You are on page 1of 9

Komunikasyon at Pananaliksik

Sa Wika at Kulturang Pilipino

WEEK 7

Kasaysayan ng WikangPambansa (Ikalawang Bahagi)

Pamantayang Pangnilalaman

1. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan


tungo sa  pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa.

2. Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang particular


na yugto  ng kasaysayan ng Wikang Pambansa; at

3. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may 


kaugnayan sa Wikang Pambansa.

Alam mo ba…
Digital Communication and Technological College Inc.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihandani: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 1
Nagsimula ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika nang lagdaan ni Pangulong Sergio 
Osmena ang isang proklamasyong nakasulat sa Ingles noong, Ika-26 ng Marso, 1946 na 
may pamagat na “designating the Period from March 27 to April 2 of Each Year “National 
Language Week.” Isinasaad sa naturang Proklamasyon Blg. 25 na ang panahon mula 
Marso 27 hanggang Abril 2, taon-taon, ay magiging Linggo ng Wika bilang pagsunod sa 
Batas Komonwelt Blg. 570 na nagsasaad na kailangang gumawa ang gobyerno ng mga 
nararapat na hakbang tungo sa pagsulong ng Wikang Pambansa. Saklaw ng petsa ng 
Linggo ng Wika ang pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco “Balagtas” Baltazar, isang  haligi
ng panitikang Pilipino. Nang panahong iyon, hiniling na ang lahat ng paaralan ,  pribado man
o publiko, hanggang mga kolehiyo at unibersidad, na magsagawa ng  kaukulang
palatuntunan sa buong linggo upang maipakita ang kanilang pagmamahal at  paggalang sa
Wikang Pambansa.

Inilipat muli ng Pangulong Magsaysay ang panahon ng Wika sa bias ng


Proklamasyon Blg.  186 noong 23 Setyembre, 1955 at may pamagat na “Nagsusulong sa
Pagdiriwang ng  Linggo ng Wikang Pambanasa Buhat sa Marso 29 – Abril 4 sa Agosto 13-
19 Bawat Taon.”  Saklaw rin ng Linggo ng Wika ang kaarawan ni Pangulong Manuel L.
Quezon na siyang  Ama ng Wikang Pambansa.

Naging kontribusyon naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang pagtatalaga ng


“Buwan ng  Wikang Pambansa” tuwing Agosto 1-31 sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg.
1041  noong 15 Hulyo, 1997.

Panahon ng Katutubo Panahon ng Espanyol Kalagayan ng Wika

PANAHON NG MGA AMERIKANO

Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga  Amerikano


sa pamumuno ni Almirante Dewey. Sa panahong ito lalong nagbago ang sitwasyon ng
pangwika ng Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na nagkaroon ng malaking
kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino.

Ginamit ang wikang Ingles bilang medium ng pagtuturo sa panahong iyon. Sa 
kadahilanang maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting  pakikipag-ugnayan na
magkaroon ng sistemang sa edukasyon na magtuturo  sa mga mamamayan na mamahala
sa sariling bayan, at higit sa lahat ay  mabibigyan din sila ng isang wikang nauunawaan ng
lahat para sa mabisang  pakikipagtalastasan sa buong kapuluan.

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihandani: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 2
Ayon kay Jacob Schurman naniniwala siyang kailangan ng mga Pilipino ang  wikang
Ingles sa edukasyong primarya. Nagtakda ang komisyong ng Batas  Blg. 74 noong ika-2 ng
Marso, 1901 na nagtatag ng mga paaralang  pambayan at nagpahayag na Ingles ang
gagawing wikang panturo.

