You are on page 1of 6

Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang wikang pambansa sa paghubog ng kamalayang Pilipino?

Paano nakatutulong ang wikang Filipino sa pagpapaunlad ng bansa?

 Mahalaga ang wikang pambansa sa paghubog ng kamalayang Pilipino dahil tayo ay


nabubuhay kasama ito. Ito rin ang dahilan upang maipahayag natin ang ating damdamin
o saloobin, ambisyon, hinaing, mga paniniwala, magkaroon ng dagdag na kaalaman at
mapaunlad ang ating kakayahan kahit saan man tayo mapunta. Ito rin ang naging daan
upang magkaroon tayo ng pansariling identidad o pagkakakilanlan, kung saan tayo
nanggaling at kung ano tayo. Bukod dito, nabatid din natin ang mga mahahalagang
pangyayari sa nakaraan, kultura at tradisyon nang sa gayon mapukaw ang ating
kamalayan lalo na ang makabagong henerasyon. Hinuhubog rin nito ang ating pagkatao
habang tayo ay lumalaki at nagkakaroon ng pangunawa higgil sa mga nakakasalamuha
nating tao sa pangaraw-araw na pamumuhay.
 Ang wikang Filipino ay nakatutulong upang magkaisa ang mga mamayan at higit na
mapaunlad ang ating bansa. Nabibigay daan ito upang magkaintindihan at
makapagugnayan tayo kahit nagmula pa sa iba’t ibang rehiyon. Ginagamit din ito sa
mga transaksiyon sa lipunan ng upang maging maayos at mapabilis ang pagangat ng
ekonomiya. Ito rin ang pinakamabisang gamitin sa pakikipagkomunikasyon, sapagkat
halos lahat ng mamamayan ay nagsasalita ng wikang Filipino.

Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na makabuluhang Salita.

1. Opisyal na Wika- ito ay wikang pinagaralan at sinuri upang maging opisyal na


pakikipagusap o pakikipagtalastasan ng estado sa mamamayan. At maging daan upang maging
maayos ang komunikasyon hindi lamang sa atin kundi sa ibang bansa rin. Nabanggit din sa
kasaysayan na hanggat walang itinatakda ang batas na wikang pambansa, ang Ingles at Kastila
ay ang magsisilbing opisyal na wika.

2.Kautusang Tagapagpaganap Blg.263- Ang kautusang ito ay nilagdaan ng Pangulong


Quezon noong Abril 1, 1940. Dito ay ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng
paaralang pampubliko at pribado sa bansa. Nag-aatas din ito ng paaralang paglilimbag ng
Tagalog-English Vocabulary at isang gramatika na pinamagatang “Ang Balarila ng Wikang
Pambansa”.
3. CMO No. 20, s. 2013- Isinasaad dito na hindi na ituturo ang Filipino bilang asignatura sa
kolehiyo kapag naipatupad na ang K-12. Gayundin, upang mapaigting ang kaalaman ng mga
magaaral sa major o teknikal na kurso kaugnay sa agham at teknolohiya. Dahil sa pagbabago ng
sistema ng edukasyon, sa seksyung tatlo ng kautusang ito, ang GEC ay bumaba ng tatlumpu’t
anim (36) na unit at inalis ang Filipino bilang asignatura. Nawala sa kurso ang pagaaral ng wika,
bagamat ginawang opsyon na ituro ang lahat ng mga kurso sa bagong GE sa Filipino.

4. Tanggol Wika- Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng wikang Filipino, ito ay organisayon na


nabuo noong 2014 matapos ilabas ang CMO No. 20 na maaring patayin ang wikang Filipino.
Binubuo ng samahan ng guro, maging studyante upang isulong ang pagkakaroon ng wikang
Filipino bilang asignatura.

5. Wikang Filipino- Ito ang opisyal na wika, na ginagamit ng mamamayan ng bansang


Pilipinas. Nagsisilbing linggwa franka kasama na ang Ingles sa pakikipagkomunikasyon, lalo na
sa mga taong nagmula sa iba’t ibang lugar. Nakakatulong sa pagkakaisa at paguunawaan sa
bansa.

