You are on page 1of 13

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
11
KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
1
Kwarter I – Linggo 8
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
(Buod)

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS

SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Baitang 11
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 8: Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Buod)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

BumuosaPagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Sheila Ayessa A. Vicencio
Pangnilalamang Patnugot: Enrile O. Abrigo Jr
Editor ng Wika: Enrile O. Abrigo Jr
Tagawasto: Enrile O. Abrigo Jr
Tagasuri: Luis R. Mationg

Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza

Tagalapat: Charie Lou M. Crisostomo at Angie Lyka L. Galaroza

Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS

Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Panlabas naTagasuri: Lilibeth E. Nadayao, PhD, College Professor,

College of Teacher Education (Palawan State University)

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)

Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.:(048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Kasaysayan ng Wikang
Pambansa (Buod)
MELCs: Nakasusulat ng isang sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na
yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa (F11PU-Ig-86).
Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa
pag-unlad ng wikang pambansa (F11WG -Ih-86).

Mga Layunin:
1. Naisa-isa ang mga pangyayari sa pag-unlad ng Wikang Pambansa.
2. Nailalahad ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari sa pag-unlad ng Wikang
Pambansa.
3. Nakasusulat ng isang sanaysay tungo sa pag-unlad ng Wikang Pambansa.

SubukinNatin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang bago ang bilang
ang tsek (√) kung nagpapahayag ito ng sanhi at bunga, ekis (X) naman kung hindi.

1. Ang Tagalog na batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag-aaral na ginawa

noong 1934 ni Otto Dempwolff ay kabilang sa Indonesian subgroup ng
Austronesian.
2. Walang isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip na ituro ang wikang
Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga katutubong wika.
3. Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng
pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa.
4. Ang Kilusang Propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga
pahayagang sinulat nila.
5. Buhat noong magkaroon ng Kapulungang Pansaligang Batas noong 1934,
naging maliwanag ang landas ng hangaring magkaroon ng isang wikang
pambansa.
6. Ang pangulo ng Komonwelt noon na si Manuel Luis Quezon ang naging masugid
na tagapagtaguyod na magkaroon ng isang wikang pambansa.
7. Dahil sa pag-aaral ng Surian ng wikang Pambansa kung ano ang batayan ng
magiging wikang pambansa, naging malinaw ang katayuan ng pagkakaroon
nito.
8. Bukod sa pagkakaroon ng wikang pambansa, kasama rin sa plano ang
pagpapaunlad at patuloy na paglinang sa iba pang wika sa Pilipinas.
9. Hinirang ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang unang mga kagawad ng Surian
ng Wikang Pambansa.
10. Tagalog ang sinasalita ng mayorya sa bansa, kaya ito ang napiling batayan ng
pagkakaroon ng wikang pambansa.

1
Ating Alamin at Tuklasin
Napag-aralan sa CLAS 6 at 7 ang kasaysayan ng Wikang
Binhi Pambansa mula sa Panahon ng Katutubo hanggang Panahon
ng sa Kasalukuyan. Masasabing ang Wikang Pambansa ay
Kaalaman patuloy na umuunlad sa pagdaan ng panahon. Mahalagang
malaman ang kasaysayan ng wikang pambansa sapagkat
makapagbibigay ito ng maraming impormasyon sa
Ang anyong
pinagdaanan nito bago naisabatas hanggang sa naging wikang
kapuluan ng Pilipinas
ang sinasabing sanhi
pambansa.
kung bakit napakaraming
Tatalakayin sa CLAS na ito ang sanhi at bunga ng mga
wika at wikain sa bansa.
Bagama’t may pangyayari sa kasaysayan ng wikang pambansa.
pagkakaiba ang mga
wika, malaki ang Alam ba
pagkakahawig nito sa ninyo ang Ang bunga
isa’t isa bunga ng
kahulugan Opo, Ma’am. Ang naman po ay
pagkakabilang sa iisang resulta o epekto
ng sanhi at sanhi ay
pamilya ng wika, ang ng sanhi.
wikang Austronesian. bunga? tumutukoy sa
Matatagpuan mula sa dahilan ng mga
Formosa sa hilaga pangyayari.
hanggang sa New Zealand
sa timog; mula sa Eastern
Island sa silangan
hanggang sa Madagascar
sa kanluran, ang wikang
Austronesian. Ang
Tagalog ay kabilang sa
Indonesian subgroup ng
Austronesian ayon sa
pag-aaral na ginawa
noong 1934 ni Otto
Dempwoff.

Halina’t isa-isahin ang mga pangyayri sa kasaysayan ng

(Pinagkunan: Magdalena O.
Jocson, Komunikasyon at
ating Wikang Pambansa. Ito ay lalong umunlad sa
Pananaliksik sa Wika at pagdaan ng mga panahon. Muling balikan ang mga
Kulturang Pilipino-Batayang pangyayari sa pagsisimula nito.
Aklat, Quezon City:
Department of Education-
Vibal Group, 2016, 112.)
Ang Panahon ng Espanyol. Nang sakupin ng Espanyol ang bansa, lalong nahati
ang mga Pilipino. Ang pananakop sa pamamagitan ng pagbubukod-bukod ang ginamit ng
mga Espanyol upang magkalayo-layo ang mga Pilipino. Walang isang wikang pinairal
noon sapagkat sa halip ituro ang wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aral
ng mga katutubong wika.

Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng

pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa. Ang wikang ayon sa
paring Heswita na si Padre Pedro Chirino ay tinataglay ang talinghaga ng wikang Hebreyo,
ang katangi-tanging katawagan ng Griyego, ang kaganapan at kinis ng Latin at ang pagka
magalang at pagiging romantiko ng mga Espanyol.

2
Sa panahon ng mga Amerikano, sapilitang ipinagamit ang Ingles bilang wikang
panturo at ipinagbawal ang paggamit ng bernakular. Ngunit batay sa pag-aaral na ginawa
ng Monroe Educational Survey Commission, napatunayan na makaraan ng 25 na taon na
pagtuturo ng Ingles hindi ito nakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral na Pilipino. Sa
kabilang dako, patuloy ang pagsusumikap ng ilang mga makabayang lider na Pilipino na
magkaroon ng wikang pambansa. Naging maliwanag ang landas sa hangaring ito ng
magkaroon ng kapulungang pansaligang batas noong 1934.
Noong Nobyembre 13,1936, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas ng
Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Ang
tanggapang ito ang magsasagawa ng pag-aaral hinggil sa pagpili ng wikang pambansa.
Ginamit na batayan sa pagpili ang wikang maunlad sa kayarian, mekanismo, literetura at
ginagamit ng nakararaming Pilipino.
Matapos maisagawa ng SWP ang iniaatas ng batas, ipinahayag ni Pangulong
Manuel L. Quezon noong Disyembre 30,1937ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagtatakda sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa

Noong panahon ng mga Hapones nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa.

Sa pagnanais na burahin ang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang
paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinagamit nila
ang katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog, sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan. Masasabing ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog. Sa
panahong ito ipinatupad ang Ordinansa Militar Blg .13 na nag-uutos na gawing opisyal
na wika ang Tagalog at wikang Hapones (Nihonggo).
Pagkaraan ng ilang buwan ng pananakop ng mga Hapones ay binuksan muli ang
mga paaralang bayan salahat ng antas. Itinuro ang Wikang Nihonggo sa lahat, ngunit
binigyang-diin ang paggamit ng Tagalog upang maalis na ang paggamit ng wikang Ingles.

Ang Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan. Pagkaraan ng

Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtagumpay ang pagtuturo ng Wikang pambansa na
tinawag na Pilipino sa isang kautusang nilagdaan ng Kalihim Jose Romero ng pagtuturo.
Naging opisyal na wika ang Tagalog at Ingles. Naging midyum sa mga paaralan ang
Ingles at asignatura ang Pilipino. Marami ang pag-aaral na isinagawa sa wika upang
magamit itong panturo.
Nagpatupad ng patakarang Bilingguwal ang Kagawaran ng Edukasyon at
sinimulang ipatupad ito ng taong 1974 sa mababang paaralan, sekondarya, at tersarya sa
lahat ng paaralan sa bansa. Lalong pinagtibay ang implementasyon ng Patakarang
Bilingguwal noong 1987. Bilang pagpapatuloy sa pagpapaunlad sa Filipino upang
magamit mula elementarya hanggang sekondarya, nagtatag ng maraming samahang
nagpasigla sa panitikan na ang gamit na wika ay Filipino. Higit na lumaganap ang
paggamit ng wika, pag-aaral sa wika at nagkaroon ng intelektuwalisasyon,
estandardisasyon,at elaborasyon ng Filipino.

Ang mga Salita/Pahayag na Ginagamit sa pagtukoy ng Sanhi at Bunga

Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaring humantong sa isang bunga.

Halimbawa, narinig mo ang sirena ng isang ambulansya malapit sa inyong lugar. Ano ang
maaring bunga ng sirenang ito?
Isang maaaring mangyari ay ikagulat at ikabahala ang sirenang narinig. Kaya ang
naging bunga ng sirena sa iyo ay nagulat at nabahala ka.
May mga palatandaang salita o pahayag na karaniwang ginagamit sa
pagpapahayag ng pagkakaroon ng sanhi at bunga: kaya, kaya naman, dahil sa, dahil
dito, buhat nang, bunga nito, tuloy, sapagkat at pagkat. Ang mga salitang ito ay
tinatawag ding pang-ugnay.
(Pinagkunan: Magdalena O. Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Quezon
City: Department of Education – Bureau of Learning Resources, 2016, 96-103.)
3
Tayo’yMagsanay

Panuto: Sa unang bahagi ng araling ito ay nabasa at naunawaan mo ang

mahahalagang bahagi o yugto ng kasaysayan ng ating wikang pambansa. Subukan
mong balikan ang nakaraang pananakop ng iba’t ibang mga dayuhan sa ating bansa
sa pamamagitan ng pagbuo ng mga salita sa kahon.

