You are on page 1of 11

MODYUL 5

KONSTEKSTUWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
( KOMFIL )

IKALIMANG LINGGO
OKTUBRE 19-23, 2020

RAMEL D. DESUYO
INSTRAKTOR
Aralin 4. Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Komunikasyong Filipino at Sitwasyong Pangwika

Sa araling ito,lubos na pinahahalagahan ang paggamit ng wika sa


konteksto at mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino. Mahalagang
malaman ang pinanggagalingan ng mensahe gamit ang wika tungo sa
epektibong komunikasyon.

Upang makapagpahayag ng epektibo gamit ang wikang


Filipino,kinakailangang pag-aaralan at matutuhan ng mag-aaral ang kulturang
Filipino(Mangahis,2011).

Ayon kay Covar (1988;sa Mangahis,2011),upang lalong maunawaan ang


Filipinohiya-sistematikong pag-aaral ng Filipinong kaisipan(psyche) at Filipinong
kultura at Filipinong lipunan – iminungkahi na masusing pag-aaralan ang tearya
sa Filipinohiya. Sa ganitong punto,sinipat ang aralin sap ag-aaral ng
komunikasyon na ginagawa ng mga Pilipino at sa kung saan nagkakaiba-iba
ang gawing ito sa kahulugan ng Pilipino.

Kahulugan ng Komunikasyon

Ayon kay Merriam-Webster, ng salitang komunikasyon ay hango sa salitang”


communicare”,na nangangahulugang”magbahagi” o “magbigay”. Ang
komunikasyon ay pagpapalitan ng ideya o opinion,paghatid at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng telepono,telegram,kompyuter,radio,telebisyon at
iba pa.

Bukod sa etimolohikal na kahulugan ng komunikasyon sa Akademikong Filipino


ni Aguilar(2014),maraming eskperto ang may iba pang kahulugan nito:

“Ito ay pagbabahagi ng ideya at damdamin sa estado ng


pagkakaunawaan”-Dale(1969)

“Transmisyon ng mga impormasyon,ideya,pag-uugali,o damdamin at


kasanayan… sa paggamit ng simbolo.” Berelson at Stainer (1964)
“ Transmisyon ng mga impormasyon ,ideya , pag-uugali o damdamin mula sa
isang tao o pangkat ng mga tao patungo sa kanyang kapwa…..,karaniwang
isinasagawa sa pamamagitan ng mga simbolo.”-Theodorson (1969)

Maliwanag na batay sa Maliwanag na batay sa kahulugan ng komunikasyon,ang kaisipang ipinahihiwatig


nito ay maipag-ugnayan sa kapwa,pakikipagpalitan ng nais ipahayag sa iba at makapagbahagi ng
impormasyon.

Sitwasyong Pangwika
Sapagkat patuloy na umuunlad at nagbabago ang mundo ,nagbabago rin ang paggamit ng wika sa
iba’t-ibang sitwasyon. Sa komunikasyon,maraming pamamaraan upang ibahagi ang
kaalaman,ideya,damdamin at iba pa gamit ang wika . Sa ibaba makikita ang iba’t-ibang sitwasyong
pangwika na sa kasalukuyan nating ginagamit.

Sitwasyong pangwika sa Telebisyon

Filipino ang karaniwang gingamit na wika bilang midyum sa telebisyon sa bansa. Sa mga Local
channel,karaniwang palabas ay gumagamit ng wikang Filipino.Sinsabing ang telebisyon ang
pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang nakaabot nito.(Dayag at Del
Rosario)

Ang paggamit ng wikang Filipino ng mga nangungunang estasyon sa telebisyon gaya ng GMA 7,ABS-
CBN , at TV5 ay may malaking impluwensya sa pakikipagkomunikasyon ng tao. Ang paggamit wikang
abot at madaling maintinidihan ay salik sa pagkatuto nang nakararami sa pamamagitan ng panggagaya sa
paraan ng pagsasalita mula sa mga napapanood sa telebisyon. Mula sa mga programang Its Show Time,kung
paano bumanat si Vice Ganda o kung paano magbiro si Joey De Leon,sa Programang Eat-Bulaga ay
maaring ginagaya ng halos milyong tao na sumusubaybay sa kanilang programa. Mabuti o masama,isang
mahalagang isaalang-alang ang wika sa telebisyon bilang komunikasyong Filipino.

Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet

Ingles ang nangungunang wika na ginagamit sa social media at internet .Sa kasalukuyan,halos lahat ng
tao ay gumagamit ng social media o nakaa-access sa internet. Isa ang social media sa pinakaepisyenteng
paraan sa pagpapadala ng mensahe sa mga malalayong lugar at mahal sa buhay . Kabilang sa mga popular
na “social media account” na ginagamit ay “Facebook”,Twitter” at “Instagram” na halos kayang ipadala o
magpost ng larawan,dokumento,video at mga impormasyon.
Karaniwang nagaganap ang code switching” ay paggamit ng magkaibang wika sa loob ng isang
pahayag.Madalas nagaganap ito sa salitang pagpapahayag(Carpio at Castillo,et al., 2012).

Sa Internet , bagama’t marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang
nasusulat sa Filipino o Tagalog,nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Ang pangunahing
website at sa iba pang impormasyong mababasa ,maririnig at mapapanood sa interner ay nananatiling Ingles
(Dayag at Del Rosario,2016)

Sitwasyong Pangwika sa Text

Ang text message o text ay pagpapadala ng mensahe o Short messaging System (SMS) gamit ang mobile /
cellular phones na madalas gamitin sa pakikipagtalastasan sa kasalukuyan. Dahil teknolohiya ay patuloy na
nagbabago at bahagi tio ng kultura,Malaki ang impluwensya nito sa wika particular sa paraan ng pagsusulat
ng tao.
Isa ang Pilipinas sa mga bans ana ngunguna sa paggamit ng cellphone o pagpapadala ng mensahe kaya
kapansin-pansin din ang dami sa text kapag sila ay nakikipagpalitan ng mensahe.

Dahil ang gamit ng teknolohiya ay upang mapadali ang Gawain ng tao,ang pagpapaikli ng salita ay isa ng
paraan para makatipid ng oras at dami ng tina-type na letra na limitado lamang sa text.Ibig sabihin,mina-
maximize ng tao ang gamit ng teknolohiya na makikita sa paraan ng pagsusulat. Ito ang Filipino ng text
messaging. Halimbawa na lamang ang “k” mula sa pikling “okay” o kaya naman ay “nand2”o “d2” sa halip
na “nandito” o “dito”.

Ilan pa sa mga halimbawa ay gaya ng mga:

LOL Laughing Out Loud BRB Be Right Back


SKL Share ko Lang G na G Go na Go o Game na Game
SML Share mo Lang SLR Sorry Late Reply
OTW On the Way OMG Oh My Gosh o Oh my GOd
SYL See You Later MOMO Make Out Make Out Lang
L

Isa itong patunay sa katangian ng wik na patuloy na nagbabago o dinamiko. At dahil papalawak ang tingin
sa wika at hindi pakitid,lumalabas na malikhain ang tao sa paggamit ng wika taliwas ito sa istruktura ng
pagsulat sa wikang Filipino.

Maraming paraan o midyum ng komunikasyon ang maaaring gamitin upang ipadala ang mensahe. Ayon
kay LABRADOR(2018) ,nagging malaking ambag na sa kulturang Filipino ang pag-usbong at pag-unlad ng
mass media. Gamit ang wika , pinadadali na ang paghahatid ng berbal na mensahe sa pamamagitan lang
nito. Lalo pang pinabilis ang pagpaparating ng mensahe sap ag-usbong ng mass media sa pagpapalaganap
ng impormasyon sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Sa kasalukuyan, sa araw-araw na
pakikisalamuha ng tao,siya ay pinaliligiran nan ang mass media Dinaranas niya ito sa pakikinig ng
radio,panonood ng telebisyon,pagiging aktibo sa internet, at marami pang iba. Ginagamit din niya ang midya
sa pamamagitan sa pamamagitan ng iba’t-ibang midyum tulad ng cellphone , mga social networking sites, at
iba pang uri ng mga elektronikong kagamitan. Naging malaking bahagi na ito ng pang-araw- araw na
Gawain na siya naming humuhulma sa kabuuang transaksiyon niya sa lipunan.

