You are on page 1of 16

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SAN ANTONIO SCHOOL


ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

` BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


GRADO 7
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.5
Panitikan : Dula
Teksto : “Ang Mahiwagang Tandang”
Wika : Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
Bilang ng Araw : 7 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Ih-i-5)


 Nailalarawan ang paraan ng pagsamba o ritwal ng isang pangkat ng mga tao
batay sa dulang napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-Ih-i- 5)


 Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling
karanasan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Ih-i-5)


 Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram.

PANONOOD (PD) (F7PD-Ih-i-5)


 Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napanood na dulang
panlansangan.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIIj-17)


 Naipaliliwanag ang nabuong patalastas tungkol sa napanood na dulang
panlansangan.

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ih-i-5)


 Nabubuo ang patalastas tungkol sa napanood na dulang panlansangan.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Ih-i-5)


 Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa pagbuo ng
patalastas.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

TUKLASIN
I – LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F7PD-Ih-i-5)


 Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napanood na dulang
panlansangan.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIIj-17)


 Naipaliliwanag ang nabuong patalastas tungkol sa napanood na dulang
panlansangan.

II - PAKSA
Panitikan : Gawi at Kilos ng mga Kalahok sa Dulang
Panlansangan
Kagamitan : Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III - PROSESO NG PAGKATUTO


Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya (ANONG PAGDIRIWANG)
Magpapakita ang guro ng mga larawan at huhulaan ang termino para sa
mga larawang ito sa tulong ng scrabbled letters.

Olkuesna - senakulo

Crunazatsan - santacruzan

Nayluapnu – panuluyan

Senoirmo – moriones
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

Gabay na Tanong:
a. Alin sa mga pagdiriwang na ito ang higit ninyong kinasasabikang panoorin?
b. Bakit naging tanyag ang mga pagdiriwang na ito?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.


2. Pokus na Tanong
Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano isinasagawa ang mga dulang panlansangan?

3. Presentasyon
Mungkahing Estratehiya (PANOORIN)
Pagpapanood ng mga dulang panlansangan na laganap sa Pilipinas.

PANUNULUYAN
https://www.youtube.com/watch?v=zFXpRMCAhn8

ANALISIS
1. Anong kultura, paniniwala at kaugalian ng mga Pilipino ang masasalamin sa mga
dulang napanood?
2. Masasabi mo bang isang uri ng dula ang mga ritwal na itinatanghal ng mga
sinaunang Pilipino? Patunayan.
3. Ano ang kahulugan ng dula bilang akdang pampanitikan?
4. Paano ito naiiba sa ibang anyo ng panitikan?
5. May maganda bang naidudulot ang dula/ dulang panlansangan sa buhay ng tao
lalo na ng kabataang Filipino?

Pagbibigay ng Input ng Guro

DAGDAG KAALAMAN (FOR YOUR INFORMATION)

Kahulugan ng Dula

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.


Ayon kay Arrogante, ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay na
ipinamamalas sa tanghalan. Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahagi ng
buhay. Taglay nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng
pagkakaroon ng mga suliranin o mga pagsubok na kanyang pinagtagumpayan o
kinasawian. Gaya ng ibang katha, ang dula ay lumilibang at pumupukaw ng damdamin.

Dulang Panlansangan

Ilan sa mga kilalang dulang panlansangan sa bansa na laganap pa din sa kasalukuyan


ay ang mga sumusunod:

1. Tibag - ito ay isinasagawa tuwing Buwan ng Mayo tungkol sa paghahanap ni Santa


Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo. Ang mga tauhan o kasali sa pagtatanghal ay
kahalo-halo ng taong bayan.

2. Senakulo - inilalarawan dito ang simula ng lahat- ang paglalang kay Eba at Adan, ang
pagsilang kay Jesus, ang kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Itinatanghal
ito bilang serye mula Lunes Santo hanggang Sabado de Gloria.

3. Panunuluyan - ito ay isinasagawa tuwing sasapit ang Pasko, bago mag-misa de gallo.
Sina Maria at Jose ay naghahanap ng bahay na masisilungan at
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

mapagsisilangan kay Jesus.

4. Moriones - Dulang panrelihiyong ginagamit sa mga lansangan sa lalawigan ng Mindoro


at Marinduque tuwing mahal na araw. Ang mga karakter na gumaganap ay nakasuot o
naglalagay ng mga maskarang may iba’t ibang kulay at ibang palamuti o guhit sa
kanilang katawan.

