You are on page 1of 2

Kahalagahan ng paggamit ng sariling wika

March 8, 2018

KUYA WIN GATCHALLIAN / Win Tayong Lahat

WIKA, ito ang pagkakakilanlan ng isang tao. Rito natin nalalaman kung saang
bansa o lugar kabilang ang mga mamamayan.
Sa buong mundo, tinatayang mayroong humigit kumulang na 7,000 wika o
lengguwahe ang nagagamit.

Mahalaga ang wika sa daigdig dahil ito ang tulay ng komunikasyon, paraan ng
pakikisalamuha, tagapaghatid ng edukasyon at basehan sa pag-unlad ng
bansa. May nauusong bagong salita habang mayroon din namang mga
nawawala o namamatay.

Sa paglaho ng wikang ito ay natatapyasan ang tradisyon, paniniwala,


kasaysayan, sariling paraan ng paglalahad ng laman ng isip, mahahalagang
kagamitan para masigurado ang hinaharap.

Ipinagdiriwang ang buwan ng International Mother Language tuwing Pebrero


mula noong 2000 upang maipagmalaki ang linguistics, cultural diversity at
multilingualism.

Sa tinatayang 171 sari-saring dayalekto sa Pilipinas ay patunay na ang wika ay


talagang daynamiko.

Sadyang mayaman talaga tayo sa bokabularyo at kakayahang lumikha ng


bagong mga salita kaya naman napalalawak natin ang ating bokabularyo.

Mahigit limang taon na ang lumipas mula nang inilunsad ng K to 12 Program


ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad at paggamit ng
“Mother Tongue” o “Unang Wika” bilang salitang panturo sa lahat ng mga
paksa maliban sa Ingles.

Partikular itong ginagamit ng mga batang mag-aaral mula kindergarten at


unang tatlong taon sa elementarya kung saan ang mga kagamitan at pagtuturo
ay nakabase sa Mother Tongue ng kanilang kinabibilangang rehiyon.

Sa kabuuan, may 12 Mother Tongue na inaprubahan ng DepEd upang ituro sa


mga kabataang Pilipino. Kabilang dito ang Ilokano, Pangasinan,
Kapampangan, Tagalog, Bikol, Waray, Hiligaynon, Cebuano, Maranao,
Chavacano, Maguindanaon at Tausug.

Sa kasalukuyan, may nadagdag pang pito: Ibanag, Ivatan, Zambal, Aklanon,


Kiniray-a, Yakan at Surigaonon.

Ayon sa mga pag-aaral, nagiging tulay ang paggamit ng sariling wika sa mga
kabataan na malayang nakikipagtalastasan sa kanilang kapwa mag-aaral.
Mabilis nilang naipahahayag ang kanilang saloobin, ideya sa loob ng silid-
aralan at nagiging mas aktibo sila sa klase at umuunlad ang kanilang
pananalita at pagkatuto.

Higit sa lahat, nahahasa ang kanilang intelektuwal na kakayahan at


pakikipagtalastasan sa mundong kanilang ginagalawan.
Tandaan, magkakaiba man tayo ng Mother Tongue, mahalaga na mayroong
pagkakaisa at pagmamahal sa sariling wika.

Hinihikayat natin ang lahat na itaguyod ang Mother Tongue hindi lamang sa
tahanan, gayundin sa mga paaralan.

Tiyakin natin na ating makakamit ang tunay na literacy at numeracy gamit


ang Mother Tongue.

Patuloy na gamitin, linangin, paunlarin ang ating sariling wika upang


maipamana rin natin ito sa mga susunod pang henerasyon.

You might also like