said subjects in the new curriculum would cause
unemployment for more or less 78, 000 teachers and employees in educational
institutions. To date, the CHED has offered neither a plan or nor a mechanism to
cushion the blow of sudden unemployment in the education sector. Finally, CMO 20
likewise violates several statutory acts.”

IV. Filipino: Ang Pambansang Wikang dapat Ipaglaban

Sa unang bahagi ng paglalahad ni Ginoong Antonio Contreras sa kanyang artikulo,


tinalakay niya agad kung paano maliitin ng mga Pilipino ang pagsasaling ginawa sa mga
salitang wala pang salin sa Filipino tulad ng “bra bilang salung-suso” at “upuan bilang salung-
puwit” na kung iisipin, ano pa nga raw ang susunod na pagsasalin sa salitang “panty at brief”.

Tunay nga naman na may malaking pagkakamali sa pagkakaunawa ang Pilipino


pagdating sa pagsasalin ng mga salita sa wikang Ingles patungo sa wika natin. Madalas na
ginagawang literal na pagsasalin o salita sa salitang pagsasalin ang kanilang ginagawa sa
pagbuo ng pangungusap. Isa sa halimbawang nabanggit ni G. Contreras ay ang pagtuturo sa
Sipnayan na “The square root of 4 is 2” na ayon sa pagsasalin sa Filipino ay “Ang parisukat ng
apat ay dalawa” kung inyong mapapansin hindi magandang pakinggan ang naging pagsasalin
marahil na nga na bago sa ating pandinig. May nagsasabi rin naman na dapat na pagsasalin
doon ay “Ang skwer rut ng apat ay dalawa” na sinang-ayunan naman ni G. Contreras marahil
dahil na rin na madalas na ginagamit ng Pilipino sa pagsasalin ng mga wikang Ingles ay ang
Transliterasyon na pagsasalin kung saan literal na isinasalin ang mga dayuhang wika tulad ng
“computer-kompyuter”, “development-debelopment”, “construction-kontraksyon”, at marami
pang iba. Patuloy pa rin na pinagtatalunan ang wikang gagamitin sa sipnayan at hindi man
lamang naiisip kung paano ipaglalaban ang wika natin.

Binanggit din ni G. Contreras sa kanyang artikulo na mga kapwa Pilipino ang naglalaban
laban maging sa iisang wikang gagamitin. Naging malaking isyu ang paggamit ng wikang
Filipino bilang tulay ng komunikasyon. Naglalaban ang mga Pilipino sa wika lalo na ang mga
rehiyonalista. Ayon sa rehiyonalista tanda lamang daw na may gahum o “hegemony” ang
Filipino, na ayon sa kanila ay isa lamang nagbabalatkayong tagalog. Katulad ng nabanggit ng
may-akda, lubos na nakababahala kung walang iisang wika na gagamitin ang mga Pilipino.
Paano na lamang makikipag-ugnayan ang mga Pilipino sa bawat sulok ng bansa. Mapapansin
nga naman na tagalog pa rin ang ginagamit na wika ng mga Pilipino kahit na ikaw ay dumayo
sa ibang lugar na may ibang dayalektong ginagamit.

Higit na mapapansin pa rin sa mga Pilipino ang pagkiling sa paggamit ng wikang Ingles
sa pakikipagtalastasan kaysa sa wikang Filipino. Katulad nga ng tanong ni G. Contreras, paano
magiging gahum ang wikang Filipino kung ang pagkiling pa rin sa Ingles ang ginagamit sa
larangan ng estado, at sa mga paaralan at pamantasan? Mapapansin rin na isang buwan

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

lamang inaalala ang paggunita sa Buwan ng Wika. Makikita pa rin ang pagkakaroon ng utak
kolonyal ng mga Pilipino maging sa kasalukuyan. Binanggit ng may akda kung gaano
nagbibigay daan ang wikang Filipino para sa ibang wika at hindi pagiging gahum ang
nangyayari dito. Ang mga sumusunod ay mga nabanggit ukol sa hindi pagiging gahum ng
wikang Filipino:

