You are on page 1of 2

Kasysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas

Isinulat ni: Perlievic C. Tesoro

Ang lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan kung bakit ito nangyari, mga nakaraan
kung bakit dapat nating balikan at kasaysayan na kung saan ay dapat nating pahalagahan at pag-
aralan. Ang ating wikang pambansa na Filipino ay ang sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan
bilang mamamayan ng Pilipinas. Ang ating wikang pambansa ay masasabi kong regalo ng ating
kasaysayan at ang regalong ito ay mas napapahalagahan at napapayaman natin ang ating wika.
Ngunit ano nga ba ang kasaysayan ng ating wikang pambansa?

Ang ating wika ay sumibol na noon pa lamang bago tayo sinakop ng mga Espanyol na
nagpapatunay lamang ng pagkakaisa ng mga Pilipino noon pa man. May sariling pamahalaan,
batas, panitikan, pananampalataya at sining ang mga Pilipino noon. Ngunit nagbago ang lahat ng
sakupin ng mga Espanyol ang Pilipinas. Namuno silang ipinagkait ang kalayaan ng Pilipinas. Sa
kanilang pagdating ay ipinalaganp nila ang Kristiyanismo ngunit hindi itinuro ng mga Espanyol
ang kanilang wika. Lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino at mababatid din sa panahong ito
na nanganganib ang wikang katutubo. Dahil sa naranasang pang-aapi, katiwalian at maling
pamamalakad, sumibol ang masidhing damdaming Nasyonalismo ng mga Pilipino. Nag-aklas
ang mga Pilipino at nagsimula ang Himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.
Namayagpag ang wikang Tagalog sa panahong ito dahil sa mga akda na gawa nina Rizal at ibang
mga propagandista na tumatalakay sa paghimok ng mga Pilipino na maging makabayan, mga
katiwalian at pamumuno ng mga Espanyol at ang kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng
Espanyol. Sa pakikipagdigma ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol ay tumulong ang mga
Amerikano upang magwagi sa laban ang mga katipunerong Pilipino. Sa pagsakop ng mga
Amerikano sa ating bansa ay ipinakilala nila ang edukasyon gayundin ang kalayaan sa relihiyon
at pamumuhay demokratiko. Sa panahong ito ay mas nabibigyang pansin ang ating mga
pangangailangan katulad na lamang nang pagpapatupad ng pampublikong paaralan at ang
midyum na gagamitin na panturo ay wikang Ingles. Sa panahon ding ito ay mas napapalapit tayo
sa mga Amerikano dahil sa kabutihang kanilang ipinapakita sa ating mga Pilipino at sa mga
impluwensiya nila na tumatak na sa ating isipan. Naging pormal na kinilala sa panahong ito ang
wikang pambansa bilang opisyal na wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg.
570. Nang sinakop naman tayo ng mga Hapones ay ipinagbawal na gamitin ang wikang Ingles at
pagbabasa ng mga peryodiko at aklat na tungkol sa Amerika. Naging malaki ang tulong ng
pananakop ng mga Hapon noon dahil nag-utos ito na baguhin ang probisyon ng Konstitusyon at
gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Tinagurian na “Gintong Panahon ng Panitikang
Pilipino” ang panahon ng Hapon dahil sa panahong ito ay ginamit na midyum ng pagsusulat ng
panitikan ay wikang Tagalog at mas namayagpag ang wikang Tagalog sa panahong ito. Sa
panahon ng pagsasarili ay simula ng pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad ng mga katutubong
mamamayan at itinataguyod ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Sa panahon
ding ito ay higit na napag-usapan ang mga kalamangan ng mga Pilipinong marunong sa
pagsalita ng Ingles. Ingles ang ginamit na midyum sa pagtuturo sa mga paaralang-pampubliko.
Naging opisyal na wika at wikang panturo ang Filipino at Ingles sa mga paaralan sa panahon ng
kasalukayan. Sa panahong ito ay maraming ipinatupad na mga batas upang opisyal at kilalanin at
gamitin ang wikang Filipino at Ingles.

Sa mahabang panahon na paglalakbay ng ating wika, ito ay mas umunlad at yumaman.


Isa sa mga katangian ng wika ay ang nagbabago o dinamiko. Ang ating wika ay malayang
tumatanggap ng mga pagbabago upang patuloy na yumayaman at yumayabong. Hindi naging
hadlang ang makabagong mundo sa pagyabong nito kahit maraming mga Pilipino na ang
gumagamit ng wikang Ingles. Ito ay nakaraan na dapat nating balikan at kasaysayan na dapat
pahalagahan at pag-aralan. Isang biyaya na kailanman ay hindi natin maipagpapalit.

You might also like