You are on page 1of 75

Filipino sa

Kontekstong
Lokal at
Nasyonal
Pagpapalakas sa Filipino sa
Kontekstong Lokal at Nasyonal
Pinalalakas pa ang Wikang Filipino sa iba pang
larang sa kasalukuyang konteksto ng panahon at
pamamahala sa pamamagitan ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) na nasa ilalim ng Tanggapan ng
Pangulo.
Nauna nang hakbang sa sector ng Batayng
Edukasyon ang pagsasakatuparan ng multilinngwal na
layon ng pagtuturo at pagkatuto. Magkakatulong ang
mga publiko at pribadong institusyo upang maipatupad
BILINGGUWALISMO
 Ito’y tumutukoy sa dalawang wika.
 Bilingguwal ang isang tao kung nakapagsasalita
siya ng dalawang wika nang may pantay na
kahusayan.
 Bilang panturo sa mga sabdyeks, ang Ingles ay
sa matematika at siyensiya. Filipino sa agham
panlipunan at iba pang kaugnay na larangan.
MULTILINGGUWALISMO
 Ito’y tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal
na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang
wika.
 Pinaiiral nito ang patakarang pangwika sa
edukasyon o Mother Tounge-Based Multilinggual
Education (MTB-MLE).
Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Ang Mother Tongue-Based Multilingual Education
(MTB-MLE) ay bunga ng proyektong Lubuagan,
Kalinga Mother Tongue/First Language Education
Experiment kung saan inilahad sa ulat nina Stephen
L. Walter at Diane E. Dekker (2008) ng Summer
Institute of Linguistics International na mabisa ang
paggamit ng unang wika ng bata bilang wikang
panturo sa mga asignaturang Filipino, English at
Mathematics sa elementarya. Kung gayon, ang MTB-
MLE ay paggamit ng higit sa dalawang wika para sa
hangaring literacy at pagtuturo.
Binanggit na gagamitin ang unang wika ng mga
mag-aaral bilang midyum sa pagtuturo simula sa
pre-school hanggang sa ikatlong baiting, kasama rin
ang nasa Alternative Learning System (ALS) habang
ituturo ang Ingles at Filipino bilang mga asignatura.
Ang tunguhin ng multilinggwalismo sa akademya
ay palakasin sa simula ng pag-aaral ang unang wika
upang magkaroon ng matibay na pundasyon sa
paggamit ng wikang pambansa (Filipino) at ng iba
pang wika (tulad ng Ingles) o yaong mga ikalawang
Ipinahayag din ng United Nations Educational,
Scientific and Cultural Organization (UNESCO,
2003) ang kanilang paninindigan panig sa
multilinggwalismo. Batay sa simulain sa papel na
Education in a Multilinggual World ang kanilang
posisyon sa tunguhing ito.