◼ Patuloy na paglalaban na magkaroon ng unit sa kolehiyo ang Filipino. Pag-aalis ng


asignaturang Filipino sa kolehiyo bilang General Education. Pagdudulog ng petisyon,
pagrally at pagbuo ng kilusan (TANGGOL WIKA) upang labanan ang pagtatangkang
burahin ang Filipino sa kolehiyo.
◼ CHED MEMO 20 s. 2013 kung saan ginawang opsyon na lamang sa mag-aaral ang pag-
aaral sa Filipino sa kolehiyo.
◼ Pagsusulat sa Pamantasan ng silabus ay dapat nakasulat sa Ingles.
◼ Pakikisama sa agos ng globalisasyon at integrasyon sa Asean. (K-12)
◼ Ginagawang katatawanan ang pagsasalin sa mga teknikal na termino tulad ng “square
root”.
◼ Patuloy na nakikipaglaban ang wikang Filipino sa sariling bansa.
◼ Madalas na ginamit ang “gahum” na salita na nagmula sa Cebuano bilang salin sa
“hegemony” na nagpapatunay lamang na walang gahum ang tagalog sa Filipino.

Sa huli, binanggit ni G. Contreras na hindi dapat katakutan ng mga aktibistang


rehiyonalista ang Filipino na siyang bubura at lulusaw sa kanilang kakanyahan. Hindi
basta-basta mabubura ang kani-kanilang wika kung patuloy pa rin nilang ginagamit ito maging
kanilang mga kultura at kamalayan sa kanilang lugar. Nararapat lamang na makipagtulungan
ang aktibistang rehiyonlista na ipaglaban ito dahil iisa lamang kanilang layunin dahil malinaw na
kapag nawala ang Filipino, mawawalan din ng lugar ang wikang rehiyonal. Lalamunin ang
Pilipino ng sistemang global at unti-unti mawawala an g ating kakanyahan bilang isang Pilipino.
Ayon nga sa huling binanggit ni G. Contreras sa kanyang artikulo:

“Ang kaaway ay ang mga puwersang nananahan sa puso at isipan ng maraming


Pilipino, na ang iba ay may mga hawak pa nga na posisyon, sa pamahalaan man o sa
pamantasan, na lumilikha ng mga balakid at pumipigil sa pagpapanatili ng Filipino sa
kamalayan ng Pilipino. Ito ang mga taong pinipilit papiliin ang Pilipino na mag-Ingles o mag-
Filipino, samantalang ang nararapat ay palawakin ang kamalayang Filipino sa mga Pilipino
upang kahit matatas tayong magsalita ng Ingles ay mananatili tayong matatas magsalita sa
Filipino at kung anumang rehiyonal nating mga wika.”
Aluta Continua! Tuloy ang laban ng wikang Filipino.

V. IBA’T IBANG POSISYONG PAPEL NG MGA KOLEHIYO’T UNIBERSIDAD AT


MGA ORGANISASYON

“Pagtiyak sa Katayuang Akademiko ng Filipino bilang asignatura sa Antas Tersyarya”


Resolusyon ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSSLF) sa pamumuno ni Dr. Aurora Batnag

