You are on page 1of 5

MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

KABANATA 4:
PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO

Layunin:

a.) Natutukoy ang mga batayang konsepto pagdating sa pasalita at


pasulat na diskurso
b.) Nakasusulat ng isang halimbawa ng sanaysay batay sa
ibinigay na paksa
c.) Naitatala ang kalakasan at kahinaan ng pasalita at pasulat

ANG DISKURSONG PAGSASALITA

Sa pagsasalita, namumutawi ang mga kataga nang walang gaanong hirap at


pag-iisip.
Hindi natin namamalayan ang tamang pagpili ng mga salita at ang mga
kahingian ng gramatika, sapat na sa attain ang makapagpahayag at
maunawaan.
Ang paggamit ng galaw ng katawan at iba’t ibang ekspresyon ng mukha upang
bigyang-diin ang mahahalagang bahagi ng pahayag.
Maaari ring baguhin ng nagsasalita ang tono ng kanyang tinig.

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Tagapagsalita

 Kagalang-galang ang personalidad, responsible, wastong pananamit at may


angkop na pananalita.
 Dalubhasa o may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay.
 May tiwala sa sarili
 Maingat siya sa pagbibigay ng kongklusyon, paratang at pananaw.
 Hindi mayabang
 Walang nakadidistrak na mannerisms.
 May sense of humor.
 May kasanayan sa wikang gagamiting midyum sa pagpapahayag.

Pahina 35
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

Kailangan sa Mabisang Pagsasalita


Ang pagsasalita ay kinalalakhan nan g isang tao. Natural na natural ito sa kanya.
Ngunit hindi lahat ng tao ay mabisa sa kanyang pagpapahayag, kaya dapat niyang
linangin ang kasanayang ito.
1. Kaalaman – Upang maging isang mabisang tagapagsalita, kailanganag alam ng
tagapagsalita ang paksang tatalakayin. Bihirang nalilinlang ng tagapagsalita ang mga
tagapakinig. Bunga nito, kailangang maging responsible siya sa mga salitang
kanyang binibitawan.

2. Kasanayan – Dapat na maangkin ng isang epektibong tagapagsalita ang mga


sumusunod na
kasanayan:
a. Nakapag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon.
b. Malinaw na pagbigkas ng mga salita.
c. May sapat na kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang anyo ng berbal at di-
berbal na komunikasyon.
d. May sapat na kasanayan sa pagpapahayag ayon sa apat na genre ng
komunikasyon: paglalarawan, paglalahad, pagsasalaysay at pangangatwiran.

3. Tiwala sa sarili – Mahihirapang kumbinsihin ng tagapagsalita ang kanyang


tagapakinig kung wala siyang tiwala sa sarili. Upang maging epektibong
tagapagsalita, kailangang siya mismo ang unang naniniwala at tagabunsod ng
kanyang mensahe.

Mga Kasanayan sa Pagsasalita


1. Tindig – Ang isang tagapagsalita na may kaiga-igayang personalidad, kalugod-lugod
sa paningin ng madla ay may adbentahe o kalakasan kaysa sa mga tagapagsalitang
mukhang sakitin. Dapat na siya ay kagalang-galang tignan. May tikas mula sa ulo
hanggang paa.

2. Kumpas – Ang angkop na kumpas ng kamay o kaya’y ng buong katawan ay


mahalaga sa Pagsasalita. Ibig sabhin nito, dapat na tumutugma sa kahulugan ng mga
salitang binibigkas ang mensahe, kasabay ng kumpas maging bahagi ng katawan lang
o buong katawan.

3. Ekspresyon ng Mukha – Ang emosyon ng nagsasalita at nailalantad sa ekspresyon


ng kanyang mukha. Upang maiwasan ang pagkalito, tawanan o distraksyon sa mga
tagapakinig, siguraduhing angkop sa ekspresyon ng mukha ang salitang binibigkas.

4. Bigkas – Ang maling pagbigkas ng mga salita ay maaaring magbunga ng ibang


pakahulugan lalo na’t ang mga wika sa kapuluan ay napakaraming salitang magkatulad
ang baybay, ngunit magkaiba ang bigkas, at kahulugan. Upang maging malinaw ang
mensahe ng pahayag ng isang tagapagsalita, kailangang pansisnin niya ang bigkas ng
mga salita kasama nito ang tinis, haba, lakas, intensidad, bilis ng pagbigkas,
intonasyon, diin, bagal at hinto ng pagsasalita.

