You are on page 1of 5

Ako’y Wika

Orihinal na tagalog na tula ni: Kiko Manalo

Wikang Filipino ang aking pangalan,


Ipinanganak ko itong kalayaan,
Ako ang ina at siyang dahilan,
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!

Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw


Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw!

Ako rin ang ama at naging haligi,


Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!

Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa


Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita,
Ligtas ka sa uring luksong masasama!

Sinalita ako at gamit ng lahat,


Upang mga taksil ay maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad,
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!

At nakamit mo na ang hangad na laya,


Mula sa dayuhang sakim at masama,
Dilim na sumakop sa bayan at bansa,
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!

Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,


Panlahat na wika saan man bumagtas,
Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas!

Tema para sa Buwan ng Wika: Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas
Wikang Pambansa, Wikang Panlahat
ni Gerlie L. Palmenco

Luzon, Visayas, pati na sa Mindanao

Tuwing Agosto’y sabay-sabay humihiyaw

Grupong etniko sa ‘Pinas nagkakaisa

Pinagyayaman pang lalo ang wika nila.

Ilokano, Bisaya, maging ang Tausug

Sa wikang-ginto, Pilipinas ay busog.

Chavacano, Cebuano, Ilonggo’t marami pa

Pagsaluha’t mahalin, bigay ng Dakilang Lumikha.

Iba’t ibang salita man ang banggit

Sa puso’t kaluluwa’y iisa lang ang gamit

Buong pagmamahal itong ipagpunyagi

Kayamanan ng buhay, dugo, at lahi.

Mayamang kultura, kanyang sinasalamin

Makulay na tradisyon, ipinamamahagi din

Wikang Pambansa ay Wikang Panlahat

Gamitin ng tama’t paglingkurang tapat.

Sagisag ng kalayaan, sandigan ng katapatan

Wikang Pilipinong noo’y ating ipinaglaban


Nawa’y ingatan at laging alagaan
Lubos na mahalin, kailanma’y huwag pabayaan.
Malikhaing Paku kwento

"Filipino: Wika ng Karunungan Tungo sa Kaunlaran".

Maluwalhating umaga sa inyo mga kapwa Pilipino, mag-aaral, kaibigan, mahuhusay at mapagmahal na mga guro,
butihing at maunawaing prinsipal at administrador. Purihin ang Panginoong Hesus sa isang napakagandang umaga!

Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang binabago.

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa
lipunang kinagagalawan. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisasyon.
Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaroon ng
isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at komunikasyon na nagbigay
daan para mas dumami ang ideya at opinyon. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon. Nagbigay daan ito sa
mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang
pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala.

Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa
pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.

Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin
natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating
Lahat.

Maraming Salamat! Nawa'y mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli,
Maraming Salamat.
Ang Teknolohiya at Ang Wika
Ang Teknolohiya at Ang Wika
ni: Avon Adarna

Pinagkaitan nga ng mga patinig,


Mga pangungusap – kulang sa katinig,
At kung babasahin sa tunay na tinig,
Ay mababanaag ang kulang na titik!

Sa sulating pormal at mga sanaysay,


Ano’ng pakinabang kung putol at sablay,
Kulang na ang letra’y mali pa ang baybay,
Ang akala yata’y lubhang mahinusay.

Sa paglalahad ng totoong damdamin,


Hindi ba nagkulang sa ibig sabihin?
Sa pagsusulit ba at mga eksamin,
Makapasa kaya kung letra’y kulangin?

Mundong makabago at teknolohiya,


Anong naidulot sa ating pag-asa?
Kabataang dugong mag-aahon sana,
Tila katunggali ng sariling wika.

Ngayo’y nagtatampo – Wikang Filipino


Sa wari’y nasunog ang tunay na mundo,
Ang wika na dapat ay isinasaulo,
Ay lubhang nalimot at nagkalitu-lito!
Posted 24th August 2012 by AkosiMariel
WIKANG FILIPINOSA PAMBANSANG KALAYAAN AT PAGKAKAISAni Pat V. Villafuerte

Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t


makulayay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan;mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusanmaging sa paglaki
hanggang sa kamatayan.Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sadaigdig:ng mga paham, syentipiko, mananaliksik,
o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisda’t
magbubukidbawat isa, may mithiin, may pangarap na naismakamit:ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langitat
isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit.Iisa ang diwang kanilang pinapanday
iisa ang mithiing sa puso nila’y bumubukal
iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw:
kami’y palayain o bayan kong minamahal.
A, oo nga palabilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang matamay busal ang bibig, may gapos-tanikala
Sila’y mga buhay ngunit di
-humihingasila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha,nagdurusa.Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa
bawathenerasyonmay palawakan ng isip, may palitan ng paniniwalamay tagisan ng matuwid,
maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.
Sila-
sila’y nagtatagpo, kayu
-
kayo’y nagpapangkat
tayu-
tayo’y nag
-iisip, nagsusuri, bumabalangkas.Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamitwikang Filipino! Wikang maka-Diyos,
makabayan,makatao.wikang naglalagos sa isipang makabansawikang nanunuot sa damdaming makalupa. At,paisa-isang
dila, parami-raming labi, sama-samangtinigbumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalithinihiling ay kalayaan!
katarungan! katarungan!kalayaan! Ah,hanggang kailan susukatin?hanggang kailan bubuhayin?hanggang kailan
maaangkin?Layang mangusap, layang sumulatlayang mamuhay, layang manaliglayang humalakhak, layang
maghimagsikmaghimagsik! maghimagsik! maghimagsik!
Kasaysayan pala’y mababago isang saglit
sa dakong silangan . . . doon sa silanganang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat, uminitnaantig ang diwang inaliping
higittumibok ang pusong dating di-humihibiknagising ang ugat ng hapong mga bisig.
bawat isa’
y nagkaisang mailantad sa daigdigang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib.sari-saring mukha, magkakabalat,
magkakadugo,magkakapatidsama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-
alsa’t tumindig.
lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig!laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, samapanlupig.Pangkat-
pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa
kilala’t di
-kilala, kaaway at di-
kaaway, mayama’t
mahirap,
matalino’t mangmang, aktibista’t militar.
nagkaisang ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap.propesyonal at di-propesyonal, manggagawa,kawani,
guro,mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay,sundalo,
pulis, drayber, pari, madre, mangingisda’t
magbubukid.nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa. Ang wikang ginamit? Wikang Filipino!wikang ginagamit sa lahat
ng dakoma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano,ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, ma-
Bikolanoma-Maranao, ma-
Tausug, lahat ng ito’y Filipino!

wika ng pagkakaisa, kababayan ma’t dayo


wikang tagapagligtas ng digmaa’t gulo
wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.

You might also like