You are on page 1of 12

KABANATA I - ANG WIKANG FILIPINO:

KALIKASAN, TUNGKULIN AT KALAGAYAN

A. LAYUNIN
Maipaliliwanag ang ugnayan ng mga tungkulin ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at
wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambahayan;
Maipaliliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong
identidad, at pambansang kaunalaran; at
Makapag-aambag sa pagtataguyod ng wikang Fiipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng
diskursong akma at nakaugat sa lipunang Pilipino at bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.
PANIMULA
Lahat ng bagay, tao o anumang lalang dito sa mundo ay may kanya-kanyang kalikasan, tungkulin maging
kanya-kanyang kalagayan. Di natin maitatatwa na ang buhay natin sa mundo ay may kaakibat na
responsibilidad at di natin iyon matatakasan. Ito rin ay ayon sa ating mga pinagmulan kung ano tayo sa harap
ng iba at maging kung anong ganap natin sa mundo. Ang wikang Filipino ay may kanya ring sariling kalikasan.
Saan ba siya nagmula? Ano ang kanyang likas? Ano ang kanyang tungkulin bilang wikang pambansa at
maging kung ano ang kalagayan nito sa ating buhay? Ito ba ay nananatili lamang wika ngunit di
pinagyayaman? Wika ngunit di pinapahalagahan. Mas mauunawaan natin kung ano baa ng tunay na esensya
ng ating wikang pambansa kung mallaman natin kung ano baa ng kanyang kalikasan, tungkulin at kalagayan.
B. PANIMULANG PAGTATAYA
Pangalan: ________________________ Kurso at Seksyon : ________________________
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Sa patlang sa unahan ng bawat bilang, isulat ang TAMA
kung ang diwa ng pangungusap ay tama. Kung mali, isulat ang salitang dapat humalili sa salitang may
salungguhit upang ang diwa ng pangungusap ay maging tama.
1. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino.
2. May dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang pambansa ng Pilipinas.
3. Ang pinakaesensya ng konsepto ng wikang Filipino ay ang pagiging pambansang lingua franca nito.
4. Ang haypotesis ni Pool (1972) sa kanyang pananaliksik ay nakatutulong sa kaunlarang pang-ekonomiya ang
pagkakaiba-iba sa wika.
5.Sa kanyang pananaliksik, ang ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol (linguistic diversity at GDP) ay
kinatawan ni Pool (1972) sa pamamaraang grapikal na tinatawag na scatterplot.
6. Ayon kay Fishman (1968), ang mga bansang may iba-ibang komposisyong linggwistik ay nahaharap sa
natatanging sagabal sa kaunlaran.
7. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang linguistically diverse sa daigdig.
8. Ang kalagayang pang-edukasyon ang nagtutulak sa mga Pilipinong magtrabaho sa ibang bansa.
9. Ayon kay Villacorta (1986), mahalaga ang tunay na pagpapaunlad ng wikang pambansa upang mapabilis
ang kolektibong partisipasyon ng sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbuo ng
nasyon.
10. Ang katangiang espiritwal ng Pilipinas ang nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura sa bansa.

C. NILALAMAN
A. KALIKASAN NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
- Artikulo XIV,
Seksyon 6
DEKONSTRUKSYON NG PROBISYON
Una – tawag sa wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO.
Ikalawa – isang wikang nasa proseso pa rin ng paglilinang.
Ikatlo – may dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang ito
Ito ay ang umiiral na wika sa ating bansa o ang mga dayalek at ang iba pang mga wika o ang
mga wikang dayuhan na nakaiimpluwensya / nakaiimpluwensya sa ating kabihasnan tulad ng
Ingles, Kastila, at iba pa.
ANO ANG PORMAL NA DESKRIPSYON NG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA?
Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di katutubong wika at ebolusyon ng iba’t
ibang barayti ng wika para saiba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag. - KWF
ANONG MERON SA DESKIPSYONG NG KWF?
 Pinagdidiinan na ang wikang Filipino ay buhay (dinamiko)
 Ngunit pansinin natin ang proseso ng paglinang dito ayon sa nakasaad sa resolusyon.
 Sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga ‘di katutubong wika.
- Totoo namang nanghihiram ang wika natin sa mga di katutubong wika o mga wikang dayuhan lalo
na para sa mga konseptong walang direktang katumbas sa ating wika.
- Ngunit kaiba sa karaniwang panghihiram ng mga bagay, sapagkat sa panghihiram ng ng wika ay
inaari na rin nating atin ang salitang ating hiniram na maari nang walang pagbabago o may
pagbabago sa baybay.
- Hiram sa salitang Ingles ang salitang kompyuter, taxi, fax, cellphone at marami pang iba, ngunit
Filipino na rin ang mga ito.
- Gayon din ang tsuper, kudeta mula sa Pranses; pansit, siopao, lomi mula sa Intsik; aquarium,
gymnasium, modus operandi mula sa Latin; at silya, libro, kubyertos, sibuyas, mula sa Kastila.
- Itinuturing na ring Filipino ang mga salitang ito at ang marami pang iba. Hindi na natin kailangang
ibalik ang mga ito sa wikang ating pinanghiraman, sapagkat bagamat hiram nga ay atin na rin.
- Hindi na rin maitatatwa ang pagpasok sa Filipino ng mga bokabularyong mula sa mga wika sa
ating bansa tulad ng jihad (Muslim), buang (Bisaya), gurang (Bisaya), manong/ manang (Ilocano),
pinakbet (Ilocano) at marami pang iba.
- Sa isang artikulo ni Virgilio Almario, nabanggit niyang paborito niyang halimbawa ang salitang
katarungan na mula sa salitang taron (Cebuano).
PUNA SA RESOLUSYON SA USAPIN NG PANGHIHIRAM
 Ang sinasabing panghihiram bilang proseso ng paglilinang sa mga salitang ito na mula sa iba’t ibang
panig ng ating bansa ay hindi natin hinihiram sapagkta hindi natin kailangang hiramin ang ano mang
bagay na atin naman.
 Kung ang salita, kung gayon, ay galing sa Mindanao, Visaya o Hilaga o Katimugang bahagi ng Luzon,
hindi iyon hiniram ng Filipino sapagkat atin din naman ang mga wikang pinagmulan niyon.
 Samakatwid, mas akmang gamitin ang salitang pag-aambag sa halip na panghihiram.
 Samakatwid, mas akmang gamitin ang Filipino (1987 Constitution) at hindi na Pilipino ( Kautusang
Pangkagawaran Bilang 7, Kagawaran ng Edukasyon ) na batay sa Tagalog.
 Ngunit, kailangang linawin na hindi rin ito ang ipinakulang amalgasyon o pantay-pantay na
representasyon ng lahat ng wika sa Pilipinas.
 Demokratiko man, imposible ang konseptong ito ni Demetrio Quirino, Jr. (Almario; sa Bernales, et
al., 2006). Ginawa na ito sa Europa noon pa.
 Lumikha, sila roon ng isang artipisyal na wika mula sa pagsasama-sama ng mga salita ng halos lahat
ng wika sa Europa at tinawag nila iyong Esperanto.
 Namatay ang wikang ito bago man isilang dahil walang tumangkilik o gumamit (Bernales; sa
Tumangan, et al., 2000).

