You are on page 1of 1

2020: Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples

Panalangin para sa Taon ng Ekumenismo,


Interrelihiyong Diyalogo, at mga Katutubo
Diyos na Makapangyarihan, Laging Nabubuhay, Maawain at
Mapagmahal,
kami ay nagpapasalamat sa biyaya ng sangnilikha
at sa buhay na ipinagkaloob mo sa amin.

Kami ay mga taong may ibat-ibang relihiyon,


pagpapahayag ng pananampalataya, at mga katutubong tradisyon,
na tumatawag sa iyo sa iba’t ibang ngalan.
Nagpapakumbaba kami na humihingi ng pagkakataon sa iyo
upang makatagpo namin ang isa’t isa sa pamamagitan ng dayalogo,
lumapit nang may paggalang at pagtanggap sa isa’t isa,
at gibain ang mga pader ng pagkakawatak-watak
na nakatayo sa gitna ng aming di pagkakaunawaan at di
pagkakasundo.

Gamitin kami bilang mga instrumento ng iyong Liwanag, Pag-ibig at


Kapayapaan.
Gabayan kami sa pagtahak sa iyong daan
at maging bukal ng aming pag-asa
upang matuklasan namin ang iyong Banal na Presensya sa bawat isa.

Ipakita sa amin ang daan tungo sa pagkakasundo at pagkakaisa


upang maabot namin ang kaganapan ng pagkakapatiran.
Pagkalooban kami ng karunungan
upang aming mapagnilayan ang Katotohanan
at malayang piliin kung ano ang tama at makatarungan
upang makabuo kami ng isang daigdig na mas mainam panahanan.

Sama-sama naming hinihiling ang karunungan at lakas ng loob


upang tupdin ang iyong kalooban na kami ay maging isa.
Amen.

You might also like