Gamit ang timetable, isulat sa kahon ang mga pangyayari batay sa isinasaad ng taon.

KASAYSAYAN NG PAGKAHIRANG NG WIKANG PAMBANSA

TAON MGA PANGYAYARI

o Naging mainit ang paksang tinalakay na kumbensyong


konstitusyunal ang pagpili ng sa wikang pambansa.
o Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang
1934
pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga wikang umiiral sa
Pilipinas. At ito naman ay sinusugan ni Manuel Luis Quezon na
dati noo’y pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
1935 o Nagkaroon ng probisyong pangwika na nakasaad sa Saligang
Batas 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3 na nagsasabi an ang
Kongreso ay gagawa ng hakbang upang magkaroon ng isang
wikang pambansa batay sa isang umiiral na katutubong wika,
hanggat hindi itinakda ang batas, wikang Ingles at Kastila ang
mananatiling opisyal na wika.
o Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ang pambansang
Asemblea ng Batas Komonwelt Blg. 184 na “Isang Batasna
1936
nagtatakda ng Surian ng Wikang Pambansa at Nagtatakda ng
mga Kapangyarihan at Tungkulin nito”.
o Noong Disyembre 30, 1937, iprinoklama ni pangulong Manuel
Luis Quezon na ang wikang Tagalog ang batayan ng Wikang
Pambansa.Sapagkat isinasaalang-alang ang mga pamantayang; a.)
ika ng sentro ng pamahalaan; b.) wika ng sentro ng edukasyon;
1937 c.) wika ng sentro ng kalakalan;d.) wika ng nakakarami at
pinakadakilang nasusulat sa panitikan.
o Napagtibay ang Kautusang tagapagpaganap Blg. 134 at sinimulan
nang ituro sa pampubliko at pribado ang wikang pambansa na
Tagalog.
o Simula Hunyo 4, 1946, sa pamamagitan ng Batas Komonwelt
1946 Blg. 570, ipinapahayag ang Tagalog sa pagiging isa sa mga
opisyal na wikang pambansa.
o Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang
pambansa. Mula Tagalog ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang
1959 Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose P. Romero, kalihim
ng edukasyon noon.
o Sa panahong ito lumalaganap ang paggamit ng wikang Pilipino.
o Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa kumbensiyong
1972 konstitusyunal kaugnay sa usaping pangwika.
o Sa huli ang naging probisyong pangwika ay ang Saligang Batas
1937, Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2 na isinasaa na ang
Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng hakbang na
magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na
wikang pambansang kikilalaning Filipino.
o Pinagtibay ng komisyong konstitusyunal na binuo ni dating
Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng
1987 wikang Filipino ayon sa Saligang Batas 1987. Nakasaad din sa
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika.

Kung ikaw ang magsusulong ng mga kautusan, magbigay ng sariling pamagat ng


kautusan.

A. CMO No. 57, s. 2017- Ito ay may pamagat na Construction of Filipino Language
Institutions . Nakapaloob sa kautusang ito na magkaroon ng institusyon na naglalahad ng mga
programa at kursong nakatuon lamang sa wikang pambansa, na makatutulong upang bigyang
pansin at mas payabungin ang ating wikang Filipino.

B. Kautusang pangkagawaran Blg. 74, s. 2009- Ito ay may pamagat na Learning Necessary
Communicative Competences and Languages. Sa kautusang ito nararapat lamang na pagaralan
ang importanteng lengguwahe at pakikipagkomunikasyon upang magkaroon ng kakayanan sa
pakikipagsalamuha sa ibang tao, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin.

C. Kautusang Pangkagawaran Blg. 60, s. 2008- Pinamagatang Citizens who Promote and
Further Enrich the Language will Acquire Incentives and Rewards. Sa kautusang ito, ang mga
Pilipinong patuloy na pinaiigting, pinagaaralan, at pinapaunlad ang wikang pambansa ay
makatatanggap ng kaukulang pabuya at pagkakakilanlan.

