You are on page 1of 8

Zamora Memorial College

Senior High School Department


Bacacay Albay

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika At Kulturang Pilipino

QUARTER 1, WEEK 7
Maria Divina Laganda Bigata
Guro

• Excellence, Character
• Pagkilala sa malimuot na pinagdaan ng wikang Pambansa bilang sagisag ng pabansang identidad

PVMGO: General Objective


• To ensure the development of the required repertoire of knowledge, skills, attitudes to become
responsive ad dedicated leader and morally-upright catalyst of change in society.

Mula sa mga babasahin, gawain at pagtataya ay inaasahang maisakatuparan mo ang mga


sumusunod:

• Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring kay kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa
• Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o
lingguwistiko ng napiling komunidad
Paunang Salita

Ang wikang Filipino ang katutubong wikang ginagamit ng komunikasyong ng mga etnikong
grupo.Katulad ng iba pang wikang buhay, ay Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng
wika para sa iba-ibang sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal, at para sa
mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. Gagabayan ka ng modyul na ito sa iyong
paglalakbay at pagtuklas sa mundo ng kaalaman tungkol sa Kasaysayan ng Wika. Nakapaloob dito ang
mga gawain , mga pagsasanay na sasagutin ng sa gayon ay masukat ang iyong kaalamang malinang sa
modyul.

KASAYSAYAN NG WIKA—IKALAWANG BAHAGI

A. TUKLASIN

Gawain 1

Panuto: Punan ang timeline sa ibaba upang maihanay ang naging kasaysayan ng pagkakaroon ng
Pambansang Wika sa Pilipinas. Kapag naisulat na ang kasagutang wika sa bawat kahon, magbigay ng
maikling paglalarawan sa bawat wika.Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

TIMELINE

1937 1959 1987

1
B. SURIIN
PAGBASA NG TAHIMIK
Panuto: Basahin nang tahimik ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Habang nagbabasa, magtala sa
inyong notbuk ng mahahalagang impormasyon na inyong nakuha.

BASAHIN MO

KASAYSAYAN NG WIKA
Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit napakaraming wika at wikain sa bansa. Bagama’t
may pagkakaiba ang mga wika, malaki ang pagkakahawig nito sa isa’t isa bunga ng pagkakabilang sa iisang pamilya
ng wika, ang wikang Austronesian. Matatagpuan mula sa Formosa sa hilaga hanggang sa New Zealand sa timog;
mula sa Eastern Island sa silangan hanggang sa Madagascar sa kanluran , ang wikang Austronesian. Ang Tagalog na
siyang batayan ng wikang pambansa, ayon sa pagaaral na ginawa noong 1934 ni Otto Dempwolff, ay kabilang sa
Indonesian subgroup ng Austronesian. Naging maliwanag ang landas sa hangaring ito nang magkaroon ng
Kapulungang Pansaligang – batas sa hanagaring ito nang magkaroon ng kapulungang Pansaligang- batas noong
1934.
Hulyo 10, 1934 binuo ang kapulungang Pansaligang- batas bilang paghahanda sa itatatag na Malasariling
Pamahalaan (Commonwealth). Ang kapulungang ito ang umugit sa Saligang batas ng 1935. Sa Artikulo 14, Seksyon
3 ng Saligang –batas na ito, inatasan ang Pambansang Asamblea na magsagawa ng kaukulang hakbang sa paglinang
ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na wika sa Pilipinas. Ang pangulo ng Komonwelt noon na si
Manuel L. Quezon, ang naging masugid na tagapagtaguyod na magkaroon ng isang wikang pambansa.
Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Pambanasang Asamblea ang Batas ng Komonwealth Blg. 184 na
nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Ang tanggapang ito ang magsasagawa ng pag-aaral hinggil sa
pagpili ng wikang pambansa. Ginamit na batayan sa pagpili ang wikang maunlad sa kayarian, mekanismo, literature
at ginagamit ng nakararaming Pilipino.
Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang unang mga kagawad ng tanggapang ito. Matapos maisagawa ng SWP
ang iniaatas ng batas, ipinahayag ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Disyembre 30, 1937 ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg.134 na nagtatakda sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Maraming patunay na
nabibilang sa Austronesian ang mga wika sa Pilipinas. Ilan dito ang paggamit ng panghalip na panao tulad ng tayo
at kami;mga malapanghalip o pronominal system tulad ng ito, nito at dito ; sistemang berbal na may pokus at
aspekto ( hal. kumain , kumakain , kakain,kakakain ) ; sintaks o palaugnayan ( ng pangungusap ), kabilang ang
paggamit ng pantukoy na ang at si ; pang-angkop na na at ng ( tunay na Pilipino ); ( matalinong pinuno ) sistemang
numerikal na batay sa sistemang decimal; at mga leksikal o palasalitaan.
Ang pagkakaroon ng maraming wika ang sinasabing ugat ng rehiyonalismo o pagkakapangkat-pangkat ng mga
Pilipino, dagdag pa ang kalagayang kapuluan ng bansa, na itinuturing na pisikal na sagabal sa pagkakaroon ng isang
wikang bubuklod sa sambayanang Pilipino sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga ito.
Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga Pilipino. Ang pananakop sa pamamagitan ng
pagbubukod-bukod ang ginamit ng mga Espanyol upang magkalayo-layo ang mga Pilipino. Walang isang wikang
pinairal noon sapagkat sa halip ituro ang wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga
katutubong wika.

Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang
wikang pambansa. Ang wikang ayon sa paring Heswita na si Padre Pedro Chirino ang tinataglay ang talinghaga ng
wikang Hebreo, ang katangi-tanging katawagan ng Griyego, ang kaganapan at kinis ng Latin; at ang pagkamagalang
at pagiging romantiko ng mga Espanyol.
Ang kilusang propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga pahayagang isinulat nila. Sinundan ito ng
Katipunan na Tagalog din ang ginamit sa pagbuo 9 nila ng mga kautusan, gayundin sa pahayagan na inilathala nila.
Pormal na nagkaroon ng kaganapan sapagkat bukod sa mga ilustrado ang namayani noon sa Kapulungang
Pansaligang-batas (Constitutional Assembly) , na ayaw sa wikang Tagalog, hindi nagtagal (Constitutional assembly )
ang itinuturing na Unang Republika ng Pilipinas. Sinakop ang bansa ng bagong manlulupig, ang mga Amerikano.
Sa panahon ng mga Amerikano sapilitang ipinagamit ang Ingles bilang wikang panturo at ipinagbawal ang paggamit
ng bernakular. Ngunit batay sa pag-aaral na ginawa ng Monroe Educational Survey Commission, napatunayan na
makaraan ng 25 taon na pagtututro ng Ingles hindi ito nakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral na Pilipino. Sa
kabilang dako, patuloy ang pagsusumikap ng ilang makabayang lider na Pilipino na magkaroon ng wikang
pambansa.

GAWAIN 2

Panuto:

Napakahusay mo na pa lang magbasa at umunawa.Ipagpatuloy natin ito. Batay sa inyong binasa, gumuhit ng
simbolo o sagisag na maglalarawan sa naging kalagayan ng ating wika sa iba’t ibang panahon ng pananakop.

Pagkatapos maiguhit ang simbolo, ipaliwanag ang maaaring naging sanhi at bunga sa ibaba ng kahon. Isulat ang
sagot sa Learning Activity Sheet
2
Mga Kautusang Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa

Narito ang ilan sa mga kautusang pinairal sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang pambansa: Tagalog/
Pilipino/Filipino.
1. KautusangTagapagpalaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940) - Isinaad ang pagpapalimbag ng Tagalog English
Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa. Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga
paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.
2. Batas Komonwelt Blg. 570-Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4,
1946.
3. Proklamasyon Blg.12 – ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon Magsayasay ang pagkakaroon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4 (Kapanganakan ni Francisco Balagtas).
4. Proklamasyon Blg.186 (1955) - inilalahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19
(kapanganakan ni Manuel L. Quezon).
5. Kautusang Pangkagawaran Blg.7 – ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng nooy kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyonna si Jose E. Romero na nag-aatas na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino.

