You are on page 1of 56

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Villa de Bacolor, Pampanga

College of Education-BSED Program

KULTURANG POPULAR

MIDTERM OUTPUT

PAMAGAT: ANG PINAKA….: Isang Sarbey at Pagsipat sa Antas ng

Pagtangkilik sa mga Piling Social Media App sa Pampanga

Ipinasa nina:

Etang, Angelica C.

Fabian, Sonnel S.

Justo, Carlo James T.

Nuqui, Romily M.

Pangilinan, Katelyn L.

Pineda, Rona Joyce C.

Ipinasa kay:

Dr. Chona M. Navarro

BSED Chairperson

Mayo 2022
I. PANIMULA

a. Kahulugan at Kahalagahan ng Wika

Ang wika ang itinuturing na tulay ng komunikasyon ng mga tao dahil ito ang

nagsisilbing kasangkapan sa pagpapahayag nila ng kanilang mga impormasyon,

damdamin o saloobin sa kanilang kapwa, sa metodong pasalita at pasulat. Bunsod

nito, nakalilikom ang bawat mamamayan ng dunong mula sa ibang tao na kanilang

magagamit sa pakikipagsapalaran sa buhay. Nagiging tuntungang-bato rin ang

wika upang malinaw at epektibong maipahayag ng bawat indibidwal ang mga

konseptong nakakintal sa kanilang isipan.

Ang wika ay isang sistematikong proseso. Hindi ito napag-aaralan sa iisang

upuan lamang sapagkat kinakailangan ng mahabang panahon, pakikipag-

interaksiyon at saganang impormasyon upang lubusang magamit ito nang

mahusay sa talastasan. Marapat din na ikonsidera ang pag-alam sa mga

makabuluhang tunog tungo sa malalalim na mga salita sapagkat ito ang

kumbensyunal na proseso sa pagkatuto.

Bilang karagdagan, ang wika ay itinuturing bilang pangunahing sandigan

upang magkaroon ng tinatawag na pagkakaisa ang bawat mamamayan sa lipunan

dulot ng pagkakaroon ng isang sistema ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng

pagpapalitan ng mga ideya’t paniniwala, ang mga etnolinggwistikong grupo at mga

simpleng mamamayan ay nagkakaroon ng ugnayan sa isa’t isa. Ang mga kultura

ay nagiging buhay at tumitingkad ang kulay dulot ng mabisang paggamit ng wika.

Sa madaling sabi, nakabubuo ng isang pagkakakilanlan ang isang komunidad


bunga ng wikang ipinunla ng mga tao. Pinatunayan ito ni Empaynado (2012), aniya

ang wika ay nakatali sa ating kultura at tumatayo bilang kagamitan sa paghubog

ng ating identidad. Ang wika ang gamit sa pagpapasa ng kultura, ang kultura

naman ang siyang nagbibigay bihis sa paraan kung paano namamayani ang wika

sa isang partikular na lipunan. Isang matibay na manipestasyon na ang wika at

kultura ay tunay na magkabuhol at hindi maaaring maghiwalay.

Ang wika ay isang makapangyarihang aspekto ng lipunan at kailanman ay

hindi mawawala sa isipan ng mga tao. Kapara ng mga diyos at diyosa sa mga

mitolohiya, ang wika ay may kakayahang manuri, magwasak, manghikayat,

lumikha, kumontrol, tumulong, manghusga, magpasaya, kumitil, at magturo ng

samu’t saring mga empirikal na datos. Hindi lamang ang personal na pagkatao ng

isang indibidwal ang maaaring malilok ng wika, bagkus kaya nitong hubugin ang

sibilisasyon ng buong daigdig.

B. Mga Pag-aaral sa Wika

Kaakibat ng paglipas ng panahon ang pagiging dinamiko ng wika. Ito ay

sumasabay sa modernisasyon, nagbabago at umuunlad. Ang iba’t ibang

kaparaanan ng paglalahad ng isang bagay ay makikita sa antas ng gramatika at

sa barayti ng wika ginagamit ng mga tagapagsalita.

Nakaangkla dito ang pagsusuring isinagawa ni William Labov noong 1992,

isang Amerikanong sosyo-sikolohista at linggwista. Itinaguyod ni Labov ang

variability concept na nagsasabing ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay

maituturing na isang natural penomena. Sa madaling sabi, ang pagsibol ng samu’t


saring pagkakaiba sa estruktura, bigkas at gamit sa isang wika ay likas na nangyari

sa iisang lipunan. Isang malaking aspekto ang pagkakaroon ng interaksiyon ng

mga tao sa pagsilang ng barayti ng wika.

Bilang karagdagan, ipinaalam ni Labov na marapat na bigyan ng

konsiderasyon ang pagbibigay ng pantay na pagtingin sa mga barayting ito.

Walang mababa at walang superior na anyo ng wika sapagkat ito’y kapwa

umusbong sa likas na paraan. Sa konteksto naman ng wikang Filipino, malinaw

na ipinapahatid na lahat ng mga mamamayan nito ay may tungkulin sa

pagpapayabong ng wika bilang isang arkipelagong may sariling pagkakilanlan.

Bunsod ng konseptong ito, nabuo ang tinatawag na variationist theory. Ang

teoryang ito ay nagsasaad na ang madalas na pagbigkas ng isang espesipikong

mga salita ay tumutugon sa tuon ng diskurso. Sinusuri sa pananaw na ito ang

dalas o frequency ng paggamit sa wika upang malaman ang katuturan ng diskurso.

Mahalagang salik sa pag-aaral ng baryasyon ng wika ang tono, intonasyon, gamit

ng salita at estrukturang panggramatika ng taong kasangkot sa isang tiyak na

diskurso.

Inilahad din ni Labov na ang pagbabago ng wika ay mabuting epekto ng

impluwensiya ng sosyal at kultural na salik. Ito ay maaaring bunga ng kontak,

panghihiram o imahinasyon ng isang indibidwal. Ayon sa mga teoristang ito, may

kasaysayan din ang mga terminong bumubuo sa isang lengguwahe. Ang batis ng

kaalaman ng mga tao ay hango sa barayti at gamit ng wika na kanilang ginagamit

sa pagpapakahulugan ng mga bagay.


Ayon naman kay Sapir (1949), isang kasangkapan ng sosyalisasyon ang

wika na kung saan hindi magkakaroon ng relasyon sosyal kung walang wika. Para

naman kay Sausser (1915), hindi kukumpleto ang wika sa sinumang indibidwal at

nagagawa lamang ito sa loob ng pangkat. Makikita na dito ang paghahalo ng

barayti ng wika, ang dayalekto at register sa dalawang paraan; ang palit koda

(code switching) at panghihiram. Sa palit koda, gumagamit ng iba't-ibang barayti

ang nagsasalita ayon sa sitwasyon o okasyon. Mapapansin na ito ay may

pinaghalong Filipino at Ingles. May palit koda rin na sitwasyonal o nagbabago ang

code depende sa pagbabago ng sitwasyon na kinalalagyan ng nagsasalita. Isa

pang paraan kung saan naghahalo ang mga barayti ay ang panghihiram.

Manghihiram ng isa o higit pang salita sa isang barayti tungo sa isa pang barayti

dahil ito ay walang katumbas sa ginagamit ng nagsasalita. Ito rin ay tinatawag na

lexical borrowing. Ang pagiging heterogenous ng wika ay kaugnay ng

sosyolinggwistikong teorya. Ang pagkakaiba-iba ng anyo ng wika ay lokasyong

heograpiko, sosyo-ekonomiko, politikal, pandarayuhan at edukasyon na katangian

ng isang lugar na gumagamit ng naturang wika. Sa pamamagitan nito,

nagkakaroon ng iba't-ibang barayti ng wika tulad ng Tagalog Filipino, Bicolano

Filipino, Singapore Filipino, Filipino English at iba pa, at ito ay tinawag na

linggwistikong barayti ng wika. Mayroon ding barayti ayon sa sosyal na kalagayan

o register tulad ng Filipino ng mga kabilang sa third sex, Filipino ng mga taong may

trabahong magsasaka, taong pabrika, mangingisda at iba.

Ayon naman sa pananaliksik pang-wika ni Sapir (1949), ang kasangkapan

ng sosyalisasyon ay ang wika. May nagaganap na pakikisalamuha ang mga tao


bunsod ng wikang ginagamit. Ang sosalisasyon at wika ay may direktang ugnayan

sa isa’t isa. Walang magaganap na sosyalisyon kung walang wika dahil hindi

magkakaunawaan ang bawat tao.

