You are on page 1of 12

ANG BANAL NA MISA PASASALAMAT PARA SA PAGTATAPOS NG

MGA MAG - AARAL

Pambungad na Pananalita:

Isang Mapagpalang araw sa ating lahat, tayo ay nagkakatipon bilang isang pamilya sa hapag ng ating
Panginoon, upang ipahayag ang taos-pusong pasasalamat sa mga biyayang kanyang ipinagkaloob sa
atin. Ang nakalipas na dalawang taon ay panahon na punong – puno ng pagsubok sa ating lahat, lalo
na sa ating mga mag – aaral na magsisipagtapos ngayon at sa kanilang pamilya. Ngunit, sa biyaya ng
ating Poong Maykapal, at sa pagpupunyagi ng bawat magulang na itaguyod ang bawat mag – aaral,
ang lahat nang ito ay kanilang napagtagumpayan.

Gayunpaman, ang seremonya ng pagtatapos ay hindi katapusan ng ating pagpapagal lalo’t higit sa
mapanghamong panahon dala ng pandemya, Bagkos, ito ang simula ng bagong ;buhay-bagong
buhay na haharap sa panibagong pagsubok, panibagong responsibilidad, bagong buhay kaakibat ng
isang misyon.

Kung kaya, ngayong araw na ito ay isang napakahalaga at makahulugan sa bawat isa sa atin, pagkat
sa kauna- unahang pagkakataon, tayo ayt muling nagkatipon bilang pamilya ng Diyos, upang
ipahayag ay lubos na papuri at pasasalamat. Ating Ialay ang Banal na Misa na ito para sa bawat isa sa
atin na nandito, lalo na para sa mga magsisipagtapos, sa knilang mga Guro na walang sawang
gumabay sa kanila, para sa mga namamahala ng ating paaralan, lalong lalo na sa ating butihing
punong – guro, Dr. Almarion N Aurelio, at ang Ina ng Senior High School Community, Mrs. Ma.
Rhodora Maliao, at sa lahat ng mga magulang kamag – anak na dumalo ngayon upang makasama sa
ating pagpupugay at papuri sa ating Diyos na Maylikha.

Sa ngayon, pag-isahin natin ang ating puso at isipan upang magkasama bilang isang komunidad ng
pananampalataya, pag-asa at pag-ibig upang ipagdiwang ang Banal na Eukaristiya sa pasasalamat sa
mga biyaya ng Maykapal sa ating buhay, lalong lalo na sa pagmamahal, pag-aaruga at sakripisyo ng
ating mga magulang,tagapangalaga, guro at sa mga tagapangasiwa ng paaralan.
Sana ang lahat ng pagsisikap sa pagtuturo sa atin sa mga taon ay magbunga nang mabuti.

At bilang pagsisimula, tayo ay magsitayo at Samahan natin ang ating koro sap ag awit ng pambungad
na awit, at salubungin nating ang mangunguna sa ating banal na misa, si Reberendo Padre Peter
HIquilan.

PAMBUNGAD NA AWIT
BAYAN UMAWIT
(CHORUS)
Bayan umawit ng papuri, Sapagkat ngayon ika'y pinili
Iisang bayan, iisang lipi, Iisang Diyos, Iisang hari
Bayan umawit ng papuri
Bayan umawit ng papuri

1. Mula sa ilang ay tinawag ng Diyos


Bayang lagalag inangkin ng lubos
Pagkat kailan may 'di paba bayaan
Minamahal N'yang kawan
(Rep.Chorus)
Panginoon aming manliligtas
Sa kagipitan S'yang tanging lakas
Pagka’t sumpa nya'y laging iingatan,
Minamahal N'yang bayan

Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng anak, at ng Espiritu Santo.

Commentator: Amen

P. Sumainyo ang Panginoon.

Commentator. At sumainyo rin.

P. Mga kapatid, aminin nating ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat
sa pagdiriwang ng banal na paghahaing ito.