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

“…sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa


pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang
pangmidya.”
Lagpas pa sa pag-aambag sa kultura ng daigdig, ang pagtuturo ng wika at
panitikang Filipino ay paggigiit ng espasyo para sa humanidad ng mga Pilipino. Ang
ating wika at panitikan ay salamin at tagapagpahayag ng ating mga hinaing, kasawian,
tagumpay, kasiyahan, hinanakit, sama ng loob, pangarap, pag-asa, at iba pang
damdaming nagbibigay sa atin ng lakas upang humakbag mula rito patungo sa dako pa
roon ng hinaharap. Ang pagkakait ng espasyo para sa ating pagkatao at pagiging tao.
Naninindigan ang aming organisasyon na gamitin ang wikang Filipino bilang
mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong GEC, bukod pa sa asignaturang Rizal.
Ang ganitong paninindigan ay alinsunod sa patakarang bilinggwal sa edukasyon na
ipinatupad sa pamamagitan ng Dept. Order 25 s. 1974 ng Dept. of Education, Culture, and
Sports na hanggang ngayo’y operatibo at may bisa mula Baitang 4 hanggang antas
tersyarya.
Alinsunod sa nasabing dokumento, ang wika ng pambansa ang dapat maging
wikang panturo sa “social studies/social sciences, music, arts, physical education,home
economics, practical arts and character education”. ..

(Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral ng Araling Filipino, DANUM)

Sa isang bansa na pinagdedebatehan pa rin ang pambansang identidad, hindi


matatawaran ang ambag ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng
edukasyon, tungo sa pagpapatibay ng kolektibong kaakuhan ng ating sambayanan.

Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila

“Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng
sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa
loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas tersiyaryo at gradwado
bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyunal.”

Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas

“Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at
kaalamang pinanday sa akademya.. Ganito ang karanasan ng mga mag-aaral sa sa UP
Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang
matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan
ng mamamayan ang kanilang kaalaman.”

Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Normal ng


Pilipinas

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

“Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay mahalagang domeyn na humuhubog sa


kaalaman at kasanayan ng bawat mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng
pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa
paaralan ng buhay ang maga araling hindi lamang nagtatapos sa apat na sulok ng silid-
aralan.

I
III. NTERACTIVE DISCUSSION QUESTIONS
(Interaktibong talakayan)
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang CHED Memo 20 s 2013?

2. Paano nito naging malaking hamon sa wikang Filipino?

3. Ano-ano ang mga batas na nilabag ng CMO 20 s 2013?

4. Nagtagumpay baa ng Tanggol Wika na ipaglaban ang Filipino sa Kolehiyo? Paano?

5. Ano-anong batas ang nangangalaga sa wikang pambasa?

6. Sino ang matinding kalaban ng wikang pambansa? Ipaliwanag.

IV. VALUES REFLECTION


(Pagpapahalagang Pagpapakatao)

3–2–1
3 BAGAY NA NATUTUHAN
2 BAGAY NA NAPAGTANTO
1 TANONG SA IYONG ISIP

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

V. ACTIVITY ENGAGEMENT
(Mga kaugnay na Gawain)
A. KARATULASTASAN
Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo, bumuo ng isang slogan na iyong gagamitin
bilang plakard sa “virtual rally”.

1
2
B. TULASTASAN
Bumuo ng isang maikling tula (spoken word poetry) na nagpapahayag ng
iyong posisyon sa CHED Memo 20.

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

VI. RESEARCH EXPLORATION

Basahin mo…
Wika ng mga Manlalarong Pilipino: Pagsusuri sa Pinagmulan at Saysay ng mga
Salitang Ginagamit sa Mundo ng DotA 2 at LoL
Merwyn Abel  | Christan Autor  | Aaron Gripal  | Feorillo Petronilo Demeterio Iii

Abstrak:

