You are on page 1of 40

Aralin 11:

KAKAYAHANG
PRAGMATIKO
Naranasan mo na
bang magtampo sa
iyong kaibigan?
Paano mo ito
ipinabatid sa kaniya?
Sa pamamagitan ba ng
tahasang pagsasabi o
sa iyong mga aksiyon
lamang?
Nakakasakay ka
ba sa mga
biruan? Paano
mo malalamang
biro lamang ang
sinabi ng iyong
kausap?
Nakiusap ka na ba
sa iyong guro sa
anomang
pagkakataon sa
iyong buhay-mag-
aaral? Paano mo
ito ginawa?
Hindi lamang kaalaman sa
bokubularyo at sa pagbubuo
ng mga pangungusap batay sa
itinatakda ng gramatika ang
mahalaga para sa isang mag-
aaral ng wika. Mahalaga ring
matutuhan ang kasanayan sa
pagtukoy sa mga pakiusap ,
magalang na pagtugon sa mga
papuri o paumanhin,
pagkilala sa mga biro, at
pagpapadaloy ng usapan.
Samakatuwid,
kailangang matukoy
ng isang tao ang
maraming kahulugan
na maaaring dalhin ng
isang pahayag batay
sa ibat-ibang
sitwasyon (Lightbown
at Spada 2006).
Halimbawa ang tanong
na, “Sa iyo ba ang bag na
iyan?” ay maaring
mangahulugan ng:
Pagtitiyak sa kung sino
ang nagmamay-ari ng
bag
Papuri o pagkutya sa
bag
Pagkainis sa nakakalat
na bag
Ano ang kakayahang pragmatiko?
Ayon kina Lightbown at
Spada (2006)
Tumutukoy sa pag-
aaral sa paggamit ng
wika sa isang
partikular na
konteksto upang
magpahayag sa
paraang diretsahan o
may paggalang.
Ibig sabihin, ang isang
taong may kakayahang
pragmatiko ay mabisang
nagagamit ang yaman ng
wika upang
makapagpahayag ng mga
intensiyon at kahulugang
naayon sa konteksto ng
usapan at gayundin,
natutukoy ang
ipinahihiwatig ng
sinasabi, di-sinasabi at
ikinikilos ng kausap.
Ang konsepto ng Speech Act
Ayon sa pilosopo sa wika na si
J.L Agustin
Ang pakikipagusap ay
hindi lamang paggamit ng
mga salita upang
maglarawan ng isang
karanasan kundi
“paggawa ng mga bagay
gamit ang mga salita” o
speech act.
Halimbawa: pakikiusap,
pagtanggi, pagpapaumanhin,
pangangako, at iba pa.
TATLONG
SANGKAP NG
SPEECH ACT
Illocutionary Force
Sadyao
intensiyonal na
papel
Halimbawa:
pakiusap
utos
pangako
Locution
Anyong
lingguwistiko
Halimbawa:
patanong
pasalaysay
Perlocution
Epektosa
tagapakinig
Halimbawa:
pagtugon sa hiling
pagbibigay-atensiyon
Interlanguage Pragmatics
Ang pag-aaral sa kung
paano ang mga hindi taal na
tagapagsalita ng partikular
na wika at nagsimulang
matuto nito ay umuunlad
ang kakayahan sa
pagpapahayag ng kanilang
intensiyon sa pamamagitan
ng iba’t ibang speech act.
Dagdag pa rito,direktang
ipinapahayag ng di taal
na tagapagsalita ang
kanyang pagtanggi
kumpara sa taal na
tagapagsalita na
ipinapadadaan sa isang
alternatibong
suhestisyon ang hindi
pagsang ayon.
Halimbawa, sa mungkahing
kurso ng tagapayo, ang isang
di-taal na tagapagsalita ng
Ingles ay magpapahayag ng
“I think I’m not interested in
that course,” na kaiba sa
sasabihin ng taal na
tagapagsalita na nagbibigay
pa ng suhestiyon sa
anyong, “I think this other
course would better meet my
needs”.
BERBAL AT
DI BERBAL NA
KOMUNIKASYON
Sa paglilinang ng
kakayahang
pragamatiko,
mahalagang isaisip ang
pag iral ng dalawang uri
ng komunikasyon ang
berbal at di berbal na
komunikasyon.
Ang berbal na komunikasyon ay
ang uri ng komunikasyong
gumagamit ng salita sa anyong
pagsalita at/o pagsulat man.
Nagagawa ang paraang oral sa
pamamgitan ng pakikipag usap sa
kaanak,kaibigan,at kilala
pakikipagtalakayan sa kaklase , at
paglahok sa mga usapan sa
kumperensiya at seminar. Pasulat
naman itong napadadaloy sa mga
sulatin sa klase ,paglikha ng
blogpost ,pagbuo ng ng manifesto
at bukas na liham at iba pa.
Isa pang uri ng komunikasyon
ang di berbal na
komunikasyon.Ayon sa mga
pag aaral,lubhang napakalaki
ng elementong di berbal sa
pakikipag usap sa mga taong
napapaloob sa sariling kultura.
Sa katunayan,tinatayang 70
porsiyento ng isang
karaniwang kumberasyon ang
binubuo ng di berbal (Maggay
2002). Ang ibat ibang anyo ng
di berbal na komunikasyon ay
ang sumusunod:
1. Kinesika(Kinesics)
Tumutukoy sa
kilos o galaw ng
katawan. Bahagi nito
ang ekspresyon ng
mukha, galaw ng
mata,kumpas ng kamay,
at tindig ng katawan.
2. Proksemika(Proxemics)