Para naman kay Sausser (1915), hindi mabubuo ang wika sa sinumang

indibidwal at nagagawa lamang ito sa loob ng grupo. Mapapansin dito ang

paghahalo ng barayti ng wika, ang dayalekto at register sa dalawang paraan; ang

palit koda (code switching) at panghihiram. Sa palit koda, gingamit na batayan ang

iba't-ibang barayti ng tagapagsalita batay sa sitwasyon o okasyon. Mahihinuha sa

mga pahayag ng isang ispiker ang pagsasama ng wikang Filipino at Ingles bilang

midyum ng kaniyang komunikasyon. May palit koda rin na sitwasyonal o

nagbabago ang code lainsunod sa pagbabago ng kaganapan na ginagalawan ng

nagsasalita. Isa pang metodo kung saan naghahalo ang mga barayti at ang

panghihiram. Manghihiram ng isa o higit pang termino sa isang barayti papunta sa

isa pang barayti sapagkat ito ay walang katumbas sa ginagamit ng nagsasalita. Ito

rin ay tinatawag na lexical borrowing.

Ang pagiging heterogenous ng wika ay may malinaw na relasyon sa

sosyolinggwistikong teorya. Ang pagkakaiba-iba ng anyo ng wika ay batay sa

lokasyong heograpiko, sosyo-ekonomiko, politikal, pandarayuhan at edukasyon

na katangian ng isang lugar na gumagamit ng naturang wika. Bunga nito,

nagkakaroon ng iba't-ibang barayti ng wika tulad ng Tagalog Filipino, Bicolano

Filipino, Singapore Filipino, Filipino English at iba pa. Ito ay tinawag na

linggwistikong barayti ng wika. Mayroon ding barayti ayon sa sosyal na kalagayan


o register tulad ng Filipino ng mga miyembro ng LGBT community, Filipino ng mga

taong may trabahong magsasaka, taong pabrika, mangingisda at iba.

C. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa bahagi ng sistematikong pag-aaral na ito, ilalahad ang mga literaturang

may malaking relasyon sa pagbibigay importansiya sa wika. Ang mga sumusunod

na datos ang magpapatibay at magiging batayan ng pag-aaral na ito. Bilang

panimula, ang wika ay masasabing pinakamabisang kasangkapan sa pakikipag-

komunikasyon sa ibang tao. Ito ay sandata sa pakikipagbuno sa mga laban sa

buhay. Kinapapalooban ito ng pinagsama-samang mga titik at simbulo upang

maipahayag ang mga nararamdaman ng isang nilalang sa kaniyang pamilya,

kaibigan at ibang pang nasa paligid nito (Arocha, 2016).

Batay sa artikulo ni Jones (2013) na pinamagatang Communication in the

Real World: An Introduction to Communication Studies, ang lengguwahe ay

kasangkapan sa pagpapahayag ng obserbasyon, kaisipan, damdamin, at

pangangailangan. Nakasaad din na ang wika ay may taglay na kapangyarihan

kaya dapat itong gamitin nang wasto dahil magiging magulo ang paghahayag kung

ito ay hindi pormal at nahahaluan ng paiba-ibang termino.

Iginiit naman ni Cabuhay (2017), isang nagpapakapaham sa ekonomiks sa

Unibersidad ng La Salle, "kapag walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung

iisipin natin, kung walang lipunan, walang transaksiyon, wala tayong ekonomiya."

Sa payak na pagpapaliwanag, ang pagtakbo ng ekonomiya ng bansa ay bunga ng

lahat ng mga bagay na napagkasunduan gamit ang wika. Kaya marapat na


maipahayag nang malinaw sa iba ang obhektibo nito upang masabing ang wika

ay isang mabisang daluyan ng transaksiyon. Samakatuwid, ang wika ay may

direktang implikasyon sa pag-unlad ng bansa.

Sa kasalukuyang panahon, marami ang nagsisikap na mapayaman ang

wika ng bansa, ang Filipino. Layunin ng kilusang ito ang magamit ang wikang

pambansa bilang midyum sa pagpupunla ng mga kaalaman sa mga bata.

Naninindigan ang mga katanggol wika na ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo

ng kaalamang teknikal ang susi sa intelektuwalisasyon, pagkakabuklod at

progreso ng lupang tinubuan (Saragosa, 2005).

Sinag-ayunan ito ni Sirbu (2015) na ang pagkakaisa ng bansa sa wika lalo

na sa pakikipagtalastasan ay may benepisyong hatid sa pagkakaintindihan at

pagiging isa ng nasyon. Batay sa kaniya, nararapat na ang paggamit nito ay

pormal at hindi mahahaluan ng ibang wika. Kailangan ito rin ay simple at madaling

maunawaan para sa lahat.

Nakalimbag naman sa pag-aaral ni Akmajian (2017), nagkakaiba ang

paggamit ng wika sa kadahilanan ng mga dayalektong sumulpot kaya

napagpasyahan na magkaroon ng pambansang wika magbibigkis sa mga tao na

may iba’t ibang kultura. Ayon din sa kaniya, ito ang sentro ng kalakalan at

pakikipagtalastasan dahil ipapatupad ito sa buong kapuluan.

Bilang koneksiyon sa pag-aaral na ito, masasabing ang wika ay maaaring

maapektuhan ng social media sa panahon ngayon. Ayon kina Cañete, Orosio,

Canoy, Clemen at Cainiela (2016), isa ang social media sa mga kinahuhumalingan

ng mga tao ngayon at ito’y halos parte na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng


mga Pilipino. Dagdag pa nila, ang mga website na ito ang nagbigay daan upang

mapabilis ang mga gawaing pantao at ang komunikasyon sa bawat panig ng

mundo.

Iniulat ng Statista Research Department (2022) na ang Facebook ang

pinakapangunahing ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang komunikasyon at

pagne-negosyo. Ilan pa sa mga nasabing social media platform na lubos na

tinatangkilik ng mga Pilipino ay ang Messenger, Instagram, TikTok, Twitter,

Pinterest, Telegram, Viber, Snapchat at Discord.

Batay naman sa inilabas na ulat ng website na We Are Social noong Enero

2022 na may titulong Digital 2022 Global Overview Report, napag-alaman na

mahigit 76.01 milyong Pilipino ang gumagamit ng mga social media araw-araw.

Katumbas ito ng 68.0 na porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa. Lumabas

din sa pag-aaral na ito na malaki ang implikasyon ng pandemya sa pagdami ng

mga tao gumagamit ng internet. Sa yugtong ito, lumaganap ang samu’t saring

katawagan at mga terminong bunga ng malikhaing pag-iisip ng mga Pilipino.

Sa isang artikulo, inilahad naman ni Reed (2014) na nakakaapekto ang mga

terminong nasusulyapan ng mga netizen sa pamamagitan ng paggamit nila ng

mga nauusong salita sa karaniwang talastasan. Dagdag pa niya, “our

communication styles consequently become more informal and more open, and

this seeps into other areas of life and culture.” Samakatuwid, ang social media ay

may malaking ambag sa pagbabago ng lengguwahe sa paglipas ng panahon.

Batay kay Concepcion (2019), maaring maanalisa ang paggamit ng wika sa

komunikatibo, impormatibo, at transaksyunal na mga aspekto sa internet.


Komunikatibong aspekto kung saan wika ang gamit ng mga tao upang

magkaunawaan, impormatibong aspekto na nagsasabing, wika ang kasangkapan

ng mga indibidwal upang intindihin ang mga impormasyong makukuha sa internet

at transaksyunal na aspekto, wika ang gamit ng mga mismong indibidwal sa

pagtanggap at pagbibigay ng utos (command) hinggil sa kanilang paggalugad sa

mga pasikot-sikot na espasyo sa internet. Dagdag pa niya, mahalaga ang pagtasa

o pag-unawa hinggil sa sitwasyon ng isang partikular na wika. Sa pamamagitan

nito, maaaring mahinuha ang mga kalakasan at mga kahinaan sa mga gamit at

paggamit nito sa iba’t ibang konteksto.

D. Magiging Kontribusyon ng Pag-aaral

Gamit ang adbentahe ng teknolohiya sa ating mundo, naimbento ang mga

iba't ibang aplikasyon na maaaring makatulong sa ating pamumuhay. Kaya

naman, ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagsipat sa antas ng pagtangkilik

ng mga Kapampangan sa mga piling social media app bilang kulturang popular at

ang koneksiyon nito sa kalagayan ng wikang Filipino sa kontemporaryong

panahon.

Ang paglaganap ng social media ay nagbukas ng opurtunidad upang mas

mapalawak at maging buhay ang wikang Filipino sa bansa. Dulot ng pagsulpot ng

napakaraming katawagan sa internet, nagiging mas malikhain ang diskurso ng

mga Pilipino. Nagsisilbi itong tuntungang-bato upang maipamalas ng mga

mamamayan ang kanilang lubos na pagtangkilik sa wika kahit na sila’y

nakapagbibigay ng saloobin sa hindi personal na pakikipag-usap.


Sa bawat oras ng pag-iral ng tao ay gumagamit ito ng wika, kapag

nagsasabihan ng mga sikreto sa pagitan ng malalapit na kaibigan, sa aktibong

partisipasyon sa klase, sa pagsasagawa ng mga tikhay, sa pagbabalik-aral para

sa mga pagsusulit, lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang epektibong

pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao (Ortañez,

2021).