Ang Pagsulat Ng Sanaysay

Mga Tuntunin Sa Pagsulat ng Sanaysay

1. Panimula/Introduksyon-Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan
ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang
pagbasa sa akda
Paraan ng pagsulat ng Panimula
• Pasaklaw na Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye.
• Tanong na Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at para
isipin niya.
• Paglalarawan – pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa
• Sipi – isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo at iba pang sanaysay.
• Nakatawag Pansing Pangungusap – isang pangungusap na makakuha ng atensyon ng nagbabasa.
• Kasabihan – isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling paliwanag ng iyong sanaysay
• Salaysay – isang paliwanang ng iyong sanaysay
2. Katawan- Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang
pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang
bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.
Paraan ng pagsulat ng Katawan
• Pakronolohikal – Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari
• Paanggulo – Pinapakita ang bawat anggulo ng paksa.
• Paghahambing – Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp ng isang paksa
• Papayak o Pasalimuot – Nakaayos sa paraang simple hanggang komplikado at vice versa
3. Konklusyon- Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Sa bahaging ito hinahamon
ang paraan ng pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay

Paraan ng pagsulat ng Wakas


• Tuwirang Pagsabi – mensahe ng sanaysay
• Panlahat na Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng sanaysay
• Pagtatanong – winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang retorikal na tanong
• Pagbubuod – ang buod ng iyong sanaysay

GAWAIN 3
Panuto: Basahin ang halimbawa ng isang sanaysay at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

SANAYSAY NG ASPEKTONG KULTURAL AT LINGGUISTIKO NG AMING KOMUNIDAD -


PAMUMUHAY AT WIKA NG LAUREL, BATANGAS
“Ala e”, dalawang salita na may apat na letra, ngunit dito pa lamang ay alam na alam mo na at kilala mo
na kung sino at tagasaan ang nagsalita. Dahil sa salitang ito, matutukoy na agad ng mga taong galing
ibang bayan o lalawigan na isang Batangeño o Batangeña ang pinanggalingan ng salita. Isa lamang ito sa
mga halimbawa ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng wika ng lipunan.

Ako bilang isang kabataan at estudyante ng modernong panahon, isang palaisipan sa akin ang mga salitang
karaniwang sinasabi ng mga matatanda sa aming komunidad, at mapapasabi na lang na “huh?”

3
Ipinapakita lamang nito ang napakalaking pagbabago o transpormasyon ng ating wika mula noon
hanggang ngayon. Mga nakagawiang wika noon na hindi na alam ng mga kabataan sa ngayon.
Isa sa mga natutunan ko sa mga magulang ko na natutunan din nila sa kanilang mga magulang ay ang
pagiging maasikaso sa bisita. Kapag may bisita dapat ay: (1) papasukin sa bahay, paupuin agad, at
ipagtimpla ng kape o kung ano mang maiinom o makakain. (2) Kung makikitulog man sa bahay, dapat sila
ang nasa kama at kayo sa banig (kung mahalagang panauhin). (3) Huwag hahayaang gumawa ng gawaing
bahay dahil sila ay bisita. (4) Dapat hindi sila ma-OP o Out of Place sa bahay niyo. At maraming-marami
pang ibang kasunod na halos lahat ay pumapabor sa komportableng katayuan ng bisita.
“Sinsay muna”, ibig sabihin tuloy muna o daan muna dito. Uso din sa aming komunidad ang bigayan ng
ulam sa pagitan ng magkakapitbahay. Hindi rin masyadong uso ang cellphone sa matatanda kaya minsan
kapag may itatanong sa kapitbahay, isisigaw na lang. At dahil malayo ang aming komunidad sa palengke
o pamilihan, karamihan ng mga namamalengke na tagaamin na walang sasakyan o motor ay naglalakad o
nasakay sa kabayo para lamang makarating sa pamilihan na halos apat na kilometro ang layo.
Hindi lalampas sa lima ang mga mayroong four wheeler na sasakyan sa amin kaya karaniwan na ang motor
o single bilang midyum ng transportasyon. Maswerte ka kung may sarili kayong sasakyan, at mamimili ka
na lang kung magbabayad ka ng lampas limampung piso o maglalakad ka ng kilo-kilometro. Iilang tao rin
ang mayroong kakayahang makapag-print o nakakapag-research kaya masasabi kong mapalad na ako.
Kaya sobrang hanga ako sa mga kabataan dito sa amin na piniling magtiis sa ilang kilometro ng paglalakad
para lamang makapasok ng sekondarya, at ito na rin ang isa sa dahilan kung kaya marami ring kabataan
ang pinipiling tumigil sa pag-aaral.
Kahit na masasabi kong malayo kami sa kabihasnan ay hindi naman ito naging hadlang para lumaganap
ang mga makabagong salita. Ngunit sandali tayong magbalik tanaw sa mga salitang tunay na sariling atin.

