You are on page 1of 24

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.1
Panitikan: Mga Bulong at Awiting Bayan
Teksto: “Lawiswis Kawayan”, “Ili-ili Tulog Anay”,
“Si Pilemon, si Pilemon”
Wika: Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
Bilang ng Araw: 7 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIa-b-7)


 Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang bulong
at awiting-bayan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIa-b-7)


 Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang
nakapaloob sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga
Bisaya.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IIa-b-7)


 Naiuugnay ang konotatibong kahulugan ng salita sa mga
pangyayaring nakaugalian sa isang lugar.

PANONOOD (PD) (F7PD- Iia-b-7)


 Nasusuri ang mensahe sa napanood na pagtatanghal.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIa-b-7)


 Naisasagawa ang dugtungang pagbuo ng bulong at/o awiting-bayan.

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ia-b-7)


 Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting- bayan sa sariling
lugar gamit ang wika ng kabataan.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Iia-b-7)


 Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa
pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal).

Ikalawang Markahan| 1
TUKLASIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IIa-b-7)


 Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang bulong at
awiting-bayan.

II. PAKSA

Panitikan: Pagkilala sa Awiting Bayan


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya(4 PIC, 1 WORD)


May ipakikitang apat na larawan ang guro. Huhulaan ng bawat mag-aaral ang
tamang terminolohiya para sa apat na larawan. Maaari itong gawing
pangkatang gawain kung saan ang grupo na makakakuha ng tamang sagot
ang magkakaroon ng puntos. Ang pinakamaraming puntos ang tatanghaling
panalo.

awit

Ikalawang Markahan | 2
bayan

kaugalian

bulong
https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&ved=0ahUKEwjbn9e11bvSAhWBKJQKHYJ9DVYQjBwIBA&url=http%3A%2F%2Fclipartlibrary.com%2Fdata_i
mages%2F53082.png&bvm=bv.148747831,d.dGc&psig=AFQjCNHJNrPNgA6_tsPVbvVnsQmsucKnYg&ust=1488676261371934http://clipart-library.com/clipart/53130.htm
http://www.clipartkid.com/images/538/gossip-whispering-in-ear-secrets-drawing-illustration-mr-no-pr-no-iuXDxp-clipart.jpg
https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/236x/20/9c/4d/209c4d67798122324d019265f519f796.jpg

Ikalawang Markahan| 3
Gabay na Tanong:

a. Ano ang kaugnayan ng awiting bayan at bulong sa kaugalian sa isa’t


isa?Pamilyar ba kayo sa mga ito?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Bakit mahalagang pag-aralan ang mga bulong at awiting bayan?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya(AWITAN TIME)


Magpapanood ang guro ng videoclip ng mga awiting bayan mula sa youtube.

PARU-PARONG BUKID
https://www.youtube.com/watch?v=Z8LU6NswiDQ

SARONG BANGGI
https://www.youtube.com/watch?v=SaRJCG4MWjY

BAHAY KUBO
https://www.youtube.com/watch?v=1zltiVu94y4

LERON LERON SINTA


https://www.youtube.com/watch?v=firHRhLsprc

BULONG

Tabi tabi po….


Huwag po sanang manununo.

Ikalawang Markahan | 4
ANALISIS

1. Tungkol saan ang inyong mga narinig at napanood na mga awiting awit at
bulong?
2. Anong damdamin ang naramdaman ninyo habang inaawit ang mga awitin
at habang pinakikinggan ang mga bulong?
3. Kailan mo kadalasang naririnig o ginagamit ang mga bulong at awiting
bayan?
4. May masasalamin bang kultura sa ating mga katutubong awitin at mga
bulong? Pangatwiranan.
5. Nararapat bang hindi makalimutan ang mga bulong at patuloy na awitin
ang mga awiting bayan? Bakit? Patunayan ang kasagutan.

