You are on page 1of 2

GAWAIN 1

TANONG
1.Bumuo ng sariling kahulugan ng komunikasyon batay sa tinalakay na kalikasan at mga halimabawa nito.
Ang komunikasyon ay ang pakikipag-interaksyon at pakikipag talastasan sa iba upang makibagay at makiangkop sa
lipunang ginagalawan. Nagiging possible ang komunikasyon sa pamamagitan ng berbal at di berbal na
pamamaraan. Ito ay binubuo ng tagapagpalaganap ng mensahe, tagapagtanggap ng mensahe at iba bang element
sa paghahatid ng mensahe. Ito ay ginagamit sa pagkuha ng kaalaman at pagbibigay ng kaalaman, maaaring sa
pagitan ng isa,dalawa at higit pang indibidwal. Nagiging possible rin ang komunikasyon sa pamamagitan ng mass
media, internet at ibat ibang plataporma ng social media.
2.Gaano kahalaga ang intrapersonal na komunikasyon o internal vocalization sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa?

Mahalaga ang intrapersonal na komunikasyon, dahil una sa lahat, ito ay ang ating malalim na pakikipag ugnayan sa
sarili. Bago tayo maunawaan ng iba ay dapat unawain muna natin ang ating sarili. Samakatuwid, maaaring maging
matagumpay ang pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon sa iba kung alam na natin o atin nang
napagnilayan ang ating sasabihin. Sa tulong nito ay magkakaroon tayo ng maayos at magandang pakikipag
ugnayan. Higit sa lahat ay mas mahalaga ang paggalang at pagpapahalaga sa ating kausap na ating makakamit sa
pamamagitan ng internal vocalization.

3. Sa kabila ng pagiging mabisang platform sa paghahatid at pagtugo ng mensahe o impormasyon, sa iyong


obserbasyon , ano pa ang mga negatibong dulot ng social media sa komunikasyon? Pangatuwiranan ang iyong
sagot.

Bukod sa tulong na naibibigay ng social media platfroms, marami din itong masamang dulot sa ating
pakikipagkomunikasyon. Isa na dito ay ang kasalukuyang kinakaharap natin na pagkukulang sa personal na
interaksyon dahil mas nakatutok tayo sa social media o internet. Sa mga tahanan, mas nakapokus na ang bawat isa
sa gadgets na nagiging hadlang sa personal na komunikasyon. Mas nakukulong tayo sa mundo ng internet.
Isa pa, minsan hindi natin mapagkakatiwalaan ang nakakausap natin sa internet, kaya sa panahon ngayon ay
marami ng naiiscam o naloloko dahil sa paglaganap ng pekeng accounts at pamemeke ng katauhan.
Madalas ay hindi din natin mailabas ang tunay nating emosyon o ekspresyon, kadalasan tayong gumagamit ng
emojis na lamang, ngunit ating tandan mas mahalaga pa din maglabas ng emosyon sa personal na interaksyon.
Sa ating paglalakad, dati kadalasan tayong tuwirang nakatingin at bumabati pa sa nakakasalubong, ngunit ngayoy
tayo’y nakatungo at nakapokus sa mga kausap sa messenger o ibang uri ng pakikipag usap sa mobile cellphones.
4.Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang sa konteskto, layunin at kalahok sa  sa pagpili ng
paamamaraan upang makipag-ugnayan.
Mahalagang isaalang alang ang konteksto, layunin at kalahok sa pakikipag ugnyanan upang maiayos at maiayon
natin ang ating pagsasalita o pakikipag komunikasyon sa kanila. Halimbawa na lamang sa uri at bilang ng iyong
kausap. Kung tayoy magsasalita sa publiko, kinakailangan pormal ang nilalaman ng ating mensaheng nais iparating.
Kailangan din natin itong isaalang alang upang alam natin ang uri ng pakikipag interaksyon na ating gagawin, dahil
palaging nakadepende sa ating kausap ang daloy ng komunikasyon. Higit sa lahat ay alamin dapat natin ng layunin
na ating isasaysay, upang maging matagumpay na komunikasyon na magaganap.

 5.Magbigay ng iba pang halimbawa ng tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon at ipaliwanag ang prosesong
nakapaloob dito.
Iba pang tiyak na uri ng sitwasyong pangkomunikasyon ay ang pagkakaroon ng komunikasyon sa hayop na maaring
magkaroon ng halong berbal at di berbal na komunikasyon. Sapagkat tuwing nakikipag-usap tayo sa hayop ay
tumutugon lamang sila sa pamamagitan ng paggalaw o pagpapakita ng emosyon.
Sa prosesong ito, tayong mga tao ang gumagamit ng pinaghalong berbal at di berbal na pamamaraan at ang mga
hayop naman ang gumagamit ng di berbal na komunikasyon.
Mula sa tao ang mensahe patungo sa hayop at nagkakaroon ng pagtugon sa pamamagitan ng galaw, huni at
ekspresyon ng hayop.
6.Ipaliwanag ang modelo at mga elemento ng komunikasyon.
Ang modelo ng komunikasyon ay naka-siklo, dahil ang komunikasyon ay paulit ulit lamang at pareho ang daloy nito.
Ito ay binubuo ng ibat ibang elemento; TAGAHATID- ang pinagmumulan ng mensahe,MENSAHE-ang impormasyon
nan ais ipabatid, TSANEL- dinadaluyan ng mensahe na ipapahatid, TAGATANGGAP- ang pinaparatingan ng
mensahe, BALIK-TUGON- malalaman na matagumpay ang komunikasyon kung may baliktugon ang nakatanggap ng
mensahe.

Ng dahil dito ay matagumpay tayong nakikipag komunika sa ibat ibang tao, hayop atbp.

 
GAWAIN 2
Panuto. Tukuyin ang konteksto ng sumusunod na diskurso.Titik lamang ang isulat sa patlang.
A. Interpersonal D.Pangmasa
B. Panggrupo E.Interkultural
C. Pang-organisasyon F.Pangkasarian
___D___1.Pagbabalita ng broadcaster sa radio at tv.
___A___2.Pagliligawan ng mga kabataang babae at lalaki.
___E___3.Pag-uusap ng isang Igorot at turistang Amerikano
___C___4.Pagpupulong ng Dekana at ng kanyang mga guro.
___C___5.Pag—uusap-usap ng mga miyembro ng Samahan ng mga Ina.
___A___6.Pagpapadala ng SMS or text message ng magkakaibigan.
___A___7.Pagbabatian ng mga bisita sa isang salu-salo
___C___8.Pagpupulong ng management at mga welgista ng isang pabrika.
___C___9.Pagpupulong ng mga kinatawan ng mga bansa sa United Nations.
___D___10.Paglalathala ng mga opinion ng editor sa isang pahayagan.

You might also like