You are on page 1of 10

PAGDULOG SA PAG-UNAWA NG MGA TEKSTO SA IBA'T IBANG DISIPLINA

Ayon kay Goodman (1970), ang pagbabasa ay isang proseso ng pamimili


Nagsisimula ang pagbabasa ng sang indibidwal sa kanyang paunang
pagpapakahulugan sa tekstong babasahin. Sa pagbabasa niya, pumipili siya ng mga
panandang salitang maaaring magpatibay o magpabulaanan sa kanyang
pagnapakahulugan. Sa patuloy niyang pagbabasa, patuloy rin siya sa pagtitipon ng
mga salitang pananda mula ta tekstong kanyang binabasa makapagpapatibay
makapagpapabago o makapagpapabulaanan sa nauna na niyang pagpapakahulugan.

Tatlong Tuklas Ukol sa Kalikasan ng Pagbasa

Mula sa pahayag na ito ni Goodman, tatlong tuklas ang nabuo nina Mackay at
Mountford (1979) ukol sa pagbabasa. Una, ang pagbabasa ay isang aktibong proseso.
Tuluy tuloy na bumubuo ang mambabasa ng kanyang pananaw na pinagtitibay,
binabago o pinabubulaanan batay sa mga makahulugang panandang kanyang natitipon
mula sa akdang kanyang binabasa.
Ikalawa, ang pagbabasa ay dalawang kaganapang magkaugnay, bilang
proseso at bilang produkto. Inilahad nina Alderson at Urquhant (1984) na ang pag
unawa sa pagbabasa ay kapwa produkto at proseso. Ang karamihan sa pananaliksik ay
nagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbabasa bilang produkto kaysa proseso subalit
hindi ito sapat. Napatunayang ang produkto sa pagbabasa ay nag liba-iba at
nakasalalay sa kahusayan sa pagbabasa (proseso) ne mambabasa. Hindi nasusukat ni
natatasa ng pang-unawa bilang produkto ang tunay na layunin ng akdang binabasa o
ang naganap na ugnayan sa pagitan n mambabasa at ng teksto sapagkat hindi
magkakatulad ang kahusayan kagalingan ng bawat mambabasa, gayundin,
magkakaiba ang pag-uugali pagpapahalaga ng mga ito. Sa ganitong punto, kinikilalang
lagi nang nakasalala sa prosesong daraanan ng mambabasa ang produktong kanyang
mabubuo sa gawaing pagbabasa.
At ang ikatlo, ang pagbabasa ay ugnayan ng wika at diwa ng mambabasa Ang
mga mambabasa ay nahaharap sa hapakaraming impormasyon at mga ideya, mga
paniniwala at pag-uugall: Ang mga kaalamang ito na sinangkapan ng kakayahang
panlingguwistika ng mambabasa ay makapagpapatibay sa inaasahan ng mambabasa
sa akdang kanyang binabasa. Ang kanyang kagalingan sa pagbabasa ay nakasalalay
sa ugnayan ng kanyang kakayahang panlingguwistika at kaalaman sa mundo.

Ang Prosesong Sikolohikal ng Pagbasa

Ang pagiging aktibong proseso ng pagbabasa na naghahanap ng produkto o


resulta batay sa tuloy-tuloy na pagpoproseso ng mga tinatanggap na kaalaman ay
prosesong sikolohikal ng pagbasa. At ang kaalaman ng mambabasa bunga ng
pagsasama-sama ng mga ito ay sumasalamin sa teoryang iskema (schema).
Batay kay Moffitt (1989), ang iskema o iskemata (schemata in plural form) ay
ang kalipunan ng organisado, magkakaugnay at sama-samang impormasyong
nagbibigay ng tiyak na reaksyon o pagkilos sa kaalamang makakasalamuha ng
mambabasa. Maaari itong imbak sa magkakaibang "lalagyan sa utak ng isang
indibidwal (Gunning 1996). Ang ugnayan nito at ng tekstong babasahin ay
magreresulta sa komprehensyon sa akdang binabasa.
Sa teoryang ito, inaasahang mahusay na mapoproseso ng mambabasa ang
tekstong babasahin, mabubuo niya ang inaasahang kaalaman at maipaliliwanag niya
ang kaalamang nabuo. Sa kabuuan kung gayon, ang iskema ay pag-unawa sa
kaalaman-paanong kakatawanin ang kaalaman at paano itong gagamitin
Iniatang naman nina Rumelhart at Norman (1978) ang teoryang iskema sa
mahusay na memorya o pag-alala ng mambabasa sa kanyang mga naunang natutunan
(prior knowledge). Sinasabing ang mga naunang natutuhan ng isang indibidwal ay
naiimbak sa kanyang iskema o iskemata.
Maaari rin namang ang kanyang matututuhan ay bubuo ng bagong skema o
iskemata. Ang lalim ng pang-unawa ng mambabasa sa akda ay nakasalalay sa dami ng
kanyang iskema.

