You are on page 1of 2

PAGUULAT

Ang Pag-uulat ay isang paraan ng pagtalakay sa aralin upang ganap itong maipaliwanag
at maunawaan.Ito ay isang uri ng paglalahad tungkol sa mga bagay na namasid, nabasa,
sinaliksik, napakinggan, o nagawa. Ang kabuuan ng pag-uulat ay isang sanaysay ng paglalahad.
Ang haba o ikli nito ay naaayon sa kasimplihan o kasalimuotan ng paksa ng ulat. Maari ring ito
pasulat o pasalita.
May dalawang uri ng Pag-uulat, una ay ang magbigay ng kabatiran o impormasyon at
ang ikalawa ay naglalahad ng pag-aaral o pagsusuri na ginawa.

YUNIT VI
MGA PARAAN NG PAGBUO NG TEKSTO
PAGSASANAY A
Banggiting isa-isa ang mga paraan sa pagbubuo ng teksto.
Ang mga gabay o hakbangin na maaring makatulong sa pagbuo at pagsulat ng isang teksto.
a. Pagkilala ng paksa at pagsasagawa ng maayos na pangangalap ng datos ukol dito.
b. Pagkilala sa mga propisyon ukol sa paksa upang matiyak ang angkop na argumentong
gagamitin.
c. Pagtutukoy sa angkop na pamamaraan ng pangangatwiran kaugnay ng napiling
propisyon.
d. Pagkalap ng impormasyon upang matibay ang argumento.
e. Pag-iwas sa maling pangangatwiran: matibay na paniniwala at mahatak na panghikayat

PAGSASANAY B
Sumulat ng isang panuto kung paano ang paggawa o paggamit ng isang bagay.
“Tamang Paggamit ng Fire Extinguisher”
Para magamit ang fire extinguisher, tandaan ang salitang PASS:
a. Pin ng fire extinguisher ang una mong hugutin. Hawakan ang extinguisher nang hindi
nakaturo sa iyo ang nozzle (nguso na nilalabasan ng kemikal o foam), at tanggalin mula
sa pagkakakandado.
b. Ang asinta ay pababa. Ituro ang extinguisher sa ibabang bahagi ng apoy.
1
c. Simulan ang pagpisil sa lever o panikwas nang dahan-dahan at pantay ang pagkakapisil.
d. Suyurin ang magkabilang dulo gamit ang nozzle.

PAGSASANAY C
Bumuo ng isang teksto / sulatin tungkol sa napili ninyong paksa sa pagsasanay B sa
tulong ng balangkas na inyong inihanda sa bilang dalawa ng pagsasanay B.
“Mga Dapat tandaan kung Paano Maiiwasan ang Sunog”
“Sunog! May sunog!” Iyan ang sigaw ng mga tao sa Pasig Line Street, Sta. Ana Manila
noong nagkasunog sa uang araw ng bagong taon. Nasa 600 na pamilya ang nabiktima ng sunog
na ito at tinatayang nasa halagang Php2.5 million ng ari-arian ang natupok ng apoy. Walang
sinuman ang gustong masunugan dahil ito ay tunay na nakaka-trauma.

You might also like