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N- (FOR YOUR INFORMATION)

KAHULUGAN NG BULONG

Ang bulong ay isa pa sa mga yaman ng ating katutubong panitikang


pasalindila. Ito ay ginagamit pa rin ng marami nating kababayan sa
pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso, sa
kagubatan, sa tabing-ilog at sa iba pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng
engkanto, lamang lupa o maligno. Binibigkas ang bulong para mabigyang-babala
ang mga “nilalang na hindi nakikita” na may daraan para maiwasang sila’y
matapakan o masaktan. Pinaniniwalaan kasing kapag hindi sinasadyang
nasaktan ang mga “nilalang” na ito ay maaari silang magalit o magdulot nang
hindi maipaliwanag na karamdaman. Gumagamit din ng bulong ang mga
albularyo sa kanilang panggagamot.

KAHULUGAN NG AWITING BAYAN

Ang awiting bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma
subalit kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa ganitong
paraan ay higit na naging madali ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting
ito. Hindi man nasusulat ay sa isip at puso naman ng mga mamamayan nanahan
at naisatitik ang mga awit kaya naman maituturing na walang kamatayan ang
mga ito.

Uri ng Awiting Bayan:


 Kundiman - awit ng pag-ibig.
 Kumintang - awit ng pakikidigma
 Dalit o Imno - awit sa mga diyos- dyosan ng mga bisaya.
 Oyayi o Hele - awit sa pagpapatulog ng bata.
 Diona - awit sa kasal.
 Soliranin - awit ng mga manggagawa.
 Talindaw - awit ng pamamangka.
 Dungaw - awit sa patay
Ikalawang
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Markahan|
Alma M. Dayag et. al. 5
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya(PICTURE-CONCEPT)
Bubuo ang mga mag-aaral ng pangkalahatang konsepto sa pamamagitan ng
pag-uugnay sa mga larawan.

AWITING
BULONG
BAYAN

Ang mga bulong at awiting bayan ay ______________________

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya(AWITING BATANGAS)


Sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungan ng guro.

Kung susulat ka ng isang awiting bayansa Batangas, anong kaugalian ang


magiging tema nito at bakit?

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang awiting bayan at idikit ito sa iyong kwaderno.


2. Basahin at unawain ang awiting bayang “Si Pilemon, si Pilemon” ni
Yoyoy Villame. “Lawiswis Kawayan” at ”, “Ili-ili Tulog Anay”. Humanda sa
talakayan.

Ikalawang Markahan | 6
3. Magsaliksik ng ilang mga kaugalian at paniniwala na masasalamin sa
Kabisayaan.

LINANGIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IIa-b-7)


 Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang
nakapaloob sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga Bisaya.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-IIa-b-7)


 Naiuugnay ang konotatibong kahulugan ng salita sa mga pangyayaring
nakaugalian sa isang lugar.

PANONOOD (PD) (F7PD- Iia-b-7)


 Nasusuri ang mensahe sa napanood na pagtatanghal.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIa-b-7)


 Naisasagawa ang dugtungang pagbuo ng bulong at/o awiting-bayan.

II. PAKSA

Panitikan: Tradisyon sa Kabisayaan na Masasalamin sa Mga Bulong at


Awiting Bayang Bisaya
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya(MANOOD TAYO)


Pagpapanood ng video cliptungkol sa kagandahan ng mga lugar sa Visayas.

ITS MORE FUN IN VISAYAS


https://www.youtube.com/watch?v=5CWLgoeVXJ0
Ikalawang Markahan| 7
Gabay na Tanong:
a. Ano-anong mga kultura at paniniwalang Bisaya ang inyong nakuha mula
sa pinanood?
b. Magbigay ng ilan pang paniniwalang Bisaya na inyong nalalaman.

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang mga tradisyon sa kabisayaan na masasalamin sa mga


bulong at awiting bayang Bisaya?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya(PILIIN)
Tukuyin at salungguhitan ang konotatibong kahulugan ng mga salitang
nakasulat ng mariin kaugnay ng nakaugalian ng mga Pilipino.

1. Ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa:


a. pagluluksa at kalungkutan c. paghihirap at gutom
b. pag-ibig at pagkabigo d. giyera at kaguluhan

2. Ang oyayi ay kaugnay ng:


a. Bangka, pamingwit, at isda c. ina, hele at sanggol
b. Walis, bunot at basahan d. rosas, gitara at pag-ibig

3. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa:


a. Pangangaso
b. paggawa ng mga gawaing bahay
c. Panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig
d. Pagiging matampuhin

4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:


a. Pagiging mapamahiin c. pagiging masayahin
b. Pagiging masipag d. pagiging matampuhin

5. Ang awiting bayan ay karaniwang iniuugnay sa:


a. Materyal na kayamanan ng isang bayan

Ikalawang Markahan | 8
b. Pagsurudang dinanas ng isang bayan
c. Kultura’t kaugalian ng isang bayan
d. Politika sa isang bayan
Ilang salitang Bisaya ang ginamit sa pangungusap bilang pamalit sa
katumbas nitong salitang Tagalog. Piliin at salungguhitan ang kahulugan ng
mga salitang ito.

1. Dala ang kanyang lambat, si Mang Dante ay sumakay sa kanyang


Bangka at pumalaot. Siya ay namasol. Ang namasol ay…
a. lumangoy b. naligo c. nangisda

2. Sinabihan siya ng kanyang asawang si Aling Selya na magbalon para


hindi gutumin. Ang magbalon ay…..
a. maghukay ng balon b. magbaon c. magsaing

3. Ang mga huli ay guibaligya niya sa mga kapitbahay. Ang guibaligya ay…..
a. ipinagbili b. ipinamigay c. ipinadala

4. Nagluto siya ng sinigang. Gustong-gusto niya kasi ang sabaw na may


aslom. ang aslom ay....
a. init b. asim c. pait

5. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kaniyang gihigugma. Ang


gihigugma ay….
a. minamahal b. hinihintay c. binabantayan

4. Paghinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (CONCEPT MAP)


Pagbibigay ng mga konseptong may kaugnayan sa mga pamagat ng awiting
bayan at bulong na tatalakayin.

Si
Ili-ili
Pilemon, Tulog
si Pilemon Anay

5. Pag Lawiswis Tabi


Kawayan
papabasa/ Tabi
Bulong
Pagpaparinig ng Akda

Ikalawang Markahan| 9
Mungkahing Estratehiya (PAGBASA/ PAGPAPARINIG)
Iparirinig ng guro at babasahin ng ilang piling mag-aaral ang mga awiting
bayan at bulong.

LAWISWIS KAWAYAN
https://www.youtube.com/watch?v=LK4fRG6x7Zs

SI PILEMON SI PILEMON
https://www.youtube.com/watch?v=HWArQM9E4oQ

ILI ILI TULOG ANAY


https://www.youtube.com/watch?v=QLJ-CoGrFlo

MGA BULONG

Sa Ilonggo Salin sa Tagalog


Tabi tabi…. Tabi tabi….
Maaga lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay namon Kung kayo’

6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (CULTURE IN THE SONG)


Pagbibigay ng mga tradisyon at kaugalian na nasalamin sa mga awiting
bayan at bulong na napakinggan.

Si Pilemon, Tradisyon/ Ili-ili Tulog Tradisyon/


si Pilemon Kultura Anay Kultura

Lawiswis Tradisyon/ Tabi Tabi Tradisyon/


Kawayan Kultura Bulong Kultura

7. Pangkatang Gawain
Ikalawang Markahan | 10
Mungkahing Estratehiya (IPAKITA ANG GALING)
Ipakikita ng bawat pangkat ang kanilang mga galing sa pagbuo ng bulong
at/o awiting-bayan na sasalamin sa kultura at tradisyon ng mga Bisaya.