Tumutukoy sa oras at
distansiya sa pakikiag usap.Ang
oras ay maaaring pormal gaya ng
mga terminong “ngayon na”, “sa
lalong madaling panahon”at
“mamaya na”.Ang distansiya
naman ay nagbabago rin depende
sa natamong ugnayan sa
kausap.Kapansin pansin ang mga
bagong magkakilala ay may mas
malaking distansiya kumpara sa
mga taong matalik na
magkaibigan.
3. Pandama o
Panghawak(Haptics)
Itunuturing na isa sa
mga pinakaunang anyo ng ng
komunikasyon.Kadalasang
nagsasaad ito ng positibong
emosyon o pakikiramay sa
mga hindi magandang
karanasan.Halimbawa nito ay
pagtapik sa balikat o
pagyakap sa kausap.
4. Paralanguage
Tumutukoy
sa tono ng tinig at
kalidad at bilis ng
pagsasalita.
5. Katahimikan o
Kawalang Kibo
Lubhang makahulugan
na karaniwang
ginagawa upang mag
isip at paghandaan ang
sasabihin , o dili kaya ay
magparating ng tampo o
sama ng loob.
6.Kapaligiran
Tumutukoy sa
pinagdarausan ng
pakikipag-usap at ng
kaayusan nito.
Mahihinuha ang
intensiyon ng kausap
batay sa kung saang lugar
niya nais makipag usap.
ANG KAGAWIANG
PANGKOMUNIKASYON
NG MGA
PILIPINO
Sa pag aaral sa kultura at
komunikasyon na isinasagawa ni
Maggay(2002),kaniyang binigyang
diin ang pagiging high contex ng
kulturang Pilipino.Ibig sabihin ,
mataas ang atingpagbabahagian
ng mga kahulugan kahit sa
pamamgitan ng pahiwatig.
Mapapansin ito sa kung paano
nating itinuturing ang
katahikikan o kawalang kibo
bilang malalim na pag iisipat
kung gayon ay lubhang
makahulugan.
Dagdag pa niya, ang pahiwatig ang
maituturing na pinakalaganap at
pinakabuod ng kulturang
pangkomunikasyon. Ito ay “isang
katutubong pamamaraan ng
pagpapahayag na di tuwirang
ipinaaabot ngunit nababatid at
nahihiwatigan sa pamamagitan ng
matalas na pakikiramdam at
matunog na pagbabasa ng mga
himaton;o ng mga verbal na
palatandaan kaakibat
nito”(p.25).maaaring ang
paghihiwatig ay berbal,di berbal ,o
kombinasyon nito. Kadalasang
ginagawa ito bilang pagsasaalang
alang sa damdamin at dangal ng
isang tao.
Narito ang ilang mga
salitang kaugnay ng
pahiwatig(Maggay
2002):

1.Mga salitang di
tuwirang pagtukoy o
palihis na
pagpapatama o
pagpupuntirya
a. Pahaging
isang mensaheng
sinadyang pagmintis at
ipinaalingawngaw
lamang sa paligid.
b. Padaplis
isang mensaheng
sadyang lihis sa layuning
matamaan ng bahagya
2. Mga salitang ang
pinatatamaan ng mensahe ay
hindi ang kausap kundi ang
taong nasa paligid at
nakakarinig ng usapan:

a.Parinig
malawakang ginagamit
upang maiparating ang
naisasaloob,hindi sa kaharap
na kausap kundi sa sinumang
nakikinig sa paligid.
b.Pasaring
mga berbal at di
berbal na pagpaparating
ng puna ,paratang ,at
iba pang mensaheng
nakasasakit sa mga
nakaririnig na kunwari
ay labas sa usapan.
3.Mga salitang kumukuha ng
atensyon sa pamamagitan ng
pandama:
a.Paramdam
isang mensaheng ipinaaabot
ng tao, o maging ng espiritu,
sa pamamagitan ng mga
ekspresyong nararamdaman
gaya ng pagdadabog,
pagbabagsak ng mga
kasangkapan, malakas na
pagsara ng pinto, kaluskos,at
iba pa.
b.Papansin
isang mensaheng may
layunin humingi ng atensyon
na kadalasang naipahahayag
sa pamamagitan ng
pagtatampo ,pagkabalidosa
sa pananamit at
pagkilos,sobra sobrang
pangungulit ,at iba pang
kalabisang kumukuha ng
pansin.
4. mga salitang nagtataglay ng
kahulugan na ang dating sa
nakaririnig ay napatatamaan
siya:
a.Sagasaan
pahayag na lumalagpas sa
hangganan sa pakikipag usap
na karaniwang tinututulan ng
nakikinig bilang isang paalala
na maaaring may
masaktan:”Dahan dahan at
baka makasagasa ka.”
b.Paandaran
mekanismo ng pahiwatig na
kadalasang nakapokus at
umiikot sa isang paksa na
hindi tuwirang maipahayag
subalit paulit ulit na
binabanggit tuwing may
pagkakataon at kadalasang
kinaiinisan ng nakikinig sa
pagsasabing ,”Huwag mo
akong paandaran.”
SALAMAT SA
PAKIKINIG BA!
GROUP 3
11-HUMSS
• GACULA
• PABLO
• VIGILLA
• GARIN
• LAGMAY
• MAULIT J.
• SARMIENTO

You might also like