You are on page 1of 14

Mga Posisyong Papel ng Iba’t Ibang Unibersidad

Kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo


Online link: https://manilatoday.net/tag/tanggol-wika/

Tungkol sa isyu:

Noong Mayo 2013, pinirmahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang batas na K-12
(Enhanced Basic Education Act) na magreresulta sa karagdagang tatlong taon sa sampung taon
na basic education ng mga Pilipino. Ito raw ay para makasabay sa kalidad ng edukasyon sa mga
karatig na bansa. Bago mapirmahan ang batas, isang taon nang ipinapatupad ng Department of
Education (DepEd) ang K to 12 sa mga “pilot school” at ihinabol na lang ang batas para gawing
ligal ang patakaran at maipatupad sa buong kapuluan. Kinaharap naman ng implementasyon ng
K to 12 ang maraming usapin, gaya ng kakulangan ng klasrum, guro sa grades 11-12, technical
expertise sa “senior high”, at iba pa. Ibang usapin pa ang pagsusuri at pag-alam sa kalidad ng
edukasyong nakukuha ng mga kabataan sa bagong programang ito.

Alinsunod sa batas na ito, at sa pamamagitan ng Commission on Higher Education (CHED)


Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, ipinataw ng CHED ang General Education
Curriculum, na magtatanggal sa wika at Panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo pagdating
ng Akademikong Taon.

Binatikos ng iba’t ibang paaralan ang patakarang ito dahil hindi lang pagtatanggal sa Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo ang magiging implikasyon nito, kundi pagtatanggal din ng mga guro sa
Filipino na karamihan ay matagal nang panahong nagsisilbi sa paaralan. Muli ring nabuksan ang
mga diskurso at usapan hinggil sa pagpapanatili at pagpapayaman ng wikang Filipino,
pagpapayabong ng sariling kultura at pagmamahal sa bayan.

Mula sa sama-samang pagkilos ng mga guro sa kolehiyo, nabuo ang Tanggol Wika o Alyansa ng
mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino na naglalayon na panatilihin ang asignaturang Filipino
sa kolehiyo, at isulong ang makabayang edukasyon. Patuloy pa rin ang paglaban ng mga guro at
pagkondena sa CHED Memo na inaasahang maisakatuparan sa S.Y. 2018-2019.
#TanggolWikaAtBayan: Kabataan ng BulSU tumindig para sa Filipino
at Panitikan
Bitbit ng mga estudyante sa Malikhaing Pagsulat ng Bulacan State University ang kanilang mga
panawagan sa araw ng kanilang pagtatapos. Ang kanilang kolektibong tindig ay pagtutol sa
naging desisyon ng Commission on Higher Education at Supreme Court na tanggalin bilang
mandatory subjects ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
Noong Mayo ay iginiit ng Korte Suprema ang naging hatol nila noong October 9, 2018 na ibaba
sa 36 units na lang ang minimum units required sa general education curriculum. Ito ay
nakapaloob sa CHED memorandum 20 series of 2013 o “General Education Curriculum:
Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies.”
Minsang sinabi ng manunulat at pintor na si Jun Cruz Reyes na nasa panitikan at kasaysayan ang
dangal ng bawat bayan.
Ganoon din ang paniniwala ni Michelle Pineda,

”Malaki ang naging papel ng Filipino at Panitikan hindi lang sa panulat ko, kung hindi maging sa
akin bilang isang indibidwal. Hindi lang nito tinuro ang halaga ng wika, kultura, at kasaysayan
ng ating bansa, mas pinalalim at pinalawak nito ang pagkakaunawa ko sa sarili bilang kabahagi
ng lipunan, at bayan na pilit hinubuharan ng pagkakakilanlan. Isa na ro’n ang CHED Memo 20,
lantarang pumapatay sa Filipino, Panitikan, at bansa. Malaki ang implikasyon ng CMO20 sa
bansa higit lalo sa kabataan, dahil humuhubog ang Filipino at Panitikan ng mga estudyanteng
makabayan, malay, at kritikal mag-isip.”