SELEBRASYON
1 PANINIWALA SA
2
(FIESTA) DIYOS

PAMILYA
3 PAG-AASAWA
4

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe(4) manonood (4) manonood (2)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)

Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


Kaisahan nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
ng Pangkat pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
o bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang gawain
Kooperasyon sa kanilang kanilang gawain sa kanilang (0)
(3) gawain (3) (2) gawain (1)

Ikalawang Markahan| 11
8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na
ibinigay ng guro

ANALISIS

1. Ano-anong bahagi ng kultura ng Kabisayaan ang masasalamin sa mga


awiting bayan at bulong na napakinggan/ napanood? Isa-isahin ito.
2. Suriin ang ginawang pagtatanghal ng pangkatang gawain. Ano ang
mensahe na nais nitong iparating?
3. Naging madali ba ang paglikha ng mga awiting bayan/ bulong ng bawat
pangkat? Bakit?
4. Ano-anong mga bagay ang masasalamin sa mga katutubong awitin at
mga bulong?
5. Paano mapananatili at mapapalaganap ang mga katutubong panitikan
tulad ng mga awiting bayan at bulong sa kasalukuyang henerasyon.

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N- (FOR YOUR INFORMATION)

ANG KABISAYAAN

Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat


etnikong Pilipino. Pangunahin silang naninirahan sa Kabisayaan at sa
hilagang-silangang Mindanao habang ang iba naman ay dumayo sa ibang
mga bahagi ng bansa, kasama na ang Kalakhang Maynila, kung saan sila
ang bumubuo ng mayoriya.
Cebuano, Hiligaynon (o Ilonggo), at Waray-Waray ang mga
nangungunang wika ng mga Bisaya pagdating sa bilang ng mga
tagapagsalita. Bagaman maaaring magkaunawaan ang mga tagapagsalita
ng mga wikang ito (at ng iba pang mga wikang Bisaya) kung pipilitin, hindi
pa rin ito sapat para sa masaysay na talastasan, at
karaniwang Filipino o Ingles ang ginagamit bilang wikang pantalastasan sa
pagitan ng mga kasapi ng iba’t ibang pangkat linggwistiko. Higit 40% ng
mga Pilipino ang may kanunununuang Bisaya.

ABSTRAKSYON

Ikalawang Markahan | 12
Mungkahing Estratehiya(CONCEPT NOTE)
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga notangnaglalaman ng mga tradisyon at
kulturang masasalamin sa mga awiting bayang tinalakay.

PAGMAMAHAL
NG
MAGULANG PAGIGING
SA ANAK MAGALANG
MALING
PARAAN NG PAGLILIGAWAN
PAMUMUHAY

TAPAT NA
PAGIGING PAGMAMAHAL
MASIPAG

Si Pilemon, si
Pilemon

Ili-ili Tulog Tabi Tabi


Anay Bulong

Lawiswis
KAwayan

A PLIKASY

Ikalawang Markahan| 13
ON

Mungkahing Estratehiya(SA SARILING BAYAN)


Magpapanood ang guro ng videoclip tungkol sa probinsiya ng Batangas.
Pagkatapos ay bubuo ang mga mag-aaral ng awiting bayan/ bulong na
sasalamin sa kultura at tradisyon ng mga Batangueño.

SILIP SA LUGAR NG TAAL


https://www.youtube.com/watch?v=i2QnhbYsV_U

AWITING BAYAN/
BULONG

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Sa ating bansa ay maraming genre ng akdang pampanitikan, alin sa mga


akdang pampanitikan na inaawit ng ating mga ninuno noong unang
panahon ang lumitaw sa anyong patula na sumasalamin sa mga kultura at
paniniwala ng mga Pilipino?

a. Awiting bayan c. nobela


b. kwentong bayan d. tula

2. Sa linya ng awit na “ Ang benta nya’y nawala, Ang benta niya’y nawala,
Ibinili ng tuba”Ipinakita sa pahayag na ang tauhan ay may katangiang
________.

a. maadhika sa buhay c. mahilig kumain ng isda


b. marunong sa negosyo d. mahilig uminom ng alak

3. Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat etnikong Pilipino.


