0% found this document useful (0 votes)
193 views16 pages

Wikang Filipino PDF

Ang dokumento ay tungkol sa kasaysayan ng wikang Filipino mula sa panahon ng pre-kolonyal hanggang sa panahon ng propaganda. Ito ay naglalarawan ng pag-unlad ng wikang Filipino mula sa mga sinaunang wika hanggang sa impluwensya ng Kastila at pagkakaroon ng pambansang wika.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
193 views16 pages

Wikang Filipino PDF

Ang dokumento ay tungkol sa kasaysayan ng wikang Filipino mula sa panahon ng pre-kolonyal hanggang sa panahon ng propaganda. Ito ay naglalarawan ng pag-unlad ng wikang Filipino mula sa mga sinaunang wika hanggang sa impluwensya ng Kastila at pagkakaroon ng pambansang wika.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 1

Wikang Filipino

Modyul 003 WIKANG FILIPINO

Layunin:

1. Napakapagbibigay ng mga tiyak at kongkretong impormasyon ukol sa


wikang Filipino at sa kasaysayan nito;
2. Nasusuri ang mga pagbabagong naganap at matalunton ang mga sanhi at
bunga ng pagkakaroon ng pambansang wika;
3. Nailalahad ang mga batas na may epekto noon hanggang ngayon sa
wikang Filipino;

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO

Anumang mayroon ang kasalukuyan ay mahalagang pag-aralan ang pinagmulan upang


maipaliwanag ang ilang pangyayari na may epekto mula sa nakaraan. Tulad ng isang wikang
umuusbong at nagbabago ay dapat taluntunin ang kasaysayan upang maunawaan ang
kabuuan at ambag sa kalikasan ng yumayabong na wikang umiiral sa ngayon.

PANAHON NG PRE-KOLONYAL

Batay sa nakalap na impormasyon at pag-aaral ng mga dalubhasa, ang lahi at


wikang pinagmulan ng Pilipino ay nanggaling pa sa Austronesians (Ma. Luisa
M. Cantillo, et. Al. 2016). Ang salitang Austronesian ay nagmula sa salitang
Latin na auster(hangin) sa Timog at ng Griyegong nesos (Isla). May
dalawang teorya kung saan nagmula ang mga Austronesians: (A) Nanggaling
sa Tangway Malayo at nakarating sa Indonesia, Pilipinas, mga kapuluan sa
Pacific at Madagascar. (B) Nagmula sa talampas Tunnan sa Tsina simula
noong 2oo B. C. E.
Course Module
Sinasabing ang wikang Austronesian ay batayan ng maraming wika sa
Pilipinas. Ang mahigit walumpung wika sa Pilipinas ang nag-uugnay sa mga
Austronesian kung saan hawig ang pagbilang numero ng mga Ifugao, Tagalog,
Cebuano mga Maranaw at iba pa.

Samakatuwid, mahihinuhang ang wikang Filipino ay ambag ng iba’t ibang


wika mula sa iba’t ibang lahi at kultura mula sa iba’t ibang dako ng daigdaig.
Kaya hindi rin nakapagtatakang maging multikultural ang bansang Pilipinas
lalong lalo na sa wika.

Nag-iiba-iba man sa wika ay may ilang pagkakahawig o pagkakatulad naman


sa paraan ng pagsulat o alpabeto sa bansang Pilipinas na tinatawag na
baybayin.

Ang baybayin ay dating nakabaybay sa salitang bai-bayin mula sa Timog


Katagalugan.

Ayon sa ilang mananaliksik isa lamang ang baybayin sa paraan ng pagsulat o


alpabeto ng mga sinaunang katutubo. Sa ibang panig ng bansa tulad sa
Pampanga ay kulitan ang kanilang tawag sa kanilang alpabeto, sa Mangyan
naman ay surat at sa mga Bisaya naman ay Badlit. Ano man ang katawagan
ay makikitang katangian ay papantig ang paraan ng pagsulat o isang pantig
ang tinataglay ng bawat karakter o simbolo.