1. Napaunlad ng pagtuturo gamit ang unang wika


ang kalidad ng edukasyon na nakabatay sa
kaalaman at karanasan ng mag-aaral at guro.
2. Ang bilinggwal at multilinggwal na edukasyon sa
lahat ng antas ay nakatutulong sa pagtataguyod ng
pagkakapantay-pantay sa lipunan at kasarian. Ito rin
ay susi sa pagkakabuklod-buklod ng magkakaibang
lipunan na may magkakaibang wika.
3. Ang wika ay napakahalagang elemento sa
interkultural na edukasyon. Sa pamamagitan nito,
makahihikayat ng unawaan sa pagitan ng
magkakaibang lahi at makasisiguro na ang mga
karapatan ay iginagalang.
Layon ng KWF na palawakin at pagtibayin ang
pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan, mga organisasyong pribado, at mga
sector ng lipunan para sa pagpapalaganap ng
Wikang Pambansa.
Bilang tugon, narito ang ilang mga programang
isinakatuparan bilang ambag sa nagpapatuloy na
kausawagn ng Filipino sa iba pang mga larang.
1. Binuo ang Mapa ng
mga Wika ng Pilipinas
na ipinamahagi sa iba’t
ibang ahensya at
tanggapan ng
pamahalaan at paaralan
sa buong Pilipinas
(maaaring gawing batis
ang website ng KWF).
2. Nagpapatuloy ang Seminar sa
Korespondensiya Opisyal sa mga lokal na mga
yunit ng pamahalaan at paaralan na may layuning
mapahusay at mapataas ang antas ng paggamit
ng Wikang Pambansa sa komunikasyon,
transaksyon at korespondensiya sa
kinabibilangang institusyon ng pamahalaan bilang
tugon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na
nag-aatas ng publikasyon din ng Patnubay sa
Korespondensiya Opisyal.
3. Sa layong makatulong sa pagpapabatid ng
tungkol sa nagbabagang panahon, katulong ang
Philippine Atmospheric Geophysical and
Astronomical Services (PAGASA), tinipon ang
mahahalagang termino (sa Filipino at iba pang mga
wika sa bansa) tungkol sa panahon sa Pilipinas kaya
nabuo ang Patnubay sa Weder Forkasting.
4. Kinikilala ng KWF ang gampanin ng pagsasalin
upang maging daluyan ng pag-unawa sa iba-ibang
larang tulad sa pagsasalin ng mga dokumento
5. Nagpapatuloy ang publikasyon ng mga babasahin
upang maipakalat nang husto ang mga salin ng
klasikong akda, akdang historiko, akdang rehiyonal,
muling-limbag, slaiksik at programang palitang salin
at nang makatulong sa pananaliksik at mga pag-
aaral sa iba pang larang.
6. Sa pamunuan din ni Almario, iniakda ang material
na maglilinaw tungkol sa mga usaping pangwika.
Ano para sa iyo ang Tagalog,
Pilipino at Filipino?

TAGALOG PILIPINO FILIPINO


Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop
ng Espanya, Espanyol ang opisyal na wika at ito
rin ang wikang panturo.
Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas,
sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga
bagong mananakop sa mga kautusan at
proklamasyon, Ingles at Espanyol.
Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol
bilang wikang opisyal.
Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para
sa kalayaan, ginamit na ng mga Katipunero ang
wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan.
Dahilan sa Pagpili sa Tagalog
bilang Batayan ng Pambansang
Wika ng Pilipinas
Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa
estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang
wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan.
Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino
 Tagalog – katutubong wikang pinagbatayan ng
pambansang wika ng Pilipinas (1935)
 Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng
Pilipinas (1959)
 Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang
wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino,
at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama
ng Ingles (1987)
Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng
1987, ang wikang Filipino ay:
• ang wikang pambansa ng Pilipinas;
• dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika; at
• dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang:
1. midyum ng opisyal na komunikasyon; at
2. wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.
Wastong gamit
ng mga salita
Nang at Ng
NANG
Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb)
at Pag-uulit ng pandiwa.

Halimbawa:
 Talon nang talon ang mga bata.
 Lipad nang lipad ang mga kalapati.
Nang at Ng
Ibang halimbawa:

 Nasaktan si Gorrio nang iwanan siya ng


kanyang kasintahan.
 Biglang nagkagulo ang mga tao nang lumabas
sa pinto si Lovi Poe.
Nang at Ng
NANG
Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri
(adjective).
Halimbawa:
 Ang lumakad nang matulin kung matinik ay
malalim.
 Sumuko nang mahinahon ang mga
magnanakaw.
Nang at Ng
NANG
Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.
Halimbawa:
 Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-
uwian ang mga bisita.
 Nang umapaw ang tubig sa ilog ay
nagsimulang lumikas ang mga residente.
Nang at Ng
Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at
na.
a. Aalis ka nang hindi nagpapaalam? (Aalis ka na,
na hindi nagpapaalam?)
b. Gawin mo nang hindi nagrereklamo. (Gawin mo
na, na hindi nagrereklamo.)
c. Ang uniporme ay itiniklop nang hindi pa
pinaplantsa. (Ang uniporme ay itiniklop na, na hindi
Nang at Ng
NG
Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na
pagkakataon ay automatic na ng ang dapat
gamitin.
Mga Halimbawa:
 Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng mga
Hernandez.
 Si Benedict ang kumuha ng baso kanina.
Nang at Ng
 Binilisan ng bata ang paglalakad sapagkat siya
ay natatakot.
 Si Marlon ay pinag-uusapan ng kaniyang mga
kaibigan dahil sa kabahuan niya.
May at Mayroon
MAY
Ginagamit ang may kapag sinusundan ng
pangngalan.

Halimbawa:
 May pera ka ba?
 Lahat sila ay may regalong matatanggap.
May at Mayroon
May
Kapag sinusundan ng pandiwa.

Halimbawa:
 May sasabihin ko sa’yo.
 May pupuntahan ako sa Sabado.
May at Mayroon
MAY
Kapag sinusundan ng pang-uri.

Halimbawa:
 May mahalagang bagay kang dapat
matuklasan.
 May magandang anak si Mang Jose.
May at Mayroon
MAYROON
Kapag may napapasingit na kataga sa salitang
sinusundan nito.
Halimbawa:
 Mayroon pa bang magsasalita ukol sa paksang
ito?
 Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.
 Si Marvin ay mayroon ding magagandang
May at Mayroon
MAYROON
Ginagamit na panagot sa tanong.
Halimbawa:
 May bagyo ba? – Mayroon
 May takdang aralin ka ba ? – Mayroon po
May maaasahan ba akong tulong sa kanya? –
Mayroon naman
Subukin at Subukan
SUBUKIN
Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o
pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao
o bagay. (to try, to test)

Halimbawa:
 Ang batang ito ay susubukin natin sa basketball.
 Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang
sumigla ka.
 Susubukin ng mga mga tagalalawigan ang
galing ng mga tagalungsod.
Subukin at Subukan
SUBUKAN
Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin
upang malaman ang ginagawa ng isang tao. (to see
secretly)
Halimbawa:
 Subukan mo siya upang malaman mo ang
kanyang sikreto.
 Ani Erap noon, “Wag niyo akong subukan!”.
 Subukan natin kung ano ang ginagawa ng mga
bata sa kabilang silid.
Pahiran at Pahirin
PAHIRIN
Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o
pagpawi sa isang bagay, alisin ang bagay.
Halimbawa:
 Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
 Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
Pahiran at Pahirin
PAHIRAN
Nagagamit ang pahiran sa kahulugang paglalagay ng
bagay at karaniwan ay sa bahagi ng katawan.
Halimbawa:
 Pahiran mo ng vicks ang aking likod.
 Pinapahiran ng langis ng dalaga ang kanyang
buhok.
 Bakit mo pinapahiran ng alkohol ang iyong mga
Operahin at Operahan
OPERAHIN
Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahagi ng
katawan.
Halimbawa:
 Kailan nakatakdang operahin ang iyong bukol
sa dibdib?
 Ooperahin ang tiyan ni Rey sa sabado.
Operahin at Operahan
OPERAHAN
Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng
katawan.
Halimbawa:
 Si Vic ay kasalukuyang inooperahan sa
pagamutan ng St. Lukes.
 Ooperahan si Rey sa tiyan sa sabado.
Rin, Raw, Daw at Din
RIN at RAW
Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang
sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa
malapatinig na w at y.
Halimbawa:
 Tayo ay kasama rin sa mga inanyayahan.
 Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan
sa ating pamantasan.