TAGALOG vs PILIPINO vs FILIPINO


TAGALOG – wika sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, ilang
bahagi ng Nueva Ecija, Puerto Prinsesa at Metro Manila
- Kung gayon ang Tagalog ay isang wikang natural at may mga katutubo itong tagapagsalita.
Isa rin itong partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistik na grupo sa bansa na tinatawag
ding Tagalog (Constantino; sa Bernales; et al., 2002)

PILIPINO – pumasok ito bilang wikang pambansa noong 1959. Bunga ito ng kalituhang ibinunga ng
pagbatay sa wikang pambansa noong 1937.Naging madalas ang pagtukoy sa wikang pambansa mula
noon bilang Tagalog na isa ngang pagkakamali. Kaya sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 59,
itinakda na tuwing tutukuyin ang wikang pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.
 Ngunit, lumalabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa estruktura at nilalaman.
 Samaktwid, ang Pilipino ay isang mono—based national language.
 Wala noong pagkakataon ang mga ‘di Tagalog na maging bahagi ng pagpapayaman at
pagpapaunlad. Tinawag ito ni Prof. Leopoldo Yabes na Tagalog Imperialism na nagbunga ng
mga negatibong reaksyon sa mga ‘di Tagalog.

FILIPINO
Sa kasalukuyan, hindi na tama ang argumentong ang Filipino ay Tagalog din.
 Samantala may mga miskonsepsyon pa rin sa wikang Filipino na kinakailangang linawin.
UNA, ang pangalang Filipino ng ating wikang pambansa ay hindi galing sa Ingles na Filipino na
tawag sa ating mga mamamayan ng Pilipinas. Hindi rin isang akomodasyong pampolitika ang
pagbabago ng pangalan ng wikang pambansa mula Pilipino sa Filipino. Maaaring napahinahon
nito ang mga rehiyonalistang anti-Pilipino, pero higit pa roon ang dahilan ng pasyang pagpapalit
ng P sa F. Kinailangang gawin iyon upang magkaroon ng kongkretong sagisag ng
modernisasyong pinagdaraanan ng ating wikang pambansa, tulad ng pagdaragdag ng walong
titik sa alpabeto at ang paglinang dito salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga
wika.
Sa pamamagitan ng pagpapalit ng P sa F, nakaptyur ng Filipino ang bagong konsepto ng wikang
pambansang nililinang salig hidi sa Tagalog lamang kundi maging sa iba pang mga wikang
katutubo, kasama ang Ingles, Kastila, at iba pang nakaiimpluwensya sa ating kabihasnan.

ANO ANG PINAKAESENSYA NG KONSEPTO NG WIKANG FILIPINO?


 Walang iba kundi ang pagiging pambansang lingua franca nito.
- Lingua Franca – nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong bansa na ating
ginagamit sa pakikipagtalastasan sa isa’t isa lalo na sa mga syudad, kahit pa mayroon tayong kani-
kaniyang katutubo at unang wika gaya ng Cebuano, Ilocano, Pampango, Tausug, Kalinga, at iba pa.
 Dahil nga lingua franca at pangalawang wika, nabubuo ang barayti nito bunga ng impluwensya ng
ating kani-kaniyang unang wika sa paggamit nito. Mga barayti itong bunga ng dimensyong heograpiko,
kung kaya maaaring magkaroon ng Iloco barayti ng Filipino, Cebuano barayti, Mindanaon barayti at
iba pa.

