You are on page 1of 8

Modyul sa Kursong

FILKOM 1100-KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Modyul 1. Aralin 3
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON AT WIKANG PAMBANSA

O
N
PI
I. MGA TUNGUHIN

LI
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay :

FI
1. Nabibigyang-kahulugan at natutukoy ang kahalagahan ng kontekstwalisasyon;
2. Nailalahad ang tungkulin at halaga ng wikang pambansa sa lipunan; at

G
3. Napalalalim ang pagpapahalaga sa wikang Filipino at nagagamit ito sa
N
pagpapahayag sa iba’t ibang antas at larangan.
TO

II. PAGTALAKAY SA ARALIN


EN

Panimula

Kakabit ba ng pagkamamayan ng isang indibidwal ang pagmamahal at


M

pagpapahalaga sa sariling wika? Ano ang masasabi mo hinggil dito batay sa iyong
A

sariling karanasan o obserbasyon sa iyong paligid? Ibahagi mo nga ito.


RT

Pagtalakay
A

Tuon ng kasalukuyang sistemang pang-edukasyon ang kontekstwalisasyon. Dito


EP

ay inuugnay ang mga aralin at mga paglalapat sa mga kapaki-pakinabang na


sitwasyong malapit o may kaugnayan sa mga mag-aaral. Pinahahalagahan nito ang
D

mga lokal na mga pangyayari, mga babasahin at iba pang panulong sa pagtuturo upang
higit na maiugnay at maiangkop ng mga mag-aaral ang kanilang sarili na inaasahang
magbubunga naman ng higit na makabuluhang pagkatuto.
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Bakit kontekswalisadong komunikasyon sa wikang Filipino? Sapagkat bukod sa


katutubong wika ng mga mag-aaral, Filipino ang wikang malaganap na ginagamit sa
bansa hindi lamang bilang wika sa paaralan kundi bilang wika rin sa loob ng tahanan.
Mula rito ay makalilinang ng mga mag-aaral na higit na matatas sa Filipino at may
mataas na pagtingin dito. Bunga nito ay makahuhubog ng makabayang mga mag-aaral
na may malalim na pag-ugat sa kanyang kalinangan at may matibay na pagkakilala sa
kanyang kaakuhan.

O
Bakit wikang Filipino? May pagkakaiba ba ang Tagalog, Pilipino at Filipino? Ito ba

N
ay modernong Pilipino o Tagalog na pinilit na bigyan lamang ng ibang konsepto?

PI
Linawin natin ito. Totoong hindi naging madali ang pinagdaanan ng Filipino bilang
wikang pambansa. Mainam na balikan natin ang kasaysayan nito upang maging lubos

LI
ang ating pag-unawa sa usaping ito.

FI
Ang pangangailangan sa wikang pambansa ay nagsimula noong ang Pilipinas ay
tuluyang lumaya buhat sa mga mananakop na Amerikano. Nangyari ito sa panahon ng

G
Komonwelt sa pamamahala ni Pang. Manuel Luis Quezon. Dahil sa ang Pilipinas ay
N
nagsasarili na at mayroon ng kalayaan ay marapat na ang diwa at dila ng sambayanang
Pilipino ay lumaya na rin sa kaisipan at sa wika ng dayuhan.
TO

Ang pagkakaroon ng pambansang wika ay hindi lamang simpleng simbolo o


EN

sagisag. Higit pa rito ang gampanin ng pambansang wika, gumaganap ito bilang
mahalagang instrumento upang pag-isahin ang mga mamamayan sa bansa na may
kani-kanyang katutubong wika. Tandaan na ang Pilipinas ay arkipelago na
M

pinaghihiwalay ng mga kabundukan at karagatan dahilan upang mag-iba-iba ang wika


A

nito ngunit sa pamamagitan ng pambansang wika ay napag-uugnay at napag-iisa ang


RT

mga tagapagsalita nito. Idagdag pa na ito rin ay isang makapangyarihang instrumento