Tinatalakay sa papel na ito ang wikang ginagamit ng mga Pilipinong manlalaro sa


Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) game na Defense of the Ancients 2 (DotA 2) at
League of Legends (LoL). Espesipikong pinili ang mga larong ito sapagkat dalawa ito sa
mga larong may halos magkatulad na estilo ng mechanics at may maraming bilang ng
manlalaro I
VII. NTEGRATION PROCESS AND
sa Pilipinas. Sasaliksiking SYNTHESIS
mabuti ang mga salitang ginagamit sa pakikipag-
ugnayan sa iba pang manlalaro habang nagaganap ang laro at maging sa labas ng laro
na kinakatawan ng mga online forum, mga Facebook page at group, at iba pang klase ng
A. Integrasyon
talakayan.Pumili
Paghahambingin
ng dalawangngnapapanahong
papel na ito ang orihinal
isyung na kahulugan
panlipunan ng mga
at ihambing piniling
ito sa CHED
MEMO 20 s. 2013 gamit
salita sa pagpapakahulugan nito saang Vennng
mundo Diagram
DotA 2 at LoL. Susuriin din ng papel na ito
ang mga pagbabago sa kahulugan ng mga salita ayon sa takbo ng panahon. Sa mga
pagsusuring ito ay gagamitin ng aming pangkat ang konsepto ng pragmatics sa pag-
1. analisa at pagbibigay-kahulugan sa mga salitang pinili sa pag-aaral. Pagkatapos isa-isahin
ng papel na ito ang pagpapakahulugan sa mga salita, aming i-uugnay ang paggamit ng
mga salitang itoISYUNG
sa kasalukuyang estado ng lipunangCHEDPilipino at ang kahalagahan nito sa
patuloy na pag-usbong MEMO
ng online gaming sa Filipino
PANLIPUNAN gaming 20 community. Sa kabuuan ng
pag-aaral, ang pag-usbong ng bagong kahulugan ng mga salita at ng mga bagong
salitang likha ng mga manlalaro sa Pilipinas ay isa lamang patunay na nananatiling buhay
at matatag ang wikang Filipino. Bukod pa, makikita rin sa wikang ginagamit ng mga
manlalaro sa Pilipinas ang estado ng lipunang Pilipino―mahirap at magulo ngunit sa
pamamagitan ng mga larong ito ay nagkakaroon ng interaksyon, positibo man ito o
negatibo.
https://ejournals.ph/article.php?id=10769

ISYUNG CHED MEMO


PANLIPUNAN 20
PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

2.

B. PAGBUBUOD
CHED MEMO 20 s. 2013 - Commission on Higher Education (CHED) ng
Memorandum Order No. 20 Series of 2013 (CMO 20-2013) na may titulong “General
Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies
(GEC),” na nagsasaad na alisin ang mga minor subject sa kurikulum ng kolehiyo sa taong
2016 upang magbigay daan sa pagpapaigting ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga
major o teknikal na kurso na may kaugnayan sa Agham at teknolohiya.
CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa
antas tersarya sa ilalim ng K to 12: “Understanding the Self; Readings in Philippine
History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern World; Purporsive
Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics.”. Katulad ng
inaasahan walang asignaturang Filipino sa kolehiyo kumpara sa 6 hanggang 9 na yunit ng
asignaturang Filipino, alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997.

TANGGOL WIKA – Nabuong samahan upang ipaglaban ang karapatan ng


Asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Noong Hunyo 21, 2014 naitatag ang samahang tinawag
na “TANGGOL WIKA” sa Dela Salle University kung saan 500 delegado mula sa 40
paaralan ang lumahok sa konsultatibong forum sa pangunguna ng alagad ng sining na si
Dr. Bienvenido Lumbera.
Naging isang mapanghamon sa samahan ang paglalaban para sa wikang Filipino
ngunit noong ika 15 ng Abril, 2015 ay kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon ng
tanggol wika at binigyan ang CHED Memo 20 ng Temporary Restraining Order (TRO),
naipagpaliban ang batas na inihain ng CHED.
Mga batas na nangangalaga sa wika:
KONSTITUSYON 1987 ARTIKULO IV SEKSYON 6, 14, 15 at 18

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

◼ SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika.
◼ SEK. 14. Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga, pagpapayaman at dinamikong
ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa
pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko at intelektwal na pagpapahayag.
◼ SEK. 15. Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan. Dapat pangalagaan,
itaguyod, at ipalaganap ng Estado ang pamanang historikal at kultural at ang mga likha
at mga kayamanang batis artistiko ng bansa.
◼ SEK. 18 (1) Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na pagtatamo ng mga pagkakataong
kultural sa pamamagitan ng sistemang pang-edukasyon, mga kultural na entity na
publiko o pribado, at mga iskolarsip, mga kaloob at iba pang mga insentibo, at mga
pampamayanang sentrong kultural at iba pang mga tanghalang pangmadla.
◼ (2) Dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang mga pananaliksik at mga pag-aaral
tungkol sa mga sining at kultura.