Tatlong Uri ng Iskema

May Tatlong uri ang iskema batay sa paano ito binubuo o ginagamit:

1. Bagong Iskema (Schema Creation)- bubuuing bagong skema batay sa bagong


kaalamang natutunan na hindi pa tinataglay ng anumang buo nang iskema;
2. Akresyon (Accretion)-buo nang iskema, at kinikilala ang kaalaman at natututunan
ng isang indibidwal batay sa iskemang ito, at,
3. Pinayamang iskema (Tuning or scherma evolution) -iskemang unti unting
binabago at pinayayaman batay sa pagkakagamit nito sa iba't ibang sitwasyon.

Dalawang Paraan Upang Maging Aktibo ang Iskema

May dalawang kaparaanang maaari namang pagpilian upang maging aktibo ang
iskema ng isang indibidwal (Cook 1989).

1. Pagkilala sa bagong kaalaman at pag-uugnay nito sa naunang kaalamang


nakaimbak sa alaala sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw o muling pag-
alata. Sa kasong ito, bagong kaisipan ang naasimila sa buo nang iskema na
maaaring mapayaman o mapalawak
2. Pagkilala sa bagong kaalaman at pagbibigay ng bagong kaanyuang
tinatanggap ng isipan. Sa kasong ito, ang bagong kaalaman ang bumuo ng
bagong iskema

Sa parehong kaso, ang isang indibidwal ay nagsasama-sama ng mga piraso ng


kaalaman at nagsisikap na maging makabuluhan ito sa kanya (Plastina 1997). Bunga
nito, tinaglay niya ang dalawang pangunahing sangkap ng iskema ang pleksibilidad
(flexibility) at ang pagiging malikhain (creativity).
May pleksibilidad ang iskema sapagkat naimbak ito kung hindi kinakailangan,
magagamit kung kakailanganin, at maaaring baguhin o pagyamanin kung kakailanganin
ng sitwasyon.
Taglay rin ng iskema ang pagiging malikhain sapagkat maaari nitong katawanin
ang anumang kaalaman at karanasang nauunawaan ng isang indibidwal.

Ang iskema o iskemata kung gayon ay ang pinakabalikong teorya sa pag-unawa


ng isang indibidwal sa anumang teksto o akdang kanyang babasahin batay sa
kanyang nakaimbak nang unang kaalaman.

Ang Interaktibong Proseso ng Pagbasa

Ang interaktibong proseso ng pagbasa ay naglalayong pagsama-samahin ang


iba't ibang kaparaanan upang maging higit na epektibo ang pagbabasa Nasasangkot
dito ang mga teorya ng paghata tulad ng iskema o kognitibo at metakognitibo gayundin
ang mga modelo ng pagbasa tulad ng bottom-up at top-down. isinasaalang-alang din ng
prosesong so ang lahat ng datos sa teksto maging ito ay grapemiko, ponemiko,
morpemiko, sintaks, o semantika. Ginagamit ng prosesong ito ang nakatalang datos
bilang input ng mambabasa at ang kahulugang nabuo ng mambabasa mula rito ang
output. Ang mga mambabasang gumagamit ng ganitong proseso ay higit na mahusay
at matagumpay na mambabasa
Katangian ng Di-Mahusay at Mahusay na Mambabasa

Sa aklat na Psycholinguistics ni John Field (2006), makikita ang hambingan ng


di-mahusay na mambabasa at mahusay na mambabasa:

Katangian ng Di-Mahusay na Mambabasa


 Ang pag-unawa ay nabubuo pagkatapos basahing muli ang teksto.
 Gumagamit ng mga estratehiyang pag-alala o memorization, pag-uulit ng mga
nakatala o simpleng pag-uuri.
 Hindi nagtataglay ng kahandaan sa pagbabasa at walang kakayayang magsuri
ng akdang binasa.
 May mababang antas ng pagtitiwala sa sarili.
 Isinisisi sa iba ang hindi mainam na resulta ng pagbabasa.