B. TUNGKULIN NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA


1972— isang Pananaliksik ni Jonathan Pool ang inilathala sa Ikalawang Bolyum ng Advances in the
Sociology of Language (Joshua Fishman, Ed., 1972).
 Pinamagatan iyong National Development and Language Diversity.
 Ang haypotesis ni Pool (1972) sa kanyang pananaliksik ay Nakasasagabal sa kaunlarang pang—
ekonomiya ang pag-kakaiba-iba sa wika.
GINAMIT NA DATOS:
- Ang praksyon ng populasyon ng pinakamalaking katutubong pangkat-wika mula sa isandaan
tatlumpu’t tatlong (133) bansa. Iniugnay ang mga datos sa Gross Domestic Product (GDP) per capita
in USD ng bawat mamamayan kada taon.
UGNAYAN SA PAGITAN NG DALAWANG BARYABOL
 Kinatawan niya sa pamamaraang grapikal na tinatawag na scatterplot.
 Sa kanyang grap, ikinalat niya ang mga bansa batay sa linguistic diversity at GDP ng bawat isa.
 Samakatwid, mas linguistically diverse ang bansa, mas nasa kaliwa ang pagkaka-plot sa bansa
(further to the left).
 Mapapansin kung gayon na nasa pinakadulong kaliwa ang bansang Congo at Tanzania, habang
nasa pinakadulong kanan naman ang Japan at Portugal.
 Samantala, mas mataas ang GDP ng bansa, mas mataas ang pagkaka-plot nito.
 Mapapansin kung gayon na nasa pinakamataas na bahagi ng grap naka-plot ang Kuwait at U.S.A,
habang nasa pinakababa ang Malawi at New Guinea.

Pansinin ang kasunod na grap...


Ang
scatterplot
ay hinati rin ni
Pool (1972)
sa
quadrants.