Pangunahin silang naninirahan sa Kabisayaan at sa hilagang-
silangang Mindanao. Anong katangian ng mga Bisaya ang masasalamin
sa awiting bayang “Ili ili Tulog Anay”?
a. Pagmamahal ng ina sa kanyang anak
b. Pagiging maadhika sa buhay
c. Pagkakaroon ng disiplina sa sarili
d. Pagkakaroon ng mga bisyong masama

Ikalawang Markahan | 14
4. Ano ang ipinahahayag ng bulong sa ibaba?

Sa Ilonggo Salin sa Tagalog


Tabi tabi…. Tabi tabi….
Maaga lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay namon Kung kayo’

a. Gumagawa ng mga paraan ang mga magulang para sa ikabubuti ng


anak.
b. Ang mga Pilipino ay likas na magalang ay mapagpaumanhin sa kapwa
tao.
c. Hindi gumagalang ang mga sinaunang Pilipino sa kapwa tao sapagkat
sila ay mapagmataas.
d. Maraming mga bagay ang sadyang hadlang sa pag-unlad ng buhay ng
isang tao.

5. Pillin ang tamang pares ng awiting bayan at mensaheng ipinababatid nito.

a. Si Pilemon, si Pilemon- maling paraan ng pamumuhay


b. Ili-ili Tulog Anay- pagmamahal ng magulang sa anak
c. Lawiswis Kawayan-pagmamahal ng magulang sa anak
d. Ili-ili Tulog Anay-maling paraan ng pamumuhay

a. A at B b. B at C c. C at D d. A at D

Sagot:
A D A B A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isa pang awiting bayan na nagmula sa Kabisayaan. Alamin


ang kaugalian at tradisyon ng awiting bayan na inyong napili.
2. Isa-isahin ang mga barayti ng wika at ibigay ang kahulugan ng bawat isa.
3. Magbigay ng 3 halimbawa sa bawat isang barayti ng wikang nasaliksik.

Ikalawang Markahan| 15
PAUNLARIN
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Iia-b-7)


 Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa
pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal).

II. PAKSA

Wika: Antas ng Wika


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

2. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya(MANOOD TAYO)


Magpapanood ang guro ng video clip ng dalawang awiting iisa ang
pinapaksa.

Bebot (Black Eyed Peas) Ang Dalagang Pilipina

Ikalawang Markahan | 16
Gabay na Tanong:
a. Pansinin ang pamagat ng dalawang awit. Kapwa tumutukoy sa babae ang
mga salitang ito subalit masasabi mo ba kung paano nagkaiba ang mga
ito?
b. Sa ano-anong pagkakataon o saan-saang lugar mo maaaring marinig ang
salitang dalagang Pilipina? ang salitang bebot?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

3. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang iba’t ibang mga antas ng wika?

4. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya(DOKUMENTARYO)
Pagpapanood ng video clip mula sa youtube na may kaugnayan sa aralin.

HULING HIRIT SA BUWAN NG WIKA: ANG WIKANG FILIPINO SA


MODERNONG PANAHON
https://www.youtube.com/watch?v=eWkw6EsA_m8

ANALISIS

1. Ano ang masasabi mo sa wikang Filipino batay sa napanood na


dokumentaryo tungkol sa wika?
2. Sa iyong palagay bakit nagkakaroon ng iba’t ibang antas ng wika? Isa-
isahin ang mga dahilan nito.
3. Saan o kanino mo kadalasang naririnig ang mga salitang naimbento o
nabuo lamang? Madali ba para sa iyo na maunawaan ang mga ito?
4. Suriin ang mga antas ng tao sa lipunan na gumagamit ng mga malalamin
na salita, ng mga salitang karaniwan at ng mga salitang hindi pormal.

Ikalawang Markahan| 17
5. Mahalaga ba ang kasanayan sa iba’t ibang antas ng wika? Bakit?
Pangatwiranan.
Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - (FOR YOUR INFORMATION)

MGA ANTAS NG WIKA

1. Balbal o Pabalbal – Ito ang wikang ginagamit sa lansangan. Ito ang


pinakamababang antas ng wika. Ang salitang balbal ay nabubuo sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng pagkuha ng dalawang huling
pantig ng salita,pagbaligtad ng titik sa salita, pagkuha ng salitang Ingles at
pagbibigay rito ng ibang kahulugan.

