You are on page 1of 12

Quezonian Educational College Inc.

COLLEGE DEPARTMENT

Atimonan, Quezon

KALAGAYAN NG PAGGAMIT NG BALBAL NA SALITA NG MGA MAG-


AARAL NG BSED- FILIPINO 3A SA QUEZONIAN EDUCATIONAL
COLLEGE INC. UNANG SEMESTRI 2020- 2021

ISANG PANANALIKSIK NA INIHARAP KAY :


Sa Patnubay ni:
GNG. MITZIE CANAYA.

BILANG BAHAGI NG PAGTUPAD SA PANGANGAILANGAN SA


ASIGNATURANG
“INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK”

NI:
GALAROSA, CAMILLE F.
BSED- FILIPINO 3

JANUARY, 2021
KALAGAYAN NG PAGGAMIT NG BALBAL NA SALITA NG MGA MAG- AARAL NG
BSED- FILIPINO 3A SA QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC. UNANG
SEMESTRI 2020- 2021

I.PANIMULA
Ayon kina Valenzuela, et al., (2016), ang slang sa Ingles ay katulad o kagaya ng Wikang Balbal
at napapalitan ito sa paglaon ng panahon. Ang mga salitang ito rin ay madalas na maririnig sa
lansangan. Ang mga salitang tsikot (kotse), at chichi (pagkain) ay ilan lamang sa mga halimbawa
ng salitang balbal. Tinutukoy din ni Ocampo (2013), na ang salitang balbal ay nagiging parte na
ng bokabularyo ng Filipino upang maibigay ang wikang kinakailangan ng lipunan. Itinuturing ito
na Personal na Pakikipag Komunikasyon sa lahat ng uri ng pamumuhay sa isang lipunan. Ito rin
ay kilala sa tawag na “salitang kalye”.
Ang balbal ay ang pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na
grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang panlansangan. Ito ang mga
salitang nabuo o nalikha sa inpormal na paraan. Ito ang mga salitang nabuo sa mga pinagsama-
sama o pinagdugtong na salita na maaaring maging maikli o mahaba. Ito rin ay tinatawag na
slang sa Ingles. Ito ay nagmumula sa mga pangkat- pangkat na nagiging sariling codes nila. Ang
halimbawa ng mga balbal na salita ay tol, pre, yosi, jokla at marami pang iba na kalimitang
ginagamit sa pang- araw- araw na pakikipag- usap. Sa balbal din pumapasok ang mga gay lingua
na kadalasang ginagamit na rin ngayon. Maaari mo rin itong tawaging salitang panlansangan na
may kaaya- aya ang tunog sa mga kabataang naninirahan sa mababang antas ng lipunan at
makabasag tenga naman sa hanay ng mga mayayaman. Ang antas ng lipunan na lalong
nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasin ng madalas ang mga salitang ito.
Kalunos- lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan ng sapat na lunas sa
suliraning ito. Sa pagsusuring ito ay binibigyang diin ang implikasyon ng paggamit ng wikang
balbal sa mga mag- aaral na nasa kolehiyo . Kakailanganin ng mananaliksik ang piling mag-
aaral ng Quezonian Educational College Inc. Ang mga nasabing kalahok ay bibigyan ng mga
katanungang ukol sa kung ano nga ba ang implikasyon ang nakakaapekto sa paggamit ng balbal
na mga salita ng mga mag- aaral. Nakakatulong ba ito o hindi? Kailangan ba talaga nila itong
gamitin? Ilan ba sa kanila ang gumagamit nito ang mga hindi gumagamit? Alam naman natin na
sa komunikasyon ay mahalaga kung saan ang wika ay ang medyum na ginagamit upang makamit
ito. Wika, kung saan ang mga tao ay nagkakaunawaan at nagkakaroon ng pagkakaisa. Ang wika
rin ang dahilan kaya nagbubuklod ang ibat’- ibang bansa, upang ang ating wika ay maging
kaaya- aya sa mga dayuhan o sa kapwa nating Filipino na maging mahusay sa pagbigkas ng mga
salita na lumalabas sa ating bibig.
II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN:
Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “KALAGAYAN NG PAGGAMIT NG
BALBAL NA SALITA NG MGA MAG- AARAL NG BSED- FILIPINO 3A SA
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC. UNANG SEMESTRI 2020- 2021 ay
isinagawa upang malaman kung ano- ano ang mga kalagayan sa paggamit ng mga balbal na
salita ng mga mag- aaral ng BSED- FILIPINO 3A sa QUEZONIAN EDUCATIONAL
COLLEGE INC.
Ito ay sasagot sa mga katanungan:

