You are on page 1of 5

PIYESA NG SABAYANG PAGBIGKAS

Wikang Filipino: Lenggwahe ng Pag-unlad at Pagbabago..


ni Pat V. Villafuerte
Ang bayan ko'y Pilipinas.
Sibilisado ang bayan ko. ang bayan ko'y sibilisado.
Kayat mga mamamaya'y nasa lipunang maka-Diyos, makatao.
May batas na sinusunod
May buhay na pinangangalagaan
May kapayapaang hinahangad
May katarungang ipinaglalaban
May kapantayang inaasam
Dukha man o mayaman
Matalino man o mangmang
Anuman ang pinagmulan, gulang at kasarian.
Kaya,sa bayan ko, ang ipinatutupad:
" pamahalaan ng mga bata at hindi ng tao
Sapagkat sa ilalim ng batas ay naroon ang tao"
Kayraming batas na umukit sa kasaysayan
May nagpagimbal ng kasaysayan
May nagpabago ng kasaysayan
May nagpahirap ng kasaysayan
sa kasaysayan ng lahing Pilipino
sa kasaysayan ng wikang Filipino
Kinano ang sistema ng edukasyon
Diwang kanluranin. Ideolohiyang hiram.
Di lang wika ang nagbago.
Pati utak at puso, sinangkutsang todo-todo.
Pati sistemang legal ay hinango sa Amerika't Europeo;
Kodigo sibil. Kodigo penal. At kung anu-ano pang likido,
Tatak ay dayuhan. Himig ay banyaga. Wika'y di-Filipino.
Ay, paano ka na Juan?
ang batas na para sa iyo
ang batas na para sa kagalingan mo
ang batas na makapagliligtas sa iyo
Di matanggap ng utak mo.
Di makuha ng puso mo.
Di maangkin ng kaluluwa mo.
Ay, salamat sa Konstitusyon mo 1935:
" Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pagpapalaganap ng isang panlahat na pambansang wika na batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika."

Dahil dito,
Binuwag ang bakas ng kolonyalismo maliban sa wikang ingles
Tagalog ang naging batayan ng wikang pambansa
Pilipino ang itinawag na pambansang wika
Dahil dito,
lumaganap ang dyalekto Tinangghan ng puristang Tagalog
Itinayo ang mga sentrong pangwika.
naragdagan ang mga termino sa wika.
Ay, salamat sa Konstitusyon ng 1987:
" Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito'y dapat pagyabungin at pagyamanin pa
Salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika."
Dahil dito,
wikang opisyal sa komunikasyon ang Filipino
Wikang panturo sa edukasyon ang Filipino
Ipinatupad ang patakarang edukasyong bilinggwal
Ginamit ang Filipino sa mga opisyal na korespondensya't transaksyon
Binago ang alpabeto
Tinanggap ang repormang ortograpiko
Pinayaman ang establisadong bokabularyo
Naging lingua franca ang Filipino ng mga Pilipinong nasa ibang bansa
Naging bukambibig ang mga sari-saring termino:
Retorika, panghihiram at pagsasalin.
Terminong syentipiko't katawagang teknikal.
Ekspansyon at elaborasyon
Istandardisasyon, modernisasyon at intelektwalisasyon
Filipino, ay Filipino.....Saan? Saan ka patungo?
Maunlad at patuloy na umuunlad ang wikang Filipino
Maunlad? Bakit?
patuloy na umuunlad? Paano?
Filipino'y dapat istandardisado
Simulan sa aklat-bararila't diksyunaryo
Filipino'y dapat modernisado
Simulan sa paglikha at pagsasalin ng mga termino
Filipino'y dapat intelektwalisado
Simulang ipagamit sa lahat ng larangan ng pagkatuto
Sa syensya't teknolohiya at sa mga kauri nito.
Dahil sa Filipino
Pinasisigla ang malikhaing pagsulat
Ipinagpapatuloy ang pagsasalin ng mga akda at termino
Hinahasa ang kasanayan sa wika para sa edukasyong pansyensya
Nakapagsasalin ng mga terminong pang-agham sa Filipino
ang isang syentipiko at di-syentipiko
Kaya nga,
Kung ang pagkakakilanlan sa wika ay buhay, dinamiko at patuloy sa pag-unlad,
Kung ang pag-unlad ng wika ay hindi pangarap kundi kaganapan
Kung ang kaganapan sa wika ay hindi pamumulitika kundi pagsasakatuparan
Kung and pagsasakatuparan sa wika ay isang kadakilaan
Sana'y maipagpatuloy
Na maging wika ng komersyo, industriya, edukasyon, kultura't politika
ang Filipino
Sana'y maipagpatuloy
na gawing opisyal na wika ang Filipino sa tatlong sangay ng pamahalaan.
sana'y maipagpatuloy
Na maging intelektwalisado ang Filipino sa iba't ibang larangan
at kapag ito'y naganap
ang wikang Filipino'y magsisilbing lenggwahe ng pag-unlad at pagbabago.
ng maraming pagbabago
at walang katapusang pag-unlad
Wika Ko, Mahal Ko (Monologue Piece)
Wika Ko, Mahal Ko

“Ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabahong isda” yan ang sabe ni Gat
Jose Rizal. Baket nga ba niya nasabe ito? Sa tingin mo ito’y walang tuturan? Sa tingin mo ito’y
walang pinaghugutan?

Sa tingin ko meron! Dahil Ikaw, ako, tayong lahat! Ay mga Pilipino! Ngunit lahat ba tayo ay
nagmamahal sa ating lupang kinabibilangan? Ikaw na nakatingin saken, mahal mo ba ang iyong
wika? O ikaw ay higit pa sa mabahong isda?

Marahil, ika’y nagtatanung kung anung ginagawa ko dito. Nagsasalita lang? Nag-iingay? Ano pa!
Nais ko lamang ay maintindihan niyo ang halaga ng ating wika. Anu nga ba ang ating wika? Ingles o
Filipino? Marami sa aten ang mapagpanggap! Mapagpanggap na banyaga! Banyaga sa salita at
kunwari hindi marunong magsalita ng wikang Filipino!

Pansinin niyo ang bansang Korea at Hapon, sila’y hindi marunong mag-Ingles, ngunit sila’y patuloy
na umuunlad. Baket kaya? Dahil sila ay mayaman? Sila ay nagging mayaman dahil sila ay
mapagmahal sa kanilang wika. E ano naman ngayon?

Anong petsa na?! Kung ikaw ay isa pa rin mapagpanggap na banyaga! Paano uunlad ang iyong
lupa kung ika’y mananatiling ganyan? Hindi mo ba naisip na ang pambansang wika ay simbolo ng
pagkakaisa ng bansa? At ang pagkakaisa ay ang daan sa kaunlaran ng ating bayan!

Ito ay hindi basta lamang salita. Ito’y tila hangin na kelangan ng bawat Pilipino san dako man ng
mundo. Makarinig lang sila ng taong marunong magsalita ng Pilipino, sila’y tuwang tuwa at tila
nakahanap ng lakas at liwanag sa gitna ng kanilang kalungkutan.

Dahil sa wikang Pilipino, ako’y natutong magsalita at kumilala ng aking tunay na mundo, ang mundo
ng mga Pilipino. Kung walang salitang Pilipino, walang matatawag na Pilipinas. Mahalaga nga ba
ang ating wika? OO! Sa tingin mo, ika’y makakatapos ng pag-aaral ng walang wikang Pilipino? Ikaw
ba’y magkakaron ng trabaho kung ang salita mo’y Espanyol? At makakarating ka ba sa iyong
kinalalagyan kung ang wika mo’y Intsik? Matuto kang lumingon sa wika na iyong kinagisnan. Wag
mong baluktutin ang iyong dila, baka hindi ka na kilalanin ng iyong bayan.

Pag naririnig ng aking magulang ang tawag kong “Nanay” “Tatay”, sila’y napapangiti dahil ito’y
nagbibigay ligaya at lakas sa kanila. Ang sarap pakinggan pag tinatawag nila akong “Anak” dahil
nararamdaman ko ang kanilang pagmamahal.

Ako’y may tanung sayo. Alam mo pa bang sabihin ang “po” at “opo”? Dahil sa mga katagang ito,
natututo akong gumalang sa mga nakakatanda. Ngunit, asan na ang mga kabataang dapat
magsabe nito?! Tila habang lumilipas ang panahon, nababawasan an gating wika kasabay ng
pagbawas ng magagandang katangiang ng pagiging Pilipino.

Wikang Pilipino ang huhubog sayo, saken at sa ating lahat bilang isang matuwid na mamamayan.

You might also like