Para naman kina Manuel Diel III at Siena Gonzales, hindi lang natatapos sa apat na silid ng
classroom ang naiiwang ambag ng Filipino at Panitikan para sa mga kabataan,

”Lubos kong nakilala ang aking bayan, ang tunay nitong kasaysayan, at mga istorya sa likod ng
mga larawang naipinta ng mga kuwentong nabasa. Filipino ang ating identidad at panitikan ang
magtuturo para hindi tayo makalimot.” wika ni Manuel

”Maraming naiambag ang Filipino sa pagkilala ko sa ating wika, kultura, at kasaysayan. Malaki
ang naitulong ng Panitikan sa pagpapaunlad ng aking kamalayan at mas naging kritikal ang
pagtanaw ko sa lipunan. Ngayon, nagagamit ko ang mga naipon kong kaalaman upang ibahagi
ito sa kabataan. Dahil din sa Filipino at Panitikan, mas lumalim ang pagmamahal ko sa bayan.
Dapat nga dagdagan pa ‘yong mga subject na kumikilala sa ating pagka-Pilipino tulad ng mga
rehiyonal na wika.” giit ni Siena

Inako naman ni Elle Galvez bilang iskolar at manunulat na itaguyod ang Filipino at Panitikan,

”Mahihirapan ang mga Pilipino, lalo na ang kabataan kung mawawalan tayo ng laya na patuloy
na hasain ang sarili nating wika at panitikan. Walang masamang pag-aralan ang mga banyagang
salita, ang hindi katanggap-tanggap ay habang natututo tayo sa wika ng iba, ay patuloy naman
nating nalilimutan ang sariling atin. Walang silbing kilalanin ang iba, kung ang sarili natin ay
hindi natin kilala. Bilang iskolar at manunulat ng bayan, desisyon kong itaguyod ang panitikan at
Filipino sa bawat oras na kinakalimutan ito.”
Sa kasamaang palad, dahil sa desisyon ng CHED, dumami ang mga kolehiyo at unibersidad na
piniling tanggalin na ang Panitikan at Filipino bilang mandatory subject sa kolehiyo.

Narito ang listahan ayon sa Tanggol Wika: Ateneo de Davao University, Ateneo de Naga
University, Central Mindanao University (Bukidnon) Centro Escolar University, Colegio de San
Juan de Letran, Davao del Norte State College, Holy Name University-Tagbilaran, National
Teacher’s College, St. Therese MTC-Colleges (Iloilo), Tarlac State University, University of
Visayas-Cebu, at Adamson University.

Sa kabila nito, ang subject na Filipino ay itinuturo sa mga bansang tulad ng Malaysia, Brunei,
China, Japan, Taiwan, Canada, France, United Kingdom, Australia, at United States.

***
Progressive groups intensify fight for language
by Max B. Santiago

Teachers and students from various universities marched towards Chino Roces bridge in Manila
yesterday, August 25, to protest government education policies that will hamper the
advancement of the national language.

The protest action was led by Tanggol Wika, an alliance of academics and student advocates, as
an alternative event for the Buwan ng Wika.

De La Salle University Professor and Tanggol Wika spokesperson David Michael San Juan
assailed Commission on Higher Education Memorandum Order (CMO) 20, series of 2013, and
the K-12 program of the Aquino government.

“We call on the government to once again include teaching Filipino history in the high school
curriculum and Filipino Literature, Philippine Government and Constitution in the college
curriculum,” said Prof. San Juan.

CMO 20 drew flak from academic and progressive groups for eliminating Filipino subjects in the
tertiary General Education Curriculum. Philippine History was also not included in the junior
high school curriculum.

The Supreme Court issued a temporary restraining order (TRO) last April, suspending the
implementation of CMO 20, after a petition was filed by Tanggol Wika. According to Prof. San
Juan, a total of 7 petitions has been filed against CMO 20 and the K-12 program. He added that
there is no final decision as of yet with regards the TRO.

“Sinasabi ng ating pamahalaan na dapat maging globally competitive tayo. Hindi na nating pag-
aaralan ang sariling wika dahil hindi na ito kailangan kapag magtatrabaho sa ibang bayan. Ang
tingin nila ang wikang Ingles ang wika ng kaunlaran,” lamented Andrea Yasoña, a 4th year
Education student from Philippine Normal University.