Ang ilang purista sa paggamit ng baybayin ay hindi nagkakaroon ng kaltas ng


isang letra kaya kung babaybayin ang salitang buhay ay magiging bu-ha.
Hindi naging malinaw ang nagging sistema sa pagbasa at pagsulat dahil ang
ilang datos at ebidensya ng pinagmulan at orihinal na kultura ng mga
sinaunang katutubong Pilipino ay binura ng mga Espanyol dahil sa hangaring
makapagtatak ng panibagong kulturang iiwan nila sa mga katutubong
Pilipino.

PANAHON NG ESPANYOL

Mula nang tinanggap ng mga sinaunang katutubong Pilipino ang mga


Espanyol maraming nagbago dahil sa pagyakap ng mga Pilipino sa hangarin
ng mga Espanyol.
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 3
Wikang Filipino

Isa sa mga pagbabagong iyon ay ang pagpapalit ng paraan o paggmit letra na


mula sa baybayin ay naging Romanisado na ang ginagamit na letra. Itinuro
ang abecedario. Maging ang panitikan ay nakatuon lamang sa relihiyon. Sa
sitwasyong yaon hindi nakapagtatakang nagkaroon na rin ng mga pagbabago
sa kultura.

Nang tuluyang pamahalaan ng hari ng Espanya ang Pilipinas ay nagkaroon ng


kautusang pangalagaan ang mga katutubo at ituro ang mga wikang Kastila sa
mga Pilipino ngunit hindi ito sinunod ng mga prayle at pamahalaan bagkus
sila ang nag-aral sa wikang bernakular at saka itinuturo ang konsepto ng
relihiyon sa pamamagitan ng partikular na wika sa isang lugar.

Nabanggit sa isang bahagi ang pagbura ng ilang kultura sa ilang bahagi ng


bansa ng mga Espanyol ngunit matapos ang maisagawa ang pagbubura ay
siya namang pagsusulat at pag-aambag ng aklat ng mga prayle ukol sa
kulturang mayroon ang mga sinaunang Pilipino.

Nag-ambag ng mga aklat ang mga prayle na nauukol sa relihiyon at


moralidad, gayundin ang ilang aklat na gabay sa pagsasalin ng mga dasal sa
wikang Kastila tungo sa wikang Tagalog at ilang diksyunaryo tulad ng mga
sumusunod (Marga B. Carreon, et. Al. 2017):

 Doctrina Christiana Lengua Española De Tagala (1953)

 Urbana at Feliza ni Modesto Castro

 Vocabulario dela Lengua Tagala ni Padre Pedro De San


Buenaventura (1613)

 Vocabulario De La Lengua Pampango ni Padre Bergano


(1732)

 Vocabulario dela Lengua Bisaya ni Mateo Sanchez


(1711)

Course Module
Kung susuriin sa sakop na panahon ay kailangang marunong sa dalawang
wika o bilingual ang kaalaman at kakayahan ng isang tao dahil wikang
bernakular at wikang Kastila ang umiiral.

Kaya naman sa panahong ito ay lumaganap din ang pagbuo ng mga


panibagong salita o wika dahil sa impluwensya ng mga Espanyol. Hindi
nakakapagtakang may naiwang mga wikang naging dayalekto sa kasalukyan
tulad ng Chavacano na may pagkakatulad sa wikang Kastila. May mga pag-
aangkin ding ginawa sa ilang wika na nagging ekspresyon at tuluyan nang
nagging bahagi ng wikang Tagalog at Filipino.

Sa loob ng mahigit tatlong daang taon hindi naturuan ang mga katutubo ng
wikang Kastila maliban na lamang kung sila ay mayayaman ang estado sa
lipunan. Kung naturuan man silaý hindi ganap ang pag-unawa sapagkat
pagkakabisado lamang ang isinagawa sa ilang dasaling nasa wikang Kastila.

