You are on page 1of 2

Wikang Filipino…Sagisag ng Pagka-Pilipino

Tagalungsod, tagalalawigan, ang iba’y nagbalikbayan

Isang lahing kinamulatan, sa isang bansang isinilang,

May sariling wika na sa puso at isipa’y nakapunla

Liping hindi ikakahiya dahil sa Pilipinas tayo nagmula.

Wikang Filipino, hatid sa madla’y karunungan

Sumasalamin sa kalinangan at damdaming Makabayan,

Tulay na nag-uugnay sa pagpapahayag ng kaisipan

Nagsisilbing kawing tugon sa pag-uunawaan.

Wika’y pundasyon sa karunungang pantao

Tagapaghatid ng kaalaman at katangian ng Pilipino,

Mahalaga sa usapan at pangangatwirang totoo

Marapat na pahalagahan para sa kaunlaran at pagbabago

Matagal ng usapin pagpapaunlad sa wika ng bayan

Dahil lubos na niyakap, wikang nagmula sa dayuhan,

Dayuhang dumusta, ginulo ang isapan

Kaya ng tayo’y lumaya, Nawala sariling pagkakakilanlan.

Sa ganitong kalagayan, dalubwika may mithiin

Masusing pinag-aaralan pag-unlad ng wika natin

Para matutunton ang kaganapan ng lahat ng naisin

Ang mapayabong pa ang lahat ng mga wikain.


Upang matugunan ang suliranin ng sambahayan

Wikang magbibigkas,siya natin kailangan

Kung wikang Filipino ang gagamitinsa araw-araw

Tiyak itong epektibo, mga gawa’y makabuluhan.

Wika nati’y yayabong kung tatanggapin ang pagbabago

Na gamitin ang diyalekto at salitang hiram sa kausap mo,

May batas na nagpapahintulot nap ag-aralan ang mga ito

Huwag lang kakalimutan ang wika nati’y Filipino.

Sagana ang Pilipinas sa mga katutubong wikain

Iba-iba ang bigkas at diin ngunit itp’y Filipino pa rin,

Saanman dako ng bansa Malaya nating gamitin

Ilokano, Sambal, Ivatan, Ifugao na sariling atin.

Kilos na kababayan, wika natin ipagmalaki

Ito na ang panahon ng ating pagbubunyi.

Ngayon ay buwan ng mga wikang tatak ng ating lahi.

Wikang Filipino…wika ng liping kayumanggi.

You might also like