You are on page 1of 3

Masusing Banghay Aralin

Sa Araling Panlipunan 4

Takdang Panahon: 1-3 Araw (Q1)

I. Layunin
Matatalakay mo ang konsepto ng bansa
Mabubuo mo ang kahulugan ng bansa
Maipapaliwanag mo na ang Pilipinas ay isang bansa

II. Paksa

Paksang Aralin: Ang Pilipinas ay Isang Bansa


Kagamitan: mapa ng Asya at mundo, panulat
Sanggunian: Learner’s Material, p. 2–7, K to 12 – AP4AAB-Ia-1; AP4AAB-Ib-2; AP4AAB-Ib3

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pangganyak

*Ipalaro ang “Sakay, Lakbay, Salakay!” (likhang laro ni Ynnos Azaban)


Magkakayaon kit uyag nga gesusugad nga “Sakay, Lakbay, Salakay”
Makuha kam one fourth sa iyo papel, surati niyo sa ngaran sa bansa nga aram niyo maliban la sa Pilipinas.
Magporma kam sin circle nga kada sayo naa atubang sa sulod sa circle. Ibutang sa sulod an mga papel sa circle nga porma
nga iyo genhemo. Adi ak mapwesto sa sulod sa circle, pag ginsugad ko nga “sakay!” kinahanglan niyo tumalikod ngan
kun ginsugad ko nga “Lakbay!” kinahanglan niyo maglakaw patalibong pakadto sa too nga direksiyon. Kapag ginsugad
ko nga “Salakay!” kinahanglan na niyo tumuko ngan matut-ong sa mga papel nga may nakasuratnga ngaran san bansa.
An bata nga waray matut-ongan nga papel, matatanggal na sa uyag.
a. Sabihin sa mga mag-aaral na kumuha ng ikaapat na bahagi ng papel. Pasulatan ito ng pangalan ng bansa na
alam nila maliban sa Pilipinas. Tanggapin kung may magkapare-parehong bansa.
b. Sabihan silang bumuo ng malaking bilog na ang bawat isa ay nakaharap sa loob nito. Ipalapag sa sahig sa
tapat nila ang mga papel na may nakasulat na pangalan ng bansa.
c. Pupuwesto ang guro sa loob ng bilog. Sabihan sila na kapag sinabi ng guro na “Sakay!” kailangan nilang
tumalikod at kapag sinabing “Lakbay!” kailangang lumakad paikot sa kanan ang mga mag-aaral (habang
ginagawa ito ng mga mag-aaral, magbabawas ng isang papel ang guro). Kapag sinabi ng guro ang “Salakay!”
kailangang huminto ang mga mag- aaral at tatapat sa mga papel na may nakasulat na bansa. Ang mag-aaral
na walang matatapatang papel ay hindi na kasali sa laro at uupo na.
d. Maaaring gawin ang laro sa loob ng 3–4 na minuto.
e. Bigyan ng mas mataas na puntos sa pakikilahok at palakpak ang mga mag-aaral na matitira sa laro.
* Itanong:
Ano-ano ang mayroon sa laro na inyong ginawa?
Nano man iyo ginhemo sa iyo uyag?
Kung wala ang mga bagay na bumubuo sa laro, magagawa kaya ang laro?
Kun wara an mga butang nga gingamit ta sap ag uyag, makaka-uyag kit kaya?
Sa mga natanggal sa laro, ano ang naramdaman ninyo?
Sa mga natanggal sa uyag, nano man iyo naramdaman?
Sa mga nanatili sa laro, ano ang naramdaman ninyo?
Sa mga api pa sa uyag, nano man iyo naramdaman?
Bakit mahalagang makapuwesto ka sa tapat ng papel na may nakasulat na bansa?
Kay nano nga importante nga nakatut-ong ka sa papel nga may nakasurat nga ngaran san bansa?
* Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral.
Mga maaaring sagot…

f. Tao o manlalaro, papel na may nakasulat na salitang bansa, sahig kung saan nakapuwesto ang papel.
g. Maaaring hindi, dahil kailangan ng manlalaro at ng papel na nakalagay sa sahig.
h. Nalungkot dahil hindi na ako kasali sa laro.
i. Masaya dahil may puwesto ako lagi. Masaya dahil may bansa ako na napuwestuhan.
j. Kasi hindi ako natatanggal sa laro. Kasi may puwesto ako lagi.
*Tulad ng ating nilaro, may mahahalagang bagay na kailangan upang matawag na bansa ang isang lugar. Iyan ang pag-
aaralan natin ngayon.
Pareho saat gin uyag, mayda mga importante nga butang nga kinahanglan basi masugad nga bansa an sayo nga lugar.
Mao iton an aton pag aadman yana.