Panahon ng Propaganda

Ang propaganda ay pagpapakalat ng anumang ideya, balita, impormasyon


totoo man o hindi upang maging sanhi ng anumang akusasyon o magkaroon
ng epektong maganda o hindi maganda sa isang pangkat o organisasyon.

(1872-1892) Sa panahong iyon ay unti-unting nagiging palasak na ang


kamalayan, kalayaan at maraming naghahayag ng mga opinyon at saloobin
ukol sa mga isyung panlipunan tulad sa lugar ng Europa.

Ilan sa mga dahilan kung bakit nagkaroon na rin ng propaganda sa Pilipinas


ay dahil sa mga sumusunod:

 Ang pagbubukas ng Suez Canal upang


magkaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng
Asya at Europa.

 Dahil may mga naglakas ng loob na mag-aral


upang matulungan ang bansa ay nagkaroon ng
pagkakataong maihayag ang mga katiwalian at
mga karapatang dapat natatamo ng mga Pilipino.
Karamihan sa mga taong ito ay naihahanay sa
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 5
Wikang Filipino

mga Mestizo de Sangley (anak ng negosyanteng


Tsino at isang katutubong Pilipino, Mestizo de
Español kapag anak ng isang purong Espanyol at
isang Pilipino). Kaya naman nakapasok ang
diwang liberal sa Pilipinas.

 Ang pagiging Gobernador-Heneral ni Carlos


Maria Dela Torre na nais magkaroon ng pantay
na pagtingin sa mga mamamayan, at;

 Pagpaslang sa GOMBURZA.

Kung susuriin ang ginamit na wika nina Dr. Jose P. Rizal, Marcelo H. Del Pilar,
Graciano Lopez Jaena at iba pa ay ang wikang Kastila na isang pagsubok
sapagkat diretsahan ang pagpapaalam sa kalaban nang gamitin ang wikang
Kastila at hindi naging madali ang paghahatid ng impormasyon sapagkat
hindi ito nakasalin sa wikang bernakular.

Naging sentimiyento naman ni Dr. Jose P. Rizal na ang wika mismo na


mayroon sa isang bansa ang dapat na gamitin upang pagtibayin at mapalalim
ang katauhan ng damdaming makabayan ng mga mamamayan ng bansa.

Dahil na rin sa tulong ng nakararami naging epektibo ang mungkahi at


ideyang ito ni Dr. Rizal dahil sa malinaw na pakikipag-ugnayan ng mga taong
nakaunawa at nanindigan.

Nang maisakatuparan ang mga mungkahi at mga ideyang ibinahagi ng mga


nagpasimula nito sa kasaysayan ng Pilipinas ay ipinagpatuloy ito ng mga
pangkat sa bansa.

Nang magkaroon ng konstitusyong Biak na Bato noong 1899 ginawang


wikang opisyal na wika ang Tagalog. Naging instrumento ang wikang ito
upang pag-ugnayin ang mga nagkakaisang Pilipino sa buong bansa.

Course Module
PANAHON NG AMERIKANO

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha


Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,


Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

(Bahagi mula sa tulang ‘Kung Tuyo Na ang Luha mo, Aking Bayan’ ni Amado V. Hernandez)

Mahihinuhang sa tula ay makikita ang lohika ng pagpasok ng mga Amerikano


sa tunggaliang Pilipino-Espanyol.

Matapos ang pagtulong ng mga Amerikano sa mga Pilipino ay nabalitaan ang


pagbebenta ng mga Espanyol sa Amerikano ang Pilipinas sa pamamagitan ng
Treaty of Paris.

Nagkaroon na naman ng panibagong yugto ang pagbabagong naganap sa


wikang mayroon ang bansang Pilipinas.

Binigyang laya ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa edukasyon na laging


ipinagkait ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino.

Ang mga Thomasites ang ipinadala ng bansang Amerika upang magturo sa


mga Pilipino at dahil sa napakaraming wika ang umiiral sa bansa ay
nahirapan silang magturo.

