You are on page 1of 4

UNIVERSITY OF NUEVA CACERES

J. Hernandez Avenue, Naga City

Kolehiyo ng Edukasyon
Taong Panuruan 2020-2021

Tema:

“Wika ng
Kasaysayan,
Kasaysayan ng Wika”
ANG MGA KATUTUBONG WIKA SA MAKA-
FILIPINONG BAYANIHAN KONTRA PANDEMYA

Isinumite ni: Ma.Reazel S.B. Nieva


Isinumite kay: Gng.Elma Adante Rosales
“Wikang Bumubuo sa Pagka-Filipino”

Ang Wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula pa sa ating mga
ninuno. Bago tayo nagkaroon ng pambansang wika marami tayong napagdaanan upang makamit
ang inaasam na pambansang wika na siyang gagamitan nating midyum sa araw-araw na
pakikipagtalastasan at pagpapa-abot ng mga mensahe o balita patungkol sa mga nangyayaring
nagaganap sa nakaraan at sa kasalukuyang panahon, kagaya na lamang ng pandemya na
kinakaharap natin ngunit,Paano ba tayo nagkaroon ng pambansang wika?Balikan natin ang mga
pangyayaring naganap sa nakaraan at bigyang kahalagahan sa kasalukuyan.

Maraming panahon ang lumipas bago nakamit ng Pilipino ang kalayaan. Ang mga taong
naninirahan sa Pilipinas ay ibat-ibang wika ang ginagamit kaya ang mga mamamayan noon ay
hindi gaanong magkaunawaan , kung kaya’t malimit ang pagkakaroon ng alitan dahil nga sa
hindi nila masyado maunawaan ang nais na ipaabot ng isa.May walong wikang pinagbatayan ang
ginawang pagsusuri sa mga piling dayalekto sa Pilipinas, Ito ay ang mga sumusunod: Tagalog,
Waray, Kapampangan, Hiligaynon, Pangasinense, Bicolano, Cebuano at Ilokano.Bilang resulta
nanguna ang Tagalog na mas naiintindihan ng mga kinatawan.

Bago tayo sakupin ng mga kastila mayroon na tayong sariling Panitikan ,Bugtong, Epiko,
Salawikain at Awiting Bayan na ang wika ng mga katutubo sa bawat rehiyon ang ginagamit
nilang midyum.

Sa Panahon ng Pananakop, pinalitan nila ang baybayin ng Alpabetong Romano na siya


naman ang pinagbatayan ang Abakadang Tagalog. Sa Panahon ng Rebolusyon ,maraming
Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo marami ring akdang naisulat sa
wikang Tagalog, na nagsasaad ng pagiging makabayan, masidhing damdamin laban sa mga
kastila.Sa Panahon ng Amerikano ,pinili ng mga lider na Pilipino na gamitin ang ingles bilang
wikang panturo at ginamit nilang instrumento ang Edukasyon na Sistema ng publikong paaralan
at pamumuhay na demokratiko. Sa Panahon ng Komonwelt, Itinatag noong 1936 ang Surian ng
Wikang Pambansa at ang pamunuan nila sa pamamagitan ng Batas komonwelt blg. 184 dito na
nagsimula nang gumawa ng pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas upang makapili ng Wikang
Pambansa.
Sa Panahon ng Hapon tinawag itong Gintong panahon sapagkat ipinagamit ng mga hapon
ang katutubong wika particular ang wikang tagalog na naging dahilan sa pagdami ng mga
babasahing nakalimbag sa wikang tagalog kaya naman maraming akdang pampanitikan ang
naisulat sa panahong iyon.Pagkatapos, muling nagbalik ang mga Amerikano sa Pilipinas ngunit
pinagpatuloy ang mga hakbangin sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa.Noong 1960
sinimulang gamitin ang Pilipino para sa mga sertipiko at diploma sa paaralan gayundin sa mga
edipisyo,gusali at tanggapan at dokumento ng pamahalaan.Noong dekada 90 itinatag ang
Komisyon sa Wikang Pilipino (KWF) Ayon sa Batas Republika Blg.7104 (Agosto 4,1991) at
binigyan din ng pagdiriwang ang Wikang Pambansa.