1. Ano- ano ang mga kalagayan sa paggamit ng balbal na salita ng mga mag- aaral?
2. Paano nakakaapekto ang paggamit ng balbal na salita sa mga mag- aaral?
3. Gaano kahalaga ang paggamit ng balbal na salita sa mga mag- aaral?

III. KAUGNAY NA LITERATURA:

Ang wika ay lubhang makapangyarihan kaya naman maraming tao ang madaling
maimpluwensiyahan sa paggamit ng salitang balbal. Binigyang kahulugan ni Gette ang salitang
balbal o slang na salita bilang isang di- pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng
isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye (2010).

Kaugnay nito, isinasalaysay ni Mabanta (2011), na ang wikang Filipino ay mayroong iba’t-
ibang antas na nahahati sa pormal at impormal. Ang pormal ay binubuo ng mga salitang
pambansa at pampanitikan o yaong mga salitang ginagamit sa matataas na dominyo ng lipunan
sa Edukasyon, korte at maging sa iba’t- ibang propesyon. Sa kabilang banda naman, ang mga
impormal na salita naman ay kinabibilangan ng lalawiganin, kolokyal at balbal. Halimbawa ng
lalawiganin ay Tagalog sa Batangas at Cebuano sa Cebu na ginagamit sa isang partikular na
lugar. Samantala, ang mga salitang sa’kin ( sa akin ), sa’yo ( sa iyo ) at iba pa ay halimbawa ng
kolokyal na ginagamit sa pang- araw- araw. At ang huli ay ang pinakamababang antas ng wika,
ang mga salitang balbal.

Ayon kay Hill ( sa Tumangan, et al., 2000 ) at Gleason ( sa Tumangan, et al., 2000 ). Ang
wika ay nababago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang
wikang stagnant ay maari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Ang isang wika ay
maaaring nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng tao,
maaaring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay
ang mga salitang balbal at pangkabataan. Ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita
na hindi umiiral noon. May mga salita ring maaaring nawawala sapagkat hindi na ginagamit.

Ayon kay, G. Joey Arrogante, ang mga salitang lalabas o dapat mamutawi sa iyong bibig ay
mabubuti. Hindi dapat makakasakit sa kapwa. Kaya nga lamang sa panahon ngayon. Iba- iba na
ang maririnig sa mga kabataan nakagugulat dahil kahit may pinag- aralan ay nalilihis ang
pagsasalita. Tama kayang sabihin na ang pagsasalita ay inaayon mo sa uri ng iyong kausap?
Kung ang iyong kaharap o kausap ay mahilig magsalita ng mga salitang kanto ay gayon din bas a
iyong sasalitain?

Ayon kay, Mendoza ( 2004 ), ang makasining na paraan ng wastong pagpili at akmang
paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili- wili at kasiyang- siyang
pagpapahayag ng diwa.
IV. BATAYANG TEORITIKAL:

Ang pag- aaral na ito ay nakapokus sa Kalagayan ng paggamit ng balbal na salita ng mga
mag- aaral ng Quezonian Educational College Inc.

Balangkas Konseptuwal

INPUT
Nais naming mga mananaliksik na malaman ang Kalagayan ng paggamit ng salitang balbal ng
mga mag-aaral ng Quezonian Educational College Inc. Bahagi din ng aming pananaliksik ang
alamin ang mga mabuti at masamang epekto ng salitang balbal. Kami ay humantong sa
pananaliksik na ito dahil napansin namin ang mga paglitaw ng mga bagong salita na tila bang
tuluyan ng naibaon sa limot ang lumang salitang Filipino.

