You are on page 1of 2

John Angelo E.

Manalo

BSIT 1 E

A.

1. Batay sa napanood, ano-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika?

-Ang pagkakaroon ng iisang wika ay mahalaga para sa isang bansa. Isa ito sa mga nagbibigay sa
isang bansa ng pagkakakilanlan. Bukod dito, kailangan rin ng isang pamayanan na magkaroon ng
wikang alam ng lahat. Ito ay makatutulong sa epektibong komunikasyon lalo na’t ang ating bansa
ay isang kapuluan na mayroong iba’t ibang wika sa mga rehiyon. Ang Filipino ang nagsisilbing
karaniwang salita para sa ating mga Pilipino. Ang pagsasalita ng sariling wika ay hindi
nagpapababa ng katalinuhan natin dahil hindi basehan ang wika sa pagsukat ng pagka-
intelektwal. Hindi porke’t hindi matatas magsalita ng Ingles ang isang tao aymas mababa na ang
kanyang katalinuhan. Sa laragan ng edukasyon, naniniwala akong dapat hayaan ng mga guro na
gamitin ng mga estudyante ang wikang kumportable silang gamitin. Ayon sa isang bidyo na aking
napanood, ang sabi ng isang guro, ang mga estudyante raw mas may kumpiyansa na makilahok
sa diskusyon kapang wikang Filipino ang ginagamit dahil kapag Ingles ang ginagamit, sila ay
nakakaroon ng inhibisyon kung tama ba o mali ang kanilang sinasabi. Bilangkongklusyon, ako ay
naniniwalang mahalaga ang pagkakaroon ng iisang wika at ang paggamit nito sa pang-
akademikong konteksto.

2. Sang-ayon ka ba sa panukalang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo? Ipaliwanag.

-Hindi ako sang ayon sa pagtanggal ng asignaturang filipino dahil kung hindi na papag-aralan ang
wikang Pilipino ay para na din nating binalewala ang pinag hirapan ng ating mga bayani upang
tayo ay maging malaya. Makakalimutan na din natin ng tuluyan ang wikang itinuring nating
kayamanan.

B.

Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino

Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na
nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing
layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at
pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas. Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na
nagtatadhanang “ang Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang
pambansa sa isang wikang katutubo.” Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng
SWP. Si Jaime C. de Veyra ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang
maliit na silid sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito: napatira sa Silid Blg.
326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940,
napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal
School (naging College at ngayo’y University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na Paaralang
Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago napunta sa Philippine School at Arts
and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila. Nang
itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong Tatag ng 1947, inilipat ang
pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa
Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang
noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat
ang SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod
Quezon. Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng
Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan
ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991
nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang
Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas. Ang pagpapabilis ng
pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga patakaran, mga
plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t ibang tanggapang pampamahalaan at maging pribado man
(RA 7104, Sek. 14-g). Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng
Pangulo ng Pilipinas at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng Gusaling Watson, 1610 J.P.
Laurel Street, San Miguel, Maynila.

You might also like