You are on page 1of 1

Sa pagtatapos ng ating pagdiriwang ng Araw ng Wika, nais kong magpasalamat sa bawat isa sa

inyo na nagbahagi ng inyong panahon at pagmamahal sa ating wika at kultura. Ang araw na ito
ay hindi lamang isang pagdiriwang ng mga salita, kundi pati na rin ng ating pagkakakilanlan
bilang mga Pilipino. Sa pagpapahalaga at pagmamahal natin sa ating wika, patuloy nating
pinapalakas ang pundasyon ng ating bayan. Mangyaring tandaan natin na ang ating wika ay daan
patungo sa pagkakaisa at tagumpay. Mabuhay ang Filipino! Mabuhay ang ating wika! Maraming
salamat at magandang araw sa inyong lahat.

Tagalungsod, tagalalawigan, ang iba'y nagbalikbayan Isang lahing kinamulatan, sa isang bansa
isinilang. May sariling wika na sa puso at isipa'y nakapunla Liping hindi ikahihiya dahil sa
Pilipinas tayo nagmula.
Wikang Filipino, hatid sa madla'y karunungan Sumasalamin sa kalinangan at damdaming
makabayan, Tulay na nag-uugnay sa pagpapahayag ng kaisipan Nagsisilbing kawing tugon sa
pag-uunawaan.
Wika'y pundasyon sa karunungang pantao Tagapaghatid ng kaalaman at katangian ng Pilipino.
Mahalaga sa usapan at pangangatwirang totoo Marapat na pahalagahan para sa kaunlaran at
pagbabago
Matagal ng usapin pagpapaunlad sa wika ng bayan Dahil lubos na niyakap, wikang nagmula sa
dayuhan, Dayuhang dumusta, Oo! Dumusta! Ginulo ang isipan Kaya ng tayo'y lumaya, nawala
sariling pagkakakilanlan
Sa ganitong kalagayan, dalubwika may mithiin Masusing pinag-aaralan pag-unlad ng wika natin
Para matunton ang kaganapan ng lahat ng naisin Ang mapayabong pa ang lahat ng mga wikain.
Upang matugunan ang suliranin ng sambayanan Wikang Filipino, siya nating kailangan Kung
wikang Filipino ang gagamitin sa araw-araw Tiyak itong epektibo, mga gawa'y makabuluhan
Wika nati'y yayabong kung tatanggapin ang pagbabago Na gamitin ang diyalekto at salitang
hiram sa kausap mo. May batas na nagpapahintulot na pag-aralan ang mga ito Huwag lang
kalilimutan ang wala nan y Filipino
Sagana ang Pilipinas sa mga katutubong wikain Iba-iba ang bigkas at iba-iba ang din ngunit ito'y
Filipino pann, Saanman dako ng bansa malaya nating gamitin Ilokano, Sambal, Ivatan, Ifugao na
sariling wika atin
Kilos na kababayan. Kumilos ka! Ito na ang panahon ng ating pagbubunyi. Kilos na kababayan,
Kumilos ka! Ngayon ay buwan ng mga wikang tatak ng ating lahi. Kilos na kababayan, Wikang
Filipina wika ng liping kayumanggi

You might also like