Para sa mga taong nagpapakapaham sa wika, ang pag-aaral na ito ay

magiging benepisyo upang madagdagan ang kanilang batis ng kaalaman ukol sa

implikasyon ng social media bilang daluyan ng kulturang popular sa sitwasyong

pang-wika sa bansa. Sa pamamagitan nito, magiging malay sila sa kalagayan ng

wikang Filipino at masuri ang kalakasan at kahinaan ng paggamit ng social media

tungo sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.

Magdudulot din ng mabuting epekto ang pananaliksik na ito sa mga netizen

o mga taong gumagamit ng mga social media platform. Buhat ng kanilang aktibong

pakikipagpalitan ng datos sa internet, natututo sila ng mga kaalamang pang-wika.

Nagkakaroon din sila ng pagkakataon na maging kaiisa sa pagpapalaganap ng

mga bagong tuklas na mga salita tungo sa pagpapaunlad ng wikang Filipino sa

ganap nitong aspekto.

II. KULTURANG POPULAR

a. Kahulugan

Ang kulturang popular ay isang terminong binubuo ng dalawang pinagsamang

mga salita – ang kultura at popular. Ang kombinasyon ng dalawang ito ang
nagdulot upang magkaroon ng bagong katagawagan na magbibigay

pagkakakilanlan sa isang ideya.

Batay kina Andersen at Taylor (2007), ang kultura ay isang kumplikadong

sistema ng ugnayan na kung saan ay binibigyan nito ng kahulugan ang paraan ng

pamumuhay ng isang lipunan sa kabuuan. Ang lahat ng mga kilos at gawi ay

nakabatay sa kultura na kinagisnan ng mga tao. Nagsisilbing itong hanguan sa

kung paano dapat mamuhay ang mga tao na nakatalima sa mga bagay na

pinagkasunduan at tinatanggap na totoo. Dito nakapaloob ang pagkain,

pananamit, kostumbre, tradisyon, gawi at iba pang aspekto na may kaugnayan sa

pamumuhay ng mga tao. Dulot ng kultura, nagkakaroon ng identidad ang isang

partikular na pangkat ng etnolinggwistikong mamamayan.

Winika naman ni Bernales, et al., (2019) ang katuturan ng popular. Ang ibig

sabihin nito ay karaniwan, sikat, talamak at napapanahon. Maaaring tawagin na

popular ang anumang bagay, lugar, tao o anumang kaganap sa buhay na

tinanggap at lubos na tinangkilik. Nagiging bantog ang isang bagay kung madalas

itong ginagamit at umiiral sa isang komunidad. Dagdag dito, naipapalaganap ito

sa bawat sulok ng bansa upang lalong makilala, sa paraang pasulat man o

pasalita.

Sa payak na eksplenasyon, ang kulturang popular ay isang daan ng mga

tao upang maramamdam nila na sila ay tanggap ng nakararami. Sa bansang

Pilipinas, ang mga Filipino ay laging bukas sa pagbabago at mahilig tumanggap

sa mga nauusong mga bagay-bagay. Ang mga pagkain, teknolohiya, kasuotan,

musika at iba pa ay maituturing kulturang popular. Nilikha at pinagsama-sama ito


ng mga taong makapangyarihan tulad ng mga negosyante, mga kumpanya at mga

malalakas na bansa. Marami ang tumatangkilik sa mga kulturang popular at

marami rin ang naiimpluwensya nito. Nasa natural na pag-uugali ng isang tao kung

ito ay kaniyang kikilalanin at tatangkilikin. Sa pagtangkilik at pagtanggap sa mga

kulturang popular, maaari itong makatulong sa pag-unlad ng isang bansa.

Bago masabing kulturang popular ang isang bagay, nararapat na

magkaroon ito ng mga taong kasangkot na magbibigay buhay at sigla dito. Sa mga

kalalakihan, mapapansin na sa kasalukuyan ngayon ay nakikiuso na rin sila sa

mga nauusong mga kaugalian at bagong mukha ng mga lalaki ngayon. Sa dulot

ng kulturang popular, ang mga lalaki ay nanonood na rin ng mga K-drama,

nagpapagupit na rin sila ng kanilang buhok na katulad ng sa mga Koreano na

napapanood nila. Nakikisabay na rin sila sa mga nauusong laro sa online tulad ng

Mobile Legends, Valorant, League of Legends at marami pang iba. Sa mga

kababaihan naman, mapapansin na nagagawa na ng mga babae ang mga

nagagawa ng mga lalaki. Nakapagtatrabaho na ng kahit ano ang mga babae

ngayon dahil noon ang mga babae ay naiiwan lamang sa mga bahay at hindi

makapag trabaho. Nasusuot na rin ng mga babae ang mga nauusong kasuotan

sa mundo tulad ng crop top at mga pants. Hindi na rin lingid sa kaalaman na

marami ng mga tao sa mundo ang pinagmamalaki ang tunay nilang identidad.

Marami na rin ang mga tumatanggap sa mga bakla at tomboy dahil sa kanilang

angkin tapang na ilabas ang tunay nilang pagkatao. Marami ang uri ng bakla sa

mundo; transginger, hormonal bakulaw, barbie, paminta, pamintang durog,

pamintang buo, bakla, ordinary at marami pang iba. May iba’t ibang uri din ng
tomboy; lipstick lesbian, butch lesbian, chapstick lesbian, powerful lesbian at baby

dyke lesbian. Maaari na rin mabilang dito ang mga transgender, bisexual at queer.

Sila ang nagbibigay kulay sa mga bagay na nagiging laganap sa isang komunidad

buhat ng kanilang pakikipag-interaksiyon sa ibang tao, anuman ang kanilang

kasarian.

Pumapasok din sa kulturang popular ang estado sa buhay at hindi

maipagkakaila na walang pinipiling uri ng pamumuhay ang pagtangkilik ng mga

kulturang popular. Mahirap man o mayaman, maaari na itong tangkilikin at

kilalanin. Sa pananamit, may mga mayayaman din na gustong mamili sa mga

ukay-ukay dahil patok na patok ang mga ukay-ukay ngayon sa kadahilanang

napakaraming mga damit na magaganda na mabibili mo lamang sa murang

halaga. Nasusubukan na rin ng mga nasa ibabang uri ng pamumuhay ang mga

masasarap na pagkain kahit ito ay may kamahalan pa. Mapapansin din sa

konsepto ng kulturang popular ang usapin ng edad ng mga mamamayan. Sa

kasalukuyan, ang mga matatanda ngayon ay nakikiuso na. Sa mga bata naman,

marami na silang mga inoodolo tulad ng mga K-pop at mga sikat na artista.

Ang kulturang popular ay mayroon ding mga uri na ang obhektibo ay ihatid

ang mga impormasyon, isalin ang mga kultura at palaganapin ang mga bagay sa

lipunan na nagdudulot ng pagiging popular nito. Kabilang sa mga uri ay ang radio,

pahayagan, komiks, magasin, patalastas, awit, dokyumentaryong pantelebisyon

at dokyumentaryong pampelikula.
b. Kahalagahan

Ang kulturang popular ay mahalaga sa bawat indibidwal dahil ito ay

nagbibigay ng kaalaman sa mga nauusong kultura o mga bagay sa mundo, mapa

pagkain, teknolohiya, kasuotan at iba pa. Nagkakaroon ang bawat indibidwal ng

matalinong pagsusuri kung ang mga nauusong ito ay karapatdapat kilalanin at

tangkilikin. Sa pagiging bukas at pagyakap sa mga kulturang popular naging mulat

ang bawat isa sa mga kasaysayan at pagbabago na maaaring mangyari sa

hinaharap.

Sa tulong ng kulturang popular at sa pagtangkilik dito, maraming mga tao

ang mga naimpluwensya. Sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao, natural

lamang na ito ay makihalubilo sa ibang tao at magbigay ng bagong kaalaman sa

kapwa tao. Ayon kay Pamintuan (2001), dahil sa pabago-bagong sistema sa

bansang Pilipinas, natututong tumuklas at magbahagi ng kaalaman ang mga

Pilipino. Dahil sa kulturang popular dumarami at lumalalim ang kaalaman ng mga

tao sa mga bagay-bagay partikular na sa mga teknolohiya. Sa pagpasok ng

teknolohiya sa mundo, maraming mga bagong kaalaman ang niyakap ng mga

Pilipino at sa tulong nito, nakilala ang mga kulturang popular tulad ng mga pelikula,

teleserye, kasuotan, online game, musika at iba pa. Nagkaroon ng mataas na

pamantayan sa pag-iisip ang mga tao at ito ay nagbigay ng bagong mukha o bihis

sa mga likhang sining sa bansa.