Kategorya ng Komunikasyon

May mga kategorya sa komunikasyon na hinati na maaaring sa dami ng nagsasalita o nakikinig


o kaya’ysangkot na sangkap sa komunikasyon(tsanel,midyum, at iba pa).

INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON - ITO AY KOMUNIKASYONG NAGAGANAP


SA SARILI LAMANG. Kabilang dito ang personal na pagmumuni-muni, pagsasaulo ng mga ideya ,
pag-aanalisa o kaya naman ay pagsusulat para sa sarili lamang.

INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON - Ang komunikasyong ito ay nagaganap sa


pagitan ng higit sa isa na maaaring kinasasangkutan ng nagsasalita at nakikinig o nagbabasa at
nagsusulat. Kabilang sa anyong interpersonal na komunikasyon ay dayadikong
komunikasyon,pangkatang komunikasyon at pampublikong komunikasyon.

a) Dayadikong komunikasyon- ito ay komunikasyong nagaganap sa dalawang tao lamang.


Hal. Pakikipagchat(hindi group chat) , pakikiapag-usap sa telepono,counselling.
b) Pangkatang komunikasyon – ito ay binubuo ng higit sa dalawang tao na sangkot sa
komunikasyon. Maaaring magkasindami ang bilang ng nakikinig at nagsasalita
Hal. Pagpupulong , inuman , kumperensiya.
c) Pampublikong Komunikasyon – sa komunikasyong ito, mas marami ang bilang ng nakikinig
kumpara sa nagsasalita.
Hal. Misa , pagtuturo , talumpati gaya ng SONA.

KOMUNIKASYONG PANGMADLA O MASS COMMUNICATION


- Ito ay kategorya ng komunikasyon na ginagamitan ng midya. Kabilang sa mga midyang
ginagamit sa ganitong uri ng komunikasyon ang radio,telebisyon,dyaryo o pahayagan at
social media.

Aralin 5 Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino


Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino
Umunlad ang mundo bunga ng pakikipagkomunikasyon ng tao sa kaniyang kapwa. Sapagkat
walang taong nabubuhay nang mag-isa , lagi’t-lagi siyang naghahanap ng pangangailangang
makisalamuha sa iba.

Araw-araw nagaganap ang komunikasyon sa tao. Pasalita man o pasulat . Ang mga bagay,
bagama’t hindi nakapagsasalita ay may sinasabing kahulugan na maaaring iba-iba sa nagbibigay
interpretasyon sa bagay na iyon. Tuwa ang hatid na kahulugan ng pagbibigay ng bulaklak sa
taong umiibig. Dalamhati naman sa taong nawalan ng mahal sa buhay.

Isa sa napapanahong usapin sa pagbibigay kahulugan ay ang Meme.


Ang terminolohiyang “ Meme” ay sinimulang kinilala sa libro ng biologist na si Richard Dawkins na
The Selfish Gene noong 1976. Hango sa salitang “ Mimeme “ na ang ibig sabihin ay
mimicry.Inilahad ni Dawkins ang “Meme” bilang isang yunit ng pagsasalin, pagkopya o imitasyon
ng kultura (ideya,paniniwala,pag-uugali,atbp.) ng tao na maihahalintulad niya sa isang “gene”.
Tinutukoy ni Dawkins ang “Meme” bilang yunit ng impormasyon na may kinalaman sa cultural na
ebolusyon ng tao.’Ika niya,ito ay nakapaloob sa pag-iisip ng tao patungo sa isa pang “host” o pag-
iisip ng tao. Dagdag pa niya,kaya nitong maimpluwensyahan ang nasa kanyang kapaligiran at
kaya nitong lumago. Hindi lubusang naipaliwanag ni Dawkins kung paanong ang pagkopya sa
mga impormasyon ay nakaaaapekto sap ag-uugali ng kaniyang “host”, dahil ang kabuuang paksa
ng kanyang libro ay nakapokus sa Genetics. Ang parte ng pag-aaral niyang ito ay mas madaling
natutukoy ang impluwensiya ng isang tao sa isa pang katauhan sa pamamagitan ng isa pang
tagakopya o “idea replicator” na mas kilala bilang “Meme”(Dawkins,1976; sa Alegado,et al.,2018)

