You are on page 1of 1

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, AT ESPIRITU SANTO. AMEN.

Panginoon po naming Diyos,


Salamat po ng napakarami,
Dahil ligtas mo po kaming tinipon sa dakong ito
Upang makapag-aral po kami ngayon.
Sana linisin mo po anuman ang nakita mong hindi mabuti sa aming mga puso.
Patawarin mo po kami sa aming mga kasalanan.
Ihanda mo ang aming pag-iisip sa pagtanggap ng mga karunungan
Upang lalo naming maunawaan ang ituturo sa amin ngayon
Lalo mo pong tulungan ang aming mahal na guro
Pagpalain mo po siya sa kanyang walang sawang pagmamalasakit sa amin
Magiging masaya nawa sila sa kanyang pagtuturo
At kami naman ay handang makinig sa kanyang ituturo
Ingatan mo po kaming lahat sa buong panahon ng pag-aaral
Sa inyo po lahat ng kapurihan Hinihingi po namin ang lahat ng ito
Sa pangalan ni Hesus na aming
Dakilang Tapapagligtas. Amen...

SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, AT ESPIRITU SANTO. AMEN. 

Diyos na Banal, maraming salamat po sa pagkakataong ibinigay ninyo sa aming lahat upang
makapag-aral. Salamat po sa pagbibigay ninyo sa amin ng isang guro na matiyagang
hinuhubog ang aming isipan sa araw-araw. Salamat din po sa aming mga magulang sa patuloy
na pagkakaloob sa amin ng aming mga pangangailangan.

Gabayan naman po ninyo kami upang makita ng aming mga mata ang mga aral na ibinibigay
ng aming tagapagturo. Bigyan ninyo po kami ng talas ng isip upang matalos ang mga bagay na
kailangan naming malaman. Patnubayan mo po kami sa aming landas na piniling lakarin. Wala
po kaming magagawa kung wala ang inyong tulong at mga pagpapala.

Gabayan din naman ninyo ang aming guro upang maibigay niya ng lubusan ang mga paliwanag
na aming kakailanganin sa pagharap sa kinabukasan. Bigyan din naman ninyo siya ng
matiyagang kalooban upang mapatawad ang aming pagkukulang.

Sa harap ninyo at sa inyong bugtong na anak, inaalay namin ang araw na ito. Amen.

You might also like