Isinalaysay naman ni Gannaban (2013), na ito’y nagiging hanguan ng

panibagong ideya, empirikal na datos at karanasan para sa mga edukador.

Gagamitin nila ito upang makatuklas ng angkop na pedalohiya sa pagtuturo sa


mga bata. Dulot nito, nagkakaroon ng pag-unlad sa mental at moral na pag-iisip

ng mga nagpapakadalubhasa.

C. Positibo at Negatibong Epekto

Sa pagiging bukas at pagyakap sa mga kultura popular ito ay nagkakaroon

ng positibo at negatibong epekto. Sa positibo, sa pagiging moderno ng bawat

bansa ito ay may malaking tulong sa mga tao partikular na ang mga kabataan

ngayon. Ang teknolohiya ang may pinakamalaking impluwensiya sa lahat ng

kulturang popular dahil kadalasan dito nagsisimula ang mga nauusong bagay-

bagay. Ang teknolohiya ay napakahalaga dahil nagkakaroon ng bago at malawak

na kaalaman, bukod pa dito ay nagkakaroon ng mabilis na komunikasyon sa ibang

tao. Sa tulong ng kulturang popular, nauuso dito ang mga bagong estilo ng mga

damit na maaaring gayahin ng mga tao upang magkaroon ng bagong mukha ang

kanilang porma sa pananamit. Ang pagtangkilik sa mga sikat na artista ay may

tulong din dahil ang mga ito ay nagbibigay ng inspirasyon sa kanila. Dahil sa dami

ng nauuso sa kasalukuyan, ang kulturang popular ay naging basehan upang

magkaroon ng mataas na pamantayan at makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya

at kultura ng isang bansa. Sa pagtangkilik ng mga tao sa mga nauuso,

nagkakaroon ng malaking tulong sa mga negosyante o kumpanya.

Sa kabilang banda, ang kulturang popular ay may negatibong naidudulot

din sa bansa. Sa pagiging mahilig makisabayan ng mga tao sa mga nauuso, natuto

na silang isakripisyo ang lahat makamit lamang ang mga nauusong bagay.

Kadalasan ang mga mahihirap ay nagiging social climber na dahil sa mga nauuso
sa lipunan. Pumapasok na rin dito ang ideya ng sadomasokismo na kung saan

handang masaktan makamit lang ang isang bagay. Dahil sa mga nauuso, nagiging

tamad ang tao sa kadahilanang mas nagiging pokus sila sa mga uso.

D. Pag-aangkla sa Konsepto ng Loob at Labas

Hindi maipagkakaila na ang kulturang popular ay unang naisilang sa mga

makabagong produkto at mga bansang may mataas na estado ng buhay. Upang

maipalaganap ang mga uso noong sinaunang panahon, kinakailangang dumaan

pa ang panghihikayat sa mga tradisyunal na uri ng midya tulad ng radyo,

pahayagan, magasin at telebisyon. Kinakailangan ng mahabang oras at pasensiya

upang tuluyang matanggap ng tao ay isang tiyak na bagay. Sa kontemporaryong

panahon, naging daan ang pamamayagpag ng globalisasyon upang mapadali ang

makiuso, tumanggap, makibalita at maki-ayon sa modernong lipunan.

Sa lokal na pananaw, masasabi na napakaraming mga produkto ang

sumikat sa loob ng bansa na lubos din na tinangkilik ng mga Pilipino. Ilan sa mga

ito ang mga produkto ng mga etnolinggwistikong grupo at ang Original Pinoy Music

(OPM) na nagbigay daan upang pahalagahan ang sariling pagkakakilanlan.

Ang mga impluwensiya ng mga dayuhan ay mahalaga sa naging takbo ng

lipunang Pilipino, partikular na sa mga kabataan ng henerasyon ngayon. Sa

paraan pa lamang ng kanilang pananamit, masasalamin na ang pagbabago na

nagaganap sa bansa. Ito ay bunsod ng paggamit ng mga maiikling damit na

karaniwang isinusuot ng mga mamamayan sa Kanluran. Gayon din, ang kultura

ng mga karatig bansa tulad ng K-Pop music, samgyupsal, milk tea, K-Drama,
anime movies at mga produktong dayuhan ay lubos na niyakap sa bansa. Ito ay

nagbunga ng pagkakaroon ng kamalayan hinggil sa iba’t ibang mga tradisyon at

paniniwalang mayroon ang mga nasyong nakapaligid sa mga Pilipino.

Nakalulungkot man isipin, ngunit mas tinatanggap ng mga Pilipino ang mga

produkto at serbisyong banyaga. Isinasaalang-alang ng halos sa mga Pilipino ang

kalidad at personal na kasiyahang natatamo ng mga ito dahil nakasunod sila sa

uso.

E. Pagsipat sa Kaugnayan ng Kulturang Popular sa Wika bilang Daluyan ng

Kaakuhan

Ang wika ng bansa ay napapaunlad dulot ng pagpapahalaga sa kultura, at

ang kultura naman ay lumalago bunsod ng walang humpay na paggamit ng wika.

Masasalamin na ang wika at kultura ay mga konseptong tunay na magkaugnay sa

lahat ng dimensyon. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa-tao at pagkonekta sa

ibang mga persona gamit ang wika, ang kultura ay yumayabong at napapanatiling

masagana sa pag-usad ng panahon. Gayundin, sa tulong ng pagsasagawa ng

iba't ibang tradisyon at paniniwala, napapatatag ang wika na nagiging sanhi ng

pagiging dinamiko nito sa lahat ng oras.

Pumapasok rito ang konseptong pang-wika na ideya ni Santos (2009) na

ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi kailanman mapaghihiwalay. Ayon sa

kaniya, ang pagkawala ng isang wika ay manipestasyon din ng pagkawala ng

isang kultura. Sapagkat, wika ang siyang naging pagkakakilanlan ng kultura.


Bunsod ng pakikipagtalastasan nagiging daluyan ang wika sa paglikha ng

mga ugnaya sa lipunan. Ang isang tao ay nabibigyan ng pagkakataon na kumilala

at maghanap ng mga indibidwal na tutulong sa kaniya sa kaniyang landas.

Nagkakaroon ng kasunduan, pagtanggap at layunin ang isang grupo, dahilan

upang makabuo ng isang lipunan. Isang komunidad na may wikang buhay at

makulay na kultura.

Konektado rin sa impormasyong ito ang tinuran ng isang premyadong

historyador, at nagsilbing dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya

sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman na si Zeus Salazar. “Kung ang kultura ay ang

kabuoan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan na nagtatakda ng

maangking kakanyahan ng isang kalipunan ng mga tao, ang wika ay hindi lámang

daluyan kundi, higit pa rito tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang

kultura. Walang kulturang hindi dala ng isang wika na bílang saligan at kaluluwa

ay siyang bumubuo, humuhubog at nagbibigay diwa sa kulturang itó” (Salazar,

1996).

Sa makabagong siglo, nagsulputan ang iba’t ibang mga wika sa bansa.

Napakaraming mga terminong nailikha at mga kahulugang natuklasan dahil sa

malikot na inobasyon ng mga tao. Mga salitang idinagdag sa mga diksiyunaryo at

ginagamit sa karaniwang diskurso. sa kabilang banda, makikita rin sa lipunan ang

ang kalagayan ng wika sa iba pang porma ng kulturang popular gaya ng fliptop -

impormal at modernong balagtasan; pick-up lines - makabagong bugtong; at hugot

lines na tinatawag ding love quotes. Ang mga ito ay patuloy sa kanilang
eksistensiya dahil ipinapadama ng mga ito sa bawat nilalang na kabilang sila sa

isang lipunan at tanggap sila ng modernisismo.

III. MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ay nakalahad ang mga hakbang na ginawa ng

mananaliksik upang maisakatuparan ang pag-aaral sa paksang “ANG PINAKA...:

Isang Sarbey at Pagsipat sa Antas ng Pagtangkilik sa mga Piling Social Media

App sa Pampanga.” Sa bahaging ito ay makikita ang disenyo ng pananaliksik,

pamamaran ng pagpili ng mga kalahok, instrumentong ginamit sa pananaliksik, at

ang mga hakbang sa pagkalap ng datos.