Ang ginawang wikang panturo at wikang opisyal upang maging mabisa


umano ang pagtuturo ay ang wikang Ingles dahil sa maraming pagkakaiba-
iba na wikang taglay ng bansa ngunit tinutulan ito ni Jorge Bacobo dahil mas
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 7
Wikang Filipino

mainam umanong ituro ang mga paksa sa sariling wika. Ilan din sa mga
sumusunod ang tutol din sa paggamit ng wikang Ingles bilang wikang
panturo (Ma. Luisa M. Cantillo, et. Al., 2016):

 Joseph Ralston na dating bise gobernador at


tagapagtaguyod ng edukasyong Amerikano. Ayon sa
kaniya ginagamit ng mga Pilipino ang mga katutubong
wika sa pang-araw-araw na Gawain at hindi kailangang
gamitin ang wikang Ingles.

 Ang Syrian-American na si Najib Mitry na isang


manunulat. Na batay sa kaniya ay hindi dapat gawing
monolingguwalang gamiting panturo.

 Si Saleeby na isang mananaliksik at manunulat. Para


naman sa kaniya ay kahit kalian ay hindi magiging
wikang panlahat ang wikang Ingles kahit pa gaano ito
kahusay na naituro dahil ang mga Pilipino ay may
kaniya-kaniyang wikang bernakular na ginagamit.

Kahit tinutulan ito ng ilang tao o eksperto ay ipinagpatuloy ang wikang Ingles
bilang wikang panturo at wikang opisyal lalo na sa pamahalaan at naging
pantulong sa wikang bernakular upang makipagkomunikasyon sa iba pang
wika.

Kaya naman naging mataas ang pagtingin ng mga Pilipino sa mga Kanluranin
dahil sa kung anong mayroon ang bansang Amerika tulkad ng maunlad na
ekonomiya, marangyang pamumuhay at kakaibang kultura na kinagigiliwan.
Kung mapapansin sa kaisipan at sikolohika rin ng mga Pilipino partikular sa
wika na kapag magaling mag-Ingles ay matalino na.

Course Module
Kapag tatanungin naman ang kalagayan ng wika ng bansa ay nalimot ito dahil
sa tuwirang pagtupad ng regulasyong Ingles ang dapat gamitin lalo na sa
paaralan at pamahalaan.

PANAHON NG HAPON

Nang pumasok naman sa bansa ang mga Hapon dahil sa pagtatakda ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naging buhay naman ang kalagayan ng
wika sa bansa. Dahil sa Order Militar Blg.13 na nag-uutos na gawing wikang
opisyal ang wikang Tagalog at wikang Hapon. Naglalayon itong burahin ang
ano mang kultura, kaugalian at paniniwalang Amerikano sapagkat may
paniniwala ang mga Hapon na ang mga bansa sa mga Asya ay para sa Asya
lamang.

Dahil sa kautusang yaon ay naging mayabong ang panitikang Pilipino


particular na sa paggamit ng wikang Tagalog. Kaya naman tinawag ito
“Ginintuang Panahon ng Panitikang Tagalog”.

PANAHON NG ‘MAKASARILI at MALASARILING’ PAMAMAHALA

Nang ibinigay na ng mga Amerikano ang pagkakataong pamunuan na


ng mga Pilipino ang bansang Pilipinas ay pinahayag ng iba ang isyu ukol sa
batas gayundin ang usaping pangwika.

1934

Sa panahong ito ay pinangunahan ni dating Pangulong Manuel L.


Quezon ang pagsasabatas sa kikilalaning pambansang wika ng bansa.
Nagsagawa ng pagbuo at pagsusog ng ilang batas upang maging batayan ng
lahat.

1935

Nang mabuo na ang Saligang Batas ng Pilipinas ay nagkaroon na ng


pagtatadhana ukol sa wikang pambansa ng Pilipinas. Makikita ito sa Seksyon
3, Artikulo 14 ng Saligang Batas 1935. Nakasaad dito na:
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 9
Wikang Filipino

“Äng Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at


pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.”

