You are on page 1of 29

MGA SITWASYONG PANGWIKA SA

PILIPINAS
(TELEBISYON, RADYO,DIYARYO,
SOCIAL MEDIA AT INTERNET)
MGA SITWASYONG PANGWIKA:
SA TELEBISYON, RADYO, DIYARYO, SOCIAL
MEDIA AT INTERNET
Ang sanayan na ito ay makatutulong upang higit mong malaman at
matutuhan ang wika sa iba’t ibang sitwasyon. Tatalakayin din dito ang mga
mahahalagang detalye kaugnay sa kalagayang pangwika sa ika-21 siglo.
Bilang tugon sa iyong pagkatuto, nakapokus ito sa mga sumusunod na
kompetensi:
 natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag
mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon (F11PN-IIa-88); at
 natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa
mga blog, social media posts at iba pa ( F11PB – IIa – 96).
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga
sumusunod na kaisipan. Tukuyin kung
ang mga sumusunod na kaisipan ay
tumutukoy sa katangian ng telebisyon,
radyo, diyaryo, social media at internet.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_________ 1. Tinuturing na
pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan.
_________ 2. Wikang Filipino ang
nangungunang wika sa AM o sa FM man
na istasyon.
_________ 3. Ang tabloid ay
kadalasang binibili ng masa o mga
karaniwang tao.
_________ 4. Maraming nanonood
dahil may cable o satellite connection
na ito.
_________ 5. Tinatangkilik ng manonood
dahil sa iba’t ibang programang
napapanood.
_________ 6. Gumagamit ng internet
connection o data para makakonekta.
_________ 7. Ang mga halimbawang
programang ipinapalabas dito ay mga
teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga
magazine show, news and public affairs, reality
show at marami pang iba.
_________ 8. Napapabilis ang komunikasyon
dahil sa mga apps.
_________ 9. Ang tawag sa mga
taong gumagamit nito ay netizen.
_________10. Napapakinggan lamang
ang mga programa sa estasyon ng
mga ito.
B. Panuto: Magbigay ng tatlong
apps na kadalasang ginagamit ng
tao sa social media. Iguhit ang
anyo at ibigay ang mga katangian
nito.
Pangalan ng Anyo Katangian
apps
C. Panuto: Alamin ang ibig
sabihin ng mga salitang daglat o
shortcut na usong-usong gamitin
sa FB, Twitter, Messenger at iba
pa.
1. OTW
______________________________________________
2. OOTD
_____________________________________________
3. LOL
______________________________________________
4. GBU
______________________________________________
5. HB
6. ILY
______________________________________________________
7. OMG
______________________________________________________
8. OIC
______________________________________________________
9. HM _________________________________________________
10. BTW
______________________________________________________
LINANGIN NATIN!

Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon


Ang midyum na wikang ginagamit sa mga palabas o programa
sa telebisyon ay wikang Filipino. Karamihan sa mga palabas sa
anomang oras ay ito ang wikang ginagamit sa pagpapahayag
maliban na lamang sa ilang news program na wikang Ingles ang
midyum na pinapalabas tuwing gabi kung saan tulog na ang
karamihan. Ngunit ang ilan lamang sa mga ito’y mga hindi
nangungunang estasyon kundi ilang lokal na news TV.
Dahil sa malaki ang impluwensya ng telebisyon sa mga manonood,
tinagurian itong pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan. Sa
tulong din ng paglaganap ng cable o satellite ay dumagsa ang mga
manonood, at nakatutulong ang wikang Filipino sa mga manonood upang
mapalawak ang kaalaman at pag-unawa sa pagsasalita ng lingua francang
Filipino. Bagamat mayroong mga programang lokal sa mga probinsya
gamit ang wikang rehiyonal hindi na kinailangan pang gumamit ng mga
subtitle o mag-dub at sagabal sa pag-unawa ng mga manonood dahil
nauunawaan na nang nakararami ang gamit ng wikang Filipino sa iba’t
ibang palabas na tampok ang mga programang kaugnay sa iba’t ibang
genre.
Sitwasyong Pangwika sa Radyo
Karamihan sa mga palabas sa mga estasyon ng AM o FM ay
gumagamit ng wikang Filipino at wikang rehiyonal, ngunit mas
nangunguna pa ring gamitin ang Wikang Filipino. Sa mga
estasyong lokal, sa tuwing may kinapanayam na mula sa ibang
lugar o taal na nagsasalita ng wikang Filipino ang ginagamit na
wika sa pakikipanayam ay ang lingua franca Nasyonal – wikang
Filipino. Nakatutulong ang radyo sa anumang sitwasyon para
maipabatid ang mga mahahalagang isyu kaugnay sa kalagayang
panlipunan at pandaigdigan.
Sitwasyong Pangwika sa Diyaryo
Ang diyaryo ay nahahati sa dalawa: tabloid at broadsheet
na naglalaman ng mga balita, pang-aliw at pangkaalaman.
Sa tabloid, ang midyum na wikang ginagamit ay Filipino;
samantalang sa broadsheet ay wikang Ingles. Ang tabloid ay
karaniwang binibili ng pangkaraniwang tao at nakasulat sa
wikang higit nilang maunawaan. Kung kaya mas
nakakaimpluwensiya ito sa nakararaming Pilipino. Tulad na
lamang ng Abante, Bulgar, Bandera, Remate, Hataw.
Karamihan sa mga mambabasa ay pampalipas oras lamang nila ang
pagbabasa nito. Ang pamamaraan ng paggamit ng wika ay hindi
pormal na wikang karaniwang mababasa sa broadsheet. Ang
headline ay nakasulat ng malaki at nagsusumigaw para makaagaw-
pansin sa mga target na mambabasa. Ang nilalaman naman nito ay
sensayonal at litaw ang paggamit ng mga barayti ng
wika.Samanatala, ang broadsheet ay naglalaman ng mga seryosong
pagbabalita. Tulad ng Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin, The
Manila Times, The Philippine Star. Higit sa lahat, saklaw rin nito ang
balitang internasyonal.
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet
Bata man o matanda ay aktibo ngayon sa paggamit ng social media at internet.
Dahil dito, mas napapadali ang komunikasyon ng bawat isa. Tulad na lamang ng
Twitter, Facebook, YouTube, Instagram, Tiktok at iba pang apps na napapanahong
gamitin sa kasalukuyan. Batid natin na kung gaano kabilis ang pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe ay ganoon din kabilis kumalat ang mga fake news at
paggamit ng mga fake account. Kaya’t mas maging maingat dapat ang mga tao sa
paggamit ng social media lalo na sa panahon ngayon na kapansin-pansing madali rin
ang paglaganap ng krimen tulad ng cyber bullying, hacking, scam. Sa paghahatid ng
mensahe at pagpo-post ng status at larawan ay maaari nang maipadala ng pribado
sa/mga taong padadalhan, subalit kailangan pa ring mag-ingat----Ika nga “Think before
you click!”
Napapanahon ngayon ang paggamit ng social
media sa mga online seller, ngunit dapat ding legit
ang pinagkukunan upang maiwasan ang
pagkakamali. Usong-uso rin ang paggamit ng mga
code switching o mga salitang pinaikli/dinaglat
tulad ng HM (How much?); OTW (On the Way); ILU
(I love you); RTW ( Ready to wear) at marami pang
iba.
Ang pag-online nang pagkuha ng mga impormasyon gamit
ang internet ay nakatutulong sa pagbibigay-kabatiran at
pananaliksik ng mga impormasyon ng mga mambabasa.
Subalit kinakailangan pa rin ang ibayong pag-iingat sa
pangangalap ng impormasyon gamit ang internet upang hindi
ito makapagbigay ng maling konklusyon lalo na sa pagkatuto.
Bagamat mayroon ng mga babasahin sa wikang Filipino,
nanatili pa ring pangunahing wika sa mga website sa internet;
at sa mga nakasulat, nababasa, napapanood at napakinggan
ng mga mambabasa sa internet ang wikang Ingles.
B. PANUTO: SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD
NA MGA PAMPROSESONG TANONG.

1. Ano-ano ang mga naidulot ng paggamit ng


telebisyon sa pang-araw-araw na gawi ng tao? ng
radyo? ng diyaryo? ng social media at internet?
2. Bakit ang telebisyon ang tinuturing na
pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan?
3. Bakit kaya Filipino ang wikang pinipiling
gamitin ng telebisyon at iba pang uri ng mass
media sa bansa? Paano ito nakatutulong sa
kanila?
4. Paano naiimpluwensyahan ng telebisyon ang
kalagayang pangwika ng isang lipunan? ng
radyo? ng diyaryo? ng social media at internet?
5. Paano mailalarawan ang sitwasyon ng
wikang Filipino sa iba’t ibang larangan sa
kasalukuyang panahon? Sa paanong paraan
ka makakatulong upang higit na mapaunlad o
mapalaganap pa ito?
PAGYAMANIN NATIN

A. Panuto: Magtala ng mga


programang napanood sa telebisyon
na may malaking naitulong sa
pagpalawak ng iyong kaalaman sa
sitwasyong pangwika
PROGRAMA TUNGKOL SA. . . NATUTUHAN KO. . .
B. Panuto: Manood at makinig ng mga
palabas sa telebisyon at itala ang mga
natuklasang kaisipan ukol dito.
Paalala: Isang pamagat ng palabas lamang
ang isulat sa bawat kahon.
Palabas Midyum na Kahalagahan Estilo ng
Wikang ng Programa Pagpapahayag
Ginagamit
MARAMING SALAMAT. . .

You might also like