Hindi naging madali sa mga guro ang pagpapatupad ng paggamit ng Ingles  bilang
panturo sa mga mag-aaral sa ikauunawa nila ng tinatawag na R  (Reading, Writing,
Arithmetic). Ang mga guro ay hindi maiwasang gumamit ng  mga bernakular sa kanilang
pagpapaliwanang sa mga mag-aaral. Naging  dahilan ito upang isulong ang bernakular na
wika bilang pantulong. Pinagtibay  naman ng Lupon ng Superyor na Tagapayo ang para sa
mga gurong  Amerikano at Pilipino sa panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral.  resolusyon
sa paglimbag ng mga librong pamprimarya na Ingles-Ilokano,  Ingles-Tagalog, Ingles-Bisaya
at Ingles-Bikol. Noong 1906, pinagtibay ang  isang kurso sa wikang Tagalog.

Nang malapitan ang direktor sa kawanihan ng Edukasyon napalitan rin ang 


pamamalakad at sistema ng pamamahala. Tanging Ingles na lamang ang  dapat gamitin sa
pagtuturo at pinagbawal ang paggamit ng bernakular.

Inaasahang ang bawat kagawad ng kawanihan ay magdaragdag ng kanyang impluwensiya


sa paggamit ng opisyal na sistema sa Ingles at maipaunawa ang kadahilanan ng
pagsasakatuparan nito. Tanging Ingles lamang ang dapat gamitin sa pag aaral, sa bakuran
ng paaralan, at sa gusali ng paaralan. Ang paggamit ng Ingles sa paaralan ay nararapat
bigyang-sigla.

Ang mga sundalo ang unang nagsipagturo ng Ingles sa mga paaralan at  sumunod ang
grupong nakilala sa tawag na Thomasites.

Noong taong 1931, nagpahayag si Gobernador Heneral George Butte sa  isang
panayam na hindi kailan man magiging wikang pambansa ng mga  Pilipino ang Ingles
sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan. Sumang-ayon sa  kanya sina Jorge Bocobo at
Maximo Kalaw. Ngunit matibay ang pananalig ng  Kawanihan ng Pambayang Paaralan na
nararapat lamang na Ingles ang ituro  sa pambayang paaralan sa mga kadahilanang:

1. Ang pagtuturo ng bernakular ay magdudulot ng suliraning  Administratibo.


Mahihirapang lumipat ang mga mag-aaral sa ibang  lugar sapagkat ang bawat lugar
ay may iba’t ibang wika.

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihandani: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 3
2. Ang paggamit ng bernakular ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa halip na
nasyonalismo.
3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong Ingles at bernakular.
4. Malaki ang magagasta ng pamahalaan sa pagtataguyod ng paggamit  ng wikang
Ingles.
5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang  pagkakaisa.
6. Ingles ang wikang pandaigdig at pangkalakal.
7. Ingles ay masining at mayaman sa katawagang pang-agham at sining.
8. Yamang narito na ang Ingles ay kailangang hasain ang pag gamit nito.

Kung mga nag nanais na maisulong ang paggamit ng Ingles ay naglahad ng  kanilang mga
kadahilanan gayon din naman ang mga nagnanais na isulong  ang paggamit ng bernakular
sa kadahilanang:
1. Walumpong porsiyento ng mga mag-aaaral ang nakaabot hanggang  ikalimang
grado lang kaya pagsasayang lamang ng panahon at pera  ang pag-aaral ng Ingles
na wala namang kinalaman sa kanilang pang araw araw ng gawain at pamumuhay.
2. Kung bernakular ang gagamitin magiging epektibo ang pagtuturo sa  mga mag-aaral.
3. Wikang Tagalog ang nararapat na gamitin, isang porsiyento lang ang  gumagamit ng
Ingles.
4. Hindi uunlad ang mga mag-aaral sapagkat hindi magagamit ang  wikang Ingles sa
paglutas ng mga problemang kahaharapin nila sa  pang-araw-araw na pamumuhay.
5. Ang pagtangkilik sa wikang Ingles ay hindi nag papakita ng  nasyonalismo.
6. Ang pag-aaral ng wikang Ingles ay nagdadagdag lamang ng gastusin.
7. Walang kakayahang klasiko sa Ingles ang mga Pilipino.
8. Hindi na nangangailangan ng materyales o kagamitan ang pagtuturo  ng bernakular
kailangan lamang itong pasiglahin.