PROSESO
Bilang isang mananaliksik ay magsasagawa ako ng sarbey. Mamahagi ako ng mga kwestyuner sa
mga piling mag- aaral ng BSED- Filipino3A sa Quezonian Educational College Inc. Magiging
bahagi ang mga piling mag- aaral ng BSED- Filipino3A para sa sarbey na ito. Ang sarbey na
nabanggit ay naglalayong alamin ang pulso at damdamin ng aming respondante tungkol sa aking
pinag- aralang pananaliksik tungkol sa salitang balbal. Tulay din ito upang makakalap ng datos
na aking kailangan sa pananaliksik na ito.

AWTPUT
Inaasahang sa pamamagitan nito ay aking malalaman ang kalagayan ng paggamit ng balbal na
salita sa piling mag- aaral ng Quezonian Educational College Inc. Dagdag pa rito ay malalaman
din natin ang dahilan sa paglitaw ng mga makabagong salita na tinatawag na (balbal). At kung
totoo ba na nalilimot ang mga kinagisnang lumang salita.
V. METODOLOHIYA:
Makakalap ang mga datos mula sa pagsasaliksik ng mga kaugnay ns pag- aaral batay sa napiling
paksa.
Maghahanap ang mananaliksik ng isang teorya na magsisilbing batayan sa kanilang pag- aaral.
Ang mananaliksik ay magsasagawa ng isang survey questionnaire upang malaman ang
kalagayan ng balbal na salita sa pagbuo ng wastong pangungusap sa asignaturang Filipino. Ang
mga sasagot sa nasabing surbey questionnaire ay mga piling mag- aaral ng BSED- FILIPINO 3A
ng Quezonian Educational College Inc. nang sa gayon, ang mga impormasyong makukuha ay
mula sa BSED- FILIPINO 3A.
Pagkatapos nito, ang mananaliksik ay bibigyang kahulugan ang mga impormasyon at kanila
itong ipapaliwanag sa maayos na pamamaraan.

VI. PRESENTASYON NG MGA DATOS:


Nilalaman ng bahagi ito ang mga nalikom na datos ng mananaliksik na tumutugon sa nabanggit
na mga suliranin sa unang bahagi ng pananaliksik na ito. Batay sa isinagawa kong pag- aaral na
may paksang “KALAGAYAN NG PAGGAMIT NG BALBAL NA SALITA NG MGA
MAG- AARAL NG BSED- FILIPINO 3A SA QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE
INC.” ang mga sumusunod ay presentasyon ng mga datos na nakalap.
Ang bawat talahanayan ay nagsasaad ng bilang ng mga tugon o saloobin ng mga respondante
ayon sa isinagawang sarbey. Nakasaad din dito porsyentong nakalap ng bawat tugon.
1. Antas ng Wikang nais gamitin?

resulta
Pambansa Pampanitikan Balbal
10%
15%

75%

Mula sa unang
katanungan na “Antas ng Wikang nais gamitin?” Lumalabas dito na ang Wikang nais gamitin ng
mga mag- aaral ng BSED- FILIPINO 3 ay ang “pambansa” na mayroong pinakamataas na
porsyento na 75%, pumapangalawa naman dito ay ang “pampanitikan na mayroong porsyentong
15%, at ang pangatlo naman ay ang “balbal” na mayroong porsyentong 10% .
2. Dahilan kung bakit ang antas na iyon ang nais mong gamitin?

resulta
madaling maunawaan masarap pakinggan napapanahon
39%
61%
Mula sa pangalawang katanungan na “Dahilan kung bakit ang antas na iyon ang nais mong
gamitin?” Lumalabas dito na ang antas na nais gamitin ng mga mag- aaral ay ang “madaling
maunawaan” na mayroong porsyento na 39%, sumunod naman ang “masarap pakinggan” na
mayroong porsyentong 0%, at ang pumangatlo naman ay ang “napapanahon” na mayroong
porsyentong 61%.
3. Ang Balbal na salita ay sinasalita mo kapag kausap mo ay.