“Ang gusto (ni Aquino) ay magtrabaho bilang call center agents ang mga Pilipino,” said
Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya (P1NAS) convenor Lisa Maza.

P1NAS is a broad citizen’s movement which aims to defend Philippine sovereignty.

Maza underscored the importance of the national language in ‘forging a national identity and
consciousness.’
Added Burden

University of the Philippines professor Lani Abad Flores lambasted President Aquino for being
the ‘number one violator of the Constitution.’

“Nakasaad sa Artikulo XIII ng ating Konstitusyon na dapat pangalagaan ng pamahalaan


ang security of tenure ng mamamayan, subalit dahil sa K-12, tinatayang 85,000 na kawani ang
mawawalan ng hanapbuhay ” Flores explained.

Professor Joy Castillo of the Polytechnic University of the Philippines assailed the
‘commercialization’ of education.

“Saan kukunin ng mga magulang ang pambayad sa high school?” she asked, explaining that it
would be an additional burden for parents.

Due to a shortage of public schools offering Senior High School (SHS), a voucher system will be
implemented by the Department of Education (DepEd). Supposedly, it will enable Grade 10
completers to enroll in private institutions.

But according to DepEd’s website, students and parents are expected to cover the expenses if the
tuition fee exceeds the voucher subsidy.

Aquino’s Legacy

“President Aquino is praised for delivering his State of the Nation Address in Filipino. But these
are mere token actions,” pointed out Bagong Alyansang Makabayan chairman Mong Palatino.

“Because of him, future generations are in danger of losing their very own language. That is his
true legacy,” he said. ***
Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng
Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwika
sa Kasalukuyan
Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino 
ng Pamantasang Ateneo de Manila 
sa Suliraning Pangwikang Umuugat 
sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013

May apatnapung taon na mula nang itatag ang Kagawaran ng Filipino kaakibat ang Patakarang
Bilingguwal ng Pamantasang Ateneo De Manila, bagay na pinanghahawakan namin upang
isulong ang edukasyong multilingguwal, multidisiplinaryo, at multikultural.

Sa konteksto ng mga pagbabago sa edukasyon na kinakaharap ng bayan ngayon, naninindigan


ang Kagawaran ng Filipino na dapat ipagpatuloy ang puspusang pagpapayaman, pagpapayabong,
paglinang, intelektuwalisasyon, at propesyonalisasyon ng Filipino alinsunod sa ating Saligang
Batas (Art. XIV, Sek. 6.).

Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina.


Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-
Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya.

Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling
larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng
akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng
anumang edukasyong propesyonal. Sinususugan nito ang Pahayag-Misyon ng Kagawaran ng
Filipino na itinatakda “ang propesyonal at multidisiplinaryong pagtugon sa pangangailangan na
iuwi at iugat sa sariling kultura ang pamantasan at lahat ng pinaglilingkuran nito, hindi sa
pamamagitan ng pagtatakwil sa mga kaalamang hiram kundi sa integrasyon nito sa mga
kaalamang sarili.”

Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong


pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral
ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan.
Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskursong akademiko. At lalong hindi dapat
pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at
institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itangi ang sarili at kanilang
mga interes.
Dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit
ang kasalukuyang isyung pangwika upang itangi ang sarili at kanilang mga
interes.

May ilang institusyon na kinakasangkapan at binabaluktot ang diwa ng akademikong


integrasyon, globalisasyon, at pangkalahatang pagbabago ng edukasyon sa malawakang
pagtatanggal at sapilitang paglilipat ng mga guro at programa mula sa kolehiyo patungong
Senior High School. Kailangang panagutan ng mga institusyong ito hindi lamang ang usaping
pangkabuhayan ng mga guro kundi pati na rin ang integridad ng kanilang mga disiplina at kurso
na pinagkadalubhasaan. Hindi lamang legal, kundi usaping moral at etikal ang pananagutang ito.

Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at kultura. Dapat angkop
ang paghahandang estruktural sa makataong pagpapatupad nito. Kailangang balikan ang
konstitusyunal na responsibilidad ng Estado na itaguyod ang “pangangalaga, pagpapayaman, at
dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa
pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko, at intelektuwal na pagpapahayag” (Art. XIV, Sek.
14).

Kailangang balikan ang konstitusyunal na responsibilidad ng Estado na


itaguyod ang “pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong ebolusyon ng
isang pambansang kulturang Pilipino…

Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at kultura. Dapat angkop
ang paghahandang estruktural sa makataong pagpapatupad nito.

Bilang mga propesyonal at dalubhasang tagapagtaguyod ng wika, panitikan, at kultura, patuloy


kaming naninindigan sa mga sagisag at adhikaing kinakatawan ng pamamayani ng Filipino sa
pamantasan.

Hunyo 21, 2014

Loyola Heights, Quezon City

_______________________________________________
Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat
Lasalyano
Ang pahayag na ito ay bahagi ng pahayag ng Departamento ng Filipino ng De La Salle
University-Manila sa Paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa noong Agosto 2014.

Ang buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa. Dahil sa pagbura sa asignaturang


Filipino sa kolehiyo bunsod ng Commission on Higher Education/CHED Memorandum Order
(CMO) No. 20, Series of 2013, nagpasya ang Departamento ng Filipino na gawing higit na
katangi-tangi ang paggunita sa Buwan ng Wika sa taong ito sa pamamagitan ng pagtatampok ng
mga adbokasiyang pangwika. Magsasagawa ang Departamento ng mga gawaing naglalayong
imulat ang ating komunidad sa kahalagahan ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa
kolehiyo.

Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo lamang ang wikang
Filipino sapagkat alam naman nating mas nakakiling sa Ingles ang sistemang pang-edukasyon
sa Pilipinas…

Malaki ang pangangailangan sa paglilinaw at pagsusulong ng adbokasiyang pangwika sapagkat


mula pa noong Enero 2013 ay nakikipagdiyalogo na ang Departamento sa administrasyon ng
pamantasan upang hilingin na panatilihin sa kurikulum ng DLSU ang asignaturang Filipino,
ngunit hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng lahat ng ating pagsisikap na ipaliwanag ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, hindi pa rin isinama ng
Komite sa New Lasallian Core Curriculum (NLCC) ang asignaturang Filipino. Gayunman,
sinusuportahan ng Komite sa NLCC ang opsyonal na paggamit ng wikang Filipino bilang
wikang panturo sa alinmang asignatura sa bagong kurikulum. Dapat bigyang-diin na hindi sapat
na maging opsyonal na wikang panturo lamang ang wikang Filipino sapagkat alam naman nating
mas nakakiling sa Ingles ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas dahil na rin sa ating
pinagdaanang malalim at matagal na kolonisasyon ng mga Amerikano. Hindi rin magiging
mabisang wikang panturo ang Filipino sa Agham, Matematika, Inhenyeriya, Komersyo, Agham
Panlipunan, Humanidades, at iba pa, kung walang asignatura sa kolehiyo na magtitiyak sa
pagkakaroon ng mataas na antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit nito sa intelektwal
na diskurso, komunikasyon, at pananaliksik. Samakatuwid, ang intelektwalisasyon ng wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan ay matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino na may
inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo.

…ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ay matitiyak lamang kung
may asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo.

Sa ganitong diwa, hinihiling namin sa komunidad ng ating pamantasan na suportahan ang


adbokasiya ng Departamento na adbokasiya rin ng libo-libong mamamayan sa buong bansa at
maging sa ibayong-dagat.
Una, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa
pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino
ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang
pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamamayan ay alinsunod
sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga
ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang-diin na ang Filipinisasyon ng mga
pananaliksik ng iba’t ibang departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din nang
malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa
ating mga kababayan.

Ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating
pinaglilingkuran.

Ikalawa, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, ang


pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating
mga potensyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga
ba ang iaambag natin sa daigdig kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika at kultura?
Paano haharapin ang mundo kung hindi kilala ang sarili?

Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may
negatibong epekto sa espasyo nito sa ibang bansa.