Katangian ng Mahusay na Mambabasa


 Nauunawaan ang teksto gamit ang naunang kaalaman.
 Nakagagamit ng sama-samang estratehiya sa pagbasa, naisasaayos ang mga
datos, at nakabubuo ng iba't ibang hulwaran.
 May kahandaan sa pagbabasa at nasusuri ang akdang binasa.
 May mataas na antas ng pagtitiwala sa sarili.
 Itinuturing na karanasan at mapagkukunan ng karagdagang kaalaman ang hindi
mainam na resulta ng pagbabasa.

Mababasa sa talahanayan na ang di-mahusay na mambabasa ay nakauunawa


sa tekstong binabasa matapos niya itong paulit-uliting basahin samantalang ang
mahusay na mambabasa ay nakauunawa agad ng tekstong binabasa batay sa kanyang
naunang kaalaman. Ang di-mahusay na mambabasa ay gumagamit ng estratehiyang
pag-alala, pag uulit o simpleng pag uuri, samantalang ang mahusay na mambabasa ay
gumagamit ng pinagsama-samang estratehiya. Mababasa ring walang kahandaan sa
pagbabasa ang di-mahusay na mambabasa na kabaligtaran naman ng mahusay na
mambabasa sapagkat nagtataglay ito ng kahandaan sa pagbabasa at pagsusuri ng
akdang binasa Gayundin, mababasa sa talahanayan na ang di-mahusay na
mambabasa ay may mababang antas ng pagtitiwala sa sarili at isinisisi sa iba ang hindi
mainam na kinalabasan ng pagbabasa, samantalang ang mahusay na mambabasa ay
may mataas na antas ng pagtitiwala sa sarili at itinuturing na karanasan at
mapagkukunan ng karagdagang kaalaman ang hindi mainam na resulta ng ginawang
pagbabasa.

Iba't ibang Estratehiya sa Interaktibong Proseso ng Pagbasa

Sa ilalim ng interaktibong proseso ng pagbasa, gumagamit ang mahusay na


mambabasa ng iba't ibang estratehiya bago magbasa, habang nagbabasa, at
pagkatapos magbasa ayon kay Mackenzie. Mababasa ang iba't ibang estratehiyang ito
na makikita sa ibaba:

Bago magbasa:
pagbibigay ng paunang kahulugan
paunang pagtingin (previewing)
pagtatakda ng layunin sa pagbabasa
paggamit ng sariling kaalaman
pagsasagawa ng panlahatang hinuha

Habang nagbabasa:
pagbubuo ng kahulugan
pagsusuri at pagbabago sa mga hinuha
pag-uuri at pagkilala
pagpapanatili ng pang-unawa
paggamit ng mga estratehiyang pampuno
pagbasa nang tuluy-tuloy

Pagkatapos magbasa:
muling pagsasaayos ng kahulugan
muling paglalahad ng nabasa
paglalagom ng nabasa
pagsusuri ng nabasa

Ang mga estratehiyang ito ay magkakaugnay kaya hindi maaaring isagawa nang
magkakahiwalay. Wala ring tiyak na pagkakasuno-suno ang mga ito at hindi marapat na
maging dalubhasa sa iisa lamang. Ang mga estratehiyang ito ay higit na mabisa kung
sama-samang gagaman na mambabasa.

Bago Magbasa

Pagbibigay ng Paunang Kahulugan


Bago magsimulang magbasa, ang mahusay na mambabasa ay nagsasagawa ng
iskiming at/o iskaning sa akdang babasahin Kasama ng mga litaw na datos tulad ng
larawan o grapikong ilustrasyon, bumubuo siya ng kanyang paunang kahulugan ukol
dito

Paunang Pagtingin (previewing)


Mahalaga ang gawaing ito sapagkat nakatutulong ito sa mambabasa upang
makabuo ng paunang kahulugan. Maaaring isagawa ang estratehiyang ito nang
mabilisan upang makabuo ng pangkalahatang ideya sa akda o dahan-dahan upang
makabuo ng higit na detalyadong ideya. Maaaring gamitin ang sumusunod na pahayag
at punan ng tamang datos upang maisagawa ang paunang pagtingin sa isang teksto of
akda:

