You are on page 1of 4

F-I-LI-P-I-N-O

VICKY S. ROXAS
(Modern Teacher Aug. 2006)
F- Filipino ang ating wikang
pambansa,
Wikang nagbubuklod sa kabuuang bansa,
Wikang ngabubukal ng isipan at diwa
Ng mga pangarap at mga adhika.

I-Ito nga ang wikang gamit ng mga Katipunero


Nang pambansang kalayaan ipinaglabang totoo,
Ang sigaw ng bayaning si Andres Bonifacio,
MABUHAY ang PILIPINAS! Mabuhay, FILIPINO!

L- Linangin natin ito at pakamahalin,


Wikang ibinigay ng Amang Diyos sa atin,
Si Inay sa kanyang kundimang awitin,
Tahana’y pasasayahiin, sanggol patulugin.

I-Ibigin itong wika’t tuloy palaganapin


Bagama’t diyalekto ay di dapat limutin;
Kahit wikang Ingles sadyang pagbutihin,
FILIPINO pa rin ang siyang paiiralin.

P- Panitikang Pinoy nillikha sa Filipino


Mula sa Appari at hanggang sa Jolo;
Kasaysayan at kultura sinasalamin nito,
Mga ARAL ng DIYOS dakilang totoo.

I-Ito’yy unang ibinatay sa wikang Tagalog,


Ang wikang ginamit ng mga maharlikang Taga- ilog
Itinanghal na pambansang wika ni Pangulong Manuel L. Quezon,
Isang wikang malambing at taga sa panahon!

N- Nilinang at isinaayosng surian ng Wikang Pambansa,


Patuloy na pinagyaman ng linangan ng Wika;
An gating abakada buong alpabeto nang nagawa,
Wikang gamit ng lahing marangal at payapa.

O- O, Pilipino! O mamayayang Pilipino!


Sa pagdaraan nitong itong ikatlong milenyo,
Saanman tayo magpunta, saanman magtungo,
Ikarangal, ipagmalaki…WIKANG FILIPINO!
PAGKAING NATURAL
Arnold P. Tejero
(Modern Teacher July 2008)

Sa hapag kainan ika’y nawal


Dahil ipinagpalit sa pagkai ng gawa;
Matamis, maalat kay daling ihanda
Lingid sa kaalaman ang sakit na dala.

Nasa lata cellophane, aluminium at botelya


Mga sisidlang makulay at nakakaaya;
Nakaimbak sa lalagyannoon pa ginawa
Ako’y di tiyak kung ito’y sariwa.

Dahil sa tiyaga ng mga guro at ni ina


Sa pagbibigay ng payo na muling balikan ka;
Pagkaing natural sagana sa bitamina
Sa gulay at prutas preserbatiba’y wala na.

Bata man o matanda, mayaman o dukha


Sa pagkaing nakabalot di dapat magpasasa;
Mga sakit ngayon sa ibang bansa pa nagmula
Maging sa pagkain dapat kang mabahala.

Pagkaing natural sa paligid nakikita


Diyos na lumikha ginawang sagana;
Di man nakakasakit at masarap sa panlasa
Tulad ng gamot dulot ay lunas at sigla.

You might also like