1936

Oktubre 27 ng taong nakatala ay naghayag si dating Pangulong


Quezon na bumuo ng isang organisayon na susuri sa lahat ng wikang umiiral
sa bansa at upang maaral ang pinakagamitin o umiiral na wika sa buong
bansa na magagamit bilang wikang pambansa ng Pilipinas.

Parehong taon sa tala, Nobyembre 13 ay pinagtibay na sa Kongreso


ang Batas Komonwelt blg. 14 na nagtatakda at nagtatatag sa Surian ng
Wikang Pambansa.

1937

Sa ika-12 ng Enero ay hinirang ang mga sumusunod na tao upang


suriin ang wikang umiiral sa buong bansa at alamin kung ano nga ba ang
magagamit na wikang pambansa ng Pilipinas

Tagapangulo: Jaime C. De Vera (Bisayang Samar-Leyte)

Kalihim: Cecilio Lopez (Tagalog)

Mga Kagawad: Filemon Sotto (Cebuano)

Felix Salas Rodriguez (Panay)

Santiago Fonacier (Ilocano)

Casimiro Perfecto (Bikolano)

Hadji Butu (Moro)

Nang sumapit ang ika-9 ng Nobyembre batay sa pag-aaral ng mga


tagasuri sa Surian ng Wikang Pambansa ay napagtibay na ang wikang

Course Module
Tagalog ang wikang Pambansa ng Pilipinas alinsunod sa Batas Komonwelt
Blg. 184 ng Kautusang Tagapagpaganap.

Ang ilang dahilan kung bakit umano ang wikang Tagalog ang naging
wikang pambansa ay dahil sa mga sumusunod:

o Nahahawig umano sa ilang at ibang wikain sa bansa, mula sa


ponetiko, baybay, ortograpiya at iba pa.

o Ang wikang Tagalog ang may kakanyahan na madaling


intindihin.

o Ginagamit ang wikang Tagalog bilang midyum ng magkaibang


etniko, edukasyon, pamahalaan at kalakalan.

Matapos ang ilang pag-aaral at pagsusog sa pasyang gawing wikang


pambansa, noong buwan ng Disyembre 13, ang wikang Tagalog ay naglabas
muli ng kautusan ang dating Pangulong Quezon sa pamamagitan ng
Kautusang Tagpagpaganap Blg. 134 inihayag niyang ang wikang Tagalog
bilang batayan ng wikang pambansa.

1940

Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril,


pinahintulutan na makapaglimbag ng mga diksyunaryo at isang Gramatika ng
Wikang Pambansa.

Sa parehong buwan at taon din ay ipinalabas ng dating kalihim na si


Jorge Bacobo ang isang Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 na Pagtuturong
Pambayan. Sinundan ng Sirkular Blg. 26 Serye 1940 ng Patnugot ng
Edukasyon Celedinio Salvador, na nagtuturo ng wikang pambansa ay
sinimulan muna sa mataas na paaralang normal.

Buwan naman ng Hunyo ay pinagtibay ng Pambansang Kapulungan


ang Batas Komonwelt Blg. 370 na ang wikang pambansa ay siya ring wikang
opisyal ng Pilipinas.

1946

Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay


nakapagpalabas ang Surian ng Wikang Pambansa ng isang diksyunaryo at
patnubay ukol sa ortograpiya ng pambansang wika.
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 11
Wikang Filipino

1947

Ang dating Pangulong Manuel A. Roxas ay naglabas ng Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 84 na ang Surian ng Wikang Pambansa ay isapailalim
sa Kagawaran ng Edukasyon.

1954

Ang Proklamasyon Blg. 12 ay nilagdaan ni dating Pangulong Ramon


Magsaysay. Ito ay naghahayag na ipagdiriwang ang Linggo ng Pambansang
Wika mula Marso29 hanggang Abril 4. Itinatapat ang pagdiriwang sa
kaarawan ni Balagtas bilang pagpapahalaga sa makata.

