You are on page 1of 3

Mga Maiikling Tula Para Sa Wika* (Tula) ni Miguel R.

Santos
by Mga Manunulat ng Nueva Ecija on Saturday, August 6, 2011 at 4:00pm

May sariling wika ang ibon at isda


,Iba ang sa aso, iba ang sa pusa.Iba't ibang bansa,
kanya-kanyang wikaItaguyod natin ang wikang pambansa.
Bakit mahalaga ang sariling wika?Ito'y
kaluluwa ng mahal 'ting bansa.
Wika rin ang buklod ng puso at diwa
Nang tao sa Luson, Mindanaw, Bisaya.
Wikang Pilipino pag ating ginamit
Mangagkakaisa ang puso at isip.
Hangaring umunlad ating makakamit,Sa mga dayuha'y hindi palulupig.
Tingnan 'nyo ang Intsik,
Aleman at Korya,Maging taga Rusya,
Hapon, Amerika,Sila'y mauunlad; at ang wika nila?
Ang sariling wika, di wika ng iba.Ako ay Tagalog, sila'y Ilokano
,Siya'y Bisaya, kayo'y Bikolano,Kapampangan sila, iba'y Sibuwano,Binubuo natin, wikang
Pilipino
Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino
ni: Avon Adarna

Ang wika ay apoy – nagbibigay-init,


Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
Ang inang kumalong at siglang umawit,
Wikang Filipino ang siyang ginamit.

Ang wika ay tubig - na nagpapaputi,


Ng pusong may sala at bahid ng dumi,
Manalangin lamang at saka magsisi,
At patatawarin ng Poong mabuti!

Ang wika ay hangin – siyang bumubuhay,


Sa patid na hinga ng kulturang patay,
Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay,
Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

Ang wika ay bato - na siyang tuntungan,


Nitong mga paa ng mahal na bayan,
Wika ay sandigan nitong kasarinlan,
Sa bundok o burol, maging kapatagan.

May alab ng apoy at lakas ng bato,


At kinang ng tubig na wari ay ginto,
Wikang Filipino’y matatag na hukbo
Na lakas ng iyong pagka-Filipino!
Wiko ay Filipino

Tayo ay mga bata may gamit na salita


Ang aking salita ay isang wika
Dito sa bansang Pilipinas tayo ay nakatira
Sa pagpasok sa paaralan
Tahimik na haharap sa watawat ng ating bansa
Pambansang awit ay kinakanta
Kasunod ng isang panunumpa
Paggalang sa bansa ay ating ipinapakita .

tayo ay isang bata makatao ,makadiyos at makabansa


Balang araw ako ay pag-asa ng ating bansa

You might also like