Tunay ngang hindi naging madali ang pinagdaanan noon ng mga Pilipino sa kamay ng
iba’t ibang sumakop sa ating bansa at tahasang pagpapagamit ng kanilang wika at pagbabawal na
gamitin ang ating sariling kinagisnang wika ngunit , kahit ganoon hindi binura ng sambayanang
Pilipino ang wikang atin.

Sa kasalukuyan, mayroon tayong kinakaharap na pandemya na kung saan libo libong


mga tao ang timaan at namatay.Hindi natin makita ang totoong kalaban sa sakunang ito ,ngunit
upang maiwasan natin ito kailangan natin ng ibayong pag-iingat at disiplina sa sarili higit sa
lahat ang pagsunod sa mga protocol na itinalaga ng IATF upang maiwasan na madapuan ng
nakamamatay na sakit halimbawa na lamang ang pagsuot ng facemask at faceshield tuwing
lalabas ng bahay,ang palaging paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol higit sa lahat ang
social distancing upang sa gayun hindi tayo tamaan ng sakit . Higit na magiging mabisa ang
pagpapaabot ng mga balita sa sambayanang Pilipino kung ang midyum na ginamit ay ang
wikang Filipino na siyang kinagisnan natin dahil kung ang Ingles ang gagamiting midyum sa
paghahatid ng mga balita maaaring magkaroon ng pagkalito o hindi maintindihan ang gustong
ipaabot na balita sa mga mambabasa o manonood.

Ang Pilipinas ay pulo-pulo kaya naman bawat rehiyon ay may katutubong wikang
sinasalita na ginagamit sa pakikipagtalastasan,paggawa ng akda,pagbabalita,anunsyo
atbp.halimbawa sa rehiyon ng bikol ang midyum na ginagamit sa pagbabalita sa istasyon ng
radyo,lokal channel ,pati na rin ang mga mahahalagang anunsyo ng kagawaran ng kalusugan
patungkol sa COVID-19 ay bikol na lengguwahe dahil mas lalong maiintindihan ng mga nasa
bikol ang wikang iyon.
Isa sa kultura ng mga Pilipino na hindi maaalis sa atin ay ang pagbabayanihan o
pagdadamayan sa oras ng pangangailangan , dahil sa sakunang ito maraming mga
manggagawang pilipino ang nasuspende sa pagtatrabaho dahilan ng kawalan ng pagkakakitaan
kaya naman yung mga taong may kaayahan sa buhay o kaya naman nakakaluwag ay
nagpapaabot ng mga donasyon sa mga nangangailangan at ipinamamahagi naman ng mga
namumuno sa kanilang mga nasasakupan halimbawa na lamang ng mga pagkain na makakain
nila pantawid gutom mayroon namang kapwa natin Pilipino na hindi nakakapagabot ng perang
donasyon kaya naman nag-iisip sila ng paraan para maibahagi ang meron/kaya nilang maabot
kagaya ng mga mananahi, gumagawa sila ng facemask at ibabahagi ito sa iba na libre lamang,
mga may sariling taniman,ibinibigay nila ang kanilang mga naaning gulay bilang tulong,ang mga
mangingisda kapag marami ang kanilang nahuhuli imbes na ibenta iyon minsan ibinabahagi na
lamang iyon sa mga nangangailan.yaong mga nakakaluwag sa buhay sa nagbigay donasyon
halimbawa na lamang nga mga PPE’S na magagamit ng mga frontliners upang hindi sila dapuan
ng sakit,mayroon ding mga artista ang namahagi ng relief goods at tents naman para sa
pahingahan ng mga frontliners na patuloy na naninindigan sa kanilang responsibilidad na
sinupaan sa bansa.Ito ang nagpapatunay na kahit na sa kabila ng kagipitan tayong mga Pilipino
ang magdadamayan sa oras ng pangangailangan.

Bilang isang mamamayang Pilipino na kinagisnan ang Wikang Filipino at katutubong


wika. Mahal ko ang wika ko, kaya nararapat lamang na payabungin at pagyamanin ito dahil ito
ay pinamana ng ating mga ninuno.Gawin nating instrumento ang ating mga sarili sa pagdukal ng
bagong karunungan para sa ikauunlad ng ating inang bayan gamit ang wikang Filipino sa
pagsasalita,sa paggawa ng mga akda ,sa pananaliksik ,sa pagsusulat ng balita at sa pagbabalita.

You might also like