1955

Muling lumagda si dating Pangulong Ramon Magsaysay ng isang utos


na tinawag na Proklamasyon Blg. 186. Naglalahad ito na ang Linggo ng Wika
ay ililipat sa petsa ng Agosto 13-19 bilang pagpapahalaga sa kaarawan ng
dating Pangulong Manuel L. Quezon na kinilalang Ama ng Wikang Pambansa.

1959

Agosto 13 nang magpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 mula


sa pamumuno ni dating Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero, na ang
wikang pambansa ay tatawaging Pilipino.

1962

Ang Kautusang Pangkagawaran Blg.. 24 ay inilabas ni Alejandro Roces


na ang mga sertipiko at diploma sa taong panunuran 1963-1964 ay ililimbag
sa saling Pilipino.

1963

‘’Gayunman, nayanig ang wikang “Pilipino” nang ihain ni Kongresista


Inocencio Ferrer ng Negros ang isang kaso laban sa pinalalaganap na wika ng
NLI at ibá pang ahensiya ng pamahalaan noong 8 Pebrero 1963 sa Court of
Course Module
First Instance ng Maynila. Ipinawalangbisà ng Court of First Instance, Korte sa
Apelasyon, at Korte Suprema ang kaso subalit naging pagkakataón ito upang
umani ng batikos ang wikang Pilipino(…)’’

(Kriscell Largo Labor, ng mga artikulo nina Dr. Virgilio S. Almario at Dr. Purificacion
G. Delima, ng mga salin nina Minda Blanca Limbo at Kriscell Lárgo Labór; 2016)

1968

Nilagdaan ni Kalihim Rafael Salas ang isang kautusang Memorandum


Sirkular Blg. 172 na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran at
tanggapan at mga sangay nito ay isusulat sa Pilipino. Maging ang pormularyo
ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng mga pamahalaan ay
nag-uutos na sa Pilipino ito ihayag.

1969

Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ay nilagdaan ni Ferdinand


Marcos na nag-uutos na gamitin ang wikang Pilipino sa pagdiriwang Linggo
ng Wikang Pambansa, opisyal na komunikasyon at transaksyon sa
pamahalaan.

Ang Memorandum Sirkular Blg. 227 na nilagdaan ni Ernesto Maceda,


dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, na nag-uutos sa mga pinuno at
kawani ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar na isinasagawa ng Surian
ng Wikang Pambansa sa mga piling lugar sa Pilipinas.

1971

Sa nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang


Tagpagpaganap Blg. 304 ay inihayg niya ang paglilinaw ng mga tungkulin at
kapangyarihan ng Surian ng Wikang Pambansa.

1972

Nag-atas ang dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Surian ng


Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa lahat ng wikang sinasalita
sa bansa na alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas.

1974
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 13
Wikang Filipino

Naglabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 ng pagpapatupad ng


Patakarang Bilingguwal na paggamit ng wikang Filipino at Ingles sa
magkahiwalay na asignatura.

1978

Mula sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 22 ay nilagdaan ng dating


Ministro ng Edukasyon at Kultura na si Juan L. Manuel na isama ang
asignaturang Pilipino sa lahat ng kurikulum ng pandalubhasaan.

1986

Nagkaroon ng pagrerebisang muli ng konstitusyon ng Pilipinas upang


mapawalang-bisa ang Saligang Batas 1973. Pinagtibay ang seksyon ukol sa
wika.

1987

Sa Konstitusyong 1987, Artikulo XIV Seksyon 6:

Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.


Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring


ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

1988-1990

Ang dating Surian ng Wikang Pambansa ay tinawag na Linangan ng


mga Wika sa Pilipinas.

Course Module
1991

Nang lagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Republic Act


Blg. 7104 na naglalahad na ang dating Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay
tatawaging Komisyon sa Wikang Filipino.

1997

Naglabas si dating Pangulong Fidel V. Ramos ng isang proklamasyon


Blg. 1041 na ang Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa.