Halimbawa:
Amerikano- kano bagets- kabataan
Tigas-astig charing-biro
Datung- pera sikyu- guwardiya

2. Kolokyal –Mataas lamang ito ng kaunti sa salitang balbal. Wikang sinasalita


ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya lamang na tinatanggap sa lipunan.
Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita
upang mapaikli o mapagsama ang dalawang salita.

Halimbawa:
Pa’no- mula sa paano kelan- mula sa kailan
P’re mula sa pare meron mula sa mayroon

3. Lalawiganin –Ito’y wikang ginagamit sa isang rehiyon at sila lamang ang


nagkakaintindihan kung ang pagbabatayan ay wikang pambansa.

Halimbawa:
Ambot- mula sa salita Bisaya na ang ibig sabihin ay ewan
Kaon- mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay kain

4. Pambansa o Karaniwan –Ito ang wikang sinasalita ng balana na


tinatanggap sa lipunan.

Halimbawa:
Maybahay sa halip na waswit
Ama atina sa halip na erpat at ermat

5. Pampanitikan –Ito ay pinakamataas na antas ng wika. Ito ang ginagamit ng


mga makata at pantas sa kanilang pagsusulat. Kabilang dito ang
matatalinghagang salita at mga salitang nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at
larawang diwa.

Halimbawa:
Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa kanyang pagngiti ay binubukalan
mandin ng pag-ibig.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.


Ikalawang Markahan | 18
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya(STUDYANTE BLUES)


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga estudyante na nagpapakita ng iba’t
ibang antas ng wika.

Ang mga antas Ang mga antas


ng wika ay ang ng wika ay ang
balbal,kolokyal, Pangatnig at
lalawiganin, pang-ugnay.
pambansa at Ang mga antas
pampanitikan.
ng wika ay ang
sanhi at bunga.
Ang mga antas
ng wika ay ang
eksistensyal,
modal,
phenomenal at
pormal.

Ang mga antas ng wika ay angbalbal,kolokyal,lalawiganin, pambansa at


pampanitikan.

Ikalawang Markahan| 19
APLIKASYON

Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya(USAP TAYO)
Gumawa ng isang usapan na nagpapakita ng paggamit ng iba’t ibang antas
ng wika. Pumili sa mga sitwasyong ibibigay ng guro.

Paggamit ng A. Palengke
iba’t ibang B. Plaza
antas ng wika C. Paaralan
D. Mall

Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya(GAWIN NATIN)
Suriin ang barayti ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang naganap
sa isang family reunion. Kilalanin at isulat sa patlang kung ang nakadiin ay
balbal, kolokyal, lalawiganin o pormal.

___________Lola: Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng


bulalakaw na nagdulot sa akin ng kaligayahan. (pampanitikan)

___________Jean: Uy, si Lola emote na emote……(balbal)

___________Lito: Hayaan mo nga siya, Jean. Moment niya ito eh. (balbal)

___________Tita Lee: O sige, kaon na mga bata. Tayo’y magdasal na


muna.
(lalawiganin)

___________Ding: Wow! Ito ang chibog!!! Ang daming putahe. (balbal)

___________Kris: Oh, so dami. Sira na naman ang diet here. (balbal)

___________Nanay: Sige, sige, kain ngarud para masulit ang pagod namin
sa paghahanda. (lalawiganin)

___________Lyn: Ipinakikilala ko ang syota kong Kano. Dumating siya para


makilala kayong lahat.(balbal)

___________Tito Mando: Naku, nag-aamoy bawang na. Kailan ba naman


ang pag-iisang dibdib?(pampanitikan)

Ikalawang Markahan | 20
___________Lolo: Basta laging tatandaan, nga apo, ang pag-aasawa’y
hindi parang kaning isusubo na maaaring iluwa kapag
napaso.(pampanitikan)

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ang pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ng mga makata at pantas sa


kanilang pagsusulat. Kabilang dito ang matatalinghagang salita at mga salitang
nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.
a. Karaniwan c. balbal
b. kolokyal d. pampanitikan

2. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng antas ng wika na nasa anyong balbal?


a. Huwag mawawalan ng pag-asa dahil ang buhay ay parang gulong. Minsan
nasa itaas minsan nasa baba.
b. Dapat ay gora lamang sa lahat ng mga pagsubok sa life.
c. Ang mga taong may paniniwala sa Panginoon ay matatag sa buhay.
d. Wala sa nabangit

Panuto: Tukuyin ang antas ng wikang binabanggit sa mga salitang may


salungguhit sa pangungusap. Piliin ang titik at isulat ang tamang sagot.

a. Balbal c. Lalawiganin e. Pampanitikan


b. Kolokyal d. Pambansa

_____3. Mainit ang panahon nitong mga nakaraang araw. Kaya naman nauuso ang
mga iba’t ibang uri ng sakit.
_____4. Dinedma si Ruel ng kanyang kasintahan dahil sa naging away nila kagabi.
_____5. Wala siyang paki kung pag-usapan man siya ng ibang tao. Siya ay may
sariling diskarte sa buhay.

Sagot:
D B D A B

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

Ikalawang Markahan| 21
1. Magbigay ng mga halimbawa ng mga salita sa iba’t ibang antas. Gamitin
ito sa makabuluhang pangungusap.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 2.1.

ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ia-b-7)


 Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting- bayan sa sariling lugar
gamit ang wika ng kabataan.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.1


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (SINE TIME)


Magpapanood ang guro ng isang videoclip tungkol sa lalawigan ng Batangas.
Pagkatapos ay magkakaroon ng talakayan ukol dito.

BATANGAS LUNGSOD KONG MAHAL


https://www.youtube.com/watch?v=HI3UCrXqKOc

Gabay na Tanong:

Ikalawang Markahan | 22
c. Ano ang iyong masasabi sa lalawigan ng Batangas?
d. Gaano kaunlad ang lugar na ito?
e. Isa-isahin ang mga kultura at paniniwala sa lalawigan ng Batangas.
2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS
GOAL: Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting- bayan sa
sariling lugar gamit ang wika ng kabataan.

ROLE: Mag-a-“audition” ka sa “Moon Records” dahil magtatampok sila ng mga


bagong kompositor/ mang-aawit para sa kanilang launching o
pagbubukas. Nakapokus sila sa mga kabataang may pagmamahal sa
sariling musika. Nais mong maging kakaiba sa mga bagong sikat na
mga mang-aawit.

AUDIENCE: Mga Pilipinong mahilig sa OPM

SITUATION: Nais mong bigyan ng ibang bersyon ang mga awiting bayan na kilala sa
inyong lugar bilang entry mo sa gaganaping audition ng “Moon
Records”.

PRODUCT: Kuwentong bayan nasasalamin ng tradisyon o kaugalian ng


lugar na pinagmulan nito gamit ang wika ng kabataan

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


ORIHINALIDAD Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
AT ng orihinalidad ang orihinalidad ang tula ay nagmula sa
NILALAMAN nilalaman ng awit.(4) nilalaman ng awit.(3) mga naisulat nang
(4) mga awit.(1)
Napakahusay ng Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG pagpili sa mga salitang pagpili sa mga mahusay ang
SALITA ginamit sa awit.(3) salitang ginamit sa naging pagpili ng
(3) awit.(2) mga salitang
ginamit. (1)
Lubos na kinakitaan Kinakitaan nang Hindi kinakitaan nang
SUKAT AT nang maayos na sukat maayos na sukat at maayos na sukat at
TUGMA at tugma ang naisulat tugma ang naisulat tugma ang naisulat na
(3) na awit.(3) na awit.(2) awit.(1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

Ikalawang Markahan| 23
1. Sumulat ng isang talatang nagpapakita ng wastong paggamit ng antas ng wika.
2. Ano ang alamat bilang isang akdang pampanitikan? Magsaliksik ng tungkol
dito.

Ikalawang Markahan | 24

You might also like