You are on page 1of 3

PAGSASANAY E

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ibigay ang dalawang uri ng talumpati ayon sa paghahanda. Banggitin ang mga
halimbawa ng talumpating may paghahanda (prepared speech) at pag-iba-ibahin ang mga ito.
a. Manuskrito - Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, o
progrma sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. Ang nagsasalita
ay nakadarama ng pagtitiwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang
sasabihin. Kailangan ang matagal na panahon sa paghahanda ng ganitong uri ng talumpati
sapagkat ito ay itinatala. Limitado rin ang oportunidad ng tagapagsalitang maiangkop ang
kanyang sarili sa okasyon. Karaniwan din ay nawawala ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalita
sa kanyang tagapakinig dahil sa pagbabasa ng manuskritong ginawa.
b. Isinaulong Talumpati - Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding
pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. May opurtinidad
na magkaroon ng pakikipag ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang
manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita. Ang isang kahinaan ng ganitong
talumpati ay pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong ginawa.
2. Paanong iniaangkop ng isang mananalumpati ang kanyang layunin sa kanyang
pagtatalumpati?
Sa pagtatalumpati ang isang tagapagsalita ay pinaghahandaan ang kanyang gagawing
paglalahad sa pamamagitan ng pagsasaayos o pag-oorganisa ng kanyang mga sasabihin upang
ang kayang ipapahayag ay makahikayat at maging kapanipaniwala sa kanyang mga tagapakinig
sa pamamagitan ng malinaw at maayos na paglalahad ng pangangatwiran.
3. Anu-ano ang mga hakbangin sa paghahanda ng talumpati?
Ang mga hakbangin sa paghahanda ng talumpati ay ang mga sumsunod:
a. Pagpili at Paglilimita ng Paksa
b. Pagtitiyak sa Layunin
c. Pagsusuri sa Tagapakinig
d. Pagsusuri sa Okasyon
e. Paglilikom ng Materyal
f. Paghahanda ng Balangkas
g. Paghahanda sa Talumpati
1. Banggitin at talakayin ang iba't ibang bagay na dapat isaalang-alang kung pipili ng paksa
at talumpati.

1
a. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian.
b. Sapat na kagamitan - maga datos na pagkukunan ng mga pangyayari
c. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng pakasa ay naaayon din sa kahusayan,
na pinagyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba ng
pananalita.
d. Tiyak na Panahon o Pook - ang kagandahan ng isang pagtatalumpati ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook sa
panahong sakop ng talumpati at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng talumpati.
e. Kilalanin ang tagapakinig - naglalahad ang tao hindi para lamang sa kanyang
pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kanyang tagapakinig.
5. Isa-isahin ang mga katanungang dapat isaalang-alang kung maghahanda ng talumpati.
Mga tanong na dapat isaalang-alang kung maghahanda ng talumpati:
a. Ano ang aking layunin?
b. Anong paksa ang dapat kong piliin?
c. Anu-ano ang dapat kong sabihin?
d. Paano ko ilalahad ang mga dapat kong sabihin?
e. Paano ko bibigkasin ang aking talumpati?
f. Ano ba ang nais masaklaw na layunin ng aking talumpati?
g. Pagkatapos ng talumpati, ano ba ng gusto kong maging epekto ng aking
talumpati sa mga tagapakinig?
6. Bumanggit ng iba't ibang paraan ng pag-oorganisa ng nilalaman ng talumpati.
Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at
wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.

B. Pumili ng isang napapanahon, subuking sumulat ng isang talumpati ukol dito.


Mga Hakbang Upang Maprotektahan ang Sarili at ang Iba Laban sa COVID-19
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng
bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas
ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman.

2
Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan
ang kalusugan mo at ng iba.
Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito
kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.
a. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay
Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na
may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.
Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga
bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na
maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at
nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong
kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng
paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na
may alkohol.
b. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan.
Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong
at bibig.

You might also like