Ikatlo, ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o kaya’y komponent
ng Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100 hayskul sa buong mundo. Ang
pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong
epekto sa espasyo nito sa ibang bansa.

Ikaapat, kinikilala ang kahusayan ng DLSU-Manila sa larangan ng pagtuturo at pananaliksik sa


Filipino gaya ng pinatutunayan ng dalawang ulit na paggawad ng rekognisyon ng CHED sa
Departamento ng Filipino bilang Center of Excellence (COE), ang kaisa-isang Departamento ng
Filipino sa buong bansa na may ganitong karangalan. Mahalagang komponent ng pagiging COE
ng Departamento ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may mataas na antas. Kaugnay
nito, ang Departamento rin ang nagpapatakbo sa operasyon ng Malay, isa sa iilang
multidisiplinaring journal sa Filipino na may rekognisyong internasyonal. Dagdag pa, kinikilala
sa larangan ng malikhaing pagsulat at pananaliksik ang Departamento, gaya na rin ng
pinatutunayan ng mga de-kalidad na publikasyong inilalathala ng mga guro nito.

Ikalima, sa mga nakaraang dekada ng pag-iral nito, malaki na ang naiambag ng Departamento sa
pamamagitan ng mga regular na proyektong gaya ng Seryeng Panayam, Pambansang Seminar,
Community Engagement, at International Conference, na nakapagdulot ng positibong impact di
lamang sa ating pamantasan, kundi lalo’t higit sa libo-libong mga mamamayang lumahok at
lumalahok sa mga ito. Hinggil sa usaping pangwika, ang Departamento ang isa sa
pinakamasigasig sa mga grupong nagbuo sa Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang
Filipino (TANGGOL WIKA) na ngayo’y nangunguna sa pakikipaglaban para sa wikang Filipino
sa antas tersyarya sa buong bansa. Matatandaang sa inisyatiba ng Departamento at sa pagsuporta
ng Kolehiyo ng Malalayang Sining ay isinagawa sa DLSU-Manila ang asembliya ng pagtatatag
ng TANGGOL WIKA noong ika-21 ng Hunyo. Mananatiling matatag ang Departamento sa pag-
aambag sa mga nabanggit na inisyatiba kung magkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo,
na magtitiyak sa patuloy na pag-iral at pag-unlad nito.

Ikaanim, ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa DLSU ang aktibong pakikisangkot ng


mga guro ng Departamento at bawat mag-aaral na Lasalyano sa mga kolaboratibong
pananaliksik na isinusulong ng ibang mga departamento gaya ng Natural Language Processing
Department (CCS) kaugnay ng paglinang ng Machine Translation Software sa Filipino,
pagsasalin ng iba’t ibang materyal tulad ng survey instruments mula sa iba’t ibang disiplina at
larangan gaya ng Inhenyeriya, Sikolohiya, Batas, Komersyo, at Ekonomiks, at iba pang gawaing
pananaliksik.

Ikapito, sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan


sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng Pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa iba’t
ibang pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon pang-akademiko man o pangkultura,
tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.

Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan ding pagbura at paglusaw


sa mga Departamento ng Filipino sa buong bansa. Sa kabutihang-palad, tuloy ang pagsusulong
ng adbokasiyang makabayan sa wika at edukasyon ng iba’t ibang grupo sa loob at labas ng
bansa. Maging ang administrasyon ng ilang unibersidad gaya ng University of the Philippines,
University of Asia and the Pacific, Philippine Normal University, Polytechnic University of the
Philippines, National Teachers’ College, Assumption College, Mapua Institute of Technology,
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, Xavier University, De La Salle-College of St. Benilde, De
La Salle University-Dasmariñas, Technological University of the Philippines, at iba pa, ay
nagpahayag ng suporta sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo sa pamamagitan ng
paglagda sa mga posisyong papel na inihanda ng kani-kanilang mga Departamento ng Filipino, o
kaya’y paglalahad ng komitment na magdaragdag ng required na asignaturang Filipino.