Ang titulo ng tekso ay

______________________________________________________. Batay nito, ang May teksto ay


tungkol __________________________________. May sa larawan sa pahina_________ at napansin
kong bahagi ng larawan ang _______________________ kaya nakatitiyak akong ang teksto ay ukol sa

Pagtatakda ng Layunin sa Pagbabasa


Ang may saysay na pagbabasa ay hindi maaaring isagawa nang walang layunin
Naiimpluwensyahan ng layuning ito ang pipilling estratehiya ng mambabasa. Nararapat
ding ang layunin sa pagbabasa ay binuo ng mambabasa batay sa kanyang kagustuhan
upang higit na magkaroon ng interaksyon ang kanyang diwa at ang tekstong kanyang
babasahin at magresulta sa higit na pag-unawa sa teksto.
May tatlong tanong na maaaring makatulong upang makabuo ng mayamang
layunin ang mambabasa :
Tungkol saan ang teksto?
Anong uri ito ng teksto?
Bakit ko binabasa ang teksto ito?
Paggamit ng Sariling kaalaman
Higit na mabilis at mabisa ang pang-unawa sa teksto kung uugnay sa sariling
kaalaman na maaaring nakaimbak o bago Maaari itong makuha mula sa pagbabasa ng
iba't ibang akda o makinig sa radyo manood ng telebisyon.
Pagsasagawa ng Panlahatang Hinuha
Pagbibigay ng palagay na maaaring lugnay sa iba pang teksto. Kailangang
isaisip ng mambabasang hindi magkakatulad ang kaalaman ng mga tao sa paligid kaya
marapat na matugunan ng mabubuo niyang palagay ang mga ito.

Habang Nagbabasa
Pagbubuo ng Kahulugan
Ang estratehiyang ito ang ganap na nagtatakda sa kahulugan ng tekstong
binabasa. Nararapat na habang nagbabasa ay nababatid ng mambabasa ang tiyak at
ispesipikong kahulugan ng tekstong binabasa.
Pagsusuri at Pagpapaunlad ng mga Hinuha
Ang binuong hinuha ng mambabasa bago magbasa ay sinusuri at pinagyayaman
katulong ang mga nakaimbak niyang kaalaman at mga datos sa teksto habang siya ay
nagbabasa. Pinag-uugnay niya ang kanyang mga naunang kaalaman at mga bagong
kaalaman mula sa tekstong binabasa upang masuri ang kanyang nauna nang binuong
palagay at mapaunlad ito kung matutuklasang di-naaayon sa tekstong kanyang
binabasa.
Maaaring gamiting gabay ang mga sumusunod na tanong upang ganap na
masuri ang hinuhang binuo:
Sa mga tekstong nagsasalaysay:

Ano ang mga pahiwatig ng tauhan upang masabi ang susunod niyang gagawin?
Batay sa mga kaganapan ng kuwento, ano ang maaaring susunod na pangyayari?
Sa mga kuwentong tulad nito, ano ang karaniwang nagaganap?

Sa mga tekstong nagpapabatid

Ano ang nababatid mo sa paksang ito na maaaring makatulong sa pagpapalagay mo sa


susunod na tatalakayin?
Batay sa mga katuwang na titulo (sub-heading), larawan o grapikong ilustrasyon, ano
ang ipinapabatid ng mga ito na maaaring maging batayan ng susunod na talakay?
Sa palagay mo, bakit sinulat ng may-akda ang bahaging ito? Batay sa iyong sagot, ano
kaya ang susunod na tatalakayin ng may-akda?

Pag-uuri at Pagkilala

Ang mahuhusay na mambabasa ay gumagamit ng mga nakaimbak na kaalaman


upang makita sa kanilang balintataw ang larawan ng lugar, pangyayari, o maging ng tao
na tinatalakay ng teksto. Gumagamit din sila ng mga nauna ng kaalaman upang higit na
maunawaan ang talakay. Sa paggamit nila ng mga nakaimbak o nauna ng kaalaman,
inuuri nila at kinikilala ang mga bagong kaalaman na nababasa nila sa teksto.

