You are on page 1of 5

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino

ni: Avon Adarna



Ang wika ay apoy nagbibigay-init,
Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
Ang inang kumalong at siglang umawit,
Wikang Filipino ang siyang ginamit.

Ang wika ay tubig - na nagpapaputi,
Ng pusong may sala at bahid ng dumi,
Manalangin lamang at saka magsisi,
At patatawarin ng Poong mabuti!

Ang wika ay hangin siyang bumubuhay,
Sa patid na hinga ng kulturang patay,
Itoy nagbibigay ng siglang mahusay,
Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

Ang wika ay bato - na siyang tuntungan,
Nitong mga paa ng mahal na bayan,
Wika ay sandigan nitong kasarinlan,
Sa bundok o burol, maging kapatagan.

May alab ng apoy at lakas ng bato,
At kinang ng tubig na wari ay ginto,
Wikang Filipinoy matatag na hukbo
Na lakas ng iyong pagka-Filipino!












Iniibig Ko Ang Wikang Filipino

Ginulo mo ang isip ko sa paraang gusto ko
Pinilit ko mang umiwas ngunit sinuyo mo ako
Itinakas sa king mundo dinala sayong palasyo
Aking nadarama hindi ito ordinaryo.
-
Hanap koy salita, angkop na salita
Sa paglalarawan nais ko sanang ipakita
Angkin mong kulay o kay iga-igaya
Bakit ang ibay hindi ito makita?
-
Musmos nang ikay unang makapiling
Ang makilala ka ng malalim yan ang aking hiling
Sanay makita ka saan man bumaling
Akin kang makikilala gamitan man ng piring.
-
Naaalala mo ba galak ko sa paligsahan?
Unang sabak ko noon sa talumpatian
May pagdiriwang noon Agosto ang buwan
Nabigo man ang dilag ngunit akoy may natutunan.
-
Ang iyong pagkasilang ay dakila pala
Binuklod mo ang mga taong nais magkanya-kanya
Ikaw ang sinag na piniling di makita
Aming lampara sa dilim ng umaga.
-
O aking Wika nasa puso ka ba nila?
Sa tibukan ng buhay koy mabubuhay ka
Mahal ko ang Pilipinas at ang lahat sa kanya
Kaya ikaw Wikang Filipino di ka mag-iisa.








Akoy Wika
Orihinal na tagalog na tula ni: Kiko Manalo

Wikang Filipino ang aking pangalan,
Ipinanganak ko itong kalayaan,
Ako ang ina at siyang dahilan,
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!

Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw
Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-siglat buting sumasaklaw!

Ako rin ang ama at naging haligi,
Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!

Pagkat akong wika ang lakas mot tuwa
Akoy lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita,
Ligtas ka sa uring luksong masasama!

Sinalita ako at gamit ng lahat,
Upang mga taksil ay maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng syudad,
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!

At nakamit mo na ang hangad na laya,
Mula sa dayuhang sakim at masama,
Dilim na sumakop sa bayan at bansa,
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!

Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,
Panlahat na wika saan man bumagtas,
Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas!





Wikang Filipino at Iba pang Wika sa Rehiyon:
Wika ng Bayan sa Kapayapaan
Mr. Noel R. Dauran
Baya Elem. School
Ragay District

I
Wika ng rehiyon ay malawak, maunlad
Kayat mga taoy higit na mapalad
Saang sulok ka man mapunta, mapadpad
Pag wika ng rehiyon ginamit, makikilala ka agad.

II
Itoy wikang gamit sa lahat ng oras
Sa bawat panig ng bansang Pilipinas,
Wika ng rehiyon ay ipinamalas
Ginagamit natin sa pakikipag-usap.

III
Di lingid sa atin ang kagandahan nito
Kahit di ituro alam nan g tao
Kahit mga bata sa buong rehiyon ko,
Kayat MTB Ipinatupad ng departamento

IV
Itong wika sa mahal kong rehiyon
Mahalagang tunay na kailangan yon,
Pagtulong,paglinang sa wikang Pambansa
Sa kapayapaan at pagkakaisa ng madla

V
Sa lahat sa inyo hiling ko lang naman,
Wikang Filipinoy pagyamanin at ating pag-aralan
Ipagmalaki natin kahit kaninoman,
Mahalin, igalang at pagkaingatan.

VI
Bago ako magpaalam, iiwan ang halaga
Ng winika ni Gat. Rizal sa ngayon ay ididikta
Na ang hindi raw magmahal sa sariling wika niya,
Ay mas higit pa sa hayop at sa isda na malansa.





Wikang Filipino at Iba pang Wika sa Rehiyon:
Wika ng Bayan sa Kapayapaan
Mr. Noel R. Dauran
Baya Elem. School
Ragay District

I
Wika ng rehiyon ay malawak, maunlad
Kayat mga taoy higit na mapalad
Saang sulok ka man mapunta, mapadpad
Pag wika ng rehiyon ginamit, makikilala ka agad.

II
Itoy wikang gamit sa lahat ng oras
Sa bawat panig ng bansang Pilipinas,
Wika ng rehiyon ay ipinamalas
Ginagamit natin sa pakikipag-usap.

III
Di lingid sa atin ang kagandahan nito
Kahit di ituro alam nan g tao
Kahit mga bata sa buong rehiyon ko,
Kayat MTB Ipinatupad ng departamento

IV
Itong wika sa mahal kong rehiyon
Mahalagang tunay na kailangan yon,
Pagtulong,paglinang sa wikang Pambansa
Sa kapayapaan at pagkakaisa ng madla

V
Sa lahat sa inyo hiling ko lang naman,
Wikang Filipinoy pagyamanin at ating pag-aralan
Ipagmalaki natin kahit kaninoman,
Mahalin, igalang at pagkaingatan.

VI
Bago ako magpaalam, iiwan ang halaga
Ng winika ni Gat. Rizal sa ngayon ay ididikta
Na ang hindi raw magmahal sa sariling wika niya,
Ay mas higit pa sa hayop at sa isda na malansa.

You might also like