You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon

INTRODUKSYON

Bilang mga tao, nagbiyaya ang Panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap.

Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at

desisyon ng sarili. Sa paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng

wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa.

Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao.

Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad

ng Wikang Filipino.

Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero

bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga a

mahal raw ng mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di

magawa dahil sa mg amasasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga

banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa

mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta.

Maraming iba't-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag

ding varayti ng wika. Sabi ng marami na ang Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa

Wikang Filipino dahil ang Wikang Ingles ang pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng

karamihan kahit saan man magpunta sa buong mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong

mas nakakaintindi sa kahalagahan ng ating Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan

bilang isang Pilipino, makakaya ring mapaunlad ang sariling bansa kahit ang sariling wika

lamang ang ating gamitin. Sabi pa nga ng bayaning Pilipino na si Dr. Jose Rizal "Ang hindi

marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya pahalagahan ito at

mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mahalaga talaga ang wikang

filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroong sariling wikang maipagmamalaki


ang mga Pilipino.

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang

maiparating ang mga nasa saloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang

paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan ,

makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan,

maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari natumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao,

sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan

para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga

ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang

komunidad obansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng

panlipunangpagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatiliang mga

damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.

You might also like