sa ugnayang panloob at panlabas ng mga mamamayan ng bansa.
A

Kaya naman ganoon na lamang ang pagpupunyagi noon ni Pangulong Quezon at


EP

ng iba pang mga lider sa bansa kasama ng kanilang itinalagang komite upang
magkaroon ng wikang pambansa na huhubog sa diwa ng pagmamahal sa bayan at
D

pagkakaisa ng mga mamamayan. Naniniwala sila at naninindigan na sa panahong iyon


ay tunay na mahigpit ang pangangailangan sa pagkakaroon ng isang matatawag na
wikang pambansa sapagkat bukod sa katotohanang maraming wika sa bansa ay naroon
din ang dominasyon ng wikang Ingles sa buong kapuluan.
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa inisyal na pulong kaugnay ng 1934 Konstitusyong Kombensyonal ay naging


malaki at mahalagang tanong ang usapin sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Oo,
batid ang mahalagang gampanin nito ngunit may mga katanungang dapat na
magkaroon ng malinaw na sagot at may matatag na saligan. Una, alin sa mga wika sa
bansa ang magiging wikang pambansa? Ikalawa, dapat bang sa lahat ng wikang
katutubo ito magmula? Ikatlo, sapat na ba ng pagkakaroon ng pambansang wika o
dapat ding magkaroon pa ng opisyal na wika? Ilan lamang ito sa mga tanong na

O
nangangailangan nang malalim na pag-aaral at matibay na pagpapasya.

N
PI
Sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng 1935
Konstitusyon ng bansa ay nakalahad ang ganito :

LI
“Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga

FI
hakbang tungo sa pagbuo at adpasyon ng isang
pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa

G
umiiral na katutubong wika.”
N
Ngunit sinasabing hindi ito ang orihinal na nilalaman
TO

ng draft na ipinasa para sa wikang pambansa at


nagkaroon ito ng malaking pagbabago bago pa man
EN

maitadhana sa Saligang Batas ang probisyong


pangwikang ito. Mula sa mga nangyaring debate ay
nagmungkahi at bumuo ng pinaniniwalaang orihinal
M

na draft ang isang delegado mula sa Camarines Norte


A

sa katauhan ni Wenceslao Q. Vinzons:


RT

“Ang pambansang asemblea ay gagawa ng


mga hakbang tungo sa pagbuo at adapsyon ng
A

isang panlahat na wikang pambansa na batay sa


EP

lahat ng mga umiiral na wikang katutubo.


Hanggang walang ibang itinatadhana ang batas,
D

ang Ingles at Espanyol ay patuloy na mga wikang


opisyal.”

Ano ang pagbabagong tinutukoy rito?


Paghambingin ang nilalaman ng probisyong
pangwika ng Konstitusyong 1935 at ang orihinal na
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

draft ni Vinzons. Pansinin na sa una ay naroon ang salitang isa at sa huli naman ay ang
salitang lahat. May makabuluhang epekto ba ito sa wikang pambansa? Mahalaga ba
ito? Bakit ito binago o nagbago?

Bunga ng tadhana ng probisyong pangwika sa konstitusyon ay kinailangang


mamili at magpasya ang mga delegado ng kapulungang lehislatibo sa wika na maaaring
paunlarin upang maging pambansang wika. Ito ay sa kabila ng kanilang kabatiran na

O
wala sa alinman sa mga wika ng Pilipinas ang tiyak na makatutugon sa tungkulin ng
wikang pambansa.

N
PI
Sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg 184 taong 1936 ay lumikha ng isang
lupon na tinawag na Surian ng Wikang Pambansa ( SWP ) kasabay ng pagtatakda ng

LI
kapangyarihan nito sa pagpili ng isang katutubong wika. Agarang bumuo ang SWP ng
isang komite na pinangunahan ni Jayme C. de Veyra kasama ng iba pang mga

FI
dalubhasa sa wika, bunga ng kanilang mga pagpupulong at pag-aaral ay kanila ngang
iminungkahi ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa na pinagtibay ng

G
Kautusang Tagapagpaganap Blg.134. N
Dahil tinukoy at tiniyak na Tagalog na ang magiging batayan ng wikang
TO

pambansa ay kasunod na binigyang pahintulot ang paglimbag ng Diksyonaryo at


Balarila ng Wikang Pambansa sa kapangyarihan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
EN