Sa isinagawang pag-aaral nina Ponayo,et al.,(2018) tungkol sa impluwensiya ng Meme sa


mga mag-aaral,lumabas na maaaaring ikonsidera ng mga mag-aaral ang “Meme” bilang paraan
ng pagpapahayag ng kanilang mga ideya sa online world. Dahil ang Memes ay itinuturing na
linuga Franca ng mga internet user. Sa pagkakabatid nito at sa paggamit nito,madaling nakikipag-
ugnayan ang bawat isa sa loob ng online world.

At dahil ang meme ay kasangkapan sa pagpapahayag ng ideya, nagiging daan din ito upang
manghamak ng personalidad ng iba. Bukod sa meme,ang mga Pilipino ay likas na mahilig sa
pakikipag-ugnayan gamit ang iba’t-ibang uri ng pakikipag-usap o pakikisalamuha. Pansinin ang
ilang halimbawa.

 TSISMISAN
Noong ikalabindalawang siglo, ang salitang gossip o tsismis sa Tagalog ay hango sa
sinaunang Ingles na kung saan ang pinagmulan ng salitang ito ay”god-sibbs.”Ang God-
sibbs ay tutmutukoy sa mga ninong o ninang na pinag-uusapan ang mga nangyari sa
binyag o kahit kahit anong okasyon ng kamag-anak(Berkos,2003) Pagkalipas ng ikaapat na
siglo, ang terminong ito ay nagkaroon ng panibagong kahulugan na tinawag na idle chat o
pagkukuwento dahil walang magawa. Ito ay karaniwang naiuugnay na hindi naman dapat
na ikalat.
Noong unang panahon naman ng Kastila , ang tsismis ay may mabuting naidudulot sa
mga tao. Ito ay dahil sa pagkakalat at pagsasalin ng mga nasagap na imppormasyon. Sa
iba’t-ibang tao upang mahuli ang magnanakaw sa espisipikong bayan. Lilitisin ng hukuman
ang sinoman na nasangkot sa tsismis batay sa kuro-kuro na nalikom. Ang tsismis ay
nagging laganap na Gawain nang nakararami noong panahon ng mga Kastila dahil sa
represyon. Sa pagpapahayag ng saloobin laban sa mananakop at dahil ang mga kastila
mismo ay mahilig sa tsismis. Kaya hango sa salitang Kastila “chisme” ang salitang tsismis.(
Castronuevo at Regala<2015).

Ang tsismis, bagama’t isang negatibo ang pagtingin nang nakararami dahil sa gawaing
pags-usapan ang buhay ng isang tao nang puro kasiraan,hindi maitatanggi na bahagi ito ng
komunikasyon.

Lumabas sap ag-aaral nina Castronuevo at Regala(2015) , na nahati sa dalawang


pananaw ang kababaihan tungkol sa tsismis bilang isang pamumuhay. Positibo at
negatibo. Positibo sapagkat nagging daan ang tsismis sa pagkakaroon ng kaibigan at
nakapagbibigay-aliw. Negatibo naman sapagkat ang tsismis para sa kanila ay isang
masamang libangan na naglalaman ng buhay ng tao.

UMPUKAN
Sa katunayan, ang umpukan ay gawain na nabubuo ng maliit na grupo. Ayon sa
pinoydictionary.com,ang umpukan ay maliit na grupo ng tao . Sa komunikasyon,ang
umpukan ay nakagawiang paraan ng pagkukuwentuhan na binubuo ng maliliit na pangkat.
Maaring ang salitang umpukan ay kasingkahulugan ng pakikipagkuwentuhan.
May mga pag-aaral na ginagamit ang umpukan bilang metodolohiya ng pananaliksik.
Epektibo ito sa mga kuwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik. Ayon kay De Vera (nasa
Pe-Pua,1989),ang pakikipagkuwentuhan ay waring mahusay na paraan na pagkuha ng
datos tungkol sa mga bagay na mahirap aminin ng tao,sapagkat sa pakikipagkuwentuhan ,
Malaya ang isa magpahayag ng anumang opinion o karanasan. Ngunit, ayon pa rin kay De
Vera, may kahinaan ang ganitong pamamaraan ng pananaliksik,ang magpatangay ang iba
sa opinion ng mga nakararami.

