You are on page 1of 2

Halina't Pagyamanin,

Tangkilikin, at Gamitin,
Hindi lang Ingles maski
Wikang Sariling Atin!"
Magandang araw, sa inyong lahat kami ay mga magaaral sa De La Salle Lipa at
naaatasan kaming gumawa ng blog na naglalaman ng isyu ukol sa wika. Mula sa
seksyong D1B; Megu Hayashi, Renz Hernandez at Mejia Maligaya. Nawa'y
may matutunan kayo sa aming inihandang blog para sa Sambayanang Pilipino.
Martes, Setyembre 22, 2015

Bakit ba mahalaga pahalagahan ang sariling wika?


Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika?
Ipinagdiriwang mo ba ang iyong sariling wika? Ginagamit mo ba ang sarili mong wika?
Ito ang mg tanong na di mawari sa aking isipan.

Bilang isang tao binigyan tayo ng isipan ng Panginoon upang gamitin at ipalaganap.

Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw,
kilos, at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay
katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay
nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika
nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa.
Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay
sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na
gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino
ay ikinakahiya ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at
mahal raw nila kanilang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa
dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga
banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin
na ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay dahil
tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga
talaga ang ating Wikang Pambansa gagaamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo
magpunta.

Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang nangunang
maghubog ng Wikang Pammbansa na Wikang Filipino. Marami tayong wika dito sa bansa
katulad ng Cebuano, Boholano, Ilocano ,Tagalog, at iba pa. Marami tayong iba’t-ibang wika
dahl sa archepilagong hugis ng ating bansa . Layu-layo ang mga lugar at isla na bumubuo
nito . Hindi madali ang kay Mannuel L. Quezon at iba pangtagapamahala ng gobyerno na
pumili at nagtalaga nang ating sariling Wika dahil maraming hindi desidido at hindi sang-
ayon dito. Hanggang nakapagdesisyon na ang madla na nang magiging Wikang Pambansa
ay ang Wikang Filipino.

Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang isang mamamayang Pilipino
isa tayo sa mga taong nagdiriwang nito. Bumabalik tanaw tayo sa ating kasaysayan kung
paano nabuo ang Wikang Filipino. Maraming mga gawain ang bawat paaralan sa
pagdiriwang. May iba’t-ibang patimpalak isa na rito ang tula, paggawa ng sanaysay, mga
sayaw at iba pa. Sa buwang ito mas naiintindihan nating mga Pilipino ang kahalagahan ng
Wikang Filipino. Hindi lamang sa buwan ng Agosto magdiriwang kundi dapat araw-araw
dahil ginagamit natin ang ating wika bawat segundo, minuto at araw sa ating buhay.
Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino
dahil sa ang Wikang Ingles ay ang pangunahing lenggwahe na mas ginnagamit nang
karamihan kahit saan man sila magpunta sa mundo. Pero para sa akin at sa mga taong mas
nakakaintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay ang Wikang Filipino parin ang
napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang Pilipino, makakaya
nating mapaunlad ang ating sariling bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang ating
gamitin katulad ng bansang Japan, mas pinahahalagahan nila ang kanilang sariling wika
kaysa sa ibang wika kahit ganito napapaunlad parin nila ang kanilang bansa at ngayon isa
ang kanilang bansa sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo.
Sabi pa nga g ating bayani na si Dr. Jose Rizal ” Ang hindi marunong magmahal sa
sariling wika ay higit pa sa malansang isda.” Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin
ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon
tayong sariling wikang maipagmamalaki. Kailangan protektahan, ipagtanggol ito, mahalin,
at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating wikang Filipino.

Ipakita natin sa ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para
lamang magkaroon tayo ng wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito
mapasama sa mga bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang banyaga

You might also like