A.Disenyo ng Pananaliksik

Upang tumungo sa mas matagumpay na pag-aaral, gumamit ang

mananaliksik ng dalawang pamamaraan sa kanilang pag-aaral na isinagawa. Una

na rito ang paggamit ng mga mananaliksik sa kuwantitatibong pamamaraan upang

kanilang matukoy ang pinakatinatangkilik na social media app sa Pampanga,

kaugnay nito ang kanilang demograpikong propayl tulad ng kasarian, edad, at

antas ng pamumuhay. Ang pangalawang pamamaraan na ginamit ng

mananaliksik ay kuwalitatibong metodo upang magkaroon ng malinaw na

impormasyon sa pamamagitan ng pakikipanayam sa napiling respondante. Ang

pamamaraan na ito ay may hangarin na matukoy ang antas ng social media app

sa lalawigan ng Pampanga.
B. Respondante ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nangangailangan ng mga respondante na

mayroong karanasan sa paggamit ng social media sa lugar ng Pampanga, kaya

ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng sarbey sa mga kabataang Kapampangan

na may edad 13 hanggang 24 na taong gulang na karaniwang gumagamit ng

social media. Nagkaroon ng 93 na respondante ang mga mananaliksik at

karamihan sa mga ito ay mga may kaya sa buhay. Karagdagan pa rito ay naging

malaking bahagi ng pag-aaral ang mga kababaihan na mayroong 73.63% habang

ang mga kalalakihan naman ay may 26.88%. Karamihan din sa mga naging

respondante ng mananaliksik ay edad 20 anyos na may 46.16%. Ang mga napiling

kalahok ng mga mananaliksik ay sumagot sa tanong na may kaugnayan sa

ginagawang pag-aaral.

C. Instrumento ng Pananaliksik

Sa panahon ngayon ay mayroon pa ring malaking epekto ang pandemya

sa pag-aaral ng mga mananaliksik kaya naman gumamit ang mga ito ng

teknolohiya upang maiwasan ang madalas na paglabas sa paghanap ng mga

makatotohanang impormasyon at mga dalubhasang may kaugnayan sa kanilang

pag-aaral na isinagawa. Sa pagkuha naman ng mga kasagutan sa respondante

ay gumamit ng Google Form ang mga mananaliksik. Upang maisakatuparan ito,

ipinakalat ang form sa mga partisipants gamit ang ilang mga social media app

tulad ng Messenger. Karagdagan pa rito ay ang paggamit din ng personal na

pakikipanayam ng mga mananaliksik sa kanilang mga kapamilya at kaibigan


upang magkaroon ng malinaw at malayang pagpapahayag ng datos, gayundin ng

kadahilanan sa mga napiling social media app na tinatangkilik ng mga ito. Ang

mga instrumentong nabanggit ay nagkaroon ng malaking kapakinabangan sa mga

mananaliksik upang magkaroon ng datos at mapagtagumpayan ang kanilang pag-

aaral na ginagawa.

D. Mga Hakbang sa Pagkalap ng Datos

Tungo sa layuning maisakatuparan ang pag-aaral na ginagawa ng mga

mananaliksik ay nagkaroon ito ng mga hakbang sa pagkalap ng datos. Una, upang

maging madali at maayos ang pag-aaral, nagkaroon ng pagpapulong ang buong

pangkat upang mapag-usapan ang kanilang gagawing pag-aaral at paghahati sa

mga bahagi nito. Nagkaroon ng pag-uusap ang mga mananaliksik na magkaroon

sila ng respondante na kapapanayamin sa online at ang ilan naman sa mga ito ay

sa personal na panayam. Pagkatapos ng pagpupulong ay naghanda ang mga

mananaliksik ng mga katanungan na may kinalaman sa kanilang pag-aaral upang

mahanap nila ang kanilang mga datos na kinakailangan. Ang katanungan ay

binubuo ng pangalan, edad, kasarian, katayuan sa buhay, ang pinakatinatangkilik

na social media app, at kung ano ang kanilang dahilan kung bakit ito ang kanilang

napili. Bago ang pagpapasagot ng mga respondante sa mga katanungan na

inihandang mananaliksik ay ipinaalam muna nila ang layunin ng pag-aaral upang

magkaroon ng kalinawan ang mga respondante sa nais makamtan ng pag-aaral.

Pagkatapos ng mga sarbey sa online at pakikipanayam sa personal ay humingi ng

pahintulot ang mga mananaliksik sa mga ito na kumuha sila ng mga larawan bilang

patunay sa kanilang pagsagot at dokumentasyon ng mga mananaliksik. Panghuli,


ang lahat ng mga impormasyong nakalap ay masusing inorganisa at sinuri upang

makabuo ng konklusyon at rekomendasyon.

III. PRESENTASYON NG MGA DATOS

Ang bahagi ng artikulong ito ay nagpapakita ng buod at interpretasyon ng mga

datos na nakolekta sa pamamagitan ng mga panayam sa mga kabataan. Ang mga

resultang inilatag ay batay sa partikular na tanong at inilahad ang mga

impormasyon sa tulong ng mga talahanayan, sinuri at binigyang pakahulugan

upang makalikha ng mga resulta.

a. Ilarawan ang mga magiging kalahok sa pag-aaral. (Edad, Kasarian, Istatus

sa Buhay at Munisipalidad)

Ang mga sumusunod na datos ay ang demograpikong propayl ng mga

piling partisipants batay sa edad, kasarian, at istatus sa buhay. Mamamasdan sa

mga talahanayan ang mga bilang at porsyento ng mga kalahok na sumagot sa

mga talatanungang ipinamahagi ng mga mananaliksik.


Talangguhit 1.1: Edad ng mga Partisipants

50.00% 46.16%
45.00%
40.00%
35.00%
30.00%
25.00%
20.00%
13.98% 15.05%
15.00%
10.00% 7.53%
5.38% 4.30%
5.00% 2.15% 1.08% 1.08% 3.23%
1.08%
0.00%
13 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24

Ipinapakita ng Talangguhit 1.1 ang mga edad ng mga respondante na

lumahok sa pag-aaral na ito. Batay sa nakasaad sa itaas, may tig-iisang kalahok

sa edad na 15, 16, 24, ang bawat edad na ito ay may katumbas na 1.08 na

bahagdan. May dalawang partisipants naman ang may edad na 13, na may

kaukulang 2.15 na porsyento. Tatlong kalahok ang may edad na 17, na may

katumbas na 3.23 na bahagdan. Sunod ang apat na kalahok na may edad na 23,

na may kaukulang 4.30 na porsyento. Sa limang partisipants naman ang may edad

na 22, na may katumbas na 5.38 na bahagdan. Sunod ang pitong kalahok na may

edad na 18, na may katumbas na 7.53 na bahagdan. May labintatlong partisipants

ang nasa edad na 19, na may kaukulang 13.98 na porsyento. Dagdag din dito ang

labing-apat na nasa edad na 21, na may katumbas na 15.05 porsyento. Ang may

pinakamaraming bilang ng mga lumahok ay ang edad na 20 na may apatnapu’t na


bilang, na may katumbas na 46.16 na bahagdan. Mahihinuha na ang saklaw na

edad ng mga lumahok ay mula 13 hanggang 24 na taong gulang.

Talangguhit 1.2: Kasarian ng mga Partisipants

80.00%
73.63%

70.00%

60.00%

50.00%

40.00%

30.00% 26.88%

20.00%

10.00%

0.00%
Lalaki Babae

Ipinapahiwatig ng Talangguhit 1.2 ang kasarian ng mga respondante na

lumahok sa pag-aaral na ito. Ayon sa table, halos sa mga kalahok ay babae at

may animnapu’t walong bilang ng mga partisipants, na may katumbas na 73.63 na

bahagdan, habang dalawampu’t lima naman ang mga lalake na may 26.88 na

porsyento.
Talangguhit 1.3: Istatus sa Buhay ng mga Partisipants

90%
80% 76.34%

70%
60%
50%
40%
30% 23.66%
20%
10%
0%
0%
Mayaman May Kaya Mahirap

Inilalarawan ng Talangguhit 1.3 ang iba’t ibang istatus sa buhay ng mga

partisipants. Mapapansin sa table na ito na halos sa mga respondante ay may

kaya o tamang nakakaraos sa buhay na may pitongpu’t isa na bilang ng mga

partisipants at may 76.34 na bahagdan. Sinundan naman ito ng dalamampu’t

dalawa mga partisipants na mahirap na may katumbas na 23.66 na porsyento. At

mapapansing walang mayamang kalahok sa pag-aaral na ito na may 0 porsyento.


Talahanayan 1.4: Munisipalidad ng mga Partisipants

60.00%
49.46%
50.00%

40.00%

30.00%

20.00% 16.13%

8.60%
10.00% 4.30% 4.30% 3.26%
2.15% 2.15% 2.15% 2.15% 1.08% 1.08% 1.08% 1.08% 1.08%
0.00%

Ang talangguhit 1.4 naglalahad ng mga munisipalidad ng mga kalahok sa

pag-aaral na ito. Batay sa nakasaad sa itaas, may tig-iisang bilang ng mga kalahok

ang nakatira sa munisipalidad ng Angeles, Bacolor, Floridablanca, Magalang, at

Sta.Rita at ang bawat munisipalidad na ito ay may katumbas na 1.08 porsyento.