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL

Sa pangakalahatan , may dalawang uri ang komunikasyon. Ang


berbal na komunikasyon at di-berbal na komunikasyon.

1. Komunikasyong berbal. Ito ay uri ng komunikasyon na ginagamit ang


wika. Maaaring nasa anyong pasalita o pasulat.

2. Komunikasyong di-berbal. Ito ay komunikasyong hindi gumagagmit


ng wika. Kabilang sa komunikasyong ito ang kilos,amoy , kulay at iba
pa na nagbibigay ng kahulugan.

a. Chronemics. Ito ay paggamit ng oras bilang mensahe sa


komunikasyon. Hal. , ang pagdalo sa unag araw ng klase nang
maaga ay nagbibigay kahulugan ngmas impotanteng pagkikita.
Gayundin,ang pagtawag sa cellphone ng kakilala sa kalaliman ng
gabi ay maaaring makapagdulot ng kaisipang
pangangamba,pagkabahal o pagkatuwa dahil sa mensaheng
ipinahihiwatig ng oras na tiyak na mahalaga.
b. Proxemics. Ito ay paggamit ng distansya o espasyo sa sarili sa ibang tao.
Ayon sa aklat na Wika at Komunikasyon nina Bernales,et al.,(2013), may mga
pagkakaibang kultural kaugnay ng distansiyang pisikal at pag-aayos ng pisikal
na seting ng mga bagay-bagay. Sa Britanya,halimbawa, bibihira ang pisikal na
kontak sa pagitan ng mga tao. Maliban kung sila ay
magkakaibigan,pakikipiagkamay ang pinakatanggap na anyo ng kontak.

c. Kinesics. Ito ay tinatawag ding body language. Ito ay komumnikasyong


gumagamit ng katawan bilang mensahe. Ilang halimbawa ng kinesics ay
kumpas ng ating kamay.,ang paghawak sa ating tiyan ay maaaring
nangangahulugang tayo ay nagugutom o masakit ang tiyan. Gaya ng kumpas
kapag nagtatalumpati, may mga kahulugan ding ipinararating ang bawat kilos
kapag nagsasalita sa harap ng tao.

d. Haptics. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch kapag nagpapahatid


ng mensahe. Halimbawa,iba ang kahulugan ng mga salitang
hawak,haplos,pisil,hablot,himas, at pindot. Bawat isa ay may angking
kahulugan na hindi gumagamit ng salita o berbal.

e. Iconics. Ito ay paggamit ng simbolo bilang mensahe sa pagpapahayag ng


komunikasyon. Halimbawa, mga simbolong ginagamit sa kalsada bilang
babala,mga simbolong ginagamit sa gamut upang tukuyin kung lason o hindi
at mga simbolong ginagamit sa pinto ng palikuran sa pagtukoy ng kasarian.

f. Colorics. Ito ay komunikasyong ginagamitan ng kulay sa pagpapahayag ng


mensahe. Sa iba,may political na kahulugan ang kulay. Iba rin ang kahulugan
ng kulay na makikita sa kalsada,sa putting bandilang iwinawagayway at kahit
sa itim na damit.

g. Paralanguage. Ito ay komunikasyong batay sa paraan ng pagbibigkas ng


pahayag. May pagkakataong sumasang-ayon tayo sa kausap pero pagtanggi
ang tono ng pakakasagot. Kabilang dito ang bilis, tono o intonasyon ng boses
at diin ng mga pahayag.

h. Oculesics. Tumutukoy sa paggamit ng mata sa pagpapahayag ng


mensahe,may kahulugan ang panliliit ng mata , panlalaki at kahit pagkindat.

