You are on page 1of 5

FILIPINO 222

PAGTATALO AT PAGTATALUMPATI
IKALAWANG SEMESTRE SY 22023-2024

UNANG BAHAGI

KAHULUGAN, LAYUNIN, BAHAGI, URI, KAILANGAN AT KATANGIAN NG


MANANALUMPATI AT MGA DAPAT ASALIN SA ENTABLADO

Mga Layunin:

1. Natutukoy at natatalakay nang maayos ang kahulugan, layunin, bahagi at uri ng talumpati
2. Naiintindihan nang mahusay ang kailangan ng mananlumpati at mga dapat asalin sa ibabaw ng
entablado
3. Nakapagbubuo ng sariling halimbawa ng talumpati.
4. Nabibigkas nang wasto at mahusay ang binuong talumpati.

Aralin 1:
KAHULUGAN, LAYUNIN AT BAHAGI
Preliminaring Pagsusulit
Talakayin natin sa Unang Aralin ang kahulugan at layunin ng talumpati

KAHULUGAN
Ang talumpati ay:
 isang sining na binabasa o binabalangkas sa harap ng mga tao.
 isang magalang na pagsasalita sa harap ng publiko hinggil sa isang mahalaga
at napapanahong paksa.
 sinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig
 isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para hsa mga pangkat ng mga tao.
Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
LAYUNIN
1. Pampalibang/manlibang
 ito ay talumpati na karaniwan sa mga salo-salo, mga pagtitipong sosyal, mga
pagpupulong sa mga klub at mga bangkete o piging.
2. Nagbibigay kabatiran/magpabatid
 ito ay maipabatid sa nakikinig ang isang bagay. Ganitong uri ng talumpati
ang ginagamit sa pagbibigay ng ulat, mga panuto o kaya’y panayam.
3. Panghikayat/manghikayat
 ito ay talumpating nagmamatuwid, angkop ito sa sermon sa simbahan, sa
pangangampanya sa panahon ng halalan, sa pakikipagtalo, talumpati sa
batasan o ng abogado sa hukuman.

BAHAGI
1. Pambungad/ Simula
 Dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Sa
pambungad/simula dapat malinaw agad ang layunin o hangarin ng talumpati.
Maaaring simulan sa pagbanggit tungkol sa aksyon o pagdiriwang,
magsasalay ng katatawanan, maglalarawan ng isang tanawing kaugnay ng
paksa, maghayag ng isang salawikaing kaugnay ng paksa. Kadalasan, ang
pagpapatawa sa simula ay nakakukuha ng kawilihan at nakakaakit sa mga
nakikinig.
2. Katawan
 katngiang kailangan ng katawan
 kawastuhan
 kalinawan
 pang-akit
 Kawastuhan
a. wasto sa buod at anyo ang talumpati
b. toto at maipaliliwanag nang mabisa ang lahat ng inilahad sa buod.
c. may kawastuang pambalarila at pang-araw-araw na pananalita ang
ginagamit.
 Kalinawan
Dapat na maging maliwanag ang talumpati upang maunawaan ng
nakikinig. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng;
a. paggamit ng mga tiyak na salitang nauunawaan ng mga
tagapakinig
b. huwag tumukoy ng mga bagay na hindi alam ng ga tagapakinig.
c. huwag magpaligoy-ligoy sa pagpapahayag sa madla
d. gawing parang karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap sa
madla
 Pang-akit
magagawa ito kung lagging wasto ang pangangatuwiran. Akitin ang
guniguni at damdamin ng mga tagapakinig. Maging kaakit-akit ang
pagsasalita.
3. Katapusan
Ito ang nagtatapos sa talumpati. Dapat naglalaman ito ng pinakasukdulang buod ng
pinakasukdulang buod ng talumpati. Maaring ilagay rito ang pinakamalakas na
katibayan
at katwiran upang kumilos ang mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
Ang paksa ay mananalumpati ay may wastong gamit ng mga salita, gramatika/
balarila at dapat angkop sa interes at kawilihan ng mga tagapakinig o ng publiko.
UNANG GAWAIN

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan/ 20pts

1. Ano-ano ang batayan sa mahusay na pagpapahayag ng talumpati?

2. Imbitado kayo bilang panauhing pandangal sa isang okasyon. Ang oras ay alas otso ng
umaga nahuli kayo sa pagdating. Ano ang gagawin mo?