Wikang Tagalog1935 Wikang Pilipino


1959

Wikang Filipino
1987

AKTIBISTANG REHIYONALISTA – Sa kanilang palagay,


ang Filipino ay gahum o hegemony na ayon sa kanila ay
nagbabalatkayong tagalog. Mayroon silang pangamba na
malusaw ang kanilang kakanyahan.

WIKANG FILIPINO – Hindi nagiging gahum o hegemony


ang Filipino dahil lagging nagbibigay daan ang wika para
lubos na magamit ang dayuhang wika sa kahit ano pa mang
mga bagay. Mas higit na ginagamit ng mga Pilipino ang
wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino.

Tandaan:
PA
Higit na kailangang magtulungan ng WIKANG
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

VIII. ASSESSMENT OF LEARNING

A. Matapos ang ating talakayan, ikaw ay gagawa ng isang posisyong papel na


naglalahad ng iyong posisyon ukol sa CHED MEMO 20 s. 2013. Ito ang
magsisilbing skrip para sa susunod na gawain ang pagbuo ng bidyong
adbokasiya para sa wika.

1 Nakapanig ka na ba?
SKL #01
2 Kaming mga mag-aaral ng
kursong ______ ng
Magsulat ng Posisyong Dalubhasang Olivarez ay
Papel. naniniwala/naninindigan na
______________________.
Kurso
Panig
Paniniwala
Batayan
Paghihimok
Kongklusyon

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

3
Ang Filipino ay _______________. Sinasaad ng __________. Kinakailangan itong
_____________________. Sa ganitong mga pahayag, nakikita naming bilang mag-aaral ng
Medisina sa Dalubhasaang Olivarez, Paranaque ang kahalagahan ng wika sa sumusunod na
sitwasyon:
1.
2.
3.
Ang pag-alis ng Filipino sa antas tersyarya ay nangangahulugan lamang na
_____________________. Mapalad kami na maranasan ang pagtuturo hanggang ngayon ng/sa
Filipino sapagkat kung _______________. Ganoon na lamang ang aming paninindigan sapagkat
_________________.

B. Pagkatapos bumuo ng isang posisyong papel, bumuo ng isang bidyo na


naglalahad ng adbokasiya patungkol sa pagpapahalaga sa asignaturang
Filipino sa tersyarya.

Pamantayan:

Posisyong Papel at Bidyo

Pamantayan: Puntos

Nilalaman/Tema 25

Gramatika 20

Pagkakabuo 5

Kabuuan 50

IX. NETWORK
(Alma M. Dayag, 2016)
LINKS, DIGITAL SOURCES AND REFERENCES

PA
GE
OLIVAREZ COLLEGE
FIL11: KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Module No. _1 - 2_

MGA AKLAT:

◼ Madalas Na Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa, Komisyon sa Wikang Filipino


◼ Dayag & del Rosario. Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc. 2016

ELEKTRONIKO:

◼ https://www.researchgate.net/publication/
320558204_Alyansa_ng_Mga_Tagapagtanggol_ng_Wikang_FilipinoTANGGOL_WIKA_Int
ernal_na_Kwento_Mga_Susing_Argumento_at_Dokumento_2014-2017
◼ https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/376423/filipino-ang-pambansang-
wikang-dapat-pang-ipaglaban/story/
◼ https://ejournals.ph/article.php?id=10769

PA
GE

You might also like