Pahina 36
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

ANG DISKURSONG PASULAT


Ayon sa mga pag-aaral, napatunayan na mas mataas ang pagtinging inilalaan sa
gawaing pasulat.
Sa paraang pasulat lamang nabibigyan ang wika ng pagkakataong mamalagi na
may labis na kapangyarihan.
Kung wala ang pasulat, wala ring magaganap na pag-aaral ng ating kasaysayan.
Nagbabasa tayo upang maglibang at makakuha ng impormasyon, gayundin
sumusulat tayo upang magbigay o magpaabot ng impormasyon.

Kahalagahan ng Pagsulat
1. Naipapahayag ang sariling damdamin
2. Naipaparating ang mga impormasyon sa iba
3. Nalilinang ang malikhain at lohikong pag-iisip
4. Nakapag-iingat ng kultura at kabihasnan ng isang lahi

Proseo ng Pagsulat

1. Bago sumulat – Ito ang unang bahagi na pinaplano ng manunulat ang paksang
kanyang isusulat. Kasama ang pangangalap ng impormasyon o datos na
makatutulong nang malaki sa paglalaman ng kanyang isusulat.

2. Burador – Sa bahaging ito, pansamantalang isinusulat ang pagbabalangkas ng


ideya at maaaring rebisahin nang paulit-ulit.

3. Pagrerebisa – Ito ang yugto ng pagbabasang muli ng burador. Maaaring paulit-ulit


ito depende sa pangangailangan. Sa yugtong ito, maaaring magpalit, magdagdag o
magbawas ng mga impormasyon ang isang manunulat.

4. Pag-eedit – Iniwawasto sa bahaging ito ang pagbaybay, balarila, pagbabantas at


kaangkupan sa paggamit at pagpili ng mga salitang gagamitin.

5. Pinal na dokumento – Ito ang kinalabasan o awtput ng mga ideya.

Mga Mekanismo sa Pagsulat

1. Kaisahan – Ang kaisahan ng mga pangungusap ay nagbubunga ng isang


pangkalahatang ideya.

2. Kaugnayan – Kailangang maipakita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pahayag at


pangyayari sa loob ng isang paksa.

3. Kabuoan – Nangangahulugang buo ang dapat na kaisipang nakapaloob sa isang


talata. Hindi lamang pangungusap ang dapat na magkakaugnay kundi gayundin ang
transisyon ng bawat talata magmula sa panimula, katawan at bahaging wakas ng
talata.

Pahina 37
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DISKURSO

PASALITA – oral, mga halimbawa ay pampublikong pagsasalita, talumpati at pagtutula

PASULAT – gumagamit ng mga ortograpikong simbolo gaya ng mga letra

PAGKAKAIBA NG PASULAT AT PASALITA NA DISKURSO

PASALITA PASULAT
a. Panlipunan ang konteksto sa pagtanaw a. Indibidwal ang konteksyo sa
sa presensya pagtanaw(nag-
iisa ang manunulat upang gumana ang
imahinasyon) sa mambabasa.
b. Hindi malay (unconscious) sa paggamit b. May malay (conscious) sa paggamit ng
ng wika
wika ang nagsasalita. ang manunulat.
c. Isinasaalang-alang ang social settings. c. Isinaalang-alang ang audience.
d. Likas o natutuhan sa prosesong natural. d. Natututuhan sa isang pormal na pag-
aaral.
e. Gumagamit ng tunog o ponema e. Gumagamit ng grapema o mga simbolo.

Bilang karagdagang kaalaman, buksan ang mga link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=buWAXnAkMMI
https://www.youtube.com/watch?v=R3ZZmWiwcdM
https://www.youtube.com/watch?v=RGb4QHuIpg4

https://sites.google.com/site/ftuyac04/?tmpl=%2Fsystem%2Fapp%2Ftemplates%2Fpri
nt%2F&showPrintDialog=1
https://www.wattpad.com/60786360-komunikasyon-sa-akademikong-filipino-
diskurso
https://prezi.com/hk4nva2vowhe/pasalita-at-pasulat-na-diskurso/ - pasalita at
pasulat na diskurso
https://sites.google.com/site/ftuyac04/?tmpl=%2Fsystem%2Fapp%2Ftemplates%
2Fprint%2F&showPrintDialog=1
https://www.academia.edu/40921251/YUNIT_III
https://pt.slideshare.net/zelgandugh/retorika-at-diskurso?ref=
Espina, L. et.al., Modyul ng Komunikasyon sa Akademikong Pilipino. Mindshapers Co.
Inc. 2011

Pahina 38
MODYUL NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

You might also like