5. Santacruzan- dulang panlansangan at panrelihiyon kung saan isang


marangyang parada ng mga sagala at konsorte ang nagaganap. Sila ay lumilibot sa
mga kalye hanggang sa makarating sa simbahan upang maihatid ang krus.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (SANTACRUZAN-CEPTO)


Ayusin ang wastong pagkakasunod-sunod sa santakruzan upang mabuo ang
pangkalahatang konsepto ng aralin.

(Reyna Esther) (Reyna Justicia) (Reyna Judith)


pamamagitan Ang mga dulang sinasagawa
panlansangan

(Samaritana) (Reyna Elena) (Marian)


Pagtatanghal lansangan kasama ang taong
bayan

(Reyna Justicia)- (Reyna Judith)- (Reyna Esther)


-(Samaritana)- (Marian)-(Reyna Elena)

Ang mga dulang panlansangan ay isinasagawa sa pamamagitan ng


pagtatanghal kasama ang taong bayan sa lansangan.

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya (PATALASTAS)
Gumawa ng isang patalastas na maaaring pasulat o pasalita tungkol sa
kahalagahan ng pagtangkilik sa mga dulang panlansangan. Ipaliwanag ang nabuong
gawain.

IV. KASUNDUAN
1. Magsaliksik ng isang dulang panlansangang ipinagdiriwang sa inyong lugar at
ilarawan kung paano ito isinasagawa.
2. Naranasan mo na bang maging bahagi ng mga dulang panlansangan sa iyong
lugar? Isalaysay ang pangyayaring ito. Maaaring isalaysay ang karanasan
ng kapatid o mahal sa buhay kung hindi mo pa ito nararanasan. Magkapit ng
larawan sa inyong kwaderno.
3. Basahin ang dulang “Ang Mahiwagang Tandang”. Ibigay ang buod ng dula.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

LINANGIN
I - LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Ih-i-5)


 Nailalarawan ang paraan ng pagsamba o ritwal ng isang pangkat ng mga tao
batay sa dulang napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-Ih-i- 5)


 Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling
karanasan

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Ih-i-5)


 Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram.

II - PAKSA
Panitikan : Paraan ng Pagsambang Masasalamin sa Dula-
“Ang Mahiwagang Tandang ni Arthur P. Casanova
Kagamitan : Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III - PROSESO NG PAGKATUTO


Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI
1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya (GENIE IN A BOTTLE)
Magpapakita ang guro ng larawan ng isang genie.

Gabay na Tanong:
a. Ano ang inyong mahihinuha sa larawan?
b. Kung mabibigyan k ng pagkakataong mabigyan ng kahilingan ng isang genie,
ano ang hihilingin mo? Bakit?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano- ano ang mga paraan ng pagsambang masasalamin sa Dulang


“Ang Mahiwagang Tandang”?

3. Paglinang ng Talasalitaan
Mungkahing Estratehiya (USE IT)
Magbibigay ang guro ng mga salitang hiram at ang kahulugan nito. Gagamitin Ito
ng mga mag- aaral sa sariling pangungusap.

BULAD- isdang pinatuyo


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

BRASS- isang uri ng metal na pinaghalong tanso at zinc

AI DAO- ekspresyong maaaring nangangahulugan ng


matinding pagkalungkot o pagmamahal

DAMA- tawag sa mga alalay ng sultan o reyna

PUKPOK ALIMPAKU- isang tradisyunal na awiting bayan


ng Meranao

TOROGAN- tawag sa bahay ng mayayaman o kilalang tao o


pinuno sa Meranao

KALILANG- nangangahulugan ng pagdiriwang o pag-alaala

4. Paghinuha sa Pamagat
Mungkahing Estratehiya (YEAR OF THE ROOSTER)
Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga ideya na pumapasok sa kanilang
isipan tungkol sa hayop na tandang.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

5. Pagkilala sa May-akda
Mungkahing Estratehiya (ATING KILALANIN)
Magbibigay ang guro ng ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa sumulat ng
dula.