Aralin 2:
Uri, Kailangan ng Mananalumpati, Mga Dapat Asalin sa Entablado sa
ikalawang aralin, pag-aaralan natin ang mga uri ng talumpat, mga kailangan ng
mananalimpati at mga dapat asalin sa entablado.

Uri ng Talumpati:
1. Binabasang Talumpati
 Binibigyan nang panahon upang maghanda. Inihanda, sinusulat at binabasa
nang paulit-ulit kung kaya’y magtatalumpati babasahin parin.
2. Biglaan/Dagliang Talumpati
 Ito ay walang ganap na handa o hindi binibigyan ng panahong maghahanda.
angkop ito sa mga bihasa, sanay at mabilis mag-isip sa paksang sasabihin.
3. Talumpating Sinasaulo
 ito ay memoryadong talumpati, isusulat at sasauluhin.

Kailangan ng mananalumpati;
1. Sapat sa kaalaman/ Malawak na kaalaman
 ito ay upang maibahagi sa mga tagapakinig ang isang malalim na
pagkaunawa sa isang paksa at mararamdaman ng tagapakinig na sapat ang
kaalaman ng tagapagsalita.
2. Sapat na tiwala sa sarili/ Pagtitiwala sa sarili
 hindi kakikitaan ng kahit anumang kaba at pagkatakot.
3. Sapat na kasanayan / Magkaroon ng kasanayan
 sanay sa pagsasalita nang malakas at malinaw sa harap ng publiko at
maraming tao.
4. Kailangan ang wastong gamit ng mga salita at gramatika/balarila.
5. Kailangan ang maayos na personalidad.
Mga Dapat sa Ibabaw ng Entablado
1. Tindig
 Tumindig nang maginhawa at maluwang. Maging maginoo sa pagtayo o
anyong kagalanggalang. Huwag tindig marinong nakabuka ang dalwang paa.
huwag idudukot ang kamay sa bulsa. Huwag mamaywang.
2. Galaw
 Uri ng Galaw
a. galaw ng buong katawan kung lumilipat sa ibang panig ng entablado.
b.galaw ng mga bahagi ng katawan, kung kumukumpas ang nagsasalita.

3. Kumpas
 Galaw ng alinmang bahagi ng katawang na ang layunin ay maihatid sa mga
nakikinig ang isang kaisipan/damdamin.
Uri ng kumpas:
a. Kumpas na may itinuro, ginagamit ang hintuturo, layuning tawagin ang pansin
sa bagay na itinuturo.
b. Kumpas na ang palad ay nakatihaya, nagpapakilala ito ng pagbibigay o kayay
pagtanggap.
c. Ang palad na nakataob at ayos patulak, ito’y pagtanggi .
d. Kumpas ng pagpapagunita, parang ipinapatong sa balikat ng kausap ang
kamay.
e. Mapwersang kumpas, ang pagpapalakpak ng mga kamay, pag-iling ng ulo o
pagpadyak ng paa.
f. Ang nakataas na dalawang kamay na ang mga palad ay nasa itaas ay
nagpapahiwatig ng kawalang pag-asa o pagsuko. Bukod sa mga bisig at kamay,
ang ulo at mga balikat ay nagagamit din sa pagkumpas, ang pagkibit ng balikat,
ang pag-iling at pagtango ng ulo ay nagagamit sa pagbibigay kahulugan at diin
sa sinasabi. Ang mata at may gamit din sa pagtatalumpati. Habang nagsasalita
dapat tumitingin sa madla at hindi sa itaas o sa sahig. Dapat mararamdaman ng
madla na sila ang kinakausap ng nagtatalumpati.

IKALAWANG GAWAIN

Ano ang kahulugan ng sumusunod na galaw? 10 pts


1. Kamay na paturo:___________________________________________________________
2. Pagkibit ng balikat:__________________________________________________________
3. Palad na nakatihaya:_________________________________________________________
4. Hakbang na paurong:________________________________________________________
5. Kamay na pataob at anyong patulak:____________________________________________
Isulat kung tama o mali/ 10pts

1. Ang tinig ay dapat pag-iba-ibahin._____________________________________________


2. Ang talumpati ay binibigkas hindi isinusulat._____________________________________
3. Ang talumpati ay binibigkas nang may kabagalan._________________________________
4. Dapat tuwid ang katawan at ulo sap ag-akyat sa entablado.__________________________
5. Habang nag sasalita kailangan tumingin sa itas at sa madla, hindi sa sahig upang
nerbyosin.__________________

ANG GAWANG TAMA AY PINAGPAPALA

You might also like