You are on page 1of 1

PANALANGIN PARA SA KAPAYAPAAN

Panginoon ng Kapayapaan, kami’y dumudulog sa Iyo sa aming pangangailangan


sa gitna ng mapanirang kapangyarihan ng karahasan at terorismo.

Itulot Mo na ang aming mga pamayanan ay maging kanlungan ng kabutihan,


katarungan, katotohanan, pag-ibig at kapayapaan.

Patawarin Mo kami sa aming pagkukulang na itaguyod ang pagkakasundo at


kapayapaan.

Kung saan may marahas na tunggalian, magkapitbisig nawa kami para sa


kapayapaan bilang magkakapatid.

Kung saan may kasaganahan at kalabisan, magkaroon nawa ng payak na


pamumuhay at pagbabahaginan.

Kung saan may kahirapan at pagdarahop, magkaroon nawa ng marangal na


pamumuhay at pagsisikap tungo sa makatarungang panuntunan.

Kung saan may kasinungalingan at pagkukunwari, palayain nawa kami ng iyong


Katotohanan.

Kung saan may paghihiganti, magkaroon nawa ng paghihilom at pagpapatawad.

Tulungan Mo nawa kaming magtalaga ng sarili sa Mabuting Balita ng kapayapaan.


Ipagkaloob Mo sa amin ang Espiritu ng paggalang, awa at pagmamalasakit. At
idulot Mo nawa ang pagsibol ng kapayapaan at pagkakasundo ng lahat,
magpasawalang hanggan. Amen.

Maria, Ina ng Kapayapaan, ipanalangin mo kami.

You might also like