Simula nang magsulat ng mga dulang pambata si Arthur P. Casanova,


naging advocacy niya ang: (1) paggamit ng katutubong panitikan na naging lunduyan o
material ng kanyang mga dula, at (2) paggamit ng estilong kambayoka sa pagsulat
ng dula. Kitang-kita ang mga advocacy na ito sa dulang “Ang Mahiwagang
Tandang.” Isa pang maliwanag na impluwensiya kay Casanova ay ang
pinagbuhatan ng kuwento. Ang nabanggit na dula ay isang kuwentong mahika na
galing sa kultural na pamayanan kung saan matagal na nanirahan si Casanova, sa
Mindanao State University, Lungsod ng Marawi sa Lanao del Sur. Ang Lungsod ng
Marawi ang tinaguriang “ Islamic City of the Philippines.” Ang
impluwensiyang ito kay Casanova ay di dapat pagtakhan dahil dito niya ginugol ang
kanyang kabataan—naging iskolar siya rito at natapos niya sa unibersidad na ito ang
dalawang kursong undergraduate at sa pook na ito rin siya nagturo sa hayskul at
kolehiyo sa loob ng sampung taon. Higit sa lahat, ang mga advocacy niyang ito’y
bunga ng mga kaalaman at kasanayan niya sa Sining Kambayoka na itinatag noong
1974 ng kanyang mentor sa
drama at teatro na si Frank G. Rivera. Naging aktibong kasapi at iskolar si Casanova
ng Sining Kambayoka. Sa pangkat na ito tunay na nahasa ang kanyang kasanayan
sa pagdirihe at pagsulat ng iskrip sa estilo o paraang kambayoka.

6. Pagpapabasa ng Akda
Mungkahing Estratehiya (READERS’ THEATER)

ANG MAHIWAGANG TANDANG


Arthur P. Casanova
https://www.youtube.com/watch?v=Eqw8K_C25IA

7. Presentasyon
Mungkahing Estratehiya (WHAT’S NEXT)
Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng mga
flow chart.
W
a
Pm
p
h
tu
sA
kn
o
y
b
gilK
d
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

8. Pangkatang Gawain
Mungkahing Estratehiya (DO YOUR TASKS)
Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa pabulang
binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa: Paksa:
Mga Tauhan at ang Kanilang mga Paraan ng Pagsambang
Katangian Masasalamin sa Dula
Mungkahing Estratehiya: Mungkahing Estratehiya:
Simbolismo Tableau

Paksa:
Mga hiram na Salita
3 Paksa:
Kaisipang Hatid ng Akda
4
Mungkahing Estratihiya: Mungkahing Estratihiya:
Usapan Hugot Lines
Paggawa ng isang usapan na Paglikha ng mga hugot lines na
gianagamit ang mga hiram na nagpapakita ng kaisipang nais
salita sa akda ipabatid ng akda

9. Pagtatanghal ng pangkatang gawain


10. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain
11. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng
kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

ANALISIS
1. Naging makatotohanan ba ang mga pangyayari sa akda batay sa mga sarili
ninyong karanasan? Patunayan.
2. Maituturing mo bang isang dula ang akdang tinalakay? Bakit ito maituturing na
isang dula?
3. Paano nakatulong ang elementong tauhan, tagpuan, banghay at usapan sa
kabuuan ng dula?
4. Ano ang naging aral ng dulang tinalakay? Magagamit mo ba ito sa
kasalukuyan? Paano?
5. Bakit naging “Ang Mahiwagang Tandang” ang pamagat ng dula? Angkop ba ito
sa mga daloy ng pangyayari sa kuwento? Bakit?

ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya (ALING TANDANG)
Pipiliin ng mga mag-aaral ang mahiwagang tandang na naglalaman ng
pangkalahatang konsepto ng aralin.

Masasalamin sa dulang“Ang Masasalamin sa dulang“Ang


Mahiwagang Tandang” ang Mahiwagang Tandang” ang
pagsamba ng mga tao sa pera. pagsamba ng mga tao sa
itinuturing nilang Bathala.
https://img.clipartfest.com/66be9236c73adee8e8fbea42300f5505_vector-clip-art-illustration-rooster-clipart-images_450-441.jpeg
http://photos.gograph.com/thumbs/CSP/CSP992/k12596366.jpg

Masasalamin sa dulang“Ang Mahiwagang Tandang” ang pagsamba ng


mga tao sa itinuturing nilang Bathala.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (SHARE IT)


Magbabahagi ang mga mag-aaral ng sagot sa katanungan ng guro.

Ano- ano pa ang paraan ng pagsamba ng iba’t ibang relihiyon sa bansa?


Ibahagi ito sa klase.

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

tamang sagot.