May kapwa dalawang kalahok naman ang nakatira sa munisipalidad ng Arayat,

Lubao, Sta.Ana, at Guagua na may 2.15 na bahagdan. May tatlong kalahok naman

ang nakatira sa munisipalidad ng Apalit, na may katumbas na 3.26 porsyento. May

tig-aapat na bilang ng partisipants ang nakatira sa munisipalidad ng Mexico at

Mabalacat at ito ay may 4.3 na bahagdan. Sa munisipalidad ng Minalin ay may

walong bilang ng mga kalahok na may katumbas na 8.6 porsyento. Dagdag dito,

may labing-limang kalahok ang nakatira sa munisipalidad ng San Luis na may

16.13 bahagdan. Mapapansin din na halos sa mga kalahok ng pananaliksik na ito


ay nakatira sa siyudad ng San Fernando na may apat na pu’t anim na bilang ng

mga kalahok at may katumbas na 49.46 porsyento.

b. Ano-ano ang mga produktong gagawan ng sarbey o pagsipat sa

kategoryang Social Media App ng mga Kapampangan?

Upang matugunan ang hinihingi ng masusing pananaliksik na ito na may

titulong “ANG PINAKA….: Isang Sarbey at Pagsipat sa Antas ng Pagtangkilik

sa mga Piling Social Media App sa Pampanga,” naghanap ng

pinagkakatiwalang batayan ang mga mananaliksik sa pagpili ng mga social

media app na madalas ginagamit ng mga Pilipino.

Ayon sa pananaliksik ng Statista Research Department (2022), ang mga

sumusunod ang pinakapangunahing ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang

komunikasyon at nagsilbing mga pagpipiliang social media app sa pag-aaral na

ito.:

1. Facebook

2. Messenger

3. Instagram

4. TikTok

5. Twitter

6. Pinterest

7. Telegram

8. Viber

9. Snapchat

10. Discord
Samantala, matapos ang sarbey sa 93 piling kalahok, napag-alaman ang

limang nangunang social media app na lubos na tinatangkilik ng mga kalahok. Ang

limang social media app na ito ay ang:

1. Messenger

2. Facebook

3. Instagram

4. Tiktok

5. Twitter

c. Paano mailalarawan ang antas ng pagtangkilik sa mga produktong

gagawan ng sarbey o pagsipat sa kategoryang pinakatinatangkilik na fast

food chain ng Kapampangan?

Ang mga sumusunod na datos ay ang mga nakalap na kasagutan sa mga

kalahok tungkol sa madalas nilang ginagamit na social media app. Mapapansin sa

talahanayan ang mga bilang at porsyento ng mga kalahok na naglahad ng

kanilang mga kasagutan.


Talangguhit 2.1: Mga social media app na nangibabaw sa mga
kalahok

11.81%

24.18%

17.86%

23.90%
22.25%

Messenger Facebook Instagram Tiktok Twitter

Inilalarawan ng Talangguhit 2.1 ang mga social media app na nangibabaw

sa mga kalahok na madalas nilang ginagamit. Mapapansin na may apat na pu’t

tatlo na bilang ng mga kalahok ang pumili sa Twitter, na may katumbas na 11.81

na bahagdan. Anim na pu’t lima naman ang bilang ng mga kalahok na pumili sa

Tiktok, na may 17.86 porsyento. May walumpu’t isa na bilang ng mga partisipants

ang pumili sa Instagram, na may katumbas na 22.25 bahagdan. Sa Facebook

naman, may walumpu’t pito na bilang ng kalahok ang pumili dito at ito ay may

porsyentong 23.90. May nakuhang walampu’t walo na bilang ng mga kalahok ang

pumili sa Messenger, at ito ay may katumbas na 24.18 bahagdan.


Talahanayan 2.2: Dalas ng Paggamit ng mga Social Media ng mga
Kalahok

Gayundin, naging bahagi ng pagtatanong sa mga kalahok ang dalas ng

paggamit nila sa social media. Batay sa Talangguhit 2.2, mapapansin na halos sa

mga partisipants ay gumagamit ng social media higit isang beses sa araw-araw,

na may bilang na 88 na kalahok at katumbas ng 94.62 na bahagdan. Sumunod

ang apat kalahok na isang beses sa araw-araw lang gumagamit ng social media

at may 4.30 porsyento. May isa naming partisipants ang nagsabi na higit isang

beses sa isang linggo lamang ito nagbubukas ng kaniyang social media na may

karampatang 1.08 na bahagdan. Wala namang kalahok ang nagsabi na isang

beses sa isang linggo o hindi sila gumagamit ng social media. Ito ay may katumbas

na 0 porsyento.
d. Paano mailalarawan ang dahilan ng pagtangkilik sa mga produktong

gagawan ng sarbey o pagsipat sa kategoryang pinakatinatangkilik na

social media app ng Kapampangan?

Sa bahaging ito ng pananaliksik ay ilalahad ang mga dahilang

isinalaysay ng mga partisipants kung bakit nila napili at ginagamit ang isang

tiyak na social media.

Ang Messenger ang social media app na nakakuha ng pinakamataas

na boto at ayon sa mga respondante ito ay kanilang ginagamit sa pakikipag-

ugnayan sa ibang tao. Partikular na sa mga taong kanilang kamag-anak,

kaibigan o kakilala na nakatira sa malayong lugar, ang Messenger umano ang

nagwawasak sa malayo nilang hangganan. Bunsod nito, nagkakaroon ng

malapit na relasyon ang isang kalahok sa kaniyang lipunan at makapagtatag

ng mga relasyong sosyal. Batay sa mga naging kasagutan ng mga kalahok,

nalaman din na ang Messenger ang pangunahing ginagamit ng mga kabataan

sa kanilang online class. Dito sila nakikibalita sa kung ano ang dapat gawin na

akademikong pangangailangan at makita ang link para sa kanilang

synchronous classes. Sa pamamagitan umano nito, naipagpapatuloy nila ang

kanilang pag-aaral kahit na sila’y nakasailalim sa blended learning at tanging

mga gadyet lamang nila ang kanilang kaharap sa paglikom ng mga

makatotohang kaalaman.

Ikalawang nakapagkamit ng mataas na puntos ay ang Facebook. Ayon

sa mga kalahok, ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon para sa kanila upang


makipag-uganayan sa ibang mga netizen. Bunsod ng pag-unlad ng

teknolohiya, nagkakaroon sila ng oras upang makapagbigay ng kanilang

sariling damdamin, opinyon at datos sa ibang tao. Ito rin ay ginagamit nila

upang magbigay ng saglit na kasiyahan sa kanilang sarili. Ginagamit nila ang

Facebook upang manood ng mga nakakaaliw na mga video at mga memes na

ang layunin ay magbigay ng tuwa sa kanilang mga labi. Dala ng paggamit ng

Facebook, napapawi umano ang kanilang kalungkutan at kahit sa ilang sandali

ay nakakalimutan nila ang mga problemang kanilang pinapasan. Dagdag dito,

nakakahanap din sila ng mga impormasyon na maaari nilang magamit sa

kanilang pag-aaral. Ito ang kanilang ginagamit upang makipanayam sa ibang

mga estudyante at magtanong hinggil sa kanilang mga gawain sa paaralan.

Sumunod na social media ay ang Instagram na nagkamit ng ikatlong

pinakamataas na boto mula sa mga kalahok. Ayon sa kombinasyon ng resulta

ng sarbey at personal na pakikipanayam, nadetermina ng mga mananaliksik

na ito ay ginagamit upang makapagbahagi ang mga respondante ng kanilang

mga mahahalagang pangyayari sa buhay. Sa pamamagitan ng pagpo-post ng

mga litrato at bidyo sa social media app na ito, nagkakaroon ng opurtunidad

ang ibang tao na malaman ang uri ng buhay ng isang Instagram user. Ito rin

ay nagiging hanguan ng mga partisipants upang sumabay sa mga sikat na

paraan ng pananamit at mga lugar na maaaring puntahan. Kahalintulad ng

naunang mga social media, ang Instagram ay kasangkapan din sa

komunikasyon ng bawat indibidwal. Mayroon din itong video at audio call upang

ganap na makapagtalastasan ang isang tao sa kaniyang mahal sa buhay.


Ika-apat ay ang TikTok na isang social media na nakatuon sa paggawa

ng mga nakahuhumaling na mga bidyo. Ayon sa mga kalahok, ito ay naging

kasangga nila upang mawaglit ang mga problema nila sa buhay. Naging

sandigan nila ito, partikular na sa gitna ng pandemya upang libangan ang sarili

palayo sa dagat ng kalungkutan. Ito rin umano ang daan upang mailabas nila

ang kanilang mga angking talento sa pagsasayaw, pagkanta, pag-arte, at iba

pa. Gayon din, nagiging daan din ito upang maging malay sila sa mga isyung

nangyayari sa lipunan. Dulot nito, malaya silang nakapagbibigay ng mga

impormasyon at nakapaglalahad ng kanilang sariling opinyon patungkol sa

isang tiyak na paksa. Ang TikTok ay nagsisilbing batayan din ng mga tao ukol

sa kung ano ang sikat sa bansa. Ilan sa mga ito ay ukol sa pananamit, sayaw,

mga awitin, pangyayari at kostumbre.