263 kasabay ng tagubilin na ituro ito sa mga publiko at pribadong paaralan sa buong
kapuluan.
M

Nagbunga ng maraming pagtuligsa at mga mainitang pagtatalo ang pagpili sa


A

Tagalog. Ang mga di-Tagalog ay nagpakita ng mga pagtutol dito kaya naman sa halip na
RT

maging instrumento ng mabuting ugnayan at matibay na pagkakaisa ng sambayanang


Pilipino ay nagbigay-daan pa ito sa pagkakawatak-watak.
A

Kaya naman upang supilin ang mga negatibong usapan at usapin hinggil sa
EP

wikang pambansa ay nilagdaan at pinagtibay ang Kautusang Pangkagawaran Blg.7


(1959) na naglalahad na gamitin ang salitang Pilipino kung tutukuyin ang wikang
D

pambansa. Ngunit ang layunin nitong paglubagin ang damdamin ng mga di-Tagalog at
pagnanais na tumigil na ang mga usapin hinggil dito ay hindi naman nagkaroon ng
kaganapan. Sapagkat ang Pilipino ay Tagalog din naman. Kung ihahambing sa pangalan
ng tao, iba ang nakarehistrong pangalan sa nakasanayang palayaw.Hindi natigil ang
usaping pangwikang ito.
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Noong taong 1973 ay nagkaroon ng panibagong Konstitusyon sa bansa at sa


Artikulo XV, seksyon 3 ay nakasaad na : “Ang pambansang asemblea ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng panlahat na
wikang pambansa na tatawaging Filipino.” Sa pagkakataong ito ay binigyang diin na
ang pagtitibayin ay isang wikang panlahat na makikilala sa pangalang Filipino, hindi
Tagalog,hindi Pilipino.

O
Nagpatuloy ang mga pananaliksik at pag-aaral kaugnay nito.Maraming mga atas,
batas, kautusan at mga proklamasyong pangwika ang nabuo at ipinatupad sa bansa

N
hanggang sa mapagtibay ang Konstitusyon ng 1987 na nagtatadhana sa Artikulo XIV,

PI
seksyon 6 na : “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nalilinang,ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa mga umiiral na wika sa

LI
Pilipinas at sa iba pang mga wika .”.

FI
Sa pagkakataong ito ay tiniyak na Filipino ang wikang pambansa. Isang
pambansang wika na nakabatay sa mga umiiral o lahat ng wikang katutubo sa bansa

G
pati na rin ang iba pang mga wika. Kung aanalisahing mabuti ang probisyong ito at
N
babalikan ang kasaysayan ng wikang pambansa ay matutukoy na hindi na ito bago.
Pansinin na ito rin ang nilalaman ng orihinal na draft ng delegadong si Wenceslao
TO

Q.Vinzons.
EN

Paganahin ang iyong imahinasyon. Paano kaya kung sa simula pa lamang ay


tinanggap at naitadhana sa konstitusyon ang draft ni Vinzons? Tama ka, marahil ay
walang naging mga pagtutol at pagtatalo. Marahil sa panahong ito ay kahanay na ng
M

ibang maunlad at matatag na wika ang Filipino. Marahil ito ay maituturing ng


A

intelektwalisado at istandardisado. Sa kasalukuyang panahon, ang intelektwalisasyon at


RT

istandardisasyon ng wikang pambansa ang siya nating pinapangarap sa wikang


pambansa kasabay ng mga pagpupunyagi at pagsisikap. Subalit magaganap lamang ito
kung ang lahat ay nagmamalasakit at nagmamahal sa Filipino. Magaganap ito kung ang
A

bawat mamamayang Pilipino mula sa mga ordinaryong mamamayan hanggang sa mga


EP

mag-aaral, mga pinuno at guro ng mga paaralan, mga politiko sa bansa – mga
kongresista, mga senador at iba pang may katungkulan sa pamahalaan ay
D

magmamalasakit at magkakaisa para sa wika. Kapag nangyari ito ay dito pa lamang


makakamit ng wikang pambansa ang kanyang tagumpay.