2.Paglalahad

Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi. Ang isang bansa ay
maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa—tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na
kalayaan o soberanya.
*An bansa sayo nga lugar nga mayda naistar nga mga grupo sin tawo nga mayda parapreho nga kultura nga kun maiimud
o mapapansin niyo nga papreho an kanra panlata, relihiyon ngan lahi. An sayo nga bansa maituturing nga bansa kun
Ang tao ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa.
Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas
nito. Ito rin ang tinitirhan ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan.
Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
Ang soberanya o ganap na kalayaan ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kaniyang
nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
Dalawa ang anyo ng soberanya—panloob at panlabas. Ang panloob na soberanya ay ang pangangalaga ng sariling kalayaan.
Ang panlabas naman ay ang pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito.

Hindi maituturing na bansa ang isang bansa kung may isa o higit pang kulang sa alinman sa apat na binanggit na
elemento o katangian. Sa kasalukuyan, may mahigit 200 bansa ang nagtataglay ng apat na elemento ng pagiging ganap na
bansa. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang ito. Ilan pang lugar sa mundo na maituturing na bansa ay ang United States of
America, Australia, United Kingdom, Saudi Arabia, at China.
B. Panlinang Na Gawain
1. Gawain
Hatiin ang pangkat sa tatlo.

Pangkat 1

*An una nga grupo an iyo hehemuon, bubutangan niyo tsek an kada numero kun nagpapatunay nga an Pilipinas sayo
nga bansa ngan ekis naman kun dire.
Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek ang bawat bilang ng pangungusap na nagpapatunay na ang Pilipinas ay
isang bansa at ekis naman kung hindi nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa.
___1. May mahigit sa 100 milyong tao ang naninirahan sa Pilipinas.
___2. Ang Pilipinas ay hindi maaaring pakialaman ng ibang bansa.
___3. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo ng mahigit sa 7 100 isla.
___4. May pamahalaan ang Pilipinas na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
___5. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iba’t ibang wika.

Pangkat 2

Iguhit ang saranggola at isulat sa apat na bahagi ng saranggola na may bilang ang mga elementong dapat mayroon ang isang
lugar para matawag itong bansa. Ipaliwanag ang bawat isa.
*Igdrowing an banog-banog ngan isurat sa kada parte san banog-banog nga mayda numero an mga element nga dapat
mayaon an sayo nga lugar basi matawag nga bansa.

Pangkat 3
Basahin ang maikling tula. Bilugan ang mga salitang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa.

Pilipinas, Isang Bansa


ni Ynnos Azaban

Pilipinas, isang bansa


Tao’y tunay na malaya
Mayroong namamahala
May sariling teritoryo
Para talaga sa tao.
Bawat pangkat ay ilalahad ang kanilang ginawa.
2. Pagtalakay

Ano ang kahulugan ng bansa?


Nano an karuyag sidngon sa bansa?
Paano masasabing ang isang lugar ay isang bansa?
Paonan-o mo masusugad nga an lugar sayo nga bansa?
Ano-ano ang katangian ng isang lugar para masabing isa itong bansa?
Mga nano an katangian san sayo nga lugar basi masugad nga bansa?
Bakit maituturing na isang bansa ang Pilipinas?
Kay nano nga maituturing nga sayo nga bansa an Pilipinas?

3. Paglalahat
Ano ang kahulugan ng bansa?
Nano an karuyag sidngon sa bansa?
Paano mo masasabing ang Pilipinas ay isang bansa?
Paonan-o mo masusugad nga an Pilipinas sayo nga bansa?

4. Pagtataya

Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar para maituring na isang bansa.
Gawin ito sa sagutang papel.

___1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.


___2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa.
___3. Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang.
___4. May sariling pamahalaan .
___5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito.

IV. Ebalwasyon

Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at malungkot na mukha kung mali. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Pilipinas ay isang bansa.
2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.
3. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para maging isang bansa ang isang lugar.
4. Ang Thailand ay maituturing na isang bansa dahil ito ay malaya, may sariling teritoryo at pamahalaan, at may mga
mamamayan.
5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling pamahalaan ay hindi maituturing na bansa.

V. Takdang-Aralin

Ang bandila ng Pilipinas ay isang simbolo ng bansa. Iguhit ang bandila sa papel. Isulat sa itaas na bahagi ang sarili mong
pagpapakahulugan sa isang bansa. Isulat naman sa ibabang bahagi ang dahilan kung bakit isang bansa ang Pilipinas.

You might also like