Panghuli ay ang Twitter na nakakuha ng pinakmababang puntos. Batay

sa mga naging kasagutan ng mga partisipants, pagiging daluyan ng

komunikasyon ang primaryang motibo nila sa paggamit nito. Sa Twitter malaya

umano silang makibalita, maglikom ng datos, pumuna, magpahayag ng

saloobin at maging bukas sa kanilang mga pananaw hinggil sa isang bagay o

usapin. Nag-uugat umano ito upang umunlad ang kanilang kritikal na pag-iisip

at magkaroon ng paninindigan sa desisyong kanilang pinanghahawakan.

Kapara rin ng mga naunang social media, ginagamit din ng mga kalahok ang

Twitter upang mag-chat sa kanilang mga pamilya, kaibigan o sinumang taong

malalapit sa kanila. Nagiging maalam din sila sa kung ano ang mga naging
laganap sa lipunang kanilang ginagalawan. Kaya naman, may oras sila upang

tanggapin ito at maki-ayon sa agos ng mundo.

e. Anong implikasyon ng antas ng pagtangkilik sa mga produktong

gagawan ng sarbey sa kategoryang pinakatinatangkilik na social media

ng Kapampangan?

Base sa naging resulta ng pananaliksik, ang implikasyon ng antas sa

pagtangkilik sa mga social media app ay nakabase sa kanilang sariling mga

pananaw, paniniwala at kadahilanan kung bakit nila napili ang tiyak ng social

media app. Ang karaniwang naging tugon ng mga respondante sa isinagawang

pag-aaral kung bakit nila napili ang mga partikular na social media app ay dahil

nagsisilbi itong daluyan ng komunikasyon, libangan o pampalipas oras, gamit

sa pag-aaral, hanguan ng impormasyon, at upang makasabay sa uso.

Ang Messenger ang nangungunang social media app na pinili sa

isinagawang sarbey ng mga mananaliksik. Sa ibang sistematikong pag-aaral,

hindi ito ang naging pinakapangunahing ginagamit ng mga Filipino. Ngunit

dulot ng karanasan at dalas ng paggamit ng mga kalahok sa pananaliksik na

ito, ang Messenger ang lumabas na pinakatinatangkilik ng mga kabataan sa

Pampanga. Ang napiling social media app ay ang karaniwang ginagamit upang

makipagkomunikasyon sa mga taong malayo lalo na sa panahon ngayong

pandemya na halos lahat ay nag-iingat na lumabas at makihalubilo sa mga tao.

Sa direktang sabi, nagiging daan ang social media app na ito upang mapadali

ang komunikasyon ng bawat isa.


Sa patuloy na paggamit ng mga social media, lumalawak ang karanasan

ng mga netizen at nagiging bukas sila sa mga kulturang popular na

lumalaganap sa lipunan.

III. KONKLUSYON:

Batay sa mga resulta at natuklasan ng pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay

nahinuha ang mataas na bilang ng pagtangkilik ng mga Kapampangan sa mga

social media app sa internet.

Sa sistematikong pag-aaral na ito, lumabas na halos sa mga kalahok ay

nasa edad 20 at may katumbas na 46.16 na bahagdan. Napagbulay din na mas

maraming babaeng naging kasangkot sa pagsusuring ito na may 73.63 na

bahagdan, kaysa sa mga lalake na may 26.88 porsyento lamang. Sa usapin

naman ng istatus sa buhay, mapapansin na karamihan sa mga kalahok ay may

kaya sa buhay na may 76.34 na bahagdan at sinundan ito ng 23.66 na porsyento

ng mga mahihirap na partisipants. Napag-alaman din na halos sa mga naging

sabjek ng pag-aaral na ito ay nakatira sa siyudad ng San Fernando, Pampanga

na may 49.46 na bahagdan mula sa kabuuang populasyon.

Lumabas din sa resulta na ang Messenger ang pinakatinatangkilik ng mga

Kapampangan na may 24.18%. Sinundan ito ng Facebook na may 23.90%,

Instagram na may karampatang 22.25%, Tiktok, na may 17.86% at Twitter na may

11.81%. Naanalisa rin ng mga mananaliksik ang dalas ng paggamit ng mga

Kapampangang kalahok na kung saan karamihan sa kanila ay gumagamit ng mga

social media higit isang beses sa araw-araw, katumbas ng 94.62 na bahagdan.


Nalikom din ang mga dahilan ng mga kalahok kung bakit nila tinatangkilik

ang mga social media app. Ilan sa kanilang paliwanag ay umiikot sa kanilang

paniniwala na ang mga social media ay nagsisilbing daluyan ng komunikasyon

upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagtatag ng mga ugnayang

panlipunan. Ang mga ito rin ay nagdudulot ng personal na kasiyahan sa mga

gumagamit nito at ginagamit bilang pampalipas oras. Dahil halos sa mga kalahok

ay mga mag-aaral, nakita rin na ang social media ay may malaking tulong sa

paggawa ng kanilang mga akademikong gawain at sa pag-aaral ng kanilang mga

asignatura. Nagiging daan din ito upang maghanap ng mga balita sa lipunan at

magbahagi ng mga mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay.

Kung susuriin ang mga nasabing dahilan, mapagtatanto na ang mga

kalahok ay gumagamit ng isang tiyak na social media na ayon sa kanilang

personal na kapakinabangan, karanasan at impluwensiya ng kapaligirang

kaniyang kinatatayuan.

Alinsunod nito, masasalamin na ang social media ay maituturing na

halimbawa at ideyal na daluyan ng kulturang popular. Sa paggamit nito, natututo

ang mga Pilipino ng samu’tsaring mga paniniwala, pagpapahalaga at tradisyon na

kanilang isinasabuhay. Nagiging sanhi rin ito upang umusbong ang iba pang

kulturang popular na buong pusong tinatanggap ng mga tao. Ito ay pinatunayan

ng mga respondante sa pag-aaral na ito na kung saan ay naging malay sila sa

mga nangyaring pagbabago dulot ng teknolohiya. Samakatuwid, mapapansin sa

pag-aaral na ito ang naging batayan ng mga Kapampangan sa paggamit ng mga

social media at sa patuloy na pagyakap sa mga ito bilang parte ng kanilang araw-
araw na pamumuhay. Kaugnay ng pagtanggap ng madla sa naging adbentahe ng

social media sa lipunan ang pagkilala sa mga bagong ideyang nagiging laganap

sa kapuluan at ang pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang isa sa mga midyum

ng diskurso.

IV. REKOMENDASYON:

Matapos ang matagumpay na pagsipat sa antas ng pagtangkilik sa mga

piling social media app sa Pampanga, partikular na sa mga kasagutan at

konklusyon na nakalap ng mga mananaliksik ay nalikha ang mga sumusunod na

rekomendasyon:

Sa mga Mag-aaral. Labis na iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang

mga resulta ng pag-aaral na ito sa kanilang pagpapakapaham sa kanilang piniling

larangan. Ang usapin ukol sa social media, kulturang popular at wika ay

napakahalaga sa kanilang pag-aaral dahil magsisilbi itong tuntungang-bato sa

mas ganap na pagkatuto. Ang mga empirikal na datos na ito ay dapat na

isapraktika ng mga mag-aaral sa kanilang buhay.

Sa Guro ng Wika. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga edukador upang

lumawak pa ang kanilang dunong sa wika at sa kulturang popular. Madadagdagan

din ang kanilang maituturo sa mga estudyante at maipapasa nila ang wastong

paggamit ng social media sa mga kabataan upang mapalawig ang kanilang

karanasan sa mundo ng teknolohiya.


Sa Susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging kapaki-

pakinabang para sa mga susunod na mananaliksik na interesado sa pag-alam sa

antas ng pagtangkilik sa mga social media na may kaugnayan sa konsepto ng

kulturang popular. Ang mga datos na nilalaman ng papel na ito ay maaaring

maging sekondaryang impormasyon na kanilang magagamit sa pagpapakapaham

sa wika’t kultura sa lipunan.

VII. MGA SANGGUNIAN

Andersen & Taylor (2007). Ang Lipunan at Kultura. Retrieved from

https://pdfcoffee.com/ugnayan-ng-wika-kultura-at-lipunan-kabanata-2-pdf-

free.html

Arocha. (2016). Pagpapahalaga sa ating wikang Pambansa. Retrieved from

https://www.academia.edu/39807149/Kabanata_II_KAUGNAY_NA_PAG_

AARAL_AT_LITERATURA

Bernales, et al. (2019). Katutubong Salita: Tuon sa Kasanayang Komunikatibo.