D. Blg. 50, s. 1975- Ito ay pinamagatang Establishing Pilipino as Major Subject in First and
Second year in College. Isinasaad dito ang pagtuturo ng asignaturang Pilipino sa una at
pangalawang taon ng mga magaaral sa kolehiyo. Ang asignatura ay magiging isa sa major
subject na kailangang ipasa..

E. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25- Ito ay may pamagat na Teaching with Filipino and
English Language Simultaneously in Education. Sa kautusang ito isinasaad ang sabay na
pagtuturo sa dalawang kinikilalang opisyal na wika nang magkasabay at hindi sa tiyak lamang na
asignatura. Higit na mauunawaan ng mga magaaral kung isalin sa tagalog ang mga Ingles na mga
aralin.
Basahin at suriin ang mga sumusunod na resolusyon, petisyon at introduksyon ng mga
kilalang institusyon, samahan at indibiduwal tungkol sa wika at edukasyon. Gumawa ng
sariling pagtalakay at pagsuri. Isulat sa sagutang papel.

A. Resolusyon Upang itruro sa Filipino ang Tatlong Asignaturang Pangkolehiyo sa Level


ng Edukasyong Heneral (O. G. E) ng National Commission for Culture and Arts.

Isinasaad dito na nararapat na magsagawa ng hakbang ang pamahalaan upang


ipagpatuloy ang paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon at wika sa pagtuturo
sa edukasyon. Sa kadahilanang ang wika ang nagiging daan sa pagkakaisa ng mga mamayan sa
ating lipunan at pagkakaroon ng pagkakakilanlan o identidad sa buong daigdig. Ito ang dahilan
upang malaman kung saan tayo nagmula at kung ano ang ating kultura. Ang mga mababasa sa
resolusyon ay mga kadahilanan at kailangang mabatid upang ituro sa Filipino ang tatlong
asignaturang pangkolehiyo.

B. Filipino, ang Pambansang Wikang Dapat Ipaglaban.

Ang pinamagatang Filipino, ang Pambansang Wikang Dapat ipaglaban ni Antonio P.


Contreras ay lubhang kahabag habag kung babasahin. Marami kang maipagtatanto at
makekwestiyon mo ang sariling pagkatao kung gaano ka kaPilipino. Alam naman natin na ang
Filipino bilang wikang pambansa ang opisyal na wika upang tayong lahat ay magkaisa at
magkaintindihan. Sumasalamin sa akdang isinulat ni A. Contreras na ang kailangan nating
ipaglaban ay ang ating pambansang wika at hindi ang diyalektong pangdayuhan, tulad in Ingles.
Gayundin ang reyalidad na ganoon na lamang ang pagtanggi sa wika. Pinagaawayan at
ginagawang malaking bagay ang pagsasalin ng matematikal na pangungusap na para sa kanya ay
wala namang saysay. Totoo nga na gagawin ang lahat upang mas bigyang tuon ang
pangdayuhang wika, higit na may katotohanan na higit na pinapayabong at pinapaunlad ito
kaysa sa Filipino. Kung kaya’t dapat ipagpatuloy ang pagtatanggol ng wikang Filipino. Ang mga
aktibistang rehiyonalista ay tinitingnang nakakalusaw ng sariling identidad o pagkatao ang
paggamit ng Fipino.Sinabi rin ng may akda na marapat na higit na pagkaabalahan na lamang ang
kani-kanilang mga kultura at kamalayan kasabay ng pagtangkilik ng isang wikang pambansa.
Sumasang-ayon ako sa may akda na masasalaming pinipilit ang mga Pilipino sa paggamit ng
wikang kolonyal, ang Ingles. Gayunpaman, ang kanyang karanasan hinggil sa pakikipagusap sa
ibat’ ibang lugar ay akin ring naranasan kung saan kapag hindi ka kilala at hindi alam kung
saang lugar ka nanggaling, Tagalog ang wikang ginagamit upang magkaunawaan. Bukod sa
kahabag habag at madamdaming akda, nabibigyan rin ng tuon na hindi naman talaga ang Ingles
ang kaaway dahil hindi ito dahilan upang mabura ang wikang Filipino, kundi ang mga Pilipinong
hindi marunong tumanggap na ito ang ating wika at ito ang nakasanayang gamitin upang tayo ay
magkaugnay at pagbukludin.
C. Posisyong Papel ng Pambansang Samahan sa Lingguwistika at Literaturang Filipino
(PSLLF) Kauygnay ng Filipino sa Kolehiyo.