Ang mga salitang ito ay nakuha ko sa pamamagitan ng aking ina na si Marcela P. Nolasco, limampu’t
tatlong (53) gulang. Ayon sa kanya ay narinig nya ang mga salitang ito mula sa kanyang kabataan. (1)
Tabaan, isang dahon na panglinis sa plato. (2) Tabayag, gulay na upo. (3) Bilawo o bilao isang bilog na
mistulang nakahabi. (4) Tayod, isang uri ng bilaran o lagayan ng mga palay para paarawan. (5) Balawang
isang kawayan na may dulos (panggamas/pangtabas) sa dulo. (6) Plangganita, isang lagayan ng
kanin/ulam. (7) Balde isang container o lagayan ng tubig (8) Pang-iwang tawag sa anumang dahon na
pangpahid sa pwet kapag napadumi sa gubat. (9) Kawa, isang malaking talyasi o lutuan. (10) Lagnas, isang
tuyong ilog o ilat o creek sa ingles. (11) Bay-ong ang tawag sa lagayan ng manok. (12) Balaong, isang
lagayan ng palay. (13) Halo, ito ang tawag sa kahoy na pambayo sa lusong. (14) Lusong ang tawag sa
bayuhan ng kape, palay, mais at iba pa. (15) Banga o tapayan, isang lagayan ng tubig kung saan
napapanatili ang natural na lamig nito. (16) Buboy, ito ang tawag sa palaman para sa unan na parang
bulak. (17) Ayangaw, isang uri ng matibay na kahoy na karaniwang ginagamit sa mga paggagawa ng
muwebles. (18) Bungbong ang tawag sa kawayan na lagayan ng tubig galing bukal. (19) At ang takure
naman ay ang kawayan na lagayan ng inuming tubig. At napakarami pang ibang mga halimbawa ng mga
salitang hindi karaniwan sa pandinig ng ilang mga taga ibang bayan
Makikita at masasalamin sa bawat bayan o lalawigan ang napakayamang kultura na nagmula pa sa ating
ninuno at naipasa sa mga sumunod na henerasyon. Ngunit hindi rin maikakaikala ang mabilis na
pagkapawi ng mga salita at nakagawiang ito sa panahong moderno ngayon. Ngunit hindi ito
nangangahulugan ng pagkamatay ng tradisyunal na wika kundi ang pag-usbong ng panibagong wika. Ibig
sabihin ang wika ay hindi nababawasan kundi nadadagdagan lamang, ngunit mayroon pa ring malaking
posibilidad na mamamatay ang mga wikang nakasaad sa itaas at iba pang sinaunang wika kung hindi na
ito gagamitin at kung sa mga panahong ito ay paunti na nang paunti ang gumagamit o nagsasalita ng
ganito.
Kaya patuloy nating pagyamanin at gamitin ang ating katutubong wika, hindi lamang para sa ibang tao
kundi para na rin sa sarili nating bansa at sa ating sarili.

Mga Uri Ng Sanaysay

Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng


kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu. Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal
naman ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng may-
akda. Iyan ang kaibahan ng sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.

4
Sanaysay na Pormal
• Ang sanaysay na pormal ay tinatawag ding maanyo.
• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng
pananaliksik o naglalahad ng isyu.
• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na pormal ay manghikayat, magturo o magpaliwanag.
• Ang tono ng sanaysay na pormal ay seryoso. May basehan ang mga sinasabi ng may-akda sa isang sanaysay na
pormal. Madalas na ito'y base sa pananaliksik at masusing pag-aaral.
• Dahil dito, ang mga salitang ginagamit sa sanaysay na pormal ay mas seryoso at teknikal.
• Ang ayos ng sanaysay na pormal ay lohikal at maayos.
Sanaysay na Di-Pormal
• Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay tinatawag ding Sulating Impormal.
• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng sumulat nito.
• Ang mga nakasulat sa isang sanaysay na di-pormal ay base sa sariling karanasan o opinyon ng may-akda.
• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal ay manudyo, magpatawa o mangganyak.
• Sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal, mas nailalabas ang pagkamalikhain ng may-akda.
• Mas nakaaaliw at hindi seryoso ang tono ng isang sanaysay na di-pormal.