Pagpapanatili ng Pang-unawa

Napapanatili ng isang mahusay na mambabasa ang kanyang pang unawa sa


tekstong binabasa kung ang buong atensyon at konsentrasyon niya ay nakaukol
lamang sa akdang binabasa. Sa pagtutuon ng kanyang atensyon at konsentrasyon sa
binabasa, maaari siyang gumamit ng mga estratehiyang tulad ng paglalahad ng mga
sariling likhang katanungan na sasagutin niya habang nagbabasa, pagpapayaman ng
hinuha batay sa mga datos na nababasa paglalahad muli at pagbibigay-linaw sa mga
nababasang talakay Kailangan ding alalahanin ng mambabasa ang kanyang layunin sa
pagbabasa upang mapanatili niya ang pang-unawa sa teksto.
Paggamit ng mga Estratehiyang Pampuno

May mga pagkakataon sa pagbabasa na nagkakaroon ng hindi maiiwasang


"lubak" sa daloy nito Maituturing nating sagwil sa daloy ng pagbabasa ang mga
sumusunod;
a. mga bagong salitang hindi pa nababatid ang kahulugan;
b. mga pangungusap o pahayag na hindi naaayon sa naunang kaalaman
c. mga talatang hindi wasto ang ugnayan kaya't walang linaw, at
d. walang ugnayan ang kabuuan ng teksto kaya't walang inilalahad na lisang
diwa.
Sa mga pagkakataong ito, gumagamit ang mahusay na mambabasa ng mga
estratehiyang pampuno sa panandaliang "pagkaputol ng kanyang pang-unawa sa
tekstong binabasa Hindi naman maituturing na ganap na siyang huminto sa pagbabasa
sa mga estratehiyang ito, bagkus ay panandaliang "pinababagal" lamang niya ang oras
sa pagbabasa Batay kina Collins at Smith (1980) kay Pitts (1983), ang mahuhusay na
mambabasa ay gumagamit ng mga sumusunod na estratehiya bilang pamuno;

 Huwag nang tuunan ng pansin kung maliit na suliranin lamang, ipagpatuloy na


lamang ang pagbabasa.
 Bagalan muna ang pagbabasa kung may kahirapang maunawaan ang bahaging
binabasa upang magkaroon ng sapat na panahon sa pag-unawa ng bahaging
ito.
 Ihuli ang paghuhusga o pagbibigay ng kongklusyon sa bahaging binabasa
 Maghinuha o magpalagay sa kahulugang nais iparating ng may akda sa
bahaging may suliranin at bigyan ito ng pagtitiyak sa wakas ng tekstong
binabasa.
 Muling basahin ang bahaging may suliranin at unawain ang kahulugan batay sa
panandang mababasa sa teksto
 Gumamit ng mga karagdagang sanggunian tulad ng diksyonaryo ensayklopidya
at iba pa.
 Magtanong sa higit na nakaunawa tulad ng guro o magulang.

Pagbasa nang Tuloy-tuloy

Ang mahuhusay na mambabasa ay nagbabasa nang tuloy-tuloy Nasiryon din


ang bilis ng kanilang ginagawang pagbabasa sa paraan at tayunin ng pagbabasa. Ayon
kina Irwin at Baker (1989), may takdang bilis sa pagbabasa ang bawat paraan at
layunin ng pagbabasa. Tingnan ang talahanayan:

Paraan ng Pagbabasa Layunin ng Pagbabasa Bilis ng Paraan ng


Pagbabasa
Iskaning Upang maghanap ng Mabilis na mabilis
tiyak na datos (Very Fast)
Paunang Pagtingin Upang mabatid ang
pangkalahatang
kahulugan ng teksto mula
sa pagtingin sa panimula, Mabilis (Fast)
mga pamaksang
pangungusap, o mga
larawan
Panlibang na Pagbabasa Upang malibang Katamtaman (Moderate)
Pampag-aaral na Upang maalala ang mga
Pagbabasa datos para sa isang Mabagal (Slow)
pagsusulit
Upang masuri at matasa
Kritikal na Pagbabasa ang teksto at Mabagal-bagal
makapagbigay ng (Moderately Slow)
reaksyon
Upang ganap na Ganap na Mabagal
Pagbabasang Analitikal maunawaan ang bawat (Very Slow)
detalye ng isang mahirap
na teksto tulad
halimbawa ng suliraning
pangmatematika