Ang Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) ay


propesyonal na samahan ng mga propesor, guro, mag-aaral, manunulat, mananaliksik, na may
malasakit at interes sa pagtuturo ng/sa wika, sa layuning mapaunlad at mapalaganap ang wikang
Filipino. Sila ay naglahad ng posisyong papel ukol sa pagkakaroon ng wikang Filipino bilang
wikang panturo sa kolehiyo at pagiging mandatory core course nito. Naglatag din sila ng mga
kautusan upang mabigyang tibay ang dokumento at magmungkahi na higit na palawakakin ang
Filipinasasyon ng wikang panturo sa kolehiyo sa pamamagitan ng mandatory 12 yunit sa bagogn
GEC. Sinabi rin nilang anuman ang ituro sa senior high school na may kaugnayan sa wikang
Filipino, maaari pa rin itong isustine at palawakin sa kolehiyo. At magiging epektibo lamang ito
kung may mga asignaturang Filipino. Napakagandang hangarin ang pinababatid ng organisayon
sapagkat handa rin silang tumulong sa CHED sa pagsasanay ng mg guro sa wikang Filipino,
pagsasalin ng mga materyales na panturo at sa pagdidisenyo ng mga gayong asignatura.
Masusuri mong adhikain nila talagang mapaunlad, mapahalagahan, mapalawak at mabigyang
pansin ang pagkakaroon ng wikang Filipino maging sa kolehiyo. Sila rin ay naglatag ng mga
kapaki-pakinabang na resulta kapag pinagpatuloy ito at inihahambing ang ibang bansa na may k-
12 na ginawa ring mandatory core course ng lahat ng estudyante ang pagaaral ng panitikan.
Sumasang-ayon ako na ang pagkakait ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino ay
pagkakait ng ating pagkatao at pagiging tao. Nakakahikayat rin ang kanilang posisyong papel
batay sa mga suhestiyong nakalagay.

D. Petisyon sa Korte Suprema ng Tanggol Wika.

Simula ng maipatupad ang CHED Memorandum 20 s. 2013 na patungkol sa hindi


pagtuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo kaya’t nagkaroon ng organisayon na Tanggol
Wika upang magpetisyon laban sa desisyon ng Korte Suprema. Bukod sa hindi mapapaunlad at
maipagpapatuloy ang wikang Filipino, mawawalan rin ng trabaho ang halos sampung libo
hanggang 78, 000 na guro ng Filipino at Panitikang sa kolehiyo. Masasalaming nagkaso ang
Tanggol Wika atbp dahil nakalalabag ang Korte Suprema sa kautusan. Gayunpaman, inilatag din
na ang wikang Filipino ay midyum sa pagtuturo sa sistema ng edukasyon mula pre-school
hanggang sa kolehiyo. Ang pagtanggal ng asignaturang pampanitikan ayon sa CMO No. 20 ay
hindi pagsunod sa patakaran ng estado para mapreserba hindi lang ang literatura kundi ang
konstitusyunal na mandato kaugnay sa nasyonalismo at pagkamakabayan. Inilahad rin ng grupo
ang mga hinaing patungkol sa batas na inilabas. Bukod sa walang naganap na public hearing,
hindi rin kinosulta ng korte ang mga grupong eksperto sa wikang Filipino at naging dahilan ng
maugong na usapin sa social media. Masusuring ipinaglalaban maging sa kasalukuyan ng mga
grupo ang wikang Filipino at naglalahad ng sapat na ebidensya upang baliktarin ang desisyon ng
Korte Suprema sa usapin.

You might also like