Malinaw na hindi simpleng usapin ng pagsasalba sa trabaho ng mga guro ang adbokasiyang ito.
Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa
daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon…

Malinaw na hindi simpleng usapin ng pagsasalba sa trabaho ng mga guro ang adbokasiyang ito.
Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa
daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng
mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa. Umaasa
kami na sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, ang makabayang adbokasiya sa wika at
edukasyon ng ating unibersidad na nagluwal na ng mga makabayang lingkod-bayan gaya ni
Senador Lorenzo M. Tañada at mga makabayang edukador gaya ni Br. Andrew Gonzalez, FSC,
ay patuloy na mananatiling buhay ngayon at magpakailanman. Hanggang sa mangyari iyon ay
ipagluluksa natin ang pagkamatay ng asignaturang Filipino sa ating pamantasan. Ipagluluksa
natin ang katotohanan na sa kasaysayan ng ating pamantasan, sa ating henerasyon ay namatay
ang ating wikang pambansa.
Sa ganitong diwa, inaanyayahan namin ang buong komunidad na makiisa sa mga panawagan ng
Departamento ng Filipino sa pamamagitan ng pagsusuot ng itim na damit o itim na ribbon araw-
araw ngayong buwan ng Agosto. Ang gawaing ito ay simula pa lamang ng ating tuluy-tuloy na
pakikibaka para sa kapakanan ng wikang Filipino at nasyonalistang edukasyon.

Para sa regular na update hinggil sa pambansang pakikibaka para sa wikang Filipino at


makabayang edukasyon, hinihikayat din ang lahat na bisitahin ang
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Isulong ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo!


Gamiting wikang panturo ang Filipino sa iba’t ibang asignatura!
Itaguyod ang makabayang edukasyon!
#TANGGOLWIKA Pahayag para sa Pagpapatibay ng
Wikang Filipino bilang Sabjek sa Kolehiyo
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

CHED Sentro ng Kahusayan sa Panitikan


CHED Sentro ng Kahusayan sa Filipino

18 Hunyo 2014

Kaming mga propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay matinding


tumututol sa pagbabago sa siyam na yunit na kahingian sa wikang Filipino sa General Education
Curriculum ng Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng ipinalabas na
CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013. Naniniwala kaming ang panukala ng CHED
Memorandum Order No. 20, Series of 2013 ay paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan,
karunungan, at diwa ng kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga
naunang salinlahi ng mga Filipino.

Ang panukala ng CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013 ay paglapastangan sa
pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at diwa ng kasarinlang mahabang panahong
ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng mga Filipino.

Narito ang aming batayan.

Una, tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang Filipino sa kolehiyo. Ang
pagsasabing ang walong core GE courses ay maaaring ituro sa Ingles o Filipino ay mapanlinlang.
Mula sa umiiral na sitwasyong may tiyak na siyam na yunit ang wikang Filipino, inilalagay na
ngayon ang kapalaran ng wika sa kamay ng mga unibersidad, kolehiyo, departamento, mga
guro’t mag-aaral, gayundin sa iba pang mga puwersa sa loob at labas ng akademya. Ang
kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE na maaaring ituro kapuwa sa Filipino at Ingles ay lilikha
lamang ng kompetisyon sa dalawang wika, bukod pa sa malaking posibilidad ng pagpili sa Ingles
dahil ito ang inimaheng “wika ng edukado” at “wikang susi ng kaunlaran.”

Ang kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE na maaaring ituro kapuwa sa Filipino at Ingles ay
lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika.

Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang lehitimong
dominyo ng karunungan. Sa bagong GE Curriculum, nababanggit lamang ang Filipino, kahanay
ng Ingles, bilang midyum o daluyan ng pagtuturo. Binabalewala ng ganitong pagtingin ang
integridad ng wikang Filipino bilang ganap na dominyo ng karunungan at isa ring paraan ng pag-
unawa sa lipunan at sa mundo, at kung gayon, nag-aambag sa pagpanday ng kaisipan at
pananagutan sa lipunan.
Pangatlo, ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang
pambansa, at ang mapagtakdang papel ng wika sa pagpapaunlad ng isang bayan.

Ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang pambansa.