resulta
kaibigan magulang ibang tao

100%

Mula sa pangatlong
katanungan na “Ang Balbal na salita ay sinasalita mo kapag kausap mo ay.” Lumalabas dito na
ang balbal na salita ay sinasalita ng mga piling mag- aaral kapag kausap ay ang “kaibigan” na
mayroong porsyento 100%, sumunod naman ang “magulang” na mayroong porsyentong 0%, at
ang pumangatlo naman ay ang “ibang tao” na mayroong porsyentong 0%.
4. Ano ang pakiramdam kapag sinasalita mo ang balbal?
resulta
masaya malungkot

100%

Mula sa pang- apat na katanungan na “Ano ang pakiramdam kapag sinasalita mo ang balbal?”
Lumalabas dito na ang pakiramdam ng mga piling mag- aaral kapag sinasalita nila ito ng
“masaya” na mayroong pinakamataas na porsyentong 100%, at ang pinakamababa naman ay ang
“malungkot” na mayroong porsyentong 0%.
5. Nagpapaunlad ba ng ating wika ang balbal na salita?

resulta
20% Oo Hindi

80%

Mula sa
pang- limang katanungan na “Nagpapaunlad ban g ating wika ang balbal na salita?” Lumalabas
dito na napapaunlad ng ating wika ang balbal na salita ang “Oo” na mayroong pinakamataas na
porsyentong 80%, at ang pinakamababa naman ay ang “Hindi” na mayroong porsyentong 20%.

VII. KONGKLUSYON:
Masasabi ko na , batay sa aking ginawang pananaliksik tungkol sa “ KALAGAYAN NG

PAGGAMIT NG BALBAL NA SALITA NG MGA MAG- AARAL NG BSED- FILIPINO

3A SA QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.”Mas lumalawak ang impluwensya ng

salitang balbal sa ating mga tao, dahil sa mga kanilang mga natutunang mga salita kung kaya’t mas ang

mga tao ay nahuhumali dito, dahil sa mga salitang naririnig sa kalye na nakukuha o nakakalap ng mga

tao.

Para sa akin bilang isang tao at kabataan,masasabi ko na hindi ito hadlang sa atin na malaman at makuha

ang mga salitang balbal na ating natutunan kundi ito ay nakakaulong na lumawak ang ating kaalaman sa

pagsasalita ng ibang salita.


VIII. APENDIKS:

KALAGAYAN NG PAGGAMIT NG BALBAL NA SALITA NG MGA MAG-


AARAL NG BSED- FILIPINO 3A SA QUEZONIAN EDUCATIONAL
COLLEGE INC. UNANG SEMESTRI 2020- 2021
GALAROSA, CAMILLE F.
BSED- FILIPINO 3
Mangyari pong sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po
naming magiging kumpidensyal na impormasyon ang inyong mga kasagutan.
Pangalan (opsyunal): _____________________________________________________
Kasarian: Lalaki:_____ Babae:_____
Edad: 16- 17____ , 18- 19_____ , 20- 21____ , 22pataas_____

Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung
may pagpipilian, lagyan ng tsek ang patlang na tumutugma sa inyong mga sagot.
1. Antas ng wikang nais gamitin?
______ Pambansa _______ Pampanitikan ________ Balbal
2. Dahilan kung bakit ang antas na iyon ang nais mong gamitin?
______ madaling maunawaan _______ masarap pakinggan
_______ napapanahon
3. Ang balbal na salita ay sinasalita mo kapag kausap mo ay.
_____ kaibigan ______ magulang ______ ibang tao
4. Ano ang pakiramdam kapag sinasalita mo ang balbal?
_____ masaya ______ malungkot
5. Nagpapaunlad ba ng ating wika ang balbal na salita?
_____ Oo ______ Hindi

SANGGUNIAN

academia.edu/36190494/PAGAARALTUNGKOLSAEPEKTONGPAGGAMITNGMGAB

ALBALNASALITA

slideshare.net/armialeonnardo/thesis-wikang-filipino-sa-makabagong-panahon

https://www.slideshare.net-implikasyon sa pag-aaral

https://www.slideshare.net-related study

https://www.slideshare.net-related literature-foreign-and-local

academia.edu/36190494/PAGAARALTUNGKOLSA

LSAEPEKTONGPAGGAMITNGMGABALBALNASALITA
slideshare.net/ PAGAARALTUNGKOLSA

LSAEPEKTONGPAGGAMITNGMGABALBALNASALITA

You might also like