Kailan kaya magkakaroon ng kaganapan ang lahat ng mga ito? Matutupad pa


kaya ito ngayong ang wikang pambansa ay patuloy na pinagkakaitan ng espasyo sa
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

lipunan? Ang mga mithiin para sa wikang pambansa ay magkakaroon pa ba ng


katuparan. Tunay na nakadudurog ng puso ang katotohanang ONLY IN THE
PHILIPPINES lamang ikinakahiya ang pambansang wika. ONLY IN THE PHILIPPINES
lamang dapat ipaglaban ang sariling wika. ONLY IN THE PHILIPPINES lamang hindi
makita ng sariling mamamayan nito ang halaga ng wikang pambansa.

Ikaw, ano ang wikang pambansa mo? Taas-noo mo bang sasabihing “FILIPINO

O
ANG WIKANG PAMBANSA KO!”.

N
III. PAGPAPATIBAY

PI
LI
Upang higit na lumawak ang iyong kaalaman sa aralin, iminumungkahing
basahin ang artikulo ni Dr. Antonio Contreras na may pamagat na, “Filipino ang

FI
Pambansang Wikang Dapat Ipaglaban” sa link na ito :
https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/376423/filipino-ang-pambansang-

G
wikang-dapat-pang-ipaglaban/story/
N
Gayundin ang “ Madalas Itanong sa Wikang Pambansa sa link na :
TO

https://kwf.gov.ph/madalas-itanong-hinggil-sa-wikang-pambansa/

Magiging lunsaran ito ng kasunod na aralin at magiging bahagi ng mga gawain


EN

at pagsusulit.
M

IV. PAGTATAYA
A
RT

Upang matiyak na ganap mong naunawaan ang paksang tinalakay, sikaping


sagutin nang tama ang pagsusulit na ibibigay ng iyong guro.
A
EP

Ipinaabot ko ang aking paunang pagbati! Natitiyak kong tagumpay ang iyong
pagsusulit!
D

V. TAKDANG ARALIN

1. Kumuha ng sipi ng sumusunod at basahin ito :


b. Mga Posisyong Papel ng Iba’t Ibang Unibersidad Kaugnay ng Filipino sa
Kolehiyo
FILKOM 1100 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

c. Posisyong Papel ng Pambansang Samahan sa Linggwistikang


at Literaturang Filipino (PSSLF) Kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo
d. Resolusyon ng National Committee on Language and Translation
Kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo.
e. Resolusyon ng National Commission for Culture and the Arts Kaugnay
ng Filipino sa Kolehiyo
f. Petisyon sa Suprema ng Tanggol Wika

O
VI. MGA SANGGUNIAN

N
PI
Angeles, C. I. (2020). Instruksyong modyular sa kursong FILKOM 1100-
kontekstwalisadong komunikasyon sa filipino: Central Luzon State University

LI
Angeles,C.I.,Tuazon,M.Q.T.,Fabrigas,N.P.F.,Agaton,F.L.,Rosales,G.B.,Angeles,W.B.,Soriano

FI
,L.A. (2017). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang pilipino.
Panday-lahi Publishing House, Inc.

G
Bernales,R.A., Angeles,
N C. I.,Cabrera,H.I.De
Vera,N.D.,Gabuyo,A.P.,Gonzales,A.L.M.,Ledesma,G.M.,Pura,A.V.,Tacorda,A.L.,Tuaz
TO

on,M.Q.T.,Villanueva,J.M. (2013). Akademikong filipino para sa kompetetibong


pilipino. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
EN

Irabagon,C.C.,Babasoro,R.B.,Bulaong,J.C.,Dollete,R.D.,Gonzales,C.C.,Quijano,M.L.R.,Salv
ador,J.S.,Tuazon,M.Q.T. (2003). Sining ng komunikasyon. Mutya Publishing
M

House, Inc.
A

San Juan, D. M., Quijano, M. L. R., De Vera, M. R., Perez, S. D., Adigue, A. P., Villanueva,
RT

J. M., Bimuyac, M. B. (2018). Bahaginan. Kontekstwalisadong komunikasyon sa


filipino. Mutya Publishing House, Inc.
A
EP
D

You might also like