(1) (2)

KAOIRMENA SENPAOH
(3) (4)

LATSKIA ASULKUNYAKA

Panuto: Ibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa Wikang
Pambansa. Isulat sa dahon ang sanhi at ang bunga sa katawan. Magbigay ng sariling
reaksyon batay sa iyong sariling kaalaman at karanasan.

Panahon ng Espanyol

Sanhi: _______________________________________

______________________________________________

Bunga: ______________________________________

______________________________________________

Reaksyon: ___________________________________

______________________________________________

4
Pahanon ng Amerikano

Panahon ng Hapones

5
AtingPagyamanin

Panuto: Tiyakin ang sanhi at bunga ng mga pangyayaring tungo sa pag-unlad ng

Wikang Pambansa.

Sa iyong palagay, naging mabilis ba ang pagsulong ng ating wika pagkatapos nating
makalaya sa mga dayuhan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

__________________________________________________________________________________

Anong mga batas o proklamasyon ang inilabas ng mga panahong iyon upang maitaguyod
ang wikang pambansa? Epektibo bang naipatupad ang mga ito? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Masasabi mo bang nagtagumpay na tayo sa bisyon nating maging “wika ng karunungan”?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

6
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay sa partikular na yugto ng kasaysayan ng Wikang
Pambansa na nais mong balikan. Lagyan ng sariling pamagat. Hindi bababa sa
limampung (50) salita ang buuing sanaysay. Gawing batayan ng pagtataya ang rubriks
sa ibaba.

_____________________________________

______________________________________________________________________________________

Kraytirya
______________________________________ 4 3 2 1
1.Maayos ang organisasyon ng pagkakasulat ng sanaysay
(may panimula, gitna, wakas)
2. Bunga ng pananaliksik ang nilalaman ng sanaysay
3. Wastong gamit ng mga salita/pahayag na gamit sa
pagsulat ng sanaysay sa isang yugto ng kasaysayan
4.Nasunod ang batayang paksa na ginamit sa pagsulat
5. Isinasaalang-alang ang mekaniks sa pagsulat na wastong
bantas, wastong gamit ng mga letra at kalinisan ng gawain

7
Ang Aking Natutuhan

8
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
tsek(√) kung nagpapahayag ito ng sanhi at bunga, ekis (X) naman kung wala.

1. Buhat noong magkaroon ng Kapulungang Pansaligang Batas noong 1934,

naging maliwanag ang landas ng hangaring magkaroon ng isang wikang
pambansa.

2. Dahil sa pag-aaral ng Surian ng wikang Pambansa kung ano ang batayan ng

magiging wikang pambansa, naging malinaw ang katayuan na magkakaroon
nito.

3. Ang Kilusang Propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga

pahayagang sinulat nila.

4. Bukod sa pagkakaroon ng wikang pambansa, kasama rin sa plano ang

pagpapaunlad at patuloy na paglinang sa iba pang wika sa Pilipinas.

5. Tagalog ang sinasalita ng mayorya sa bansa, kaya ito ang napiling batayan ng
pagkakaroon ng wikang pambansa.

6. Ang Tagalog na batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag-aaral na ginawa

noong 1934 ni Otto Dempwolff ay kabilang sa Indonesian subgroup ng
Austronesian.

7. Walang isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip na ituro ang wikang
Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga katutubong wika.

8. Sa huling daantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng

pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa.

9. Ang pangulo ng Komonwelt noon na si Manuel Luis Quezon ang naging masugid
na tagapagtaguyod na magkaroon ng isang wikang pambansa.

10.Hinirang ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang unang mga kagawad ng Surian
ng Wikang Pambansa.

9
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. X Tayo’yMagsanay
2. /
3. X Gawain 1
4. X 1. AMERIKANO
5. / 2. HAPONES
6. X 3. KASTILA
7. / 4. KASALUKUYAN
8. X
9. X Gawain 2
10./ 1. Nakabatay sa sagot ng mga mag-aaral.
2. Nakabatay sa sagot ng mga mag-aaral.
Ang AkingNatutuhan 3. Nakabatay sa sagot ng mga mag-aaral.
1. Espanyol 4. Nakabatay sa sagot ng mga mag-aaral.
2. Wikang
3. Amerikano AtingPagyamanin
4. Ingles
5. Manuel L. Quezon Gawain 1 Nakabatay sa sagot ng mga mag-aaral.
6. Tagalog Gawain 2 Nakabatay sa sagot ng mga mag-aaral.
7. Hapones
8. Nihonggo Ating Tayahin
9. Ingles 1. /
10. Pilipino 2. /
3. x
4. x
5. /
6. x
7. /
8. x
9. x
10. x

Sanggunian
Aklat

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino-

Batayang Aklat. Quezon City: Department of Education-Vibal Group, Inc., 2016.

10
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito

ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang

nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong
pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong

kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan

(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na

serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

11

You might also like