i. Olfactorics. Komunikasyong gumaggamit ng pang-amoy sa pagpaparating


mensahe.

j. Pictics. Ito ay ekspresyon ng mukha sa pagpapahayag ng mensahe. Sa mukha


s makikita kung ang tao ay malungkot, masaya , galit , nangangamba,
natatakot, at iba pang uri ng damdamin.

k. Vocalics. Paggamit ng tunog sa pagpapahayag ng mensahe. Hindi sakop sa


komunikasyong ito ang mga tunog na pasalita. Halimbawa , ay pag-ehem o
kaya ay pag-tsk-tsk.
MGA EKSPRESYONG LOKAL
“ Ang mga wikang pasenyas,wikang paaksyon at wikang ginagamitan ng bagay ay mga uri rin
ng di-berbal na komunikasyon na maaaring ituring bilang ekspresyong local.” – Garcia,et al.,
(2012)

An g ekspresyong local ay nakagawiang pakikipagugnayan ng tao sa kapwa na likas lamang


sa isang particular na lugar. Gaya ng wikang pasalita na bagama’t pareho sa baybay ay nag-iiba-
iba rin ito ng kahulugan batay sa kultural na konteksto nito. Ilan pa sa mga gawing
pangkomunikasyon ay pakikipagkuwentuhan,pagtatanong-tanong,pagbabahay-bahay at pulong-
bayan.
Lahat ng gawing pangkomunikasyon ay maaaring pamamaraan sa pananaliksik o
pangangalap ng datos.Sapagkat ang henerasyon sa kasalukuyan ay pinalilibutan ng teknolohiya ,
halos lahat ng tao ay nagmamay-ari ng iba’t-ibang social media account. Hindi kataka-taka na ang
eskpresyong ginagamit sa pagsasalita ay nagmumula sa social media. Noong 2016,may inilabas
ang rappler.com na mga salita at pahayag na popular sa social media at nadagdagan pa. Ito ay
mga ekspresyong karaniwang ginagamit sa social media. Ilan rito ay:

1. Lodi,petmalu,werpa , orbs

Likas sa wika ang pagiging malikhain. Ito ay kakayahan ng wika na bumuo ng mga
salita na may pinagbabatayan. Mula sa mga salitang pinagbabali-baligtad , nabuo ang
mga salita LODI mula IDOL , PETMALU para MALUPI(ET) , WERPA para sa
PAWER at ORBS para sa BRO.

2. Paqod c acoe
3. Kyah pembaryah
4. Qiqil,qaqo

Mga Gawain

Gawain Blg. 1 Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino


sa Iba’t-ibang antas at larangan.

Panuto: Ilarawan ang mga sumsunod.

1. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon


2. Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet

3. Sitwasyong Pangwika sa Text

Gawain Blg. 2 Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng mga Pilipino sa iba’t-
ibang antas at larangan.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at pangatuwiranan.(5 puntos bawat
bilang)
a. Ano ang kahalagahan at gamit ng komunikasyon bilang mag-aaral?
b. Bakit sinsasabing isa sa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming
gumagamit ng cellphone o nagpapadala ng text message?
c. Ano ang kahalagahan at gamit ng meme?
d. Paano mo pinahahalagahan ang Filipino gamit ang mga gawing pangkomunikasyon
gaya ng tsismisan at umpukan?
e. Paano nakatutulong ang di-berbal na komunikasyon sa pagpapahayag ng ideya o
imporamsyon?
f. Ang pag-usapan ba ang buhay ni Rizal ay maituturing na tsismis?Bakit?

Gawain Blg. 3 Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t-
ibang antas at larangan.
Panuto: Ilarawan ang mga sumusunod.
1. Tsismis

2. Umpukan

3. Di-Berbal

4. Ekspresyong Lokal

5. Memes

Gawain Blg. 4 Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng


tradisyunal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
Panuto: Sa inyong facebook account , maghanap ng dalawang(2) meme at i-edit ito upang
makabuo ng makabuluhang mensahe tungkol sa pagpapanatili ng Filipino sa Kolehiyo.
A.
B.

You might also like