UNANG QUADRANT (UPPER LEFT) – PARA SA MGA BANSANG LINGUISTICALLY DIVERSE O MAY IBA-
IBANG WIKA AT MATAAS NA GDP
IKALAWANG QUADRANT (LOWER LEFT) - PARA SA MGA BANSANG LINGUISTICALLY DIVERSE O MAY
IBA-IBANG WIKA AT MABABANG GDP
(Nigeria, Cameroon, Ghana, Malaysia at Burma)
IKATLONG QUADRANT (UPPER RIGHT) - PARA SA MGA BANSANG HINDI LINGUISTICALLY DIVERSE O
MAY IISA O MANGILAN-NGILAN LAMANG WIKA AT MATAAS NA GDP
(Kuwait, USA, New Zealand, Sweden, Germany)
IKAAPAT NA QUADRANT (LOWER RIGHT) - PARA SA MGA BANSANG MAY IISA O MANGILAN-
NGILANG WIKA AT MABABANG GDP
(Syria, Brazil, Thailand, Yemen at Haiti)
NASAAN ANG PILIPINAS SA SCATTERPLOT NI POOL?
 NASA IKALAWANG QUADRANT SA LOWER LEFT.
- Kapansin-pansin sa scatterplot na halos walang bansang nakatala sa unang quadrant. Ibig sabihin,
halos walang maunlad na bansang may iba-ibang wika.
- Ayon kay Pool (1972), The result appears to support assertions that linguistic diversity is a
barrier to economic development.
Ipinaliwanag ni Pool (1972) ang kanyang konklusyon sa ganitong paraan...
Language diversity of one sort to another is held to cause the retardation of development, both political and
economic. Language diversity… aggravates political sectionalism; hinders inter-group cooperation, national
unity …;impedes … political support for authorities … and political participation ; and holds down governmental
effectiveness and political stability. Similarly, it is said that language diversity shows economic development, by
for example, breaking occupational mobility, reducing the number of people available for mobilization into the
modern sector of the economy, decreasing efficiency, and preventing the diffusion of innovative technique.
 Ang tuklas ni Pool (1972) ay tumutugma sa mga obserbasyon sa naunang artikulong isinulat ni
Joshua A. Fishman (1968). Ganito ang inilahad ni Fishman sa kanyang artikulo:
Linguistically homogenous policies are usually economically more developed, educationally more
advanced, politically more modernized, and ideologically-politically more tranquil and stable.
… Concreting the causal relation between language diversity and development… the usual
explanation gives developmental processes as causes of increased linguistic (and other) homogenization, but
that language diversity may also hinder (while language unity helps) development.
Paliwanag ni Fishman (1978)
 Countries of diverse linguistic composition face a special hurdle in development.
 Ang mga bansang may iba-ibang komposisyong linggwistik at etnik na pangkat sa buong kapuluan ay
nahaharap sa natatanging sagabal sa kaunlaran.
SPECIAL HURDLE IN DEVELOPMENT
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang linguistically diverse sa daigdig.
“may higit na apat na raang (400) wikain o dayalekto ang sinasalita ng iba’t ibang linggwistik at etnik na pangkat
sa nuong kapuluan. Dahil dito ang ating bansa ay naharap sa tinatawag ni Fishman (1968) na special hurdle in
development o natatanging sagabal sa kaunlaran.—Constantino 1972
 Isa ito sa dahilan kung bakit pinagsumikapan ng ating mga ninunong tayo ay magkaroon ng isang
wikang pambansang magbibigkis sa ating lahat.
 Sapagkat kapalaran na ang nagtakda ng ating linguistic diversity, naging layunin ng ating mga
ninuno ang unity in diversity.
Dahil dito, dalawa sa tatlong paksa ang tinukoy ni Sibayan (1994) na mahahalaga para sa pagpapaplanong
pang wika …
1. Pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng pagkakaisa
2. Preserbasyon ng mga bernakular na wika ng Pilipinas
 Samakatwid, malinaw na hindi layuin ng pagpapaunlad ng wikang Filipino ang pagkitil sa ating mga
diyalekto.
 Sa katunayan, sa ating Saligang Batas ay isinasaad na ang Filipino ay patuloy na lilinangin at
payayabungin salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas (Artikulo XIV, Sek. 6).
 Ito ang pinakaesensya ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.
 Sa kasalukuyan, ginagampanan ng wikang Filipino ang mahalagang tungkulin ng wikang pambansa
ayon kay Garvin (1974):
The standard language serves to unify a larger speech community in spite of dialect differences … A
national language is characterized by the unifying … function, provided the national language has arisen
naturally or has been chosen judiciously by authorities…
Ano ang tungkuling ginagampanan ng Wikang Filipino sa larangan ng pagpapaunlad ng bansa?
 Malinaw ang tinutumbok ng pag-aaral na ipinaliwanag sa unahan, may kinalaman ang wika sa pag-
unlad o hindi pag-unlad ng bansa.
Totoo ba ito sa wikang Filipino at sa bansang Pilipinas?
 Ganito ang sinabi ni Komisyoner Ponciano Benaggen (sa Journal of Constitutional Commission,
1986) noong tinatalakay ang panukalang probisyong pangwika sa ating Saligang Batas:
These are the arguments for deciding that a national language is a kind of national symbol. But in the
proposal, we mean Filipino, not merely as a national symbol, not merely as an instrument for n ational identity
and national unification, but also as an instrument for national growth and development.
 Ang gayong pagkilala sa wikang pambansa bilang wika ng pambansang kaunlaran ay hindi rin
minsang inalingawngaw at pinanindigan ni Komisyoner Wilfrido Villacorta (sa Journal of
Constitutional Commission, 1986).
Mahalaga ang tunay na pagpapaunlad ng wikang pambansa upang mapabilis ang kolektibong
partisipasyon ng sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbuo ng nasyon (salin ng may-
akda)
 Binigyang diin din ng mga komisyoner ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagsasakatuparan ng
iba pang mithiing kalaunan ay isinaad sa Saligang Batas mismo gaya ng nasyonalismo, kaalamang
siyentipiko at teknikal, pambansang industriyalisasyon, at iba pa—mga mithiing imposibleng
abutin kung mahina ang wikang pambansa.
Kaya nga sinabi ni Benaggen (sa Journal of Constitutional Commission, 1986) …
We are saying that the State Shall foster nationalism and, therefore, we need to have a national language in the
same manner that we need a national flag and some other things that we associate ourselves with in the pursuit
of national identity and national unity. We are also saying that the State shall foster creative and critical thinking;
broaden scientific and technological knowledge; and develop a self-reliant and independent economy to
industrialization and agricultural development.
We have also said earlier that we shall have a consultative government and that people’s organization shall be
protected in terms of their right to participate more fully in the democratic processes. In all of these, we need to
have a unifying tool for communication which is, of course, Filipino.
 Matapos ang mga nabanggit na talakayan at Konstitusyonal na Komisyon noong 1986, isinatitik ang
probisyong pangwika sa ating Saligang Batas sa Artikulo XIV, Seksyon 6 hanggang 9; at ang
nasabing Saligang Batas ay pinagtibay ng sambayanan noong 1987.
 Ngunit, bago iyon ay tila may pagbabala si Komisyoner Minda Luz Quesada (sa Journal of
Constitutional Commission, 1986).
… Hangga’t hindi isinasakongkreto sa pamamagitan ng paggamit nito (ng wikang pambansa) sa
instruction at sa gobyernoay talagang empty rhetorics na naman iyan dahil iyan ang istorya noong mga
nakaraang tao. Naroon na iyon sa ating Konstitusyon, pero hangga’t hindi isinasagawa ito sa ating ordinaryong
araw-araw na buhay, sa loob ng gobyerno, sa administrasyon, at saka sa ating edukasyon, sa palagay ko lahat
ng iyan ay rhetorics na naman.
 Ngayon, ilang dekada matapos pagtibayin ang ating Saligang Batas, marami nang nagawa kaugnay
ng pagpapaunlad ng wikang Filipino, ngunit ang Pilipinas ay mahirap na bansa pa rin.
 Samakatwid, kung totoo ang haypotesis nating May kinalaman ang wika sa pagpapaunlad ng
Pilipinas, hindi marahil kalabisang sabihing napakarami pang dapat gawin upang mapaunlad ang
wikang Filipino nang sa gayo’s lubos itong makaganap sa tungkuling kaugnay ng pambansang
kaunlaran, liban pa sa tungkuling ginagampanan nito bilang pambansang simbolo, at instrument ng
pambansang identidad o pagkakakilanlan.
C. MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS
1. Multilingguwal at Multikultural ang Pilipinas
 Arkipelago ang ating bansa kung kaya’t ang katangiang heograpikal nito ang
nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura.
 Mahigpit na magkaugnay ang wika at kultura kung kaya’t nasasalamin sa wika ang ano mang