Nagsagawa ng pag-aaral ang mga Amerikano sa epekto ng pagtuturo ng  Ingles sa mga
paaralan sa pangunguna ni Henry Jones Ford at inulat nito na  ang gobyerno ay gumastos
ng milyon milyon para maisulong ang wikang  Ingles at ito ay sinang-ayunan ni Propesor
Nelson at Dean Fansler (1923) na  maging ang kumukuha ng mataas na edukasyon ay
nahihirapan sa wikang  Ingles.

Sa pag-aaral naman nina Najeeb Mitri Saleeby at ng Educational Survey  Commission


na pinamumunuan ni Dr. Paul Monroe, natuklasan na ang pag aaral ng mga mag-aaral ng
Ingles ay walang katiyakan kung mananatili sa  isip nila hangang sa paglabas ng paaralan.

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihandani: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 4
Noong nagkaroon ng Kumbensiyon Konstitusyunal, naging paksa ang pagpili  ng wikang
Pambansa. Inimungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang  ginagamit ang nararapat
na maging wikang Pambansa. Ang panukala ay  sinang-ayunan naman ni Pangulong
Manuel L. Quuezon na siyang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Nakasaad
ang probisyong  pangwika sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935. Nilikha
ng  Batas Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad ng opisyal na  paglikha
sa Surian ng Wikang Pambansa noong ika-3 ng Nobyembre, 1936.  Tungkulin nito na
magsaliksik sa magiging batayan ng Wikang Pambansa.  Napili ang Tagalog bilang batayan
ng wikang tatawaging Wikang Pambansa.  Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon
ang Kautusang  Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan 
ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang Pambansa.

 TATLONG HULING YUGTO SA KASAYSAYAN NG WIKANG  PAMBANSA

Panahon ng Hapon
Sapilitang ipinaturo ang Nihongo at inalis ang Ingles. Naging masigla  ang mga
Pilipino sa paggamit ng sariling wika. Sumigla ang panitikang  Pilipino gaya ng nobela at
maikling kuwento. Noong panahon ng mga  Hapones nagkaroon ng pagsulong ang wikang
pambansa. Sa pagnanais na  burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano,
ipinagbawal ang  pagggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga
Pilipino.  Maging ang paggamit ng mga aklat at peryodiko tungkol sa Amerika
ay ipinagbabawal din. Ipinagamit nila ang katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog,
sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.

Panahon ng Pagsasarili
Pagkaraang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtagumpay ang pagtuturo ng
wikang pambansa na tinatawag na Pilipino sa isang kautusang nilagdaan ng naging kalihim
Jose Romero ng Pagtuturo. Dala ng malaking  pangangailangan ng mga tagasubaybay sa
pagtuturo ng Pilipino,  nadagdagan ng dalawa ang bilang ng tagamasid sa Punong
Tanggapan. Ang  Maynila ay nagkaaaroon naman ng isa bagama’t wala ang mga nasa 
lalawigang Tagalog at di-Tagalog.

Naging opisyal na wika ang Tagalog at Ingles.Naging midyum sa mga  paaralan


ang Ingles at asignatura ang Pilipino. Nagkaroon nan g aklat na para  sa mga Pilipino.
Marami ang pag-aaral na isinagawa sa wika upang magamit  itong panturo. Ito ang panahon
liberasyon hanggang sa tayo ay magkasarili  simula noong Hunyo 4, 1946. Pinagtibay rin na
Digital Communication and Technological College Inc.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihandani: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 5
ang wikang opisyal sa bansa  ay Tagalog at Ingles sa bias ng Batas Komonwelt Bilang 570.
Ito ang  panahon sa pagbangon ng mga nasalanta ng digmaan. Sumentro ang  gawaing
pang-ekonomiya ng mga Pilipino.Maraming kapitalistang dumagsa  sa ating bansa lalo na
ang mga Amerikanong kapitalista Nakaapekto ito sa  larangan ng edukasyon na tumutugon
sa pangangailangan ng mga  korporasyon at kompanya.