KORO:
Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.

P. Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


Patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
At patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Commentator. Amen.

PANALANGING PAMBUNGAD

P. Manalangin tayo. (mula sa Aklat ng Pagmimisa)

Ama naming makapangyarihan… sa pamamagitan ni Hesukristo


kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Commentator: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA (mula sa Aklat ng mga Pagbasa)

Pagbasa mula sa Libro ni Propeta Jeremias 29:10-11

Ang Salita ng Diyos.


Commentator. Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Response:
of all

Aklamasyon:
ALELU, ALLELU ALLELUYA (2X)
PURIHIN ANG DIYOS, ALLELUYA (2x)

MABUTING BALITA

P. Sumainyo ang Panginoon.

B. At sumainyo rin.

P. + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 25:14-30)

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

B. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo

HOMILIYA

CREDO

Sumasampalataya ako sa Diyos


Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya
lalang ng Espiritu Santo, ipina-
nganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao. Nang may ikatlong araw
nabuhay na mag-uli. Umakyat sa
langit. Naluluklok sa kanan ng
Diyos Amang makapangyarihan
sa lahat. Doon magmumulang
paririto at huhukom sa nangabu-
buhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman
ako sa Diyos Espiritu Santo, sa
banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng na-
ngamatay na tao at sa buhay na
walang hanggan. Amen!

PANALANGING PANGKALAHATAN
Pari: Mga kapatid,
halina’t manalangin nang buong pananalig
sa Diyos Amang makapangyarihan.
Sa bawat kahilingan ang ating itutugon,
“Panginoon, dinggin Mo kami.”

Commentator: Panginoon, dinggin mo kami.

Namumuno:
Para sa mga namumuno sa ating Simbahan
upang sila ay maging tunay na lingkod at huwaran.
Manalangin tayo sa Panginoon.

Commentator: Panginoon, dinggin mo kami.

N. Para sa mga namumuno sa ating pamahalaan at bayan


Upang laging isaalang-alang ang kapakanan ng tanan,
Higit sa lahat ng mga dukha at nahihirapan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

Commentator: Panginoon, dinggin mo kami.

N. Para sa mga magsisipagtapos, nawa ay patnubayan sila ng Panginoon sa panibagong


tatahaking landas ng kanilang buhay. Manalangin tayo sa Panginoon

Commentator: Panginoon Dinggin mo kami.

N. Para sa mga Magulang, nawa ay patuloy silang pagpalain ng Diyos at gawaran sila ng mabuting
kalusugan, upang patuloy nilang magampanan ang tgungkulin nila bilang magulang. Manalangin tayo
sa Panginoon.

Commentator: Panginoon Dinggin mo kami.

N. Para sa mga namamahala sa ating paaralan at sa mga guro, nawa ay umapaw ang biyaya ng
pagmamahal at pagkalinga sa kanila upang patuloy nilang maipadama ang pagmamahal ng Diyos sa
mga mag – aaral. Manalangin tayo sa Panginoon.

Commentator: Panginoon dinggin mo kami

N. Para sa mga maysakit, may suliranin, at may Iba’t-ibang pangangailangan sa buhay


Na tapat na umaasa sa Diyos. Manalangin tayo sa Panginoon.

Commentator: Panginoon, dinggin mo kami.


N. Para sa mga yumao nating kapatid
At sa lahat ng mga kaluluwa sa Purgatoryo.
Manalangin tayo sa Panginoon.

Commentator: Panginoon, dinggin mo kami.

N. Tahimik nating idalangin ang ating


Mga pansariling kahilingan para sa sarili at
Sa mga mahal sa buhay.
(sandaling katahimikan)
Manalangin tayo sa Panginoon.

Commentator: Panginoon, dinggin mo kami.