Pagkatapos Magbasa

Muling Pagsasaayos ng Kahulugan

Matapos magbasa, muling isasaayos ng mahusay na mambabasa ang naunang


kahulugang kanyang nabuo ukol sa teksto upang maging tiyak at pangwakas

Muling Paglalahad ng Nabasa

Ang tiyak na kahulugang nabuo ng mahusay na mambabasa ay muling ilalahad


sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na kaganapan o talakay mula sa tekstong
nabasa Ang mga tiyak na kaganapan o talakay na ito ang nagpapaliwanag sa nabuong
kahulugan ng mambabasa Sa estratehiya ring ito, nauuri ng mambabasa ang opinyon
at ang katotohanan sa mga talakay o kaganapan mula sa binasang akda.

May iba't ibang paraan kung paano muling mailalahad ang nabasa:

 Pasalita
 Pasulat
✓ Paguhit (Drawing)
✓ Paarte (Roleplaying)

Paglalagom ng Nabasa

Ang paglalagom ng nabasa ay ang pagpapaikli ng nabasa nang hindi ginagamit


ang mga orihinal na salita ng may-akda subalit napananatili ang orihinal na diwa ng
binasang teksto Nagagawa ito ng isang mahusay na mambabasa sapagkat ganap
niyang naunawaan ang kahulugan ng tekstong binasa.

Pagsusuri ng Nabasa

Ang gawaing ito ang nag-uuri sa mga datos ng teksto bilang opinyon o
katotohanan, nagtitiyak sa layunin ng teksto, nag uuri sa akda bilang likhang-isip o
reyalidad, nagtatasa sa balidad ng datos, at nagsasaad ng tiyak, malinaw at patas na
paghuhusga mula sa mambabasa.

Metakognitibong Pagbasa

Ang metakognisyon ay mahalagang aspekto sa mahusay at epektibong


Bagbabasa Ito ang kakayahang pagkognitibo ng isang indibidwal na maunawaan,
makontrol at magamit ang karunungan sa kanyang sariling pag isip.
Unang nakilalang sangkot sa pagbabasa ang metakognisyon noong 1978 sa
pananaliksik nina Myers at Paris na ukol sa kaalamang metakognitibo ng mga
kabataan at ang kanilang kakayahan sa pagbabasa. Ang pag-unlad ng metakognisyon
mula sa sikolohiyang kognitibo sa edukasyonal na kognitibo sa edukasyon sa
pagbabasa ay naganap unti-unti At nakita sa mga naunang pananaliksik na ang
pagsusuring verbal protocol gamit ang pagsusuring metakognitibo ay ang kinikilala natin
ngayong proseso ng pagbabasa.
Sa pag-aaral nina Pressley at Afflerbach (1995) ukol sa pag-uugali ng mga
mahuhusay na mambabasa, natuklasan nilang ang mahuhusay at mga dalubhasang
mambabasa ay gumamit ng iba't ibang metakognitibong estratehiya bago habang at
pagkatapos ng kanilang pagbabasa upang higit nilang maunawaan ang mga tekstong
kanilang binabasa. Ang ganitong pag uugali ang nakatulong sa mga mahuhusay na
mambabasa upang makabuo ng kahulugan habang nagbabasa, masuri ang teksto, at
mapag-ugnay ang naunang kaalaman at mga karanasan. Natuklasan din nilang
awtomatiko itong ginagawa ng mga nasabing mambabasa, hindi sinasadyang paggamit
ng mga estratehiyang metakognitibo bago magbasa, habang nagbabasa at pagkatapos
magbasa upang ganap na maunawaan ang tekstong kanilang binabasa/binasa
(Laberge at Samuels 1974).

Ang mga estratehiyang metakognitibo ay nagpapataas ng kakayahan ng


mambabasa sa pagbubuo ng kahulugan ng teksto, pagsusuri nito at pag-unawa sa
pagbabasa, at sa pagtatasa ng tekstong kanilang binabasa. Ang may kakayahang
metakognitibong mambabasa ay ang mambabasang nakakikilala sa naaayon at
nararapat na kaalaman, mga hakbanging dapat sundin at pagkokontrol sa proseso ng
pagbabasa. Ginagamit nila ang kaalamang ito upang higit na mapahusay ang kanilang
kakayahang magbasa at kakayahang umunawa ng mga tekstong binabasa.