Panahon ng Kasalukuyan
Nagpatupad ng Patakarang Bilingguwal ang Kagawaran ng Edukasyon  at
sinimulang ipatupad ito ng taong 1974 sa mababang paaralan, sekondarya  ta tersyaryasa
lahat ng paaralan sa bansa. Ipinaunlad ang wikang Filipino  upang magamit sa mga
paaralan mula elementarya hanggang koliheyo. Higit  na Lumaganap ang paggamit ng wika,
pag-aaral ng wika at ngkaroon ng  intelektuwalisasyon, estandardisasyon at elaborasyon ng
Filipino.

Sa kasalukuyan marami pa ring sagabal sa pagsulong ng wikang  Filipino. Ngunit


kung ang pagbabatayan natin ang paglaganap at paggamit ng  wikang Filipino, masasabi
nating mabilis nga ang pagsulong nito. Bunga ito  ng epektong pagtuturo ng wikang Filipino
sa mga paaralan. Resulta rin ito ng  patuloy at dumaraming paglabas ng mga babasahin na
nakasulat sa wikang  Filipino, lalo na ang komiks Ilan pang dahilan ay patuloy na
pambansang  pagtakilik sa mga telenobela at pelikulang Pilipino at paggamit ng radyo at 
telebisyon.

Sipi mula kay A Dayag et.al. (2016). Pinagyamang Pluma Komunikasyon at  Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing P-103 -104.

Gawain 1
Pangalan: _____________________________

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihandani: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 6
Sa tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto ay pinagdiriwang natin ang  Buwang ng Wikang
Pambansa, sa ganitong paraan ay naipapakita natin ang  ating pagmamahal at paggalang
sa ating wikang pambansa.

1. Isulat ang mga paraan kung papaano mo ipinapakita ang iyong  pagmamahal sa
Wikang Pambansa.

2. Bakit ba mahalagang ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa? Ano ba  ang
maitutulong ng pagdiriwang na ito sa bawat Pilipino.

Gawain 2
Pangalan: _____________________________

Isulat ang tamang sagot.


Digital Communication and Technological College Inc.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihandani: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 7
1. Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating ang mga  Amerkano may
nadagdag ang wikang ______ na nagkaroon ng malaking  kaugnayan sa buhay ng
mga Pilipino.
A. Ingles
B. Filipino
C. Taglish
D. Cebuano

2. Sino ang naglagda ng proklamasyong nakasulat sa Ingles noong Ika-26 ng  Marso,
1946 na magsimula ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika?
A. Pangulong Sergio Osmeña
B. Pangulong Manuel L. Quezon
C. President Corazon Aquino
D. President Fidel Ramos

3. Siya ang nagsabing hindi magiging wikang pambansa ang Ingles sapagkat  hindi ito
ang wika ng tahanan.
A. Pangulong Sergio Osmeña
B. Pangulong Manuel L. Quezon
C. Gobernador Heneral George Butte
D. President Fidel Ramos

4. Ang mga sundalo o grupong _______________ ang unang nagturo ng  Ingles sa
paaralan.
A. Thom
B. Thomas
C. Thomasites
D. Pagsasarili

5. Siya ang nagsabi na naniniwala siyang kailangan ng mga Pilipino ang  wikang Ingles
sa edukasyong primary.
A. Pangulong Sergio Osmeña
B. Jacob Schurman
C. President Corazon Aquino

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihandani: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 8
D. President Fidel Ramos

Digital Communication and Technological College Inc.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Inihandani: Ms. Julie May V. Profugo, LPT 9

You might also like