P. Ama naming mapagkalinga, dinggin mo po ang pagsusumamo ng iyong bayan at lingapin kami
ng
Iyong pag-ibig at kapayapaan sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristong Anak mo, kasama
mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Commentator: Amen.

AWIT SA PAG-AALAY

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


(tahimik na paghahaluin ng pari ang alak at tubig)

P. Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

B. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

P. Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob,
narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay
ng iyong Espiritu.

B. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha


nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Pagkatapos ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.

P. Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Commentator: Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN SA MGA ALAY (batay sa Aklat sa Pagmimisa)

P. Ama naming… magpasawalang hanggan.

Commentator: Amen.

PAGBUBUNYI O PREPASYO
(batay sa Aklat sa Pagmimisa – angkop sa okasyon)

P. Sumainyo ang Panginoon

Commentator:. At sumainyo rin.

P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Commentator: Itinaas na naming sa Panginoon.

P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Commentator: Marapat na siya ay pasalamatan.

P. Ama naming makapangyarihan…

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

B. SANTO
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos na makapangyarihan
Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo
Osana sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon
Osana sa kaitaasan

PANALANGING EUKARISTIKO II

P. Ama naming banal,


Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu
gawin mong banal ang mga kaloob na ito

Upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo +


ng aming Panginoong Hesukristo.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hinawakan niya ang tinapay,
pinasalamatan ka niya,
pinaghati – hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa kanyang mga
alagad
at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALAALA SA AKIN.

Pari. Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

KORO Aming Ipinahahayag, na namatay ang Yong anak


e
Para mahayag sa Lahat.

P. Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag – alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay naming sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni N., na aming Papa,
at ni N., na aming Obispo
at ng tanang kaparian.

Alalahanin mo si N., na tinawag mo


mula sa daigdig na ito.
Noong siya’y binyagan,
siya’y nakaisa ni Kristo sa pagkamatay.
Ngayong siya’y pumanaw,
nawa’y makaisa siya ni Kristo sa pagkabuhay.

Alalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila
ay patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal.
Na namuhay dito sa daigdig
nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa naming
ang pagpupuri sa ikararangal mo,

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Sa pamamagitan ni Kristo,
kasama niya, at sa kanya
ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

KORO: Dakilang Amen.

Amen, amen, amen. Amen Aleluya. Purihin ang Diyos, Purihin ang Diyos, amen Aleluya.

ANG PAKIKINABANG

Ipahahayag ng pari nang magkadaop ang mga kamay:

P. Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


At turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
Ipahayag natin nang lakas-loob:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw – araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw – araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

KORO. Sapagka’t iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.

P. Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
asama ng Espiritu Santo
magpasawalang – hanggan.

Commentator: Amen.

P. Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Commentator:. At Sumainyo rin.

P. Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

KORO:
Kordero ng Diyos,
na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

(Magdaraop ang mga kamay ng pari sa pabulong ng pagdarasal

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot
ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
Alang – alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob
mong lunas.

Pari:
ITO ANG KORDERO NG DIYOS,
ITO ANG NAG-AALIS NG MGA KASALANAN NG SANLIBUTAN.
MAPALAD ANG MGA INAANYAYAHAN
SA KANYANG PIGING.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Commentator: Panginoon, hindi ako karapat-dapat


na magpatuloy sa iyo
nguni’t sa isang salita mo lamang
ay gagaling na ako

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

AWIT SA PAKIKINABANG:

Sa bawat nakikinabang sasabihin ng pari:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

P. Manalangin tayo. (batay sa Aklat ng Pagmimisa)

Ama naming… magpasawalang hanggan.

B. Amen.

PAGBABASBAS

P. Sumainyo ang Panginoon

B. At sumainyo rin.

P. Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos


(+) Ama, Anak at Espiritu Santo
B. Amen.

P. Tapos na ang Misa. Humayo kayo sa kapayapaan.

B. Salamat sa Diyos.

PANGWAKAS NA AWIT

You might also like