katangiang pisikal at kultural ng bansa.
 Ayon sa pag-aaral ni McFarland (2004), may lagpas isang daang magkakaibang wika ang
Pilipinas samantalang sa tala ni Nolasco (2008) ay mayroong higit-kumulang 170 iba’t ibang
wika sa iba’t ibang pulo ng Pilipinas.
 Ayon din kay Nolasco (2008), batay sa sensus noong 2000, ang pinakalaganap na mga wika sa
Pilipinas batay sa dami ng taal na tagapagsalita at Tagalog (21.5 milyon); Cebuano (18.5
milyon), Ilocano (7.7 milyon), Hiligaynon (6.9 milyon); Bicol (4.5 milyon); Waray (3.1 milyon)
Kapampangan (2.3 milyon), Pangasinan (1.5 milyon); Kinaray-a (1.3 milyon); Tausug (1
milyon), Maranao (1 milyon); at Maguindanao (1 milyon).
 Ang mga nabanggit na wika ay itinuturing na mayoryang wika sapagkat relatibong mas malaking
bilang ng tao ang nakauunawa at gumagamit nito kaysa sa iba pang rehiyonal na wika ng bansa.
 Bukod pa sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas, laganap na rin ang paggamit ng Filipino bilang
lingua franca ng bansa.
 Ayon sa datos, 65 milyon mula sa kabuuang 76 milyong mga Pilipino o 85% ng kabuuang
populasyon ay may kakayahang magsalita ng pambansang wika (Gonzales, 1998).
 Itinuturing din ang wikang Ingles bilang pangunahing ikalawang wika. Ayon sa isang sarbey na
isinagawa ng Social Weather Station (sa Gonzales, 1998) noong 1994, 74% ang nagsasabing
nakaiintindi sila ng wikang Ingles kapag kinakausap sila gamit ito.
 Sa kalagayang higit sa isang daan ang mga rehiyonal na wika ang ginagamit sa ating bansa,
malaki ang hamon na makabuo ng pangkalahatang polisiyang pangwika na makatutugon sa
pangangailangan ng lahat ng etnolinggwistikong grupo. Malaki ang pangangailangan na tupdin
ang atas ng Konstitusyon na paunlarin at payabungin ang isang wikang pambansa, salig sa
mga umiiral na wikang katutubo sa Pilipinas.
2. Ingles ang lehitimong wika sa Pilipinas
 Sa kabila ng pagkakaroon ng pambansang wika ng Pilipinas, nananatiling makapangyarihang wika
ang Ingles sa ating lipunan.
 Itinuturing na ikalawang wika ng nakararaming Pilipino ang Ingles
 Ayon sa Social Weather Station (SWS) noong 2008 (sa Nolasco, 2008), halos 76% mga Pilipinong
nasa sapat na gulang ang nagsabing nakauunawa at nakapagsasalita sila ng Ingles, habang ang
nagsasabing nakapagbabasa sila sa wikang ito.
 Bukod dito, 61% ang nagsabing nakapagsusulat sila sa wikang Ingles habang 38% ang nagsabing
nag-iisip sila gamit ang wikang Ingles
 Bilang makapangyarihang wika ng mundo, patuloy na lumalaganap ang wikang Ingles bilang wikang
panturo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
 Ayon kay Macaro (2014) ng British Council at Direktor ng University of Oxford, lalong dumarami
ang mga akademikong institusyon sa buong mundo na gumagamit ng Ingles upang ituro ang mga
akademikong asignatura dahil sa kagustuhang isabay sa internasyonal na standard ang propayl ng
mga unibersidad.
 Kasama sa opisyal na wika ng Pilipinas ang Ingles.
 Bagama’t Filipino ang pambansang wika, Ingles pa rin ang mas ginagamit sa Sistema ng edukasyon
at print media.
 Maaari ring gamitin ang Filipino sa pamamahala at lehislatura sa Pilipinas, maging sa korte at batas,
ngunit Ingles pa rin ang namamayaning wika.
 Ingles pa rin ang ginagamit para sa mga intelektwal na usapin, komersyo/negosyo, habang
Filipino naman sa lokal na komunikasyon at mga palabras sa telebisyon.
 Ayon kay Gonzales (2003), dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, kapansin-pansin na hindi
tugma ang polisiya at aktwal na implementasyon nito. Bilang pambansa at opisyal na wika, nararapat
na paunlarin ang paggamit ng Filipino sa mga paaralan, ngunit hindi ito nangyari.
 Ingles ang dominanteng wika sa edukasyon lalong-lalo na sa Siyensya at Matematika sa lahat ng
antas, at sa halos lahat ng asignatura sa kolehiyo.
 Malinaw na tinutukoy sa polisiyang pangwika, ang pagpapaunlad ng Filipino mula sa
Konstitusyon 1935 hanggang 1987 , ngunit hindi naman ito naipatutupad.
 Kung isasaalang-alang ang ideya ni Bourdieu (1991) sa kanyang aklat na Language and Symbolic
Power, tinukoy niya ang lehitimong wika sa isang lipunan bilang wikang ginagamit sa pag-unlad ng
systema ng edukasyon at pagpapagana ng sistema ng paggawa.
 Ibig sabihin, pinag-iisa at pinatatag ng wiikang ito ang ekonomiya at politika ng isang bansa.
 Ang lehitimong wika ay resulta ng kompleks a prosesong historikal, na madalas ay kinasasangkutan
ng matinding tunggalian (halimbawa ay sa sa kontekstong kolonyal) sa pagitan ng mga partikular na
wika. Ito ang lumilitaw na dominanteng wika, at ang iba pang wika at diyalekto ay nawawala o kaya
napapailalim dito.
 Kung ilalapat sa karanasa ng Pilipinas ang ideya ni Bourdieu, masasabing nananatiling Ingles ang
lehitimo at makapangyarihang wika sa Pilipinas.
 Sa ganitong kalagayan, mahalagang isaalang-alang ang pagtingin niya sa wika hindi lamang bilang
object of the study kundi instrumento ng kapangyarihan at aksyon.
 Ibig sabihin, kailangang tingan ang wika sa kontekstong sosyo-historikal at sa kalagayang pang-
ekonomiya at pampolitika ng isang bansa.
 Ayon kay De Quiros (1996) mula sa kanyang artikulong Kapangyarihan ng Wika, Wika ng
Kapangyarihan, hindi lamang komunikasyon ang pangunahing gamit ng wika, kundi susi o
instrumento ito upang makapaghari sa isang tiyak na lipunan.
 Binalikan niya ang kasaysayan kung paanong naging instrumento ang wika ng kolonyalismo sa
Pilipinas. Naging mabisa ng pagtuturo ng mga Amerikano ng Ingles sa pamamagitan ng
pampublikong edukasyon sapagkat napanatili nila ang kapangyarihan sa ekonomiya at politika ng
Pilipinas kahit pa nga hindi na tayo direktang kolonya ng Estados Unidos.
 Ingles ang makapangyarihang wika sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan kung kaya laganap din
ang ilang maling pananaw sa pag-aaral ng wikang ito.
 Halimbawa, laganap ang pampublikong diskurso na uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas kung
magiging mahusay sa pagsasalita ng Ingles ang mga Pilipino.
 Kung susuriin sa naging karanasan ng mga mauunlad na bansa sa Asya tila hindi siyentipiko at
makatotohanan ang ganitong paglalahad. Sa kaso ng Timog Korea, Japan, Thailand, Indonesia at
Malaysia, sariling mga pambansang wika ang naging saligan ng kani-kanilang maunlad at
nagsasariling ekonomiya, at hindi wikang Ingles.
3. Wikang Global ang Wikang Filipino
 Ang kalagayang pang-ekonomiya sa bansa ang nagtutulak sa mga Pilipinong magtrabaho sa
ibang bansa at maging Overseas Filipino Worker (OFW).
 Sa ganitong kalagayan, hindi maiwasan ang paglaganap ng wika at kulturang Pilipino sa iba’t ibang
bahagi ng mundo.
 Ayon sa Index of Survey on Overseas Filipinos noong 2014, tinatayang nasa 2.3 milyong
Overseas Filipino Workers ang nasa iba’t ibang panig ng mundo.
 Ayon sa American Community Survey (2013), pangatlo ang Filipino sa mga wikang may
pinakamaraming nagsasalita sa Estados Unidos, bukod sa Ingles.
 Pumangatlo ang Filipino na may 1.6 Milyong gumagamit sa Espanyol na nagtala ng 38.4
tagapagsalita at Chinese na may halos 3 Milyong tagapagsalita.
 Pagdami ng Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa siya ring paglaganap ng ating wika maging ng
kulturang Pilipino.
 Hindi maikakailang lumaganap na nga ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang bahagi ng
mundo.
 Ilan sa mga mauunlad na Departamento ng Filipino at mga kaugnay na programa ang matatagpuan
sa University of Hawaii-Manoa at Philippines Studies Program sa Osaka University sa Japan.
4. Ang Filipino ay Wika sa Social Media
 Binago ng social media ang pamamaraan ng pamumuhay ng milyon-milyong Pilipino.
 Bukod sa naging porma ng komunikasyon, hindi rin maitatatwa na simbolo ng panlipunang istatus ang
access sa Internet.
 Tinaguriang Social Media Capital of the World ang Pilipinas (ayon sa mga eksperto sa larangan ng
midya at teknolohiya)
 Ayon sa wearesocial.com (2015), mula sa 100.8 Milyon na kabuuang populasyon ang aktibong
gumagamit ng Internet.
 Mula sa mga datos, makikitang malawak ang impluwensya ng Internet at social media sa
pamumuhay at pagbuo ng desisyon ng mga Pilipino.
 Ingles ang wika ng Internet, ngunit dahil sa paglaganap ng web publishing tools,
iba’t ibang wika na rin ang nakapasok sa mundo ng cyberspace.
 Dahil nga sa mga Pilipino ang maituturing na pinakaaktibo sa larangang ito, hindi na rin maiiwasan
ang paglaganap at paggamit ng Filipino sa Internet.
 Marami nang pananaliksik ang nagsuri sa katangian ng wikang Filipino na ginagamit sa iba’t ibang
