You are on page 1of 3

ST.

THOMAS ACADEMY
Sto. Thomas, Batangas
1st Sem- SY 2018-2019

GABAY SA PAGTUTURO SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)


GRADE 12- CORE SUBJECT

PAKSA: Aralin 6- Pagsulat ng Talumpati


BILANG NG SESYON: 4-5 sesyon
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng
pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
(Akademik)
PAMANTAYANG PAGGANAP- Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating
akademik ayon sa format at teknik
MGA DETALYADONG KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nasasabi ang uri ng talumpating nabasa/napakinggan
2. Naiuugnay sa sarili ang talumpating nabasa/napanood
3. Nakasusulat ng isang talumpati mula sa mahalagang karanasang natutuhan
4. Nakabibigkas ng talumpati sa harap ng klase
5. Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pgsulat ng talumpati sa pamamagitan ng
pinakinggang halimbawa
6. Naisasabuhay ang pagkakaroon ng paninindigan at integridad tungo sa pagsulat ng
isang talumpati

KAGAMITAN: Power point Presentation, Aklat, whiteboard, marker, biswal na kagamitan


SANGGUNIAN: FILIPINO sa Piling Larang ( Akademik ) p. 33-40
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Pagkakaroon ng paninidigan at integridad

I. PANIMULA

Ang talumpati ay sining ng pagsasalita na maaring nanghihikayat, nangangatwiran o


tumatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang
katatasan, husay at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang
paninindigan. Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati batay sa paghahanda sa mga ito
(Mangahis, Nuncio, Javillo, 2008).

Sa paghahanda nito, kinakailangang tandaan na ang isang mahusay na talumpati ay


dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo, at nakahihikayat ng
mga konsepto at paninindigan sa mga manonod at tagapakinig.

II. PAGGANYAK
1. Magpapanood ang guro ng halimbawa ng taong nagtatalumpati. Susuriin ng mga mag-aaral
ang nilalaman at paraan ng pagpapahayag ng nagtatalampati.
2. Magkakaroon ng malayang talakayan: Bakit mahalagang nakakapukaw ng interes ang
talumpati? Paano ang wastong pagpapahayag ng isang talumpati?

III. INSTRUKSYON
A. Mga gabay sa pagsulat ng talumpati
 Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga tagapakinig.
 Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati.
 Iayon ang mga salita, tayutay, kasabihan o salawikaing gagamitin sa pagpapahayag ng
mga ideya sa talumpati.
B. Mga dapat isaalang-alang sa pagtatalumpati
1. Paghahanda
a. Talumpating Maisusulat Pa
b. Talumpating Hindi Maisusulat
2. Pagpapanatili ng Kawilihan ng tagapakinig
3. Pagpapanatili ng Kasukdulan
4. Pagbibigay ng Konklusyon sa Tagapakinig
C. Iba’t ibang uri ng Talumpati Ayon sa Paghahanda
1. Impromptu
2. Extempore
3. Isinaulong Talumpati
4. Pagbasa ng Papel sa Kumperensya
D. Halimbawa ng Talumpati

IV. PAGSASANAY
Pagsagot sa pagsasanay ng mga mag-aaral sa bahaging Suriin Mo pahina 38-39 ng
sangguniang aklat at pagkakaroon ng pangkalahatang talakayan hinggil dito

V. PAGPAPAYAMAN
Pagsasagawa ng pagsasanay sa Isabuhay Mo pahina 39
1. Balikan muli ang kabuuang talumpati na binasa. Gumawa ng balangkas nito.
 Pamagat ng Talumpati
 Mahalagang Paksa
 Naging Damdamin mo sa Paksa HabangBbinabasa o Matapos Basahin ang Talumpati
 Mahalagang Aral Natutuhan sa Talumpati
 Natuklasan sa Sarili Kaugnay sa Aral ng Talumpati
 Mahalagang Konsepto na Nabuo sa iyong Sarili

Pagtalakay sa Pagpapahalagang Pangkatauhan


2. Ano ang mahahalagang katangiang dapat taglayin ng isang mananalumpati?
3. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang paninindigan at integridad sa pagsulat ng talumpati?

VI. PAGTATAYA
Sumulat ng isang talumpati ayon sa paksang iyong kinawiwilihan at iugnay sa iyong sariling
mga karanasan upang higit na mapalutang ang mga ideya. Gamiting gabay ang sumusunod na
tanong sa pagsulat ng talumpati. Kinakailangang makatotohanan at kayang panindigan ang
mga pahayag na isusulat.
1. Ano ang paksa ng iyong talumpati?
2. Ano ang nais mong mangyari sa mga makikinig ng iyong talumpati?
3. Mapupukaw ba ng iyong mensahe ang kawilihan ng mga tagapakinig?
4. Dabat bang isaalang-alang ang organisasyon ng nilalaman sa pagsulat ng iyong
talumpati?

Pamantayan Puntos (5-4) Puntos (3) Puntos (2) Puntos (1)

1. Nilalaman Malalim, May 1-2 Higit pa sa 2 Mababaw at literal


makahulugan at pangungusap ang pangungusap ang ang kabuuan ng
kawili-wili ang hindi gaanong hindi gaanong lalim talumpati
nilalaman ng lalim ang ang kahulugan ang
talumpati kahulugan ang talumpati
talumpati
2. Organisasyon Organisado at May 1-2 mga Higit pa sa 2 ang Walang kalinawan at
malinaw ang impormasyon ang walang kalinawan at hindi organisado
paglalahad ng mga walang kaugnayan hindi organisado ang mga
impormasyon. May at may ilang ang mga impormasyong
pagkakaugnay ang pangungusap na impormasyong inilahad.
mga pangungusap. walang kalinawan. inilahad.
3. Kaugnayan ng Naayon at maayos May 1-2 mga Higit pa sa 2 mga walang kaugnayan
Nilalaman sa na naiugnay ang impormasyon ang impormasyon ang ang mga
napiling paksa nilalaman sa walang kaugnayan walang kaugnayan impormasyon sa
napiling paksa sa paksa sa paksa paksa
4. Mekanismo May tamang May 3-4 Higit pa sa 4 mali sa Maraming mali sa
mekaniks (baybay, pagkakamali sa mekaniks (baybay, mekaniks (baybay,
bantas, gamit ng mekaniks (baybay, bantas, gamit ng bantas, gamit ng
malaki at maliit na bantas, gamit ng malaki at maliit na malaki at maliit na
titik) malaki at maliit na titik) titik)
titik)

Inihanda ni: Sinang-ayunan ni:

Bb. Alreen Mitzchell Z. San Jose Gng. Lilibeth M. Enriquez


Guro Punong-Guro

Bilang ng mag-aaral na nagkaroon ng kasanayan ___________


Bilang ng mag-aaral na nagangailangan ng kasanayan ___________

You might also like