Mga Uri ng mga Estratehiyang Metakognitibo

Ang mga estratehiyang metakognitibo ay maaaring hatiin sa tatlong mga


estratehiya sa pagpaplano, mga estratehiya sa pagpapanatili (monitoring), at mga
estratehiya sa pagsusun (Pressley at Afflerbach 1995).

Ang mga Estratehiya sa Pagpaplano

Ang mga estratehiya sa pagpaplano ay isinasagawa ng mambabasa bago ang


pagbabasa at upang mapataas ang antas ng pang unawa sa tekstong babasahin Ang
mga sumusunod ay ang mga estratehiyang ito:

 paggamit ng naunang kaalaman


 paunang pagtingin sa mga impormasyon sa teksto
 pag uugnay ng teksto sa iba pang teksto
 pag-uugnay ng teksto sa sarili

Ang mga Estratehiya sa Pagpapanatili

Ang mga estratehiya sa pagpapanatili ay isinasagawa habang nagbabasa upang


mapanatili ang atensyon at konsentrasyon ng mambabasa sa tekstong binabasa,
gayundin, upang mapanatili ang pagbuo ng kanyang kahulugan Ang mga sumusunod
ang mga estratehiyang ito:

 pag aalam sa kahulugan ng salita


 pagtatanong
 pagmumuni-muni
 pagpapanatili ng pang-unawa
 pagbubuod o paglalagom
 paghahanap ng mahahalagang impormasyon

Ang mga Estratehiya sa Pagsusuri

Isinasagawa naman ang mga estratehiya sa pagsusuri pagkatapos magbasa


upang matasa ang binasang teksto, kognitibo o apektibo mang 8
Ilagay
paghuhusga ang isasagawa. Ang mga sumusunod ang mga estratehiyang ito:
 pag-iisip tulad ng manunulat
 pagsusuri ng teksto
 paghahanda sa paggamit ng kaalaman

Tatlong Gampanin ng Metakognisyon

May tatlong pangunahing gampanin din ang metakognisyon: pangkarunungan,


panghakbangin, at pantagaganap (Flavell 1979), Ang gampaning pangkarunungan ay
nauukol sa pag-unawa sa mga kasanayan at estratehiya ng metakognisyon kung paano
isasagawa ang mga estratehiya upang maging kasanayan ang nilalaman naman ng
gampaning panghakbangin At ang kabatiran kung kailan dapat at paano isasagawa
nang mahusay ang isang tiyak na estratehiyang pangmetakognisyon ang taglay naman
ng gampaning pantagaganap.

Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng tiyak na halimbawa ng pag uugal


kasanayan o pagkilos ng mga mag-aaral sa bawat pagtugon sa gampanin ng
metakognisyon.

Kasanayan, Pag-uugali o Pagkilos ng mga Mag-aaral sa Bawat Gampanin


ng Metakognisyon

Nababatid gagamitin ng mag-aaral ang mga


estratehiyang gagamitin

Nakahandang punuan ng mag-aaral kung pagkabalam


Gampaning
sa pag-unawa sa teksto
Pangkarunungan
Nababatid ng mag-aaral ang tamang kaasalan sa
pagbabasa

Nauunawaan ng mag-aaral ang mga gawain sa


pagbabasa at ang nararapat na kakayahang
pangkognitibo upang maproseso ang teksto
Nauunawan ng mag-aaral kung paano isasagawa ang
iba't ibang estratehiyang sangkot

Isinasagawa ng mag-aaral ang estratehiyang


Gampaning makatutulong sa matagumpay na pagsasagawa ng
Panghakbangin Gampaning Panghakbangin Gawain

Naimomodelo ng mag-aaral ang mga estratehiya para


sa ibang mag-aaral

Nauunawaan ng mag-aaral kung kailan at paano


isasagawa nang mahusay ang isang tiyak na
estratehiya
Gampaning
Pantagaganap Naisasagawa ng mag aaral ang naaangkop na
estratehiya

Napapanatili ng mag-aaral ang gamit ng estratehiya

Naipaliliwanag ng mag aaral kung anong estratehiya


ang kanyang gamit at bakit ito ang kanyang ginagamit
.

You might also like