Ang Wikang Filipino ay Kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang kasaysayan na ang wikang
pambansa. Simula nang ituro ito sa sistema ng edukasyon noong dekada 1940, hanggang sa
maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970,
yumabong na ang Filipino bilang isang ganap na disiplina at pananaw sa pakikipag-ugnayang
pandaigdig. Isa rin itong maunlad na larangan—maunlad dahil sa pagkakaroon nito ng iba’t
ibang sub-erya at dahil sa interdisiplinal at transdisiplinal na ugnayan nito sa ibang larangan gaya
ng panitikan, pilosopiya, antropolohiya, kasaysayan, sikolohiya, at politika. Isa sa mahahalagang
trajektori ng pag-unlad ng Filipino ay ang intelektuwalisasyon nito. Resulta ito ng paggamit ng
wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina na ibinunga rin naman ng mga ipinunlang kasanayan at
oryentasyon sa mga kursong GE sa Filipino. Kung ibinaba sa senior high school ang pagtuturo
ng mga kasanayan, nararapat kung gayon, na maging lunan pa ang mga kursong GE sa Filipino
ng pagsustine sa pagpapaunlad ng gamit ng Filipino sa mga diskursong panlipunan sa iba’t ibang
disiplina.

Ang Wikang Filipino ay Identidad ng Filipino. Pananaw at kamalayan ang wikang Filipino.

Ang Wikang Filipino ay Identidad ng Filipino. Pananaw at kamalayan ang wikang Filipino.
Dahil nasa wika mismo ang kaalaman sa sariling pisikal at di-pisikal na daigdig, hindi lamang
usapin ng wikang panturo ang Filipino kundi usapin higit ng pagkilala sa pagka- Filipino.
Sasaklawin ng sabjek na Filipino ang iba’t ibang kaalamang may kinalaman sa pagiging Filipino
na magpapatibay sa pagkaugat ng mga estudyante sa sariling identidad. Ito ang magiging
matibay na pundasyon ng mag-aaral upang maging handa sa pagharap sa mabilis na pagbabago
ng kaayusang global ngayon.

Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at
kaalamang pinanday sa akademya.

Ang Wikang Filipino ay Susi ng Kaalamang Bayan. Nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang
lokal—mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang
pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa
akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng dunong-
bayan na pakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersiyarya ang
sanayin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki-pakinabang
ang napili nilang disiplina sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang
karanasan ng mga mag-aaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa
mamamayan. Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino
upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang kaalaman.
Ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo ng karahasang
pangkamalayan.

Pang-apat, ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo ng


karahasang pangkamalayan. Nilulusaw nito ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kabihasnang
tanging wikang Filipino ang makapagpapaliwanag. Ang pagsisikap ng ating mga ninuno sa
pagkilala sa galing at integridad ng lahing Filipino ay mapapalis kung hindi ito maipakikilala sa
wikang nakauunawa ng pasakit at pakikipagsapalarang ibinuwis nila, makamit lamang ang
kasarinlan.

Napagtagumpayan na ng mga naunang bayani ng bayan ang mga tinatamasa nating pagkilala sa
wikang Filipino bilang isang wikang mayaman at taglay ang karunungang matalas at
nangunguna sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Nasa wikang Filipino ang karunungang
makapagtutulos ng pagka-Filipino sa mabilis na nagbabagong daigdig.

Buo ang pagkilala namin na ang layunin ng higher education at ng general education na
pumanday ng mga estudyante na may matatag na pagkilala sa kanilang kasaysayan at tungkulin
bilang Filipino, ay hinding-hindi matatamo kung ang pangunahing kasangkapan para matamo
ito—ang wikang Filipino—ay buburahin ng institusyon na dapat sana’y nagtataguyod at
pumapanday nito.

Kaya kaming mga guro ng wika at manunulat ng saliksik at panitikang Filipino, kasama na
kaming mga kapuwa guro, manunulat, mananaliksik, at artistang nagmamahal sa wika at
kaalamang Filipino ay naninindigang dapat ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa antas
tersiyarya.

Ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa kolehiyo!


Ibasura ang CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013!

You might also like