social media sites.
 Iba’t ibang estilo ng paggamit ng wika na rin ang lumaganap sa pamamagitan ng Internet.
 Hindi rin maiwasan ang iresponsable at mali-maling paggamit ng wika sa konteksto ng instant at
madaliang komunikasyon.
 Kapansin-pansin ang matinding code switching (pagpapalit—palit ng wika) at maling pagpapaikli
at pagsasama ng ilang mga salita.
 Bukod sa estilo ng wika, kapansin-pansin din ang iresponsable, hindi makatwiran at hindi maingat
na pagbibigay ng mga komento at pahayag na walang sapat na batayan at pananaliksik ng ilan sa
mga gumagamit ng social media site kung kaya naglipana rin ang mali-maling impormasyong
nakabatay sa makitid na pananaw ng iilan.
 Bagama’t kalakasan ng social media ang demokratisasyon ng kaalaman, kasabay ring nalikha ang
demokratikong espasyong naging maluwag sa kababawan at kamangmangan.
 Sa ganitong kalagayan ng patuloy na paglaganap ng Wikang Filipino sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay ng tao at iba’t ibang bahagi ng mundo, nananatili ang hamon sa intelektwalisasyon at
estandardisasyon ng wikang pambansa.
 Magagawa lamang ito kung panghahawakan ng mga institusyong panlipunan ang orihinal na
mandato ng Konstitusyon na gamitin ito sa sistema ng edukasyon at pamamahala.
D. ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG KARUNUNGAN AT PANANALIKSIK
The Filipino nation was introduced into the world of universality before it could develop its own
individuality.
-Motemayor (1972)
 Sampung taon makalipas, si Constantino naman noong 1982 ang nagsabi ng ganito:
The most effective means of subjugating a people is to capture their minds… The moulding of men’s
minds is the best means of conquest.
 Simula’t simula pa lamang, ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas ay isang pamamaraan ng
pagpapahinahon sa mga mamamayang noo’y nagtanggol sa kanilang bagong-kamit na kalayaan
laban sa mananakop na nagpanggap na kaibigan.
 Ang edukasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng pananakop ng Amerika ay isang instrumento ng
kolonyal na polisiya.
 Ang mga Pilipino ay kinailangang turuan bilang mabubuting kolonyal. Ang mga murang isip ay
kinailangang hubugin upang makaayon sa mga ideyang Amerikano.
 Ang mga katutubong ideyal na Pilipino ay unti-unting naglaho upang matanggal ang mga huling
banta ng pag-aaklas.
 Edukasyon ang nagsilbing pang-akit ng mga bagong Panginoon at panunaw sa
nasyonalismong ginamit sa pagpapalaya sa mga naunang dayong kapangyarihan.
 Sa ilalim ng mga nagdaang rehimeng kolonyal, tiniyak ng edukasyon na ang pag-iisip ng mga
Pilipino ay maging masunurin sa mga Panginoon.
 Kaya, sinamba ng mga Pilipino ang mga dayong mananakop.
 Hindi tinuruan ang mga Pilipinong tingnan ang mga dayo nang obhetibo, ang sipatin ang
kanilang mga kabutihan at maging mga kasamaan.
 Ito ang nag-udyok sa mga Pilipino upang magkaroon ng baluktot na opinyon hinggil sa mga dayong
mananakop at maging hinggil sa kanilang sarili ( Constantino, 1966).
 Ang kanilang naging wikang kasangkapan … wikang dayuhan.
 Ganito ang naging paliwanag ni Constantino (1966) kung paano ang wika ay gumanap ng
mahalagang tungkulin sa edukasyon:
Ang wika ay isang kasangkapan ng proseso ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika, ang pag-iisip ay
nalilinang, at ang pag-unlad ng pag-iisip ay humahantong sa lalong pag-unlad ng wika. Ngunit kapag ang wika
ay nagiging sagabal sa pag-iisip, ang proseso ng pag-iisip ay nahahadlangan o nababansot at nagkakaroon
tayo ng kultural na pagbabantulot.
MALUNGKOT NA KATOTOHANAN SA KASALUKUYAN
Patuloy ang pagkabansot ng ating proseso ng pag-iisip. Bunga ito ng edukasyong makadayuhan, wala nang
iba pang malinaw na katunayan ng pagkamakadayo ng ating kasalukuyang sistemang pang-edukasyon kundi
ang wikang banyaga sa edukasyon.
 Ito ang reyalidad sa kasalukuyan, sa kabila ng pagbabanta ng atin mismong pambansang bayaning
si Dr. Jose Rizal may ilang daan taon na ang nakalilipas. Sa akda niyang El Filibusterismo ay
ganito halos ang kanyang sinabi:
…Ano ang gagawin ninyo sa wikang [dayuhan]…? Papatayin n’yo lamang ang inyong pansariling
katauhan at ilalantad ang iniisip sa ibang kaisipan. Sa halip na gawing Malaya ang inyong sarili ay gagawin
n’yo lamang itong alipin…Kapwa kayo nakalilimot na habang ang tao ay may sariling wika ay maroon kayong
[sic] kalayaan. Tulad ng tao na Malaya habang nakapag-iisip sa kanyang sarili. Ang wika ang paraan ng pag-
iisip ng tao…
 Sa kasalukuyan, hindi na maitatanggi ang istatus ng wikang Filipino bilang isang wikang pambansa.
 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino … patuloy na nililinang at pinauunlad salig sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika (Art. XIV, Sek.6, Konstitusyon, 1987)
 Isa ring wikang opisyal ang Filipino ng ating pamahalaan.
 Nagsisilbi rin itong lingua franca ng mga Pilipino. Ngunit liban sa pagiging asignatura ng Filipino at
wika sa pananaliksik na ginagawa ng mga nagpapadalubhasa sa wikang Filipino, hindi na
masyadong napagtutuunan ng pansin at pagpapahalaga ang Filipino bilang wika ng karunngan at
wika ng pananaliksik sa lahat ng antas ng pag-aaral.
 Sa katunayan, patuloy ang pakikipaglaban ng mga taliba ng wikang Filipino upang mapanatili ito
bilang asignatura sa kolehiyo. Reaksyon ito ng maraming nagmamalasakit sa wikang Filipino sa
bagong GE kurikulum ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon na nangmamaliit sa wikang
Filipino bilang wika ng karunungan at wika ng pananaliksik.
 Dahil dito, malamang na magkatotoo ang hula ni Almario (2006): … mauulit muli ang pagdarahop ng
napagyayamang kaalaman bunga ng gamit ng wikang sarili at babalik muli sa antas ng
kamangmangan dulot ng kawalan ng kakayahang magpahayag at matuto sa sariling wika.
 Hindi na dapat pagdudahan ang potensyal ng wiikang Filipino bilang wika ng karunungan at likas na
kakayahan ng Filipino bilang daluyan ng mga bagong tuklas na kaalaman sa mga pananaliksik
panlipunan.
 Panahon na upang kilalanin at pahalagahan ang wikang Filipino bilang wika ng karunungan
upang hindi tayo manatiling isang bayang walang tiyak na tunguhin at walang maaasahang
pag-iral sa kinabukasan.
D. GAWAING PAMPAGKATUTO
Pangalan : ___________________________ Kurso at Seksyon: _______________
Gawain 1 - Pagsulat at Pagbigkas ng Sanaysay
Panuto: Sumulat ng sanaysay higgil sa Wikang Filipino BIlang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng
Edukasyon at Pananaliksik. Ang sanaysay ay kinakailangan hinid bababa sa limang (5) talata at hindi
lalampas sa walong talata (8). Bawat talata ay hindi bababa sa pitong (5) pangungusap. Kinakailangang
bigkasin ang isinulat na sanaysay habang naka- video ang sarili.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Gawain 2 - Pakikipanayam
Panuto: Bumuo ng limang tanong ukol sa kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino. Pumili ng tatlong
kakilala, kaibigan o dalubhasa sa wikang Filipino ukol sa kanilang pananaw sa kasalukuyang
kalagayan ng wikang Filipino. Bumuo ng pangkalahatang kongklusyon mula sa iyong nakalap na
datos. I – video ang pakikipanayam na isasagawa.
Mga tanong:
1.______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
3.______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
4.______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
5.______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
Konklusyon :
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
E. PAGTATAYA
Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang bawat tanong. Sagutin ang bawat katanungan sa pamamagitan ng
pasalita. I – video ang iyong sarili habang sinasagot ang mga tanong.
1. Paano mailalarawan ang kalagayan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at
Wika ng Edukasyon at Pananaliksik?
2. Paano nauugnay ang pagpapalakas ng Wikang Pambansa sa pagpapatibay ng kolektibong identidad at
pagkakamit ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran?
3. Paano ka makapag-aambag sa pagtataguyod ng Wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas
na antas ng diskursong akma at nakaugat sa lipunang Pilipino at bilang wika ng pananaliksik na nakaayon
sa pangangailangan ng komunidad at bansa?
F. SANGGUNIAN
Batayang Aklat
Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A. & Zafra, Reynele Bren G. 2019. Filipino sa Iba’t Ibang
Disiplina. Malabon City: Mutya Publishing House Inc.