2001

Mula sa Pangkagawaran Blg. 45, naglabas ang Komisyon sa Wikang


Filipino ng isang istandardisadong gabay sa ortograpiyang Filipino, ang 2001
Revisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

2006

Nang mailabas ang kautusang Pangkagawaran Blg. 42 ay


ipinasuspinde ang implementasyon ng 2001 Revisyon sa Alpabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at nagtakda ng pansamantalang
paggamit ng ilang gabay sa ortograpiyang Filipino. Ito ay ang 1987 Alpabeto
at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

2008

Mayo nang maglabas ng isang burador ang KWF ng Gabay sa


Ortograpiya ng Wikang Pambansa na ang batayan ay ang 1987 Alpabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

2009

Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay naglabas ng isang pinal na


ortograpiya dahil sa Sangay ng Lingguwistika, Ang Gabay sa Ortograpiyang
Filipino.

2013

‘’Hinimay ang mga programa at proyekto ng KWF mula 2013


hanggang 2015 na mahigpit na pinapatnubayan ng isang malinaw na bisyon,
WIKA, KULTURA AT LIPUNAN 15
Wikang Filipino

misyon, at plano para sa wika. Sa pamamagitan ng artikulong ito ay


matutunghayan ang halaga ng pagpaplanong wika dahil dumaratíng ang
panahong yayanigin at paguguhuin ang mga naitatag na kaayusan ng isang
wika. At ang pagyanig at pagguhong ito ay lumalampas sa hanggahan ng
wika—kung hindi matutugunan, magiging banta ito sa lehitimidad ng
Estadong kinakatawan ng wikang ito at magiging panganib sa soberaniyang
pambansa.’’

(Kriscell Largo Labor, ng mga artikulo nina Dr. Virgilio S. Almario at Dr. Purificacion
G. Delima, ng mga salin nina Minda Blanca Limbo at Kriscell Lárgo Labór; 2016)

Course Module
References and Supplementary Materials

Books and Journals

1. Marga B. Carreon, Rosalina S. Molines, Auggene John D.A. De Vega, Cely Y. David,
Marites D. Galang at Rachel T. Turrano;2017;DUPIKAL, Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kuluturang Pilipino;Malabon City;Mutya Publishing House, Inc.
2. Rolando A. Bernales, Elyria C. Bernardino, Aurea A. Cantillon, Gina E. Eugenio, Nelson
G. Ramirez, Rosalie G. Yap, Dolores N. Gonzales, Enrico M. Pilongo, Marilou S.
Alonzo;2014; WIKAT AT KOMUNIKASYON sa Nagbabagong Panahon; Malabon
City;Mutya Publishing House, Inc.
3. Ma. Luisa M. Cantillo, Arjohn V. Gime, Dr. Alexander P. Gonzales; 2016; SIKHAY Aklat
sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa Ika-11
Baitang; Quezon, City; St. Bernadette Publishing House Corporation.
4. Kriscell Largo Labor, ng mga artikulo nina Dr. Virgilio S. Almario at Dr. Purificacion G.
Delima, ng mga salin nina Minda Blanca Limbo at Kriscell Lárgo Labór; Isang Sariling
Wikang Filipino Mga Babasahín sa Kasaysayan ng Filipino; KOMISYON SA WIKANG
FILIPINO; 2F Watson Building, 1610 JP Laurel St., San Miguel, Maynila 1005; 2016

Online Supplementary Reading Materials

1. INTRODUCTION TO PSYCHOLOGY;
https://opentextbc.ca/introductiontosociology/chapter/chapter1-an-introduction-
to-sociology/; Sept. 7, 2018

Online Instructional Videos

1. KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO;


https://www.youtube.com/watch?v=URzOZGMEfyM ; Oct. 3, 2018
2. KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA;
https://www.youtube.com/watch?v=CDy8uBKmquU ; Oct. 3, 2018

3. Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa;


https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To; Oct. 3, 2018

You might also like