Retrieved from https://oaji.net/articles/2020/1543-1585280759.pdf

Cabuhay. (2017). Epekto ng Paggamit ng Wikang Filipino Laban sa Wikang Ingles

sa ESCR. Retrieved from https://www.academia.edu/36137597/Epekto

_ng_Paggamit_ng_Wikang_Filipino_Laban_sa_Wikang_Ingles_sa_ESCR

Cañete, Orosio, Canoy, Clemen at Cainiela. (2016). Social Media: Impluwensiya

sa Pagpapalago Ng Wikang Filipino. Retrieved from

https://www.academia.edu/31537634/Social_Media_Impluwensiya_sa_Pa

gpapalago_Ng_Wikang_Filipino
Concepcion. (2019). Hinggil sa Paggamit ng Wikang Filipino sa Internet: Ilang

Panimulang Tala Para sa Pangangasiwang Pangwika. Retrieved from

https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-Journal-

Tomo-III-2016-107-126.pdf

Jones. (2013). Hinggil sa Paggamit ng Wikang Filipino sa Internet: Ilang

Panimulang Tala Para sa Pangangasiwang Pangwika. Retrieved from

https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-Journal-

Tomo-III-2016-107-126.pdf

Labov, W. (1992). Labov: Language variation and change. Retrieved from

https://www.researchgate.net/publication/293091756_Labov_Language_v

ariation_and_change

Ortañez. (2021). Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon. Retrieved from

https://www.academia.edu/36247768/Kahalagahan_ng_Wikang_Filipino_s

a_Edukasyon

Reed. (2014). How social media is changing language. Retrieved from

https://blog.oup.com/2014/06/social-media-changing-language/

Sausser. (1915). Ang Pag-Aaral ng Varayti at Varyasyon ng Wika: Hanguang

Balon sa Pagtuturo at Pananaliksik. Retrieved from https://www.academia.

edu/34093314/Ang_Pag_Aaral_ng_Varayti_at_Varyasyon_ng_Wika_Han

guang_Balon_sa_Pagtuturo_at_Pananaliksik

Salazar, (1996). Ukol Sa Wika at Kulturang Pilipino. Retrieved from

http://www.academia.edu/28661971/UKOL_SA_WIKA_AT_KULTURANG

_PILIPINO.
Sapir. (1949). Teoryang Sosyolinggwistik. Retrieved from https://123dok.com/

document/ydkj8d1q-teoryang-sosyolinggwistik-docx.html

Saragosa. (2005). Isang Pag-aaral sa Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa

Baitang 11 ng General Academic Strand sa Wastong Paggamit ng Wikang

Filipinong Our Lady of Fatima University sa Kasanayan sa

Pakikipagtalastasan. Retrieved from https://www.academia.edu/3887

8530/Isang_Pag_aaral_sa_Antas_ng_Kaalaman_ng_mga_Mag_aaral_sa

_Baitang_11_ng_General_Academic_Strand_sa_Wastong_Paggamit_ng_

Wikang_Filipinong_Our_Lady_of_Fatima_University_sa_Kasanayan_sa_

Pakikipagtalastasan

Sirbu. (2015). Kaalaman sa Komunikasyon at Diskurso tungo sa Pagbabago.

Retrieved from https://www.studocu.com/ph/document/pamantasan-ng-

lungsod-ng-marikina/readings-in-philippine-history/panunuring-

papel/11730310

Statista Research Department. (2022). Leading social media platforms used each

month by internet users in the Philippines as of 3rd quarter 2021. Retrieved

from https://www.statista.com/statistics/1127983/philippines-leading-

social-media-platforms/

WeAreSocial.com. (2022). Digital 2022: Another Year of Bumper Growth.

Retrieved from https://wearesocial.com/uk/blog/2022/01/digital-2022-

another-year-of-bumper-growth-2/
III. DOKUMENTASYON
CURRICULUM VITAE

Pangalan: Etang, Angelica C.


Northville Calulut City of San Fernando Pampanga
09519695645
angelicaetang0@gmail.com

PAARALANG PINAGTAPUSAN
Tersyarya: Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino
Don Honorio Ventura State University
Cabambangan, Bacolor, Pampanga
(2020 - Present)
Sekondarya: Junior High School
Northville Malpitic High School
(2014 - 2018)
Senior High School
Northville Malpitic High School
(2018 - 2020)
Elementarya: Northville Elementary School
(2008 - 2014)

PERSONAL NA IMPORMASYON
Araw ng Kapanganakan : Enero 19, 2001
Lugar ng Kapanganakan : City of San Fernando, Pampanga
Kasarian : Babae
Nasyonalidad : Filipino
Istatus na sibil : Single
Relihiyon : Roman Catholic
CURRICULUM VITAE

Pangalan: Fabian, Sonnel S.


#751 Purok 6, Sta. Maria, Minalin, Pampanga
09318426720
sonnelsumangfabian@gmail.com

PAARALANG PINAGTAPUSAN
Tersyarya: Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino
Don Honorio Ventura State University
Cabambangan, Bacolor, Pampanga
(2020 - Present)
Sekondarya: Junior High School
Sta. Maria National High School
(2014-2018)
Senior High School
La Verdad Christian School, Inc.
(2018 - 2020)
Elementarya: Lourdes Elementary School
(2008 - 2014)

PERSONAL NA IMPORMASYON
Araw ng Kapanganakan : Agosto 13, 2002
Lugar ng Kapanganakan : City of San Fernando, Pampanga
Kasarian : Lalake
Nasyonalidad : Filipino
Istatus na sibil : Single
Relihiyon : Roman Catholic
CURRICULUM VITAE

Pangalan: Justo, Carlo James T.


#1012 Purok 6 San Roque, San Luis, Pampanga
09318661041
carlojamesjusto08@gmail.com

PAARALANG PINAGTAPUSAN
Tersyarya: Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino
Don Honorio Ventura State University
Cabambangan, Bacolor, Pampanga
(2020 - Present)
Sekondarya: Junior High School
Emigdio A. Bondoc High School
(2014-2018)
Senior High School
Emigdio A. Bondoc High School
(2018 - 2020)
Elementarya: San Roque Elementary School
(2008 - 2014)

PERSONAL NA IMPORMASYON
Araw ng Kapanganakan : Hunyo 08, 2002
Lugar ng Kapanganakan : City of San Fernando, Pampanga
Kasarian : Lalake
Nasyonalidad : Filipino
Istatus na sibil : Single
Relihiyon : Philippine Brethren Church Incorporated
CURRICULUM VITAE

Pangalan: Nuqui, Romily M.


Blk 164, Phase 3, Madapdap Mabalacat Pampanga
09482887735
nromily16@gmail.com

PAARALANG PINAGTAPUSAN
Tersyarya: Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino
Don Honorio Ventura State University
Cabambangan, Bacolor, Pampanga
(2020 - Present)
Sekondarya: Junior High School
Tinajero National High School-Main
(2014-2018)
Senior High School
Mabalacat City College
(2018 - 2020)
Elementarya: Bacolor Elementary School
(2008 - 2014)

PERSONAL NA IMPORMASYON
Araw ng Kapanganakan : Pebrero 26, 2002
Lugar ng Kapanganakan : Madapdap, Mabalacat, Pampanga
Kasarian : Babae
Nasyonalidad : Filipino
Istatus na sibil : Single
Relihiyon : IEMELIF
CURRICULUM VITAE

Pangalan: Pangilinan, Katelyn L.


#1296 San Jose Purok 6 City of San Fernando, Pampanga
09061514337
katelyn.pangilinan103@gmail.com

PAARALANG PINAGTAPUSAN
Tersyarya: Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino
Don Honorio Ventura State University
Cabambangan, Bacolor, Pampanga
(2020 - Present)
Sekondarya: Junior High School
Nuestra Señora Del Pilar Integrated School
(2014-2018)
Senior High School
STI College San Fernando
(2018 - 2020)
Elementarya: San Fernando Elementary School
(2008 - 2014)

PERSONAL NA IMPORMASYON
Araw ng Kapanganakan : Oktubre 03, 2001
Lugar ng Kapanganakan : San Fernando, Pampanga
Kasarian : Babae
Nasyonalidad : Filipino
Istatus na sibil : Single
Relihiyon : Roman Catholic
CURRICULUM VITAE

Pangalan: Pineda, Rona Joyce C.


Fiesta Community, Mexico Pampanga
09213177087
ronajoycecapepineda@gmail.com

PAARALANG PINAGTAPUSAN
Tersyarya: Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino
Don Honorio Ventura State University
Cabambangan, Bacolor, Pampanga
(2020 - Present)
Sekondarya: Junior High School
Alternative Learning System (ALS)
(2017 - 2018)
Senior High School
Nuestra Seniora Del Pilar Integrated School
(2018 - 2020)
Elementarya: Cabanatuan East Central School
(2008 - 2014)

PERSONAL NA IMPORMASYON
Araw ng Kapanganakan : Abril 23, 2001
Lugar ng Kapanganakan : Cabanatuan, Nueva Ecija
Kasarian : Babae
Nasyonalidad : Filipino
Istatus na sibil : Single
Relihiyon : Roman Catholic

You might also like