G. RUBRIKS
Gawain 1 - Pagsulat at Pagbigkas ng Sanaysay
Komponent Higit na mahusay Mahusay Hindi gaanong Hindi mahusay Puntos /
9-10 6-8 mahusay 0-2 Marka
3-5
Nilalaman Kumpleto ang May minimal na May kapansin- Labis ang
nilalaman kakulangan sa pansing kakulangan ng
nilalaman. kakulangan sa nilalaman.
nialalaman.
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
angkop ang kasagutan angkop ang ang kasagutan.
hinihinging subalit may kasagutan.
kasagutan. kaunting
kakulangan.
Organisasyon ng Madaling Nauunawaan Mayroong Hindi lubos
ideya maunawaan sapagkat kalituhan sa maunawaan
sapagkat mahusay ang pagkat hindi sapagkat hindi
napakahusay ng pagkakahanay gaanong mahusay ang
pagkakahanay ng ideya. mahusay ang pagkakahanay
ng mga ideya pagkakahanay ng ideya.
ng ideya.
Gramatika/ Napakahusay ng Mahusay ang Hindi gaanong Hindi maayos
Wastong gramatika at gramatika at mahusay ang ang gramatika
Paggamit ng paggamit ng mga paggamit ng gramatika at at paggamit ng
mga salita salita sa mga salita sa paggamit ng mga salita sa
pangungusap. pangungusap. mga salita sa pangungusap.
pangungusap.
Paraan ng Malinaw na May kalinawan Hindi gaanong Hindi lubos na
pagpapahayag naipahayag ang sa malinaw na naging malinaw
sanaysay pagpapahayag naipahayag ang ang
madaling ng isinulat na isinulat na pagpapahayag
naunawaan ang sanaysay sanaysay ng isinulat na
kaisipang sanaysay
ipinahayag