1. Kuhanin mo ang bulad at ng atin nang maging hapunan mamaya. Ano


ang kahulugan ng salitang hiram na bulad?

a. kanin b. isda c. gulay d. manok


2. Ano ang aral ng dula na magagamit sa sariling karanasan ng bawat
isang tao sa pang-araw araw na pamumuhay?

a. Maging matiyaga sa buhay upang makamtan ang magandang kapalaran.


b. Ang pag-aaral ng mabuti ay may magandang bunga.
c. Ang pagtulong sa kapwa ay may mabuting kapalit.
d. Maging masunurin sa mga hari at reyna.

3. Ito ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.

a. pabula b. epiko c. maikling kuwento d. dula

4. Bakit “Mahiwagang Tandang” ang pamagat ng dulang tinalakay?

a. Tinutukoy nito ang ibong naging kaaway ng pangunahing tauhan sa akda.


b. Tinutukoy nito ang ibong naging asawa ng pangunahing tauhan sa akda.
c. Tinutukoy nito ang ibong naging kaibigan ng pangunahing tauhan sa
akda at nagbigay sa kanya ng yaman.
d. Tinutukoy nito ang ibong naging bida sa akda.

5. Paano nasasalamin sa dulang“Ang Mahiwagang Tandang” ang


pagsamba ng mga tao sa itinuturing nilang Bathala?
a. Ang mga tao ay naniniwala sa Bathala at hinahandugan nila ito.
b. Ang mga tao ay gumagawa ng mabuti dahil alam nilang may
kagantihan ito kay Bathala.
c. Ang mga tao ay naghahanda ng engrande para sa pinaniniwalaan
nilang Bathala.
d. A at B
e. Sagot:

B A D C D
Pagkuha ng Index of Mastery
SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV - KASUNDUAN

1. Magdikit ng mga larawan ng iba’t ibang relihiyong nagsasagawa ng


iba’t ibang pagsamba.
2. Ano- ano ang mga pangungusap na walang paksa? Isa-isahin ito.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

PAUNLARIN
I - LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Ih-i-5)


 Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa
pagbuo ng patalastas.
II - PAKSA

Wika : Mga Pangungusap na Walang


Tiyak na Paksa
Kagamitan : Pantulong na visuals
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 7
Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

II. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI
1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (ANONG PRODUKTO)


May ipababasang mga sikat na linya ng patalastas ang guro. Huhulaan ng
mga mag-aaral ang produktong tinutukoy ng bawat larawan.

INGAT! SMILE KA DIN!

Biogesic Mc Donalds

ANG INIT! MABUHAY!

Selecta Ice Cream Philippine Airlines

KAREN PO!

Mc Donalds
Gabay na
Tanong:
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

a. Ano ang mapapansin sa mga kataga ng mga patalastas?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain. Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Anu-ano ang mga pangungusap na walang paksa?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WATCH AND LEARN)


Magpapanood ang guro ng mga patalastas na binanggit sa unang aktibidad.

INGAT (BIOGESIC)
https://www.youtube.com/watch?v=vqOoVQLZp_s

MC DONALDS (SMILE KA DIN)


https://www.youtube.com/watch?v=ICn3_tRVGT0
Ikatlong Markahan | 115
ANG INIT (SELECTA)
https://www.youtube.com/watch?v=MqnYj4_51s
ANALISIS
1. Ano-ano ang dalawang mahalagang bahagi ng isang pangungusap?
Ibigay ang katuturan ng mga bahaging ito.
2. Isa-isahin ang mga sikat na linyang inyong narinig sa napanood.
3. Pansinin ang mga linyang ito. Ano ang iyong masasabi sa mga linyang
nabanggit? Buo ba ang diwang nais ipahatid ng mga linyang ito kahit
walang tiyak na paksa?
4. Lahat ba ng mga pangungusap ay may paksa? Mayroon bang
pangungusap na walang paksa? Patunayan.
5. Matatawag mo bang pangungusap ang mga katagang ginamit sa
inyong patalastas? Bakit?

