You are on page 1of 3

Name: Diana Rose J.

Dalit
Course/Year/Section: BSBA 1-J

A. Pagtatala ng Paksa ng Pananaliksik. Itala sa bawat kahon ang mga paksa o mga isyung
maaaring saliksikan. Gamiting gabay sa pagsasagot ang mga bagay na tinalakay sa naunang
aralin. Sipatin din ang mga website gaya ng www.ibon.org, www.manilatoday.net, at
www.psa.gov.ph upang makatulong sa pag-iisip ng paksa. Matapos na maitala, bigyang
pagpapaliwanag ang bawat paksa kung bakit nais mo itong pag-aralan.

Ang paksang ito ay tumutukoy sa mga epekto ng


pangkalawakang krisis sa kalusugan. Sadyang hindi
mabilang-bilang ang epekto nito sa atin lalong-lalo na sa
ekonomiya at sa kalusugan. Nangangailangan ito ng
masusing solusiyon na kung saan ang mga dalubhasa
lamang sa siyentipiko ang nakakaalam. Natukoy din dito
ang kahalagan ng pamamalakad ng gobyerno dahil sila
ang isa sa mga nagpapatupad ng patakaran na dapat
Di maubus-ubos na sapin-saping krisis. sundin upang maiwasan ang mas maraming
maapektuhan ng pandemyang ito na kung saan ito ay
tinatawag na COVID-19.
Nais ko itong pag-aralan upang maipahayag sa iba kung
gaano kalala ang epekto ng COVID-19 hindi lang sa
ating bansa kundi pati na rin sa ibang bansa. Gusto kong
magsaliklik kung ano ang mga pwedeng gawin upang
mas mapadali ang pamumuhay ng mga tao sa panahon
ng pandemyang ito.
Unang araw, ulit; Muling Uulit. Paulit ulit. Ang paksang ito ay tumutukoy sa muling pag-anunsiyo
ng gobyerno sa pagpapanumbalik sa Enhanced
Community Quaratine. Sadyang hindi matapos tapos
ang problemang ito dahil may mga tao na hindi
sineseryoso ang ipinatupad na ECQ dahil sa
kadahilanang mas lalala ang kanilang problema tulad ng
mga bayaran sa kuryente at tubig, pang-araw-araw na
pangangailangailangan at kawalan ng hanap-buhay.
Nabanggit din dito ang SINOVAC at ang malaking
utang ng gobyerno magmula ng nagkaroon ng
pandemya.
Nais kong saliksikin ang paksang ito upang magbigay-
aral sa iba na kung ano ang epekto ng pagpapatupad ng
Community Quarantine sa ating bansa. Malaking tulong
nga ang pagpapatupad ng Community Quarantine dahil
nakakadagdag ito ng proteksiyon sa tao ganoon pa man
ay mas mahihirapan naman ang mga tao na maghanap-
buhay para sa pang-araw-araw na gastusin. Nais ko ring
mapalawak ang aking kaalaman tungkol sa SINOVAC.
Gusto kong magkaroon ng malawakang impormasyion
tungkol ditto dahil base sa aking nakikita ay hindi gaano
ipinapaintindi ng gobyerno kung ano nga ba ang
SINOVAC. Napag-alaman ko na iilan lamang sa aming
lugar ang may kaalaman tungkol sa SINOVAC. Ayon sa
kanila, kaunti lamang ang kanilang kaalaman dito. Hindi
nila alam kung ano ba ang mga magagandang epekto na
makukuha nila kapag nagpaturok sila ng SINOVAC at
kung ligtas ba talaga ito. May mga nababalita kasi na
may hindi magandang epekto ang SINOVAC.
Ang paksang ito ay tumutukoy sa pagtutulungan ng mga
mamamayan. “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha
ayon sa pangangailangan”, ito ang nakapaskil sa isang
patungang may samu’t saring pagkain na kung saan
makakakuha ang sinuman ang may kailangan at
makapagbigay ang may maaaring maiambag. Ito ay
patunay na sa kabila ng kagipitan at kakulangan dahil sa
nararanasan nating pandemya ay hindi madamot at
Mula sa masa, Tungo sa masa
nagtutulungan pa rin ang masa.
Nais ko itong saliksikin upang maimulat sa iba na kahit
na anong pandemya o suliranin ang kakaharapin ng
bansang Pilipinas ay may bayanihan at mabubuting puso
ang mga Pilipino. Hindi hadlang ang suliraning
kinakaharap upang tumigil sa pagtutulungan ang mga
tao. Nais kong iparating sa lahat na may-awa ang Diyos
at hindi niya tayo pababayaan.
Ang paksang ito ay tumutukoy sa pagsasawika sa
panahon ng pandemya, pagsasalin sa panahon ng
Wikang Filipino at Kasaysayan sa Panahon pandemya at pagsasakasaysayan sa panahon ng
ng Pandemya pandemya. Sa pagsasawika sa panahon ng pandemya,
pinapaliwanag ng Komisyon ng Wikang Filipino na
wika ang tulay sa paghahatid ng kamalayan sa
sangkatauhan upang ang COVID-19 ay mapigilan.
Mahalaga ang mga salita upang bigyang detalye ang
krisis pangkalusugang nararanasan. Mahalagang gamitin
ang wikang kinagisnan ng lahat, wikang nauunawaan
nang nakararami. Mas madaling maipaunawa ang
karanasan ng bayan kung nakaugat ito sa wika ng bayan.
Sa pagsasalin sa panahon ng pandemya, pinapaliwanag
dito ng Komisyon ng Wikang Filipino na sa paghatid ng
kaalaman ukol sa COVID-19, mahalaga ang pagsasalin
o paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa at
kamalayan ng komunidad upang magkaroon ng pag-
unawa sa kaalaman mula sa eksperto patungong
sambayanan. Sa pagsasakasaysayan sa panahon ng
pandemya, nakasaad na marker sa kasaysayan na
maituturing ang pandemyang COVID-19. Pinagalaw
nito ang mga espasyo, lunan, oras, at karakter ng ating
sinusulat na kasaysayan.
Nais kong saliksikin ang paksang ito upang maipahatid
sa iba ang kahalagahan ng wikang Filipino sa
kasaysayan ng pandemya. Gusto kong paigtingin ang
ating wikang pambansa upang manatiling ligtas at
maalam sa gitna ng malawakang krisis. Labis na pag-
iintinda at malawakang pag-unawa ang pinakakailangan
ng bawat isa kahit na magkakaiba ang mga wikang
kanilang ginagamit mapakatutubo man sila o hindi.
Kaya gusto kong imulat sa bawat isa na kailangan
panatilihin ang wikang pambansa dahil malaki ang
maitutulong nito sa atin lalong-lalo na sa
pakikipagkomunikasyon ngayong pandemya.

You might also like