Gawain 2 – Pakikipanayam
Komponent Higit na mahusay Mahusay Hindi gaanong Hindi mahusay Puntos /
9-10 6-8 mahusay 0-2 Marka
3-5
Nilalaman ng Napakahusay at Mahusay at Hindi gaanong Hindi mahusay
mga tanong puno ng may laman ang mahusay at at walang
nilalaman ang pagkakabuo ng kaunti ang nilalaman ang
pagkakabuo ng mga tanong. nilalaman ng pagkakabuo ng
mga tanong pagkakabuo ng mga tanong.
mga tanong.
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
angkop ang kasagutan angkop ang ang kasagutan.
hinihinging subalit may kasagutan.
kasagutan. kaunting
kakulangan.
Pagkakalahad Napakahusay ng Mahusay ang Hindi gaanong Hindi nailahad
ng mga datos pagkakalahad at pagkakalahad nailahad ng ng maayos at
naihanay ng at maayos at hindi hindi naihanay
maayos ang mga pagkakahanay naihanay ng ng maayos ang
datos. ng mga datos. maayos ang mga nakalap na
mga nakalap na datos
datos.

Pagtataya
Komponent Higit na mahusay Mahusay Hindi gaanong Hindi mahusay Puntos /
9-10 6-8 mahusay 0-2 Marka
3-5
Nilalaman Kumpleto ang May minimal na May kapansin- Labis ang
nilalaman. kakulangan sa pansing kakulangan ng
nilalaman. kakulangan sa nilalaman.
nialalaman.
Kaangkupan ng Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
kasagutan angkop ang kasagutan angkop ang ang kasagutan.
hinihinging subalit may kasagutan.
kasagutan. kaunting
kakulangan.
Organisasyon ng Madaling Nauunawaan Mayroong Hindi lubos
ideya maunawaan sapagkat kalituhan sa maunawaan
sapagkat mahusay ang pagkat hindi sapagkat hindi
napakahusay ng pagkakahanay gaanong mahusay ang
pagkakahanay ng ideya. mahusay ang pagkakahanay
ng mga ideya pagkakahanay ng ideya.
ng ideya.
Paraan ng Malinaw na May kalinawan Hindi gaanong Hindi lubos na
pagpapahayag naipahayag ang sa malinaw na naging malinaw
ng kasagutan kasagutan at pagpapahayag naipahayag ang ang
madaling ng kasagutan. kasagutan pagpapahayag
naunawaan ang ng kasagutan
kaisipang
ipinahayag

Inihanda ni:

Bb. Carleen M. Ilagan, LPT


Instructor I

You might also like