Pagbibigay ng Input ng Guro


DAGDAG KAALAMAN- (FOR YOUR INFORMATIO N)
Mga Pangungusap na Walang Paksa

Sa Wikang Filipino ay may mga pangungusap na walang paksa. Ito ay


ang mga sumusunod:

1. Eksistensyal- ang mga pangungusap na eksistensyal ay nagpapahayagng


pagkamayroon o kawalan.
a. May mga magsisipanood na sa kalye.
b. Wala pang nanonood.
2. Modal- Nangangahulugan ito na gusto, nais, ibig, puwede, maaari,
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

dapat o kailangan
a. Pwedeng sumali?
b. Maaari ba?
3. Padamdam- nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.
a. Bilis! c. Kay ganda ng buhay!
b. Laban! d. Ang bait!
4. Maikling Sambitla- ang mga sambitlang tinutukoy ay ang iisahin o
dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
a. Naku! c. Aray!
b. Grabe! d. Ay!
5. Panawag- matatawag ding vocative ang mga ito. Maaari itong iisahing salita o
panawag ng pangkamag-anak.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (WHICH BALOON)


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang lobong nagpapakita ng mga pangungusap na
walang paksa.
EKSISTENSYAL PANAWAG BALBAL
MODAL MAIKLING
PADAMDAM FORMALSAMBITLA PORMULARYONG
PAMANAHON PANLIPUNAN

http://www.clipartkid.com/images/33/black-and-white-balloon-clipart-clipart-panda-free-clipart-images-wiRy8H-clipart.png

Ang mga pangungusap na walang paksa ay eksistensyal, modal,


padamdam, maikling sambitla, panawag, pamanahon at pormularyong
panlipunan.

APLIKASYON
Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (ISANG PATALASTAS)
Gagawa ang mga mag-aaral ng isang patalastas na pasalita na
tatalakay sa isang produktong gamit ang mga pangungusap na walang
paksa. Itatanghal ito sa klase.

Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (GAWIN NATIN)
Tukuyin kung anong uri ang mga sumusunod na pangungusap na walang
paksa. Isulat ang tamang sagot.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

1. Ang galing niyang umarte.


2.Kainis!
3. Puwedeng makatawad?
4.Walang anuman.
5. Lunes na bukas.
6.Bumabagyo.
7.Maganda ang palabas sa plasa.
EBALWASYON

1. Ano ang tawag sa bahagi ng pangungusap na siyang pinag-uusapan.


a. panag-uri c. pandiwa
b. paksa d. pang-ugnay

2. Maalinsangan ngayon. Anong uri ito ng pangungusap na walang paksa?


a. eksistensyal c. modal
b. pamanahon d. temporal

3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng


pangungusap na walang paksa?
a. Nag-aaral ng mabuti ang mga bata sa silid aralan.
b. Umuulan na.
c. Tayo ay manananghalian na mamaya.
d. Ang bata ay payatin.

4. Piliin ang pangungusap na nagpapakita ng halimbawa ng


pormularyong panlipunan.
a. Mabuhay! c. Sabado ngayon.
b. Aray! d. Pasukan na.

5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangungusap na nagsasaad ng maikling


sambitla. Alin ang hindi?
a. Grabe! c. Aray!
b. Naku! d. May mga tao na sa party.

Sagot:
B B B A D

Pagkuha ng Index of Mastery


SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

III - KASUNDUAN

1. Mag-isip ng iba pang patalastas na inyong napapanood sa telebisyon


na nagpapakita ng mga pangungusap na walang tiyak na paksa. Isulat
ito sa inyong kwaderno.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 1.5. Magdala ng mga materyales sa
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

paggawa ng awtput.

ILIPAT
I - LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ih-i-5)


 Nabubuo ang patalastas tungkol sa napanood na dulang panlansangan.

II - PAKSA
Pagsulat ng Awtput 1.5
Kagamitan : Pantulong na visuals
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III - PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estatehiya (WATCH AND LEARN)
May ipapanood ang guro sa mga mag-aaral na isang dulang
panlansangan. Pagkatapos ay ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang
saloobin sa napanood.

SANTACRUZAN
http://youtu.be/kocoCZI-QYO

SALOOBIN SALOOBIN SALOOBIN

2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

GOAL: Nabubuo ang patalastas tungkol sa napanood na dulang


panlansangan.

ROLE:Isa kang TV advertising manager

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan

SITUATION: Naatasan kang gumawa ng isang patalastas na pasulat tungkol sa


PRODUCT: Patalastas na pasulat tungkol sa isang dulang panlansangan
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng patalastas. nilalaman ng mga naisulat nang
(4) (4) patalastas. mga patalastas.
(3) (1)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong
IkatlongPAMGaGrAkM12sa0 mga salitang pagpili sa mga mahusay ang naging
aIhTaNnG | ginamit sa salitang ginamit sa pagpili ng mga
SALITA patalastas. patalastas. salitang ginamit.
(3) (3) (2) (1)
Lubos na kinakitaan nang Kinakitaan nang maayos Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG maayos at organisadong maayos at organisadong maayos at organisadong

You might also like