You are on page 1of 37

Klase sa Filipino 11- Makinig

at matuto kasama si
Sir Clarkson E. Abino
Magbahagi nga kayo ng inyong natutunan sa ating
naging talakayan,Anu-ano ang mahalagang
ginagampanan ng wika sa ating pang araw-araw
na buhay?
• 1. -ginagamit ito upang makipag-ugnayan at
makapagpanatili
ng interaksyon sa kapwa,gaya halimbawa ng
pakikipagkwentuhan,
pangangalap ng impormasyonpakikipagpalitan
ng ideya at marami pang iba.
2. wika rin ang ginagamit natin upang maipahayag ang
ating mga saloobin sa isang usapin na maaring sa
paraang pasalita o kaya ay pasulat gaya
halimbawa ng pagpost sa social media accounts kaugnay
ng aming mga palagaysa napapanahong paksa.

3. wika ang behikulo para magkaroon tayo ng


pagkakaunawaan sa kabila ng ating
pagkakaiba gaya ng mahalaga na magkaroon tayo ng
isang wikang pambansa
na daan upang tayo ay magkaintindihan at magkaisa.
Esensyal na instrumento sa komunikasyon
ang wika,ito ang midyum natin upang makilahok
sa kumonidad na ating ginagalawan.Sa
pamamagitan ng wika naipararating natin ang ating
malawak na kaisipan,paniniwala o maging mga
adbokasiyang makapagpapabago ng isang
sistemang o kaya’y makapagbubuklod ng isang
adhikain.
Wika rin ang tagapag-ingat ng kasaysayan at
tagapagbantayog ng ating kultura.Ang pagsasatitik
ng mga pinagdaanang karanasan ng ating bansa ay
naisasakatuparan dahil sa wika.
Konseptong Pangwika
(Alituntunin sa Pagtatalaga ng
Wikang Pambansa,Wikang Opisyal
at Wikang Panturo)
Mahalaga na mabigyang linaw kung bakit dapat pag-aralan at pag-usapan ang mga batas
na ito.

Una:
DE FACTO at DE JURE
Esensyal na maunawaan ang mga alituntuning ito upang higit na
mapayabong at mapagtibay natin ang wikang Filipino bilang sagisag ng
ating pambansang pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
FILIPINO ANG WIKA KO NAKAUGAT SA AKING PUSO’T
PAGKATAO; LANTAY,WASTO AT DAKILANG
TOTOO.IPINAGMAMALAKI AT IKINARARANGAL KO.

Ating bagtasin ang mga alituntunin ng


mga Konseptong Pangwika ng ating
bansa.
Naganap ang kauna-
unahang pagkilala sa tagalog
noong ika-1 ng Nobyembre
1897 ng itakda ito na opisyal na
wika sangayon sa artikulo 8 ng
pamahalaang
rebulosyunaryo.Ito ay bunga ng
maalab na damdaming
makabansa ng panahon ng
propaganda na umusbong mula
sa mga akdang naisulat sa
tagalog.
Lumipas ang ilang
panahon at nasakop ng
mga Amerikano ang
Pilipinas.Kasabay ng
kanilang naging kontrol sa
ating bansa ay ang
pagpapatupad nila ng
patakarang gamitin ang
wikang ingles bilang
wikang panturo.
Binatikos ito dala ng pangamba na hindi ito magiging
matagumpay.Hindi magiging palasak ang wikang ingles sapagkat hindi
ito ang wika sa tahanan ng mga Pilipino.

Sa kabila ng pagiging
kaalyado ng mga Amerikano
batid ni Pangulong Manuel L.
Quezon na magkaroon ng isang
wikang sagisag ng ating pagka
Pilipino kung kaya inatasan
niya nag kongreso na gumawa
ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay
ng isang wikang pambansa.
Article XIV Sec.3 The congress shall take steps toward the
development and adoption of a common national language based on
one of the existing native languages. until otherwise provided by law.
English and Spanish shall continue as official languages.
Itinalaga ni Dating Pangulong Manuel L. Quezon ang surian
ng wikang pambansa na magsaliksik hingil sa mga umiiral na
katutubong wika sa Pilipinas at mula rito ay pumili ng
magiging batayan ng isang wikang pambansa.Pinili at
iprinoklama ni Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan
ng wikang Pambansa dahil..
Dahil...
Matapos mairekomenda at mapili ang tagalog bilang
batayan ng bagong wikang pambansa ay ipinag utos ng dating
kalihim ng pagtuturo, ang kautusang pangkagawaran bilang 1
noong 1940 kung saan sisimulang ituro ang wikang pambansa
sa ikaapat na taon sa sekondarya samantalang sa Ikalawang
taon naman para sa mga paaralang normal.
Pormal na ipinagkaloob ng
mga Amerikano ang ating
Kalayaan,ang araw ng
pagsasarili ng Pilipinas
Ang Tagalog,Bago pa man magkaroon ng digmaan ay nanatili
ito bilang isa na wikang opisyal ng bansa sa bisa ng batas
Commonwealth bilang 570.
Umani ng Batikos ang pagtatalaga sa Tagalog bilang
batayan ng Wikang Pambansa lalo sa mga rehiyong hindi
gaanong nagsasalita nito.

Kaya naman ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero ang


kautusan kung saan tatawaging Wikang Pambansa na
FILIPINO.
Upang matuldukan ang hidwaan ng mga tagalog at di-tagalog
ang taga pagbalangkas ng Saligang Batas noong 1973 ay
isinaalang-alang ang socio-political na konteksto sa pagpasok
ng probisyon ng pangwika na ito. kaya...
sa Artikulo 15 seksyon 3 talata 2 nagwika ang Saligang batas
ng ganitong pahayag
Ang hindi pagyakap ng mga di-
Tagalog sa wikang Tagalog at
Filipino ay dulot ng pagiging
monophase ng mga wikang
ito,ito ay hindi akma sa isang
gaya ng Pilipinas na pulo-pulo
at may napakahitik na wika at
kultura kaugnay nito isang
wikang multiphase na nakasalik
at patuloy na nanghihiram sa
mga wika sa Pilipinas at mga di
katutubong wika ang kailangan
ng ating bansa.Sa makatuwid
ang mga katangiang ito ay
matatagpuan sa wikang Filipino
Sa wikang ito mapayapa ang mga kaisipang rehiyonalista at
walang maituturing na outsider.Ito ay protektado ng saligang
batas 1987 artikulo 14 seksyon 6 at 7.
Sa ilalim ng K-12 Curriculum, Ang mother tongue o ang unang
wika ng mga mag-aaral ang gagamitin na wikang panturo mula
kinder garten hanggang grade 3. Ang mga wikang ito ay
gagamitin sa dalawang paraan.
Magbalik-tanaw tayo sa naging talakayan natin ngayong
araw.narito nag mga dapat mong tandaan;
Pagtataya: Basahin at unawaain ang bawat bilang at piliin ang
titik ng pinakatamang sagot.

You might also like