Rin, Raw, Daw at Din
DIN at DAW
Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
Halimbawa:
 Takot din siyang magsinungaling kagaya mo.
 Masakit daw ang ulo ni Marlon kaya hindi siya
nakapasok sa klase.
 Malakas din ang patahian nila katulad ng patahian
KINA at KILA
Ang Kina ay maramihan ng kay. Ang kina ay
panandang pangkayarian sa pangngalan katulad
ng sina.

Halimbawa:
 Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at
Maris.
 Makikipag-usap ako kina Vic at Nona.
Pinto at Pintuan
PINTO
Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na
isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang
ilagay sa pintuan.

Halimbawa:
 Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok
ang lamok.
Pinto at Pintuan
PINTUAN
Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng
pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag
bumukas na ang pinto.

Halimbawa:
 Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman
kung kaya't hindi niya maisara ang pinto.
Hagdan at Hagdanan
HAGDAN
Ang hagdan (stairs) ay mga baitang at inaakyatan
at binababaan sa bahay/gusali.

Halimbawa:
 Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang
marating ang klinika.
Hagdan at Hagdanan
HAGDANAN
Ang hagdanan (stairway) ay bahagi ng bahay na
kinalalagyan ng hagdan.

Halimbawa:
 Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay
kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos
ang lindol.
WALISIN at WALISAN
WALISIN
Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung
tumutukoy sa bagay na aalisin o lilinisin.

Halimbawa:
 Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.
WALISIN at WALISAN
WALISAN
Samantalang ang walisan ay tumutukoy naman sa
lugar (to sweep the place).

Halimbawa:
 Walisan ninyo ang sahig.
IKIT at IKOT
IKIT
Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na
paggilid mula sa labas patungo sa loob.

Halimbawa:
 Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang
daan patungo sa loob ng kuweba.
IKIT at IKOT
IKOT
Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa
labas.

Halimbawa:
 Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel.
Umikot-ikot muna sila sa loob nito bago nila
nakita ang daan palabas.
BITIWAN at BITAWAN
Ang wastong gamit ay bitiwan at hindi bitawan. Ang
salitang-ugat ay bitiw at hindi bitaw. Ang salitang
"bitaw" ay ginagamit sa pagsasabong ng manok
samantalang ang "bitiw" ay sa pagkawala o pag-alis sa
pagkakahawak.
Halimbawa:
 Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw
ako.
 Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke
TAGA- at TIGA-
Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin.
Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito
ng pangngalang pantangi.

Halimbawa:
 Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.
 Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.
SUKLAYIN at SUKLAYAN
Suklayin - ang buhok ng sarili.
Suklayan - ang buhok ng ibang tao.

Halimbawa:
 Suklayin mo ang buhok ko Luz.
 Suklayan kita ng buhok, Alana.
Pagbabagong
Morpoponemiko
Morpoponemiko
Karamihan sa mga pagbabago sa anyo at bigkas
ng mga salita ay dulot ng pagdaragdag ng panlapi
o pagsasama ng dalawa o higit pang morpema
upang bumuo ng salita. Ang naganap na
pagbabago ay tinatawag na pagbabagong
morpoponemiko
1. Asimilasyon
Sakop ng uring ito ang mga pagbabagong
nagaganap sa /ng/ sa pusisyong pinal dahil sa
impluwensya ng ponemang kasunod nito. Tulad
ng naipaliwanag na, isa sa tatlong ponemang
pailong, /m, n, ng/ ang ginagamit batay sa kung
ano ang punto ng artikulasyon ng kasunod na
ponema upang maging magaan at madulas ang
pagbigkas sa salita.
Kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d,
l, r, s, t /, ang panlaping pang- ay nagiging pan-.
Ito ay nagiging pam- naman kapag ang kasunod
na tunog ay alinman sa / b, p /

Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na


tunog ay mga katinig na / k, m, n, ng, w, y / o
patinig ( a, e, I, o, u ). Nilalagyan ng gitling
( - ) kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa
Uri ng Asimilasyon
A. Parsyal o di-ganap na asimilasyon
Ito ay yaong karaniwang pagbabagong
nagaganap sa pailong na /ng/ sa posisyong pinal
ng isang morpema dahil sa impluwensya ng
kasunod na tunog. Ang /ng/ ay nagiging /n/ o /m/
o nananatiling /ng/ dahil sa kasunod na tunog.
Bukod dito ay wala nang ibang pagbabagong
nagaganap.
Uri ng Asimilasyon
A. Parsyal o di-ganap na asimilasyon
Ito ay nangyayari sa panlaping Pang na naging
Pam kapag inuunlapi sa mga salitang nagsisimula
sa P at B at nagiging Pan kapag inuunlapi naman
ang mga salitang nagsisimula sa D, L, R, S, at T.
Halimbawa:
[pang-] + paaralan = pampaaralan
[pang-] + bayan = pambayan
Pang + baon = pangbaon – pambaon

Pang + lunas = panglunas – panlunas


[pang-] + dikdik = pandikdik
[pang-] + taksi = pantaksi
Uri ng Asimilasyon
B. Ganap na asimilasyon
Bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/
ayon sa punto artikulasyon ng kasunod na tunog,
nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang
salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa
sinaunang ponema.
Halimbawa:
[pang-] + palo = pampalo = pamalo
[pang-] + tali = pantali = panali
at iba pa:
Ipambili – ipamili
Ipambayad – ipamayad
Ipampasyal – ipamasyal
Pampalit – pamalit
Pamputol – pamutol
Pampasok – pamasok
Pansaksak – panaksak
Pansulsi – panulsi
Subalit hindi nangyayari ang asimilasyong ganap
sa lahat. May mga salitang nananatili ang dating
anyo ng salitang-ugat. Hindi naasimila ang tunog
ng p, b, s, t.

Halimbawa:
[pang-] + bansa = pambansa (Xpamansa)
[pang-] + luto = panluto (Xpanuto)
at iba pa:
pambukas = hindi pamukas
pambabae = hindi pamabae
pampaaralan = hindi pamaaralan
pampaligo = hindi pamaligo
2. Pagpapalit ng Ponema o Titik
May mga ponemang napapalitan o nagbabago sa
pagbuo ng salita. Nagaganap ang pagpapalitan
ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng
dalawang patinig.
Halimbawa:
1. Ma + dami = madami – marami
2. Ma + dunong = madunong - marunong
Ang /e/ ay nagiging /i/
Halimbawa:
ka + babae + han = kababaehan = kababaihan

Ang /o/ ay nagiging /u/


Halimbawa:
biro + in = biroin – biruin
gugol + in = gugolin – gugulin
3. Metatesis
Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa /l/ o
/y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang-
ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng
posisyon.

Halimbawa:
-in + lipad = linipad = nilipad
Nagkakapalitan ng posisyon ang mga ponema at
kung minsan ay may nawawala pa.
Halimbawa:
Tanim + an = taniman = tamnan
Lutas + in = lutasin = nilutas
Yari + in = yinari = niyari
4. Pagkakaltas ng Ponema
Sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa
loob ng salita

Halimbawa:
1. Sunod + in - sunodin - sundin
2. Takip + an - takipan - takpan
3. Dala + han - dalahan - dalhan
5. Pagsusudlong o Pagdaragdag
Kung bukod sa may hulapi na ang salitang
pinapandiwa, ito ay sinusudlungan o
dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /an/,
/-han/, /-in/, /-hin/, /-an/, o /-anan/

Halimbawa:
Antabay + an = antabayan = antabayanan
Alala + -han > alalahan + -in > alalahanin
6. Paglilipat-diin
Pagbabago ng diin sa salita kapag nilalagyan ng
panlapi.

Halimbawa:
Luto + an = lutoan = lutuan
: maaring gamit sa pagluto o ipagluluto ng isang
ulam.

You might also like