GAWAIN 4

Basahin ang sumusunod na mga sanaysay at sagutin ang hinihingi ng bawat bilang.
ANG SAKIT NA CORONAVIRUS 2019 (COVID-19)
Ang sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa palahingahan. Ito ay sanhi ng isang bagong virus. May
mga bago kaming nalalaman tungkol sa virus na ito araw-araw dahil ito ay bago. Alamin ang mga kaalaman tungkol
sa coronavirus disease (COVID-19). Ang COVID-19 ay isang sakit na dulot ng isang coronavirus. Karaniwan ang mga
human coronavirus at kalimitang nauugnay ito sa hindi malalalang sakit, katulad ng ubo. Maaaring hindi malala o
mas malubha ang mga sintomas ng mga human coronavirus, gaya ng:
• Lagnat
• Ubo
• Kahirapan sa paghinga
Maaaring abutin nang hanggang 14 na araw bago lumitaw ang mga sintomas pagkatapos malantad sa virus.
Pinakakaraniwang kumakalat ang mga coronavirus mula sa isang nahawang tao sa pamamagitan ng:
• mga respiratory droplet kapag umuubo o bumabahing ka
• paglapit, gaya ng paghawak o pakikipagkamay
• paghawak ng bagay na may virus, pagkatapos ay hawakan ang iyong mga mata, ilong, o bibig bago hugasan ang
iyong mga kamay Hindi alam kung kumakalat ang mga virus na ito sa mga ventilation system o sa tubig. Ang
pinakamainam na paraan para maiwasan ang pagkalat ng mga impeksyon ay angpagsasagawa sa mga sumusunod:

• paghuhugas sa iyong mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig nang hindi iikli sa 20 segundo;
• pag-iwas sa paghawak sa iyong mga mata, ilong, o bibig, lalo na kung marumi ang mga kamay
• pag-iwas sa paglapit sa mga taong may sakit;
• pagtakip sa iyong bibig at ilong gamit ang iyong braso, hindi ang iyong mga kamay;
• physical distancing sa lahat ng oras;
• pananatili sa bahay kung may sakit ka para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba pang tao.

Mga sangguninan:
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016. Jocson, Magdalena O.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal
Group, Inc. 2016 Marquez, Servillano, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon
Ave.., Quezon City: SIBS Publishing House, INC. 2016 Quexbook Hub ( PERCDC Learnhub) Komunikasyon at
Pananaliksik

5
LEARNING ACTIVITY SHEET

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO

QUARTER 1, WEEK 7

Pangalan___________________________________ Grade level/Strand/Section ______________

GAWAIN 1 Panuto: Punan ang timeline sa ibaba upang maihanay ang naging kasaysayan ng pagkakaroon
ng Pambansang Wika sa Pilipinas. Kapag naisulat na ang kasagutang wika sa bawat kahon, magbigay ng
maikling paglalarawan sa bawat wika.Isulat sa baba ang sagot.

TIMELINE

1937 1959 1987

GAWAIN 2

Panuto:

Napakahusay mo na pa lang magbasa at umunawa.Ipagpatuloy natin ito. Batay sa inyong binasa, gumuhit ng
simbolo o sagisag na maglalarawan sa naging kalagayan ng ating wika sa iba’t ibang panahon ng pananakop.
Pagkatapos maiguhit ang simbolo, ipaliwanag ang maaaring naging sanhi at bunga sa ibaba ng kahon.

Bago ang pananakop Espanyol Rebolusyong Pilipino Amerikano

6
GAWAIN 3:
Panuto: Basahin ang halimbawa ng isang sanaysay at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Tungkol saan ang binasang sanaysay?
2. Sino ang nagsasalita?
3. Ano-ano ang kulturang pinag-uusapan?
4. Kailan at saan ito nangyari?
5. Nakapaloob ba ang tuntunin sa pagsulat ng sanaysay? Bakit?

1._________________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________________
3._________________________________________________________________________________
4._________________________________________________________________________________
5._________________________________________________________________________________

GAWAIN 4

Basahin ang sumusunod na mga sanaysay at sagutin ang hinihingi ng bawat bilang.

ANG SAKIT NA CORONAVIRUS 2019 (COVID-19)

1. Ano ang karaniwang sintomas ng COVID-19?


2. Ano-ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na COVID-
19?
3. Anong uri ng sanaysay ang binasa?

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa wikang ginagamit at kulturang kinagisnan ng iyong
sariling lugar. (Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong
kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad )

Pamantayan sa Paggawa ng Sanaysay


10 8 5
Sining ng pagkabuo
Kaugnayan sa Paksa
Pagpapakahulugan
Pangkalahatang Biswal
Orihinalidad
Kabuuan

You might also like