You are on page 1of 2

ARALIN 5

ANTAS AT PRINSIPYO NG KOMUNIKASYON


A. Antas ng Komunikasyon

1. Komunikasyong Intrapersonal

Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili. Bawat tao ay bahagi ng


komunikasyon dahil ang mundo ay nangangailangan ng pakikibahagi sa isa’t isa. Kung
ano angpagkakilala sa iyong sarili ay malaking bagya kung paano ka
makikipagtalastasan. Sangkot dito ang pag-iisip, pag-alala at pagdama.

2. Komunikasyong Interpersonal

Tumutukoy ito sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, o sa


pagitan ng isang tao at maliit na pangkat.Ang komunikasyon ay nangangailangan ng
ibang tao.Ipinakikita nito na ang bawat isa ay kumikilos sa ating tungkulin ayon sa
inaasahan ng iba. Bumubuo tayo ng sariling imahe batay sa mga taong
pinaniniwalaan at kung paano ka inuuri ayon sa sistemang kinabibilangan. at
malaking pangkat ng mga tao.

3. Komunikasyong Pampubliko

Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap Sa pagitan ng isa at


malaking pangkat ng mga tao. Ang isang tagapagsalitang nagtatalumpati sa harap ng
mga tagapakinig ay nakikipagtalastasang pampubliko. Ang komunikasyon sa
pamamagitan ng mga midyang pangmasa ay tulad ng telebisyon,radio,pahayagan at
pelikula ay nasa ilalaim din ng uring ito.

B. Prinsipyo ng Komunikasyon

1. Ang komunikasyon ay isang proseso.

Isang proseso ang komunikasyon dahil binubuo ito ng isang gawain ng


pagpapalitan ng mensahe ng dalawang taong nag-uusap. Kailangang tiyakin ng
tagapaghatid ng mensahe na nauunawaan siya ng tagatanggap nito sa pamamagitan
ng paraan ng paghahatid, salita o simbolong gagamitin, at reaksyon ng tagatanggap
sa mensahe.

2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko.

Minsang nangyari, di na mauulit. Ulitin man natin muli ang mga salitang una
nating tinuran, nag-iiba naang komunikasyon dahil iba na nag panahon. Kung
gayon, ang komunikasyon ay naiimpluwensiyahan ng oras, lugar, mga pangyayari
atmga taong sangkot sa proseso.

3. Ang komunikasyon ay komplikado.

Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil nakapaloob dito


ang iba’t ibang aspekto ng mensahe tulad ng berbal at di-berbal, lugar at tsanel,
relasyon ng nag-uusap, at lugar kung saan nagaganap ang usapan.

4. Mensahe, hindi kahulugan ang naipapadala / natatanggap.


Ang pagpapakahulugan sa mensaheng ipinadadala ay depende sa
tumatanggap nito.

5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon.

Kahit tayo’y nag-iisa, hindi natin maiiwasan ang mag-isip, kaya’t may
komunikasyong intrapersonal na nagaganap dito.

6. Ang komunikayson ay binubuo ng dimensyon.

Sa komunikasyon,ang mensahe ay binubuo ng pangnilalaman (content) at


relasyonal (relational). Kapag sinabihan ka ng guro na “Tumayo”, ang salitang ito
ay nakapalob sa pnagnilalaman na dimension na nagsasaad ng pagpapahayag ng
pag-utos. Ang pagsagawa ng kilos mula rito ayon sa intension ng guro, at kung
paano mo ito nabigyang-kahulugan batay sa persepsyon mo, ay naghuhudyat na
nagawa ang relasyonal na dimensyon.

7. Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo.

Ang simbolo ay bagay o ideya na nag kahulugan ay mas komplikado sa kung


paano ito tingnan. Ito ang arbitraryong representasyon ng ideya, konsepto,
bagay, tao, relasyon, kultura, kasarian at lahi.

8. Ang komunikasyon ay nangangailangan ng kahulugan.

Ang isang simbolo ay maaaring magbigay ng ibang kahulugan ayon sa


pagkaunawa ng tagatanggap ng mensahe. Ang konsepto ng kaligayahan ay
maaaring maipahayag sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng pagbigkas ng
salita, pagthumbs-up, pagwagayway ng watawat